rss
twitter
    Ako ay sundan. Follow me, follow me. Falalalala
Ang mga pahina sa blog na ito ay maaaring naglalaman ng mga imahe at katagang di angkop sa mga batang mambabasa. Rated R ito, mga Kaechos! Patnubay ng magulang ay kailangan. Chos! Kung nagtataka kang bakit Echoserita ang pangalan nito, basahin ito.

Happy Meal

mcdonalds happy meal logoBad trip ako kagabi pa lang. Itinulog ko na lang ito para makalimutan.

Nawala naman ito pagkagising ko kaninang umaga. Pero saglit lang. Bumalik din. Damn!

Char!

Hindi na ako nagpaistorbo pa ng mga kung sinong tao, engkanto, at mga trying hard na magmukhang tao. Hindi ko pinansin ang mga texts na dumating.

Gusto ko lang mapag-isa. To be one with myself.

I need time...

Love...

Joy...

I need space.

No, I need me.

Action!

Say hello to the girl that I am
...

Char! "Overprotected" yan ni ate Britney...

Di ko rin magamit ang asawa ko: ang laptop ko. Pumutok ang adapter. Kaya super lungkot ang aking dramang pag-iisa... ang drama sa time... love... joy... space.

Dahil sa lungkot, inis at bad trip, nilinis ko na lang ang kwarto.

Pinagpawisan lang ako.

Sinimulan ko na ding linisin ang banyo. Kaso tinamad na sa kalagitnaan. Naisip ko kasing parang walang-silbi ang ginagawa ko. Di naman kasi nakiramay sa akin ang kwarto at banyo. Napakainsensitive. Kaya stop na.

Naligo na lang ako at tumungong McDo para kumain ng late lunch.

katy perry ur so gayNang makita ko na Pokemon ang free na toys sa Happy Meal, sumagi sa ulo ko ang kanta ng bilat na si Katy Perry.

"You're so sad maybe you should buy a happy meal..."

Ching! Nagflash ang bulb sa isip kong inocente de ti! Chos!

Happy meal na ang binili ko.

First time ko tong bumili ng Happy Meal sa McDo. Hindi kasi ako lumaking nabiyayaan ng mga magulang na itinitreat ang anak sa mga McDo eklavu. Ni di rin ako nagkaroon ng laruan noon na freebies ng fast food chains.

Wala rin akong anak na ititreat sa mga ganitong kaechosan. Kahit pa gusto ko ng anak, wala pang gustong magvolunteer ng artificial insemination. Chos!

At dahil Pokemon nga ang free ng Happy Meal, GO na ako. Ang Pokemon lang kasi ang kinababaliwan kong cartoon/anime.

Yez, aaminin kong isip-bata pa rin ako kahit pa paminsan-minsan ay pang adult content ang nilalaro ko. Charot!

pokemon happy meal diamond & pearlAng number 4 na yellow ang ibinigay sa akin. Para lang tanga ang laruan. Para lang kanta ni Willow Smith. Back and forth, back and forth (I whip my hair back and forth) ang drama ng laruan.

Ay di pala. Go forth, go forth lang siya, kasi abante lang ang magagawa niya, walang atras. Automatic 2-Speed Gearbox daw. Ewan ano ibig sabihin. Mahina ang kokote ko sa mga terminong pangmekaniko. At utang na loob hindi ako mekaniko no!

Pero solb na ako. Sa ngalan na Pokemon.

Salamat sa Happy Meal at kahit papano ay nabawasan ang lungkot na aking nadarama kanina.

Pero mas mawawala sana ng lubos ang lungkot, inis, at bad trip kung ang Happy Meal ay ganito:

naked male sushi model
naked male sushi model
naked male model
naked male sushi model, in buffet table with foods
naked male sushi model
naked male sushi model
O di ba happing-happy ang meal time mo pag ganyan?

Kung ganito lamang ang Happy Meal na offer ng McDo, malamang HAPPIEST ang mga babaylan at bekimons.

At dahil diyan, ito ang ating theme song ngayon:

Katy Perry - Ur So Gay
You're so sad maybe you should buy a Happy Meal
You're so skinny you should really supersize a deal.

Basahin ang kabuuan...

Ang Dakilang Tula

poet's corner, poem, pencil and paperMonthsary namin kahapon ni Le Boif. Oo, umabot kami ng 9 months sa awa ng Diyos at ng iba pang mga diyosa. Siyempre kasama ako dun.

At kahit pa nagkahiwalay uli ng ilang araw ng mga nagdaang araw, na siya ring naging dahilan na brokenhearted ang lola niyo nung Valentine's Day (bitter much), eh naibalik naman din ang tamis ng pag-ibig.

Chos!

Pers taym daw ni Le Boif na gumawa ng tula para sa siyota. Alam niya kasing linguistic type and intelligence ng lola niyo eh sinubukan na rin niyang tapatan ang dalawang nagawa kong poems sa kanya noon. English nga lang yun. At itong gawa niya ay Tagalog.

Nag-effort pa siyang may 13 syllables kada linya. At dahil daw sa kakabilang niya gamit ang mga daliri ay napagkamalan pa siya ng mga kaklase niyang Kastila na may kinukompyut. May labingwalong taludtud ang tula. Marahil dahil sa 18 ang monthsary namin.

Charot!

Kaya heto na ang nakakaloka at nakakatawa ngunit napakasweet na tula niya. Kilig much ang lola niyo!

Aking Sisang

facebook logoNabighani ka sa angkin kong kakisigan,
Facebook ang tulay upang ako’y masilayan,
Ikaw pala ay may taglay na kalandian,
Ako’y nabigla, pambihira nga naman!

Mensahe natin ay patuloy ang palitan,
Kaya naman di nagwakas ating ugnayan,
Di nakakasawa taglay mong kagandahan,
Napagtanto ko iyon pala’y kalokohan.

Nang lumaon numero ko’y iyong hiningi,
Ako’y may mahal pa kaya ako’y humindi,
Di ko inakala sa huli’y ako’y magsisisi,
Kaya naman at binigay ko rin sa huli.

Subalit di rin nagtagal ating koneksyon,
Tila pinaglaruan tayo ng panahon,
Kasalanan ito ng inibig ko noon,
Baliw lang talaga 'ko sa panget na ‘yon.

locked heart with keyIkaw ang susi sa nakandado kong puso,
Kaya ako’y muling bumalik para sa’yo,
Iibigin ka habang buhay to’y pangako,
Kahit ako’y ipahabol mo pa sa aso.

Dumating ang dise-otso at naging tayo,
Simula no’n mundo ko’y biglang nagbago,
Tila ako’y hibang na naloloko sa’yo,
Wari ang ulo ko’y nabagsakan ng buko.

Minsa’y nadenong at ika’y hiniwalayan,
Ako’y sinuyo mo sa maraming paraan,
Subalit ikaw lang aking kasiyahan,
Kaya pinagbigyan rin hiling na balikan.

Tayo’y nagtalaga ng mga pagkikita,
Ngunit ni minsa’y di tayo nagkasama,
Basta ang mahalaga tayo ay masaya,
Humanda ka na lang sa alaga kong sawa.

Pinipigil lahat ng angking kalibugan,
Sapagkat ika’y aking pinaghahandaan,
Si junjun lang talaga aking kayamanan,
Para sa iyo ito’y pinag-iingatan.

Pag-ibig ko sa’yo ay hindi magwawagas,
Kahit pa ang brief ko’y magkaroon ng butas,
Magulat ka at may sipsipin ka pang gatas,
To’y ubod ng linamnam may sobra pang katas.

Kagandahan mo’y talagang nakakaloko,
Siguro naiisip mo ako’y bolero,
Ngunit napapangiti ka sa sinabi ko,
Sapagkat sa palagay mo yun ay totoo.

Iniwan ka at tumungo ng ibang bansa,
Ika’y nanghina at nawalan ng tiwala,
Di na naniniwala kahit anong sumpa,
Iyan tuloy nagkasakit iyong shota.

Selos at inggit laging dahilan ng away,
Pero ang totoo ikaw ang aking buhay,
Gaano man kahaba ang aking sanaysay,
Maaari na kitang ibaon sa hukay.

Lalong lumalim ang ating pag-iibigan,
Ngunit maniwala ka ikaw lang, sumpa man,
Away lagi pero magbabati rin naman,
To’y normal kaya huwag nang pakialamanan.

Ako'y magsisiryoso na, handa ka na ba?
Malayo man, ika’y na sa’king ala-ala,
Kahit anong araw, gabi man o umaga,
Tibok lang ng puso ang aking nadarama.

gay marriage cartoonSalamat sa iyong wagas na pagmamahal,
Ako’y hindi na takot pang muling masakal,
Pagkat puso ko’y kulong sa rehas na bakal,
Ako’y sigurado ng sa’yo pakakasal.

Ngayo’y araw natin dapat tayong magsaya,
Huwag ng isipin pa ang maraming problema,
Tayo’y makakasama na, 'to’y malapit na,
Kaya naman ako ay sabik na sabik na.


At dahil diyan, ito ang theme song ng post na ito:

Ellie Goulding - The Writer

Basahin ang kabuuan...

Diskleymer

danger signMasasabing isa kang epektibong manunulat kung napapagalaw mo ang iyong mga mambabasa. Kung ang pagsusulat mo ay may naidulot na epekto sa kanila. Epektong maaaring pagpupuri o kaya pagkasuklam.

May nagreact na sa isang akda ko dito sa balahurang blog na ito. At sa isa, ay dumami na ngayon. Sampu ng kanyang lupon. Nagsorry naman na ako. Ilang beses na. Tinanggal ko na rin ang dapat tanggalin. Sorry po uli. Tao lang, bakla pa.

Mali pala ang akala kong matatawa lang din siya kung mababasa man niya kasi nga dahil sa mapagbiro din siya at minsan ay nang-ookray din. At dahil sa nangyari, naisipan kong talagang maglagay na ng disclaimer sa blog na ito.

Ang isa sa kinaiinit ng ulo ko ngayon (ulo lang ha, di kasama ang katawan, ibang usapan na yun) ay itong mga nakakalap kong balita na masyado dawng mahalay ang aking istilo ng pagsusulat. Oo, tama, mahalay nga, pero di ibig sabihin na dahil mahalay ang mga laman dito ay ganun na rin ako kahalay. Baet kong to! Paeffect lang yan, for humor’s sake, pwede ba!

Pero gusto ko rin yung ideyang ang tingin sa akin ng iba eh mahalay at malaswa. Ang sarap ng feeling na ganun. Yung tipong iniisip nila na ganun ka na kasama pero sa totoong buhay pala eh behave na hehave ka at wala kang dapat ipagtanggol pa sa kung ano ka. Char!

Balik sa kahalayan. Kung ikaw ay nahahalayan sa mga sulat dito, aba, eh wag mo nang ituloy ang pagbabasa mo at huwag ka nang dumalaw uli kung labag sa iyong kaibuturan ang istilo ng pagpapatawa dito.

albus dumbledore is gayKung iyong mapapansin, sa headbar nito, sa logo ay naiiba ang R. Kasi nga Rated R. Restricted. With that said (aba, English ah!), di pwede sa minors, sa mga konserbatibo, at sa mga mahihina ang loob. “Not for the faint-hearted” ika nga ni Albus Dumbledore, isa ding matanda. Golden gay.

Pero sa kabila ng lahat, nagpapasalamat ako sa mga tagasubaybay na di minasama ang mga laman ng mga nailathala dito. Sa halip ay patuloy pa nilang tinatangkilik ang mga kaechosan dito. At sa mga natamaan, pasensiya na po uli. Again, tao lang, bakla pa. Ipagpaumanhin niyo.

At dahil sa mga nangyari, ito na ang diskleymer:

Ang blog na ito ay naglalaman ng mga paksang di angkop sa mga bata at konserbatibong mambabasa. Kaya nga Rated R eh! “Not for the faint-hearted,” ika nga ni Albus Dumbledore. Kung ikaw ay isa sa mga nabanggit, maaaring lisan niyo po lamang ang blog na ito. Pero kung ikaw ay isa sa kanila na nagrereklamo pa sa kahalayan nito pero dalaw pa rin ng dalaw, ay, tang-inang shit, para mo na ring sinabing dalaw ka nang dalaw ng mga porno pages kahit may nakalagay nang warning na Rated XXX.

Ang mga laman ng blog na ito ay pawang opinion, kuru-kuro o kathang-isip lamang, at may pang-ookray din para naman may aliw. Dahil kung walang aliw, chaka ang blog na ito. Walang buhay. Walang effect. Walang humor. Kung ang mga naisulat dito ay nakakasakit ng damdamin, maaaring ipag-alam lang sa patnugot. Magkomento sa post o mag-email at ilagay sa subject ng email ang “WALANG HIYA KA!” o kaya kahit na anong mura para alam ko na patungkol sa blog na ito ang email na yun.

Ang mga larawang nakasalang sa mga nailathala sa blog na ito ay di pagmamay-ari ng may akda, unless otherwise stated or made obvious (wow! English!).


Yun lang, tse!

At ito ang kantang inihahandog ng inyong lingkod sa mga nagreact.


Buckcherry - Sorry

I'm sorry I'm bad
I'm sorry I'm blue
I'm sorry 'bout all the things I said to you.


Okay!

Basahin ang kabuuan...