rss
twitter
    Ako ay sundan. Follow me, follow me. Falalalala
Ang mga pahina sa blog na ito ay maaaring naglalaman ng mga imahe at katagang di angkop sa mga batang mambabasa. Rated R ito, mga Kaechos! Patnubay ng magulang ay kailangan. Chos! Kung nagtataka kang bakit Echoserita ang pangalan nito, basahin ito.

Ang Tunay na Idolo

american idol logo
May huling hatol na kung sino ang American Idol Season 11 winner.

 May iba masaya sa naging resulta.

 May iba, nagprotesta.

 Sa ganang akin, wala akong paki kung sino man ang nanalo, kung sino ang natalo.

 No big deal. I really couldn't care less.

Chos!

Pero 'di ko akalaing gugulantangin ako ng American Idol season na 'to: LUMUTANG ANG TUNAY NA IDOLO.

Sino siya? Sino ang tunay na idolo?

Nang dumating ang panahong pabagsak na ang kursong Nursing, kami ng mga kasamahan kong mga clinical instructors sa kolehiyo ng Nursing sa isang paaralan sa bayan ng Gapo ay dahan-dahan nang naghanap ng iba pang alternatibo para maitawid ang pang-araw-araw na gastusin at, sa kaso ng inyong lingkod, para may pangsustento sa mga boylets.

Char!

Bago pa man matapos ang akademikong taon na 2010-2011, si Ursula nauna ng sumubok ng alternatibo. 

(Kung hindi niyo pa po siya kilala, akin po siyang itinampok sa lathalaing ito.)

Hindi na nagpakita si Ursula sa huling buwan, sa buwan ng pagtatapos ng school year. Tumungo siyang Cagayan de Oro para mamalagi doon at mag-aral ng Dutch at Flemish for 6 months.

Mag-aabroad siya bilang nurse sa Belgium.

Sushal!

Hindi na siya dumalo ng graduation ng mga fourth year students namin that time. Missing in action na ang lola. Pero mabuti na din yun. Walang bruha in the vicinity. How cruel of me!

Pero laking gulat ko ng mapanood ko ang judgment day ng American Idol. Nandun siya! Kumanta lang naman siya.

jennifer holliday, american idol season 11

At sinindak pa si Jessica!


jennifer holliday, jennifer sanchez, american idol season 11

Sinungaling ang bruha! Hindi pala Belgium ang target niya. American Idol pala!

Mahilig din kasing kumanta si Ursula. Sa kwarto namin noon, 'pag napapalakas ang mga tugtog ko, nakakarelate siya. Madami din siyang alam sa kanta. Halos lahat ng musika ko, nasasabayan niya, with full title of the song at artist pa. Kaya nagkakasundo kami pagdating sa kantahan. 

Malalim ang boses ng Ursula. Cavernous. Wolfish. Parang lalake.

Pero maraming naging hit songs ang Ursula sa aming paaralan.

Nung minsang kumanta siya sa aming Nursing Acquaintance Party, kasama ng isang lalakeng estduyante namin, ng kantang "Nobody Wants To Be Lonely" nawala ang mga parteng kay Christina Aguilera dapat: parang puro lalake na lang ang mga boses. At ang boses niya ay parang ungol na ng aso sa hatinggabi.

Minsan pa din, sa isa pang Acquaintance Party na ginanap at the seaside sa isang bar, kinanta niya ang "Hush, Hush (I Will Survive)" ng Pussycat Dolls.

Dahil 'di niya ganung memoryado ang kanta, nagdala siya ng kopya. Nilagay niya ito sa "lectern" ng banda. ('Di ko sigurado ano ang tawag dun, punyeta!)

At dahil nasa seaside nga, maya-maya nililipad ng hangin ang kopya niya. Habang kumakanta, hinahabol-habol niya ang lumilipad na papel at 'pag napapasakamay na, nilalagay uli sa lectern...

At ililipad na naman ng hangin, hahabulin naman niya, to the point na minsan dadapa na siya makuha lang ang kanyang kopya, at habang ginagawa niya yun, kung anu-anong salita na lang ang lumalabas sa bibig niya habang kumakanta. Kaya tawanan ang lahat. Naging comedy show na!

Ngunit ang lahat ng ito ay balewala kundi dahil sa isang kantang nagpasikat sa kanya.

Isang semester bago pa ako nagtrabaho sa pinagtrabahuan namin, sa kanilang naging acquaintance party, nagvolunteer ang bruha na mag-intermisyon. Kumanta siya.

Ang ingay-ingay daw ng convention center noon, dahil sa kanyang ungol-asong boses.

Pero nabigyan naman daw niya ng hustisya ang intermisyon. Lalung-lalo na ang title ng kinanta niya.

"Zombie" ng The Cranberries.

At simula nun ay nakilala na siya sa pagiging "Zombie". Rise to fame ang peg ng lola niyo.

Kaya kung nasa American Idol lang talaga siya, malamang wala ng season na susunod...

At ang theme song ng post na 'to? Anofava? Eh di "I'm Telling You I'm Not Going," dahil hanggang ngayon 'di pa rin nakakaalis ang Ursula patungong Belgium. Tsk tsk.


Basahin ang kabuuan...

Ang Maging Mabait na Babae o Hindi...

'Yan ang tanong.

Sa Ingles pa, To be a good girl or not, that is the question.

Chos!

Nitong mga araw kasi, parang naging boring na ang buhay ng inyong mahal na diyosa. Parang sagad na ata ang kabutihang pinapakita ko sa sangkatauhan dito sa lupa.

And I'm not enjoying it any more.

Super boring pala ang super mabait.

Gusto kong may spice naman ng konti ang buhay ko.

I wanna change my image.

Kaya, Ding! Ang bato!

Chos!

And so sinubukan ko ngang magbago ng katauhan, from good to bad. Anong sabi ng album ni Rihanna na "Good Girl Gone Bad?"

Isang gabi, dumaan ako sa isang sari-sari store sa harap ng hospital bago ako pumasok sa duty.

Isang malaking pakete ng biskwit at malaking tsitserya lang naman ang aking binili.

15 pesos at 25 pesos.

Isang daan ang inabot ko.

Nag-isip ang tindera for about a minute or two.

Antagal ng isang minuto. Nagmamadali ako nun.

Maya-maya 'di na ata kinaya ng kokote niya, kumuha na siya ng calculator.

Pero tila parang 'di pa niya alam kung anu-ano ang mga pipindutin.

Homaygash!

"Miss, kwarenta lahat. Bale sukli ko 60."

Dedma ang bruha. Para bang ako'y isang anino lang at 'di narinig.

Nag-isip pa rin kung tama ba ang pinindot-pindot niya.

Gusto ko ng magmura. Lintik, kasimpleng math kay tagal makalkula. May calculator na nga! Parang bangag si ate.

"Pota, amboba mo! Nagtindera ka pa!" ang gusto ko sanang isigaw ng malakas na malakas sa harap niya.

Napansin ata na umusok na ang tenga ko sa kakahintay, maya-maya sumaklolo ang kasamahan niyang diyosa baklita. Hay, buti na lang! Kundi ay baka nabato ko na si ateng ng aking bag.

Amboba talaga! She tried my patience.

Pero dun ko napagtantong hindi ko pala kayang kusang magbago ng image, from good to bad. Hindi kaya ng konsensiya ko. Maybe I was born a really good girl and die as one. I realized diyosa nga talaga ako. At hindi ko pinagsisihang bumaba ng lupa kahit labag sa aking mother diyosa.

Chos!

Binalalaan kasi ako ng Inang Diyosa na puro sakit at pighati lang daw ang madarama ko sa mundong ibabaw. At kung ako ay tuluyang pumarito sa lupa ay isusumpa niya ang aking tadhana.

Like, seriously, Mother?

Heller? Ikaw ba namang makita mo from the heavens above itong ombre sa kanyang pag-ihi, talagang bababa ka from the heaven to the earth.

sexy pinoy model nude and naked, masarap na titiKahit anorexic ako, I always have the appetite for them boys no!

At huwag niyong sabihing malandi ako, dahil aminin niyo nasasarapan din kayo sa kanya. Kahit nga baklang ngongo, may dila para sa kanya!

Hihihi. Ambastos niyo!

Kaso mo, pagbaba ko ng lupa, hindi lang pala siya ang masarap tikman tingnan. Marami pa pala sila!

sexy pinoy beach underwear on the beachPero nakakaumay pala ang same ol' boys. At dahil nga gusto ko ng magbago ng imahe, I want to have a bad boy who will teach me how to dougie be a bad girl. Yung tipong pagsasabihan ako ni Ateng Beyonce na "You've been a very bad girl. A very, very bad, bad girl, Echoserita!"

beyonce, lady gaga, telephone, bad girlAnsabe ni Lady Gaga?

Kaya naman, for this time gusto ko yung mga lalakeng maraming tattoo, notorious, yung tipong nambubugbog, humihithit ng shabu, cocaine o kahit na rugby kung 'di pasok sa budget niya. Gusto ko yung tipong kriminal. Pero on top of it all, siyempre, dapat masarap, yung pasok sa banga!

At siya na ata yun!

jason ivlerAt kakantahan niya ako nito.

I want it bad. I want a bad girl, baby, bad. I want a love that's crazy, yeah.

Matagal ko na siyang gusto!

jason ivlerAt habang kinakantahan niya ako, ito naman ang kanta ko para sa kanya. O di ba, may theme songs agad? Bongga!

I wanna be bad. You make bad so look so good.

At kakantahin kakantahan ko siya niyan wearing only my panty this!
kate winslet, heart of the oceanAnsabe ni Kate Winslet?

Tiyak mapapabad-finger si Papa Jason Ivler, and I won't complain. Kahit fifingerin pa niya ako. Hihi.

jason ivler bad finger, fuck you
At para kay Inang Diyosa, heto naman ang para sa iyo.

But mama I'm in love with a criminal and this type of love isn't rational, it's physical. Mama, please don't cry I will be alright. All reason aside I just can't deny, love the guy."

At kung magiging bad girl na nga ako, lahat kaya ko ng gawin. Mas magiging eksenadora na din ako. Gaya na lang ng ateng na ito.
gay basketball
Kaya sampu ng aking hukbong sandatahan, rarampa na ako tungo sa bilangguan at ng mapagserbisyohan ang lalakeng bubugbog sa bubot kong katawan mamayang gabi.

sexy girlsCome on, girls! Rampa na at maghanap na tayo ng Papa, nang sa ganun ay maibabalik ko na sa kalendaryo ang petsa ngayon. Shet!

no more valentines day february 14 on calendarTang-ina ka, kupido!

cupid's arrow, cupid struck with arrowYan, sapul! I'm a certified bad girl na. Marunong na akong pumatay! Yehey!


Basahin ang kabuuan...

Modus Ng [Mga] Kawatan

deal or no deal logoHindi ko naman sinasadyang 'di mabayaran ang dalawang piraso ng ballpen pero bakit parang ang tingin sa akin ng mga tao ay totoong kawatan ako?

Minsan kasi rumampa ang inyong mahal na reyna—kasama ang balahurang reyna ng ibayong kaharian, si Makoy, at isang muchacha, si John—sa isang local supermarket. Isang supermarket sa aming bayan na unique sa kadahilanang ang mga bilihing hindi nakikita sa naglalakihang malls dini ay dito “daw” nabibili sabi ng balahurang Makoy.

Walang katuturan… gaya na lang ng iba pa niyang pinagsasabi.

Naunang pumasok ang bakla sa grocery. Sumunod kami ni John. Pagbungad ko pa lang sa may entrance, binara na ako ng guard.

Akala ko hindi na niya ako papapasukin. Naging paranoid tuloy ako at naisip na baka may national information exchange system ang mga malls at supermarket tungkol sa mga kawatan ng kanilang stores.

Alam kong inosente ako. Pero 'di ko maiwasahang kabahan. Mukha ba akong magnanakaw?

“Sir, check ko muna bag niyo.”

Gusto ko siyang pagsabihan na dapat “mademoiselle” ang dapat niyang i-address sa akin. Pero ‘di ko na ginawa, baka magkabuhol-buhol lang ang dila niya.

Gusto ko ring pagalitan siya ng "You should pay respect to a goddess!" pero ayokong magskandalo.

Kaya binuksan ko na lang ang aking mamahaling bag. Ang bag kong Hermes. Ito siya.

i'm a plastic bag but you can always reuse me, idiots
"Sir, kelangan niyo pong iwan ang bag niyo sa counter."

"Paano ang laptop?"

"Dalhin niyo po, Sir."

Gusto kong makipagdebate pero I thought better of it. As a beauty titlist I should be as congenial as possible to everyone.

Pero sa likod ng aking diwa (English translation: at the back of my mind), gusto ko ng magmura.

Lintik, nagdala ako ng bag para may paglagyan ng laptop tapos papasok ako ng grocery na bitbit-bitbit yun? Ano pa ang silbi ng bag? Taena!

Eh clumsy pa naman ang kamay ko, baka mahulog pa ang Mac ko. Mamahalin to! Limited edition 'to no!

apple styrofoam laptop
At dahil nga ayoko na lang makipag-away, nag-walk out na lang ako, sabay sabi kay John, "Ikaw na lang ang sumama kay Makoy. Badtrip! Ang dyahe namang bibitbitin ko 'tong laptop."

Pero 'di na rin sumama ang John sa naunang Makoy. Opkors, kung ganda lang, dagdagan pa ng magandang hubog ng katawan, sigurado akong mas pipiliin niyang pagsilbihan ako kesa sa reyna ng kabalahuraan.

Chos!

"Uwi na lang ako, nabadtrip na ako sa guard. Knowing my arms' built, ang bigat naman kaya kung bitbit-bitbit ko ang laptop diyan sa grocery. Bwesit!" ang siyang naging text ko sa Makoy.

Umuwi na rin si John. Kitams? Kahit 'di ako ang amo niya sa akin siya sumusunod. Ang ganda ko lang talaga!

At dahil sa nangyari, tuloy napaisip ako ito na kaya ang karmang balik sa akin gawa ng dalawang ballpen? 'Di kaya dahil sa national information exchange system nila ay naipalaganap na sa lahat ng tindahan na bawal na akong papasukin?

xoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxo

(Paalala: Ang mga xoxo sa itaas ay hindi hugs and kisses. Tanga! Line break lang yan!)

Kung kawatan naman na akong maituturing, well lulubusin ko na lang!

Isang araw, nagtext sa akin ang balahurang bespren ko. "We should go out."

"Like where, madam?"

"The usual, mall. As if may iba pang magandang galaan dito? So bored here."

At nagkita kami sa mall na ninakawan nanakawan ko ng dalawang ballpen.

Pinapasok naman ako. Walang bumara sa akin. It's either hindi pa ako naisasama sa Wanted List sa national information exchange system ng mga mall o dahil nagbibigay pugay lang sila sa nag-iisang diyosa.

Chos!

Napagkasunduan naming maglaro sa T_m_Z_n_. Fill in the blanks na lang; hindi naman nila ako binayaran para iplug ko ang brand nila dito sa sikat at celebrated blog ko no!

Chos uli!

Una naming nilaro ang air hockey. Dahil nagkaaberya ang laro, nakaisang libreng laro kami. Pero dahil sumakit ang isang daliri ko gawa ng pagtama ng hockey disc, humanap kami ng ibang mapaglalaruan.

Habang ako ay abala sa pagpili ng magandang arcade, ang bruha abala naman sa kakatitig sa isang ombreng naglalaro ng baril-barilan.

"Gusto kong magpabaril sa kanya, Dess. Gusto kong putukan niya ako," aniya ng bruha.

"Malandi ka!" sagot ko sa kanya. "Just be a good girl, let's just play and have fun, and you'll get your reward later. I'll get his number for you. Do we have a deal?"

Mabilis na tumango ang bruha. "Basta ha, pagkatapos natin dito dapat may number na niya ako."

"Opo, Miss Minchin."

And so naglaro na kami ng all-time favorite naming Deal or No Deal.

deal or no deal game arcade(Si Miss Minchin after the holidays at Princess Sarah Crewe. How sweet!)

(Note: not the actual arcade and definitely not the actual persons. Hello? Ang layo kaya!)

First game ng Deal or No Deal nagdouble deal kami. Dalawang swipe, 40 pesos. Win up to 400 tickets. Siyempre, gahaman kami, kaya go for gold!

Unang briefcase na binuksan, minalas na agad.

"Ito na ata ang karma ng kalandian mo," pasaring ko.

Hanggang sa naubos ang briefcases at dalawa na lang ang natira. We were playing a matter of two amounts na napakababa.

And then suddenly nawalan ng kuryente ang mall.

"Arrrggghh," ang reklamo ng mga tao sa paligid.

Pagkabalik ng ilaw, pinuntahan namin ang cashier.

"Miss, panu 'yon? Double deal pa naman 'yung sa amin?"

Pinuntahan ng lalakeng crew ang arcade namin, binuksan ang loob at nagpindot ng mga kung anu-ano and then poof! He became Koko Crunch!

Char lang! Ayun, balik laro kami ng double deal. Imbis na mga halagang 12 at 14 ang natirang pinaglalabanan namin kanina lang, this time maswerte na. 10 at 400 na!

Naging tense ang laro. Parang totohanang Deal or No Deal lang.

"Miss Kris, nagpunta kami dito para maging masaya. Epokrito naman kami kung sasabihin naming hindi namin kailangan ang ticket. Wala kaming paki sa ticket, oo. Pero may paki kami na maramdaman yung feeling na nanalo ka, alam mo yon?" ang naging litanya ng bakla.

And like true beauty queens vying for the title and 1st runner-up position, naghawak kamay kaming dalawa. Ang vading lang talaga!

"Deal na natin, te!" sabi ng bakla.

"'Wag! 400 yan! Ako ang pumili ng briefcase na yan. Trust me," wika ko.

"Sayang kung diyes ang makukuha natin. At least 205 ang mapapanalunan natin kung Deal natin. 'Wag na maging gahaman. This world is already full of the greedy, let's not be one of them, for I believe in the saying 'Love makes the world go round,' kaya love, love, love na lang. Deal na tayo, madam!"

"Ang dami mong sinasabi. Sige na nga."

At itinaas ko ang aking kanang kamay. "Sa kapangyarihan ng araw!"

Sumunod namang itinaas ng bakla ang kanang kamay. "Sa kapangyarihan ng buwan!"

At kahit kulang kami ng isang miyembrong sisigaw din sana ng "Sa kapangyarihan ng puso!" sabay kaming ngtransform.

starla and the jewel riders
At sabay rin naming pinindot ang Deal button.

Dahan-dahang lumabas ang 205 tickets.

timezone 205 tickets
Habang isa-isang lumabas ang tickets, sabay naming kinanta ang aming theme song.



"O 'di ba, may suwerteng dala ang black-out. Naisalba tayo sa pangit nating laro kanina." aniya ng bakla. "Yahoo!"

Dahil sa galak at tuwang naramdaman, naglaro pa uli kami ng double deal. Pero 'di na naging maganda ang mga sumunod na laro. Kaya tigil na muna sa double deal, sayang lang ang pera. Tig-iisang swipe na lang muna.

Pero 'di pa rin kalakihan ang mga napanalunan. Pero laro pa rin kami ng laro. Nagbabaka-sakali.

Nang biglang namatay ang arcade namin. Wala namang power failure uli; in fact, sa amin lang yung namatay.

"Puntahan mo nga ang cashier. Tapos sabihin mong double deal yung sa atin, go!" utos ng punyeta.

"Bruha!"

At tumungo na ako ng cashier at ipinaalam sa kanya ang nangyari.

Maya-maya pinuntahan kami ng crew sa aming arcade. Nakita niyang hindi pa napuputol ang mga tickets na niluwa ng makina.

"Nahinto ba yung paglabas ng tickets, sir? Mga ilang tickets po ba ang napanalunan ni'yo?"

"Ay miss, hindi. Yung laro lang, nahinto, namatay kasi bigla," sabi ko.

"Double deal ba yun, sir?"

"Hindi, single lang."

At gaya ng ginawa ng lalakeng crew kanina, binuksan niya ang makina, may mga pinindot, and then poof... Alam mo na ang sumunod. She became Koko Crunch!

Bumalik na siya sa kanyang post.

"Dapat sinabi mong nahinto ang paglabas ng tickets. Say, nanalo tayo ng 400. At sana sinabi mong nakadouble deal din tayo. Ano ka ba, ang hina mo!"

"Gagawin mo pa akong sinungaling, ganun?"

"Hindi naman bagay sa hitsura mong magpakahonest."

"Ah ganun? Sige, kalimutan na lang ang number ni kuya sa kabila? Gusto mo pa atang angkinin ang tickets na 'di naman natin napanalunan. Kawatan!"

"Ikaw kaya. Gusto mo isumbong kita sa ninakaw mong ballpens?"

"Excuse me, magkaiba ang ninakaw sa nanakaw. Tse!"

At dahil naging abala ang dalawang beki sa sagutan, hindi na nila namalayang umalis na pala ang boylet na gusto ni Miss Minchin.

Ang moral lesson? 'Wag maging gahaman para ang gustong lalake ay matikman.

Chos!

At bilang babala sa publiko, lalo na sa may mga computer arcades: Mag-ingat sa mga kawatang ito. Modus nila ang kunwaring nasira ang nilalaro para lang makarami ng tickets. Kung maispatan niyo ang mga mukhang ito, ipag-alam po agad sa kinauukulan. Huwag maging biktima.

anne curtis nude and naked, angel locsin nude and naked
Happy New Year mga ka-echos! Huli man ay maganda pa rin ako!

Tse!


Basahin ang kabuuan...