rss
twitter
    Ako ay sundan. Follow me, follow me. Falalalala
Ang mga pahina sa blog na ito ay maaaring naglalaman ng mga imahe at katagang di angkop sa mga batang mambabasa. Rated R ito, mga Kaechos! Patnubay ng magulang ay kailangan. Chos! Kung nagtataka kang bakit Echoserita ang pangalan nito, basahin ito.

Ang Tunay na Idolo

Related Stories Widget by LinkWithin

american idol logo
May huling hatol na kung sino ang American Idol Season 11 winner.

 May iba masaya sa naging resulta.

 May iba, nagprotesta.

 Sa ganang akin, wala akong paki kung sino man ang nanalo, kung sino ang natalo.

 No big deal. I really couldn't care less.

Chos!

Pero 'di ko akalaing gugulantangin ako ng American Idol season na 'to: LUMUTANG ANG TUNAY NA IDOLO.

Sino siya? Sino ang tunay na idolo?

Nang dumating ang panahong pabagsak na ang kursong Nursing, kami ng mga kasamahan kong mga clinical instructors sa kolehiyo ng Nursing sa isang paaralan sa bayan ng Gapo ay dahan-dahan nang naghanap ng iba pang alternatibo para maitawid ang pang-araw-araw na gastusin at, sa kaso ng inyong lingkod, para may pangsustento sa mga boylets.

Char!

Bago pa man matapos ang akademikong taon na 2010-2011, si Ursula nauna ng sumubok ng alternatibo. 

(Kung hindi niyo pa po siya kilala, akin po siyang itinampok sa lathalaing ito.)

Hindi na nagpakita si Ursula sa huling buwan, sa buwan ng pagtatapos ng school year. Tumungo siyang Cagayan de Oro para mamalagi doon at mag-aral ng Dutch at Flemish for 6 months.

Mag-aabroad siya bilang nurse sa Belgium.

Sushal!

Hindi na siya dumalo ng graduation ng mga fourth year students namin that time. Missing in action na ang lola. Pero mabuti na din yun. Walang bruha in the vicinity. How cruel of me!

Pero laking gulat ko ng mapanood ko ang judgment day ng American Idol. Nandun siya! Kumanta lang naman siya.

jennifer holliday, american idol season 11

At sinindak pa si Jessica!


jennifer holliday, jennifer sanchez, american idol season 11

Sinungaling ang bruha! Hindi pala Belgium ang target niya. American Idol pala!

Mahilig din kasing kumanta si Ursula. Sa kwarto namin noon, 'pag napapalakas ang mga tugtog ko, nakakarelate siya. Madami din siyang alam sa kanta. Halos lahat ng musika ko, nasasabayan niya, with full title of the song at artist pa. Kaya nagkakasundo kami pagdating sa kantahan. 

Malalim ang boses ng Ursula. Cavernous. Wolfish. Parang lalake.

Pero maraming naging hit songs ang Ursula sa aming paaralan.

Nung minsang kumanta siya sa aming Nursing Acquaintance Party, kasama ng isang lalakeng estduyante namin, ng kantang "Nobody Wants To Be Lonely" nawala ang mga parteng kay Christina Aguilera dapat: parang puro lalake na lang ang mga boses. At ang boses niya ay parang ungol na ng aso sa hatinggabi.

Minsan pa din, sa isa pang Acquaintance Party na ginanap at the seaside sa isang bar, kinanta niya ang "Hush, Hush (I Will Survive)" ng Pussycat Dolls.

Dahil 'di niya ganung memoryado ang kanta, nagdala siya ng kopya. Nilagay niya ito sa "lectern" ng banda. ('Di ko sigurado ano ang tawag dun, punyeta!)

At dahil nasa seaside nga, maya-maya nililipad ng hangin ang kopya niya. Habang kumakanta, hinahabol-habol niya ang lumilipad na papel at 'pag napapasakamay na, nilalagay uli sa lectern...

At ililipad na naman ng hangin, hahabulin naman niya, to the point na minsan dadapa na siya makuha lang ang kanyang kopya, at habang ginagawa niya yun, kung anu-anong salita na lang ang lumalabas sa bibig niya habang kumakanta. Kaya tawanan ang lahat. Naging comedy show na!

Ngunit ang lahat ng ito ay balewala kundi dahil sa isang kantang nagpasikat sa kanya.

Isang semester bago pa ako nagtrabaho sa pinagtrabahuan namin, sa kanilang naging acquaintance party, nagvolunteer ang bruha na mag-intermisyon. Kumanta siya.

Ang ingay-ingay daw ng convention center noon, dahil sa kanyang ungol-asong boses.

Pero nabigyan naman daw niya ng hustisya ang intermisyon. Lalung-lalo na ang title ng kinanta niya.

"Zombie" ng The Cranberries.

At simula nun ay nakilala na siya sa pagiging "Zombie". Rise to fame ang peg ng lola niyo.

Kaya kung nasa American Idol lang talaga siya, malamang wala ng season na susunod...

At ang theme song ng post na 'to? Anofava? Eh di "I'm Telling You I'm Not Going," dahil hanggang ngayon 'di pa rin nakakaalis ang Ursula patungong Belgium. Tsk tsk.