rss
twitter
    Ako ay sundan. Follow me, follow me. Falalalala
Ang mga pahina sa blog na ito ay maaaring naglalaman ng mga imahe at katagang di angkop sa mga batang mambabasa. Rated R ito, mga Kaechos! Patnubay ng magulang ay kailangan. Chos! Kung nagtataka kang bakit Echoserita ang pangalan nito, basahin ito.

Modus Ng [Mga] Kawatan

deal or no deal logoHindi ko naman sinasadyang 'di mabayaran ang dalawang piraso ng ballpen pero bakit parang ang tingin sa akin ng mga tao ay totoong kawatan ako?

Minsan kasi rumampa ang inyong mahal na reyna—kasama ang balahurang reyna ng ibayong kaharian, si Makoy, at isang muchacha, si John—sa isang local supermarket. Isang supermarket sa aming bayan na unique sa kadahilanang ang mga bilihing hindi nakikita sa naglalakihang malls dini ay dito “daw” nabibili sabi ng balahurang Makoy.

Walang katuturan… gaya na lang ng iba pa niyang pinagsasabi.

Naunang pumasok ang bakla sa grocery. Sumunod kami ni John. Pagbungad ko pa lang sa may entrance, binara na ako ng guard.

Akala ko hindi na niya ako papapasukin. Naging paranoid tuloy ako at naisip na baka may national information exchange system ang mga malls at supermarket tungkol sa mga kawatan ng kanilang stores.

Alam kong inosente ako. Pero 'di ko maiwasahang kabahan. Mukha ba akong magnanakaw?

“Sir, check ko muna bag niyo.”

Gusto ko siyang pagsabihan na dapat “mademoiselle” ang dapat niyang i-address sa akin. Pero ‘di ko na ginawa, baka magkabuhol-buhol lang ang dila niya.

Gusto ko ring pagalitan siya ng "You should pay respect to a goddess!" pero ayokong magskandalo.

Kaya binuksan ko na lang ang aking mamahaling bag. Ang bag kong Hermes. Ito siya.

i'm a plastic bag but you can always reuse me, idiots
"Sir, kelangan niyo pong iwan ang bag niyo sa counter."

"Paano ang laptop?"

"Dalhin niyo po, Sir."

Gusto kong makipagdebate pero I thought better of it. As a beauty titlist I should be as congenial as possible to everyone.

Pero sa likod ng aking diwa (English translation: at the back of my mind), gusto ko ng magmura.

Lintik, nagdala ako ng bag para may paglagyan ng laptop tapos papasok ako ng grocery na bitbit-bitbit yun? Ano pa ang silbi ng bag? Taena!

Eh clumsy pa naman ang kamay ko, baka mahulog pa ang Mac ko. Mamahalin to! Limited edition 'to no!

apple styrofoam laptop
At dahil nga ayoko na lang makipag-away, nag-walk out na lang ako, sabay sabi kay John, "Ikaw na lang ang sumama kay Makoy. Badtrip! Ang dyahe namang bibitbitin ko 'tong laptop."

Pero 'di na rin sumama ang John sa naunang Makoy. Opkors, kung ganda lang, dagdagan pa ng magandang hubog ng katawan, sigurado akong mas pipiliin niyang pagsilbihan ako kesa sa reyna ng kabalahuraan.

Chos!

"Uwi na lang ako, nabadtrip na ako sa guard. Knowing my arms' built, ang bigat naman kaya kung bitbit-bitbit ko ang laptop diyan sa grocery. Bwesit!" ang siyang naging text ko sa Makoy.

Umuwi na rin si John. Kitams? Kahit 'di ako ang amo niya sa akin siya sumusunod. Ang ganda ko lang talaga!

At dahil sa nangyari, tuloy napaisip ako ito na kaya ang karmang balik sa akin gawa ng dalawang ballpen? 'Di kaya dahil sa national information exchange system nila ay naipalaganap na sa lahat ng tindahan na bawal na akong papasukin?

xoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxo

(Paalala: Ang mga xoxo sa itaas ay hindi hugs and kisses. Tanga! Line break lang yan!)

Kung kawatan naman na akong maituturing, well lulubusin ko na lang!

Isang araw, nagtext sa akin ang balahurang bespren ko. "We should go out."

"Like where, madam?"

"The usual, mall. As if may iba pang magandang galaan dito? So bored here."

At nagkita kami sa mall na ninakawan nanakawan ko ng dalawang ballpen.

Pinapasok naman ako. Walang bumara sa akin. It's either hindi pa ako naisasama sa Wanted List sa national information exchange system ng mga mall o dahil nagbibigay pugay lang sila sa nag-iisang diyosa.

Chos!

Napagkasunduan naming maglaro sa T_m_Z_n_. Fill in the blanks na lang; hindi naman nila ako binayaran para iplug ko ang brand nila dito sa sikat at celebrated blog ko no!

Chos uli!

Una naming nilaro ang air hockey. Dahil nagkaaberya ang laro, nakaisang libreng laro kami. Pero dahil sumakit ang isang daliri ko gawa ng pagtama ng hockey disc, humanap kami ng ibang mapaglalaruan.

Habang ako ay abala sa pagpili ng magandang arcade, ang bruha abala naman sa kakatitig sa isang ombreng naglalaro ng baril-barilan.

"Gusto kong magpabaril sa kanya, Dess. Gusto kong putukan niya ako," aniya ng bruha.

"Malandi ka!" sagot ko sa kanya. "Just be a good girl, let's just play and have fun, and you'll get your reward later. I'll get his number for you. Do we have a deal?"

Mabilis na tumango ang bruha. "Basta ha, pagkatapos natin dito dapat may number na niya ako."

"Opo, Miss Minchin."

And so naglaro na kami ng all-time favorite naming Deal or No Deal.

deal or no deal game arcade(Si Miss Minchin after the holidays at Princess Sarah Crewe. How sweet!)

(Note: not the actual arcade and definitely not the actual persons. Hello? Ang layo kaya!)

First game ng Deal or No Deal nagdouble deal kami. Dalawang swipe, 40 pesos. Win up to 400 tickets. Siyempre, gahaman kami, kaya go for gold!

Unang briefcase na binuksan, minalas na agad.

"Ito na ata ang karma ng kalandian mo," pasaring ko.

Hanggang sa naubos ang briefcases at dalawa na lang ang natira. We were playing a matter of two amounts na napakababa.

And then suddenly nawalan ng kuryente ang mall.

"Arrrggghh," ang reklamo ng mga tao sa paligid.

Pagkabalik ng ilaw, pinuntahan namin ang cashier.

"Miss, panu 'yon? Double deal pa naman 'yung sa amin?"

Pinuntahan ng lalakeng crew ang arcade namin, binuksan ang loob at nagpindot ng mga kung anu-ano and then poof! He became Koko Crunch!

Char lang! Ayun, balik laro kami ng double deal. Imbis na mga halagang 12 at 14 ang natirang pinaglalabanan namin kanina lang, this time maswerte na. 10 at 400 na!

Naging tense ang laro. Parang totohanang Deal or No Deal lang.

"Miss Kris, nagpunta kami dito para maging masaya. Epokrito naman kami kung sasabihin naming hindi namin kailangan ang ticket. Wala kaming paki sa ticket, oo. Pero may paki kami na maramdaman yung feeling na nanalo ka, alam mo yon?" ang naging litanya ng bakla.

And like true beauty queens vying for the title and 1st runner-up position, naghawak kamay kaming dalawa. Ang vading lang talaga!

"Deal na natin, te!" sabi ng bakla.

"'Wag! 400 yan! Ako ang pumili ng briefcase na yan. Trust me," wika ko.

"Sayang kung diyes ang makukuha natin. At least 205 ang mapapanalunan natin kung Deal natin. 'Wag na maging gahaman. This world is already full of the greedy, let's not be one of them, for I believe in the saying 'Love makes the world go round,' kaya love, love, love na lang. Deal na tayo, madam!"

"Ang dami mong sinasabi. Sige na nga."

At itinaas ko ang aking kanang kamay. "Sa kapangyarihan ng araw!"

Sumunod namang itinaas ng bakla ang kanang kamay. "Sa kapangyarihan ng buwan!"

At kahit kulang kami ng isang miyembrong sisigaw din sana ng "Sa kapangyarihan ng puso!" sabay kaming ngtransform.

starla and the jewel riders
At sabay rin naming pinindot ang Deal button.

Dahan-dahang lumabas ang 205 tickets.

timezone 205 tickets
Habang isa-isang lumabas ang tickets, sabay naming kinanta ang aming theme song.



"O 'di ba, may suwerteng dala ang black-out. Naisalba tayo sa pangit nating laro kanina." aniya ng bakla. "Yahoo!"

Dahil sa galak at tuwang naramdaman, naglaro pa uli kami ng double deal. Pero 'di na naging maganda ang mga sumunod na laro. Kaya tigil na muna sa double deal, sayang lang ang pera. Tig-iisang swipe na lang muna.

Pero 'di pa rin kalakihan ang mga napanalunan. Pero laro pa rin kami ng laro. Nagbabaka-sakali.

Nang biglang namatay ang arcade namin. Wala namang power failure uli; in fact, sa amin lang yung namatay.

"Puntahan mo nga ang cashier. Tapos sabihin mong double deal yung sa atin, go!" utos ng punyeta.

"Bruha!"

At tumungo na ako ng cashier at ipinaalam sa kanya ang nangyari.

Maya-maya pinuntahan kami ng crew sa aming arcade. Nakita niyang hindi pa napuputol ang mga tickets na niluwa ng makina.

"Nahinto ba yung paglabas ng tickets, sir? Mga ilang tickets po ba ang napanalunan ni'yo?"

"Ay miss, hindi. Yung laro lang, nahinto, namatay kasi bigla," sabi ko.

"Double deal ba yun, sir?"

"Hindi, single lang."

At gaya ng ginawa ng lalakeng crew kanina, binuksan niya ang makina, may mga pinindot, and then poof... Alam mo na ang sumunod. She became Koko Crunch!

Bumalik na siya sa kanyang post.

"Dapat sinabi mong nahinto ang paglabas ng tickets. Say, nanalo tayo ng 400. At sana sinabi mong nakadouble deal din tayo. Ano ka ba, ang hina mo!"

"Gagawin mo pa akong sinungaling, ganun?"

"Hindi naman bagay sa hitsura mong magpakahonest."

"Ah ganun? Sige, kalimutan na lang ang number ni kuya sa kabila? Gusto mo pa atang angkinin ang tickets na 'di naman natin napanalunan. Kawatan!"

"Ikaw kaya. Gusto mo isumbong kita sa ninakaw mong ballpens?"

"Excuse me, magkaiba ang ninakaw sa nanakaw. Tse!"

At dahil naging abala ang dalawang beki sa sagutan, hindi na nila namalayang umalis na pala ang boylet na gusto ni Miss Minchin.

Ang moral lesson? 'Wag maging gahaman para ang gustong lalake ay matikman.

Chos!

At bilang babala sa publiko, lalo na sa may mga computer arcades: Mag-ingat sa mga kawatang ito. Modus nila ang kunwaring nasira ang nilalaro para lang makarami ng tickets. Kung maispatan niyo ang mga mukhang ito, ipag-alam po agad sa kinauukulan. Huwag maging biktima.

anne curtis nude and naked, angel locsin nude and naked
Happy New Year mga ka-echos! Huli man ay maganda pa rin ako!

Tse!


Basahin ang kabuuan...