rss
twitter
    Ako ay sundan. Follow me, follow me. Falalalala
Ang mga pahina sa blog na ito ay maaaring naglalaman ng mga imahe at katagang di angkop sa mga batang mambabasa. Rated R ito, mga Kaechos! Patnubay ng magulang ay kailangan. Chos! Kung nagtataka kang bakit Echoserita ang pangalan nito, basahin ito.

Sino ang Tunay na Kawatan?

cellphone thief, gadgetKasama ng mga balahurang friends ko, nagpunta ako ng mall para mamili ng mga gagamitin para sa huling araw ng review para sa board exam.

Hindi ko na kailangang banggitin pa ang pangalan ng mall dahil wala naman silang binigay na bayad sa akin para iplug ko sila dito sa sikat at celebrated blog ko. Ang swerte lang nila no!

Anyway, kasama ko sa mall tour ang balahurang bilat na itago na lang natin sa totoo niyang pangalan na Marie.

Kasabay rin ang balahurang boss namin na si "Mac-Mac". Pero 'di siya yung Mac-Mac ni Piolo. At hindi usaping Piolo ito, anova!

Mas malandi lang ng konti ang Mac-Mac namin.

At dahil balik tao mode ang aking anyo—walang buntot, palikpik, hasang at kaliskis—ako na naman ang nauna sa larangan ng paglalakad pagrarampa.

Oo, mabilis akong maglakad. Hindi naman ako pinaglihi sa kabayo. Ang layo lang din sa angelic face ko.

Nauna akong makarating sa office and school supplies.

“Miss, pabili ng dalawang bolpen,” kako.

Binigyan naman niya ako with all the smiles and warm accommodation. Sa ganda ko ba namang ‘to, ako na ata ang pinakamagandang customer nila ng araw na ‘yon. Partida, haggard pa ako nun kagagaling sa duty sa hospital.

Napadpad na sa bond papers section ang dalawang balahura.

Pinuntahan ko na sila dala-dala ang dalawang ballpens sa kamay ko. At dahil ‘di lang ako marketing officer slash review assistant slash researcher slash rationalizer slash lecturer (oo kulang na lang ako na lang din ang gawing venue ng review center!), ako ang pinapili ng mga gaga kung anong magandang papel ang gagamitin namin. Purchasing agent na din pala ako. Shet!

Dahil mabigat ang dalawang reams ng legal size sheets, at dahil mga ilang minuto pa bago napagtanto ng dalawang punyeta na tulungan ako, nilagay ko muna ang ballpens sa bulsa ng nursing duty uniform ko.

Tumungo pa kami sa ibang parte ng school supplies section. Namili pa ng kung mga anik-anik.

Napadpad pa kami sa mga babasagin, sa kitchenware, dala-dala ang mga reams at iba pa, para mamili ng ipang-aaward sa mga estudyante.

Kitchen showcase sponsored by Fujidenzo lang naman ang aming premyo sa aming Top 1. Opo, mayaman at may ibubuga rin ang review center namin.

Chos!

Pagkatapos mamili at makapagbayad, bumaba kami sa ground floor para bumili ng shawarma. I lilly lilly like it kasi. Mahilig ako sa karne, ano pa!

Nagkakwentuhan muna kami sa high table (nakatayo kami) habang hinihintay magawa ang aming inorder. At dahil ako nga ang purchasing agent, ako ang lumapit sa tindero para magbayad. Iniwan ko ang mga gamit ko sa mesa.

At dahil irresistible naman kasi ang aking alindog, nag-establish agad ng rapport sa akin si kuya pagkalapit ko sa kanya. Feeling close lang! ‘Di ko lang sigurado kung tinigasan ba siya sa angkin kong ganda at sex appeal.

Chos!

Usap-usap. Biru-biruan. Tawa-tawa. Sa ganun naman talaga nagsisimula ang lahat ‘di ba? May hitsura din naman si kuyang shawarmero. At mahilig ako sa karne, ano pa!

Hindi naman ako malandi. Sadyang lapitin lang. J

Nainggit ata ang mga punyetang gaga at nakisawsaw na din sa namumuong relasyon namin ni kuya. Gusto ata nilang hadlangan ang aming relasyon.

At dahil ‘di sila nagtagumpay sa balak nilang paghiwalayin kami, napagkasunduan na lang ng dalawa na pumasok muna ng grocery at may bibilhin daw. Kaya, muli’t muli, ay kami na lang ni kuya ang naiwan.

Nagpatuloy ang harutan.

Pinisil ko siya sa pisngi. Pinisil naman niya ang akin. Nag-slice siya ng karne ng shawarma at sinubuan ako, kumagat naman ako. Then vice versa. Pagkatapos ay pinunasan niya ng tissue ang mga labi ko, hinawakan ang mukha ko, tinitigan ako, at sa kanyang mga mata ay nasilayan ko ang mga nagliliyab na apoy ng pagnanasa, and then everything else was history.

It was us against the world.

“Sir,” at nagising ako sa aking pag-iilusyon, “heto na po yung sa inyo. Inuna ko pong gawin kasi siyempre espesyal ka sa akin.”

“Char!” Yun lang ang tanging naisagot ko. I was caught off-guard. Then I bat my eyelashes at him. My signature landi move na hindi magaya-gaya ng sinuman. Chos!

Nagblush lang naman ako. Pati labia majora at minora ko pumalakpak sa tuwa. Kumalembang naman ang clitoris ko in full participation.

Bumalik ako sa high table. Nakakahiya naman kasing pagmasdan ko lang si kuya habang ginagawa niya ang dalawa pang order, kaya nilafang ko na lang siya ang aking shawarma. Habang naghihintay din sa dalawang gaga na bumalik, kinapa ko ang bulsa ko para kunin ang aking Celia Rodriguez.

“Shet! ‘Di ko mahanap cellphone ko,” nag-aalalang sabi ko sa sarili ko. “Asan na kaya ‘yun?”

‘Di ako mapakali. Hu da hell in da world wud want to steal a Nokia 5110 these days? Eh free na nga lang yun sa sim ‘di ba? Homaygash! So cheap the thief ha!

Chos!

“Pakitawagan niyo nga ang phone ko, ‘di ko kasi mahanap,” pakiusap ko sa dalawang friendships pagkabalik nila.

“Nag-ring, pero binaba,” sabi ng Makoy.

Tawag uli.

“Ayun, ayaw na magring.”

At biglang gumuho ang mundo ko.

Paano na lang kaya sila? Paano na ang mag-ama ko?

boyfriend and baby
Paano na lang si Jun-jun at ang aming supling? Wala na kaming ibang mode of communication. Walang Facebook si Jun-jun dahil ‘di siya marunong kumulikot ng computer. Ako lang daw ang kaya niyang galawin.

Isang malaking CHOS!

Paano na din sina Robert, Albert, Norbert, Wilbert, at Filbert and the rest of their male -bert clan at ang aming napipintong beach orgy party? Paano nila ako macocontact? Hindi ko pa sila nabibilhan ng tig-iisang laptops para magka-Facebook.

pinoy boys, mga lalakeng hubad at bukol
At paano ko pa din macocontact ang mga little ningnings na mga iskolar ng Maria Echoserita Putakelya School?

mga baklang pinoy na bata pa, little pinoy effeminate gays
At ang pinakamahirap sa lahat, pag-uwi ko ng bahay paano ko sasabihin sa mga kalive-in ko ang totoong nangyari, na ninakaw ang cellphone ko?

pinoy boys naked, room mates
Baka isipin nina Ferdi, Filoteo, Frank at Filemon na ipinamigay ko ang cp ko sa ibang boylet. Baka magselos sila at mabubugbog ako. Dila lang ang walang latay. I don't want to be a battered mistress! Oh no, my pretty face!

“San mo ba kasi nilagay kanina ang cellphone mo?” tanong ni Marie.

“Ang alam ko, iniwan ko sa mesa nung nagbayad ako kasi andun nga kayo naiwan sa mesa. Malay ko ba naman na makikisawsaw pa kayo sa kwentuhan namin ni kuya at iiwan niyo mga gamit ko dun.”

“Malay din ba namin kung andun ang cellphone mo?”

“Eh baka natakpan nung plastic ng mga pinamili natin.”

“Ipaalam na lang natin sa lost and found section.”

“Asa ka pang maibabalik yun?” sabi ko. “Eh ninakaw na.”

Ilang minuto din kaming nag-istambay dun sa harap ng grocery para pag-usapan ang nawawalang phone ko.

At dahil lost na nga ang cellphone ko, umuwi na lang kami. Hindi naman ako yung tipong iiyak sa mga gadget na nawawala o nananakaw.

Boys nga hindi ko iniiyakan, gadget pa? Huh!

Isang malaking HUH! Say it with me girls, sabay-sabay tayo at sumigaw: HUH!

Char!

At dahil sa stress, ang bilis ko tuloy naubos ang shawarma ko habang nasa sasakyan pabalik ng office.

Pagkadating ng office, ‘di pa rin ako mapakali. Marami kasi akong scandal videos 'dun sa cellphone ko. Ang scandal namin nina Robert, Albert and the rest of the gang, pati na ng mga housemates ko.

Char lang!

“Pahiram nga uli ng phone, bakla,” pakiusap ko kay Makoy. “Tawagan ko lang uli.”

“Heto gamitin mo pangtawag o,” sabi naman ni Marie, sabay latag ng isang cellphone sa harap ko.

Pero ang iPhone pa din ng Makoy ang pinantawag ko. I was too stressed to care about what was around me. Decreased level of focus, tunnel vision na aketch that time.

Pagkatawag ko, tumunog ang kantang ito (paki-press play na lang):
Yun ang ringtone ko!

At putakelya! Nasa harap ko lang ang pinagmumulan ng ringtone. Right under my nose.

Tumawa ng napakalakas ang dalawang bruha. Malademonyong tawa.

Buti na lang wala akong makitang kutsilyo o cutter within my reach. Super bad trip ko lang! Pinag-alala ako ng mga impakta! Mas gustuhin ko pang nanakaw na lang talaga ‘yun kesa pinagmukha nila akong tanga.

Dahil sa inis ko, hindi na ako gaanong kumibo. Casual na lang din ang pakikipag-usap ko. Civil. At alam kong alam nila na wala ako sa mood (humahaba ang nguso ko), na hindi ko ginusto ang ginawang kagaguhan nila.

But who am I to complain? As a beauty titlist, the reigning Miss Earth at that, I need to keep my cool. I need to be composed and calm—collected—even under extreme pressure.

And that’s how a beauty queen should be.

Kaya nilibang ko na lang ang sarili ko.

Kinalikot ang mga bulsa-bulsa ng white duty uniform ko, uniform na talk of the hospital kasi daw eksenadora. Char! Ganito kasi ang white duty uniform ko (headband not included because WE, nurses, wear cap).

white gown
For orders and inquiries, please contact me. Hi hi.

Sa pagkalikot sa bulsa ng bonggang uniform ko, biglang nanlaki ang aking mga mata, at tumibok ng mabilis ang puso ko.

Pagkapa ko may dalawang Faber-Castell ballpen sa bulsa ko.

Faber-Castell black ballpens
Hindi nakaplastik. Hindi na-punch in. ‘Di nabayaran.

Tig-sampung piso at limampung sentimo bawat isa. Suma total, nanakawan ng dalawampu't isang piso ang NCCC Mall.

Ayan, nagplug na lang ako. 'Yan na lang ang magsilbi kong bayad sa kanila.

Buti na nga lang 'di ako tumunog pagkalabas ng mall. Nakakahiya kaya 'yun!

Akala ko talaga ako na ang nanawakan... ng cellphone.

Yun pala ako ang nakanakaw. Inadvertently.

So ngayon, sino ang totoong magnanakaw? Ang intensiyonal na nagtago ng cellphone,
o ang ‘di intensiyonal na ‘di nakabayad ng ballpen?

Hindi po ako shoplifter!

Kaya pliiisss! Huwag niyong sabihing ako ang tunay na kawatan! PLEASE LANG!

SYEEEETTTT!


Basahin ang kabuuan...