rss
twitter
    Ako ay sundan. Follow me, follow me. Falalalala
Ang mga pahina sa blog na ito ay maaaring naglalaman ng mga imahe at katagang di angkop sa mga batang mambabasa. Rated R ito, mga Kaechos! Patnubay ng magulang ay kailangan. Chos! Kung nagtataka kang bakit Echoserita ang pangalan nito, basahin ito.

Congrachula, Sista Balahura!

makoy, marc ernest biala, mr. gay world philippines 2010 2011Natapos na ang balahurang pageant, ang Mr. Gay World Philippines 2010. Gustuhin man naming manalo ang balahurang Makoy, eh spectators lang kami at hindi kami ang hurado.

May K naman ang nagkamit ng top position. Kaso mas may K pa rin ang Kaibigan kong Ylmaz BeyKlas, with the capital K!

The quest to the throne is coming near na, ang Mr. Gay World 2011.

And there's a sudden twist.

Sorpresa actually.

It's official. Ang balahurang Makoy na ang official representative ng Perlas ng Silanganan, Hardin ng Pasipiko.

Kaya napaluha ang lola niyo ng malaman ang balitang ito.

Echos lang!

At bakit nga ba na-dethroned ang orihinal na nanalo?

Eh kasi daw maliban pa sa mukhang bulldog siya ayon sa mga komento, eh wala pa siyang breeding. The dog is barking at the wrong tree. Pwede? Pwede!

Nanditetch ang balita:
mr. gay world 2011 logoDue to recent turn of events, the Mr. Gay World Philippines (MGWP) organization has reached a decision that Sherwin Limon Abuel is ‘officially’ relieved from his duties and responsibilities as the country's representative to the upcoming worldwide search for gay male ambassador on January 24, 2011. Prior to pursuing this move, there have been considerable areas that were looked into and Mr. Abuel failed to meet certain guidelines set by the organization. The organization's decision is final and irrevocable. Taking over Abuel's title is the 24-year-old first-runner-up, Marc Ernest Biala.

MGWP organization was compelled to take the necessary actions toward Mr. Abuel’s ‘uncalled for’ behavior. Abuel repetitively threatened the organizer that he would be backing out from the competition, which in any way placed the entire team behind the contest in a bad light. He also misrepresented the pageant’s ideals and visions that made Abuel’s dethronement possible. The confidence and trust that was given to him was gone and the organization felt he would no longer be fit to represent the country as an ambassador of goodwill that aims to make a good example and impact to the rest of the gay men in the world.

The five feet eight inches tall, registered nurse, Biala takes on the title and competes with other gay men representatives on March 13 at Club Mwah, one of the most outstanding theater-clubs in Asia located in the Tiger City of Mandaluyong and to be hosted by Philippine King of Talk Boy Abunda along with one of the country’s top models Wilma Doesnt and 2005 Miss International Precious Lara Quigaman.

Macoy, to most of his friends, graduated magna cum laude of his class in St. Mary’s College in Tagum City, Davao del Norte. He is currently finishing his Masters of Science in Nursing with his thesis focused on the family caregivers of mentally-ill and is aiming for his second magna cum laude award. He also authored a nursing reference book titled ‘Psychiatric Nursing’ which is already distributed nationwide. Given all the credentials Biala has under his belt, MGWP is confident that he is the ideal country’s bet to the said tilt, which will commence on March 9th and will end on the 14th. Candidates from different countries will be presented on March 10 at Bed Malate and will be busy with bar tours and an outreach program.

This monumental event predicts the boom for the Philippines’ tourism industry as it attracts more foreign visitors to explore the beautiful spots and rich culture, the country has to offer.

Tickets for the grand finale are at Php2,500. Ticket reservations or bookings are now available online via mrgayworld.org. Also, for more details, visit mrgayworldphilippines.com.

At dahil best friend ko ang balahurang Makoy, ganun pa rin. Moral support pa rin ang lola niyo. Rarampa ako sa Club Mwah. Climb na naman ang lola niyo.

Kaya lang ang mahal ng ticket. 2,500! Ilang lalake na din yan! Chos!

Kaya ko kayang magclimb?

Kaya ngayon pa lang nanawagan na ako sa mga may mabubuting loob at makakapal ang bulsa. Magdonate na.

Feed Echoserita.

Wag ng etits, pinagsawaan ko na yan! I need moolah!

Go na! Donate na!

Please lang! Maawa na kayo!

At dahil diyan. eto ang song for this post natin:

Meja - It's All About The Money

Congrachula, Marc Ernest B. Biala!

Basahin ang kabuuan...

Demonyo, Lubayan Mo Ako!

sexy male devil, demonDahil sa nangyaring disgrasya kay Le Boif, naging relihiyosa uli ang Lola Echoserita niyo. Kaya for 14 days in a row now, tumungo na naman akong simbahan. This time, maaga akong napapunta dun.

Kung dati ay nakarma ako dahil sa paglalandi ko sa simbahan, this time, it’s the other way around: ako ang nilandi. Oh ha, ang ganda ko!

As usual, nagrosaryo ako, nakiusap sa mga santong rebulto, nagsindi ng kandila, at this time, may novena na to St. Jude.

Oo, kahit diyosa ako pinapaubaya ko pa rin sa nag-iisang Diyos ang mga bagay-bagay.

Chos!

Pagkatapos kong magpaphotocopy ng 81 copies ng novena, naupo ako sa loob ng simbahan. Habang naghihintay sa 5-6 na misa, tinupi ko ang mga novena leaflets.

May biglang umupo sa harapan ko. Hombre. Binatilyo.

Palingon-lingon siya sa akin.

Sinenyasan niya ako na hihingi siya ng leaflet.

Dahil kausap ko si Harry nun habang nagtutupi, sinenyasan ko naman siya na “mamaya na.”

Matapos ang pakikipag-usap ko sa Celia Rodriguez, binigyan ko na ang binatilyo ng isang kopya ng novena.

Pagkaabot ko sa kanya, tinanong niya ako.

El Niño (ang hombre): “How old are you?”

Aba, Englishero ang mokong!

La Niña (ang lola niyo): “18, legal age na, but still never been kissed, never been touched.”

Charot lang. Ito ang sinagot ko: “24. What about you?”

El Niño: “17.”

Tumango lang ako.

El Niño: “Can you be my friend?”

Inabot niya sa akin ang kamay niya. Hinandjob ko naman siya. Este nakipagshake hands pala.

Marami siyang kung anu-anong tinanong. Saan ako nag-aaral o nagtatrabaho. Saan ako nakatira, at marami pa. Pinakilala rin niya kung sino siya, san siya nag-aaral etsetera.

El Niño: “Can you speak Korean?”

La Niña: “I can’t. Can you?”

At nag-Korean nga siya.

La Niña: “Where did you learn Korean?”

El Niño: “Half-Korean ang tatay ko. Ang mama ko purong Pinay. Marunong din akong mag-Japanese.”

Maaring totoo ang sinasabi niya, kasi chinito siya. Maayos ang buhok niya. Nakabackpack siya. Pero sigurado akong di pa siya nabibigyan ni isang beses ng ribbon na Most Neat and Clean. Hindi siya neat. Medyo malaki ng bahagya para sa kanya ang suot niyang plain white shirt. Itim ang pantalon niya at may kalumaan ang suot niyang sapatos.

Sa face value naman, para sa mga malalanding Ylmaz Beyklas, pasado na yun. Pero dahil mataas ang standards ng lola niya, hindi siya pumasa sa akin.

Chos!

Nang nagsimula na ang misa, nililingon pa rin niya ako sa likod at kung anu-ano ang sinasabi. Tango lang ako ng tango.

sexy male devil, demonMaya-maya tumabi na siya sa akin. Nag-ascend like Holy Spirit ang aking angking kagandahan. Humaba ang hair kong bagong kulay.

Napatanong tuloy ako sa diwa ko, “Ganito na ba talaga ako kaganda at pati sa simbahan ay may boylet na di malabanan ang tawag ng aking alindog?”

Kunsabagay, ako ay isang diyosa.

Sinasamba.

Nung nasa tabi ko siya, minsan kinikiskis pa niya ang balikat niya sa balikat ko. Kung anu-ano pa rin ang sinasabi niya. Ang kulit! Ilang beses ko ng sinabihang makinig muna ng misa.

El Niño: “I’m not Catholic. I’m Iglesia.”

La Niña: “Then what did you come here for?”

Ngumiti lang siya.

La Niña: “Did you come here because you saw me?” With matching batting eyelashes yan ha!

Malandi din! Charot!

Ngumiti uli ang hombreng binatilyo.

El Niño: “Do you want a Korean girl?”

Leche siya! Mukha ba akong tumitira ng mga babaylan? Babae kaya ako! Sa puso ko.

La Niña: “No. I already have a boyfriend.”

El Niño: “Do you want me to be your boyfriend?”

Umiling ako.

Katahimikan.

opening zipper in trousersAt bigla akong nagulat sa aking nakita: bukas ang zipper niya! Nang mahalata niyang nakatingin ako sa zipper niya, nilagay niya ang kamay niya doon.

Kinabahan ang lola niyo. Ayokong magskandalo sa loob ng simbahan.

Buti na lang at sinara lang pala niya ang zipper niya. Akala ko ilalabas na niya si junjun niya. Sayang! Chos!

El Niño: “Do you want to come home with me?”

At dun na bumilis pang lalo ang tibok ng puso ko. Diyos ko, anovah to! Bakit may ganito sa loob ng simbahan? Isa ba itong pagsubok?

Tinanong niya ako uli.

El Niño: “Do you want to come home with me and then we can do Kung Fu or Karate?”

Homaygas! Mukha ba akong nangangarate o nagkukung-fu? And did he really mean it?

Umiling uli ang lola niyo. This time, strikta na ang aura ko. Tinaasan ko siya ng kilay.

Pahard to get aketch.

sexy male angel and devil, demonEl Niño: “What do you want to do then in our house? You want to have sex with me?”

Kaboom! Pop goes the weasel! Sabi ko na nga ba at nahalina siya sa aking alindog at gusto niyang maangkin ang aking hiyas, ang aking perlas ng silanganan, hardin ng pasipiko.

Kumalembang ang mga bells sa mga tenga kong birhen. Mas naging mabilis pa ang tibok ng aking pusong mamon. O tukso, layuan mo ako!

Umiling ako. Mas naging masungit ang aura ng lola niyo.

Pahard to get na naman!

La Niña: “May boyfriend na nga ako di ba?” One-man woman ako! Chos!

Gusto ko na sanang maniwala na sa mga panahong ito ay blooming na blooming ang flower ng lola niyo at full blast ang aking alindog sa kabila ng mga pinagdaraanang pagsubok.

Kaya lang, nung offering na…

La Niño: “Can you give me five pesos? Pambili ko lang kendi.”

Imbis na magbibigay ako ng bill sa offering, hindi na ako naglabas ng datung at baka mangungulit lang siyang manghingi.

Umiling uli ako.

La Niño: “You will not give me five pesos? Okay, nice meeting you again.”

Pinahandjob niya uli ako, este handshake. This time matagal niyang hinawakan ang kamay ko. Akala ko di na niya bibitawan.

Bago siya umalis, binigyan niya ako ng souvenir. Isang napakalalim na halik sa pisngi at nag-iwan pa ng chikinini.

Charot lang! Suntukin ko siya kung sinubukan niya yan. I deserve respect.

Chos!

Ito ang binigay niyang souvenir: isang wallet size pic niya.
sexy chinito in underwearBakit di ko pa raw siya pagbigyan. Gwapo naman daw siya, maputi, maganda ang katawan, mabango, at higit sa lahat masarap daw siya at magaling.

Masisisi niyo ba ako kung tinanggihan ko siya, si Jay? Oo, Jay ang pangalan niya. Kapalayaw pa ng asawa ko.

Well, hindi ko siya type! Mataas lang talaga ang standards ko. Maglaway siya!

Chos!

Ok, sige, aaminin ko na. Charot lang ang picture-picture na yan. Wala siyang iniwang souvenir. Basta na lang siya umalis pagkatapos madismaya na hindi nakadelihensiya sa lola niyo.

Akala ko pa naman talaga eh nahalina na siya sa alindog ko.

Yun pala limang piso lang pala ang gusto niya.

Kaya ayoko na!

Ayoko nang maging mukhang mayaman!

Char!

At dahil diyan, ito ang theme song natin sa post na ito:

Eva Eugenio - Tukso

Basahin ang kabuuan...

Tang-Ina-Inang Dogshow

poodle dog with crownKahit may pinagdadaanan at bagabag ang nararamdaman, di nakalimutan ng inyong lingkod ang Little Miss Gay.

Fiesta dito sa aming barangay. At napaaga ng isang gabi ang nasabing Little Miss Gay.

Wala din akong magawa sa bahay. Ayokong isipin ng isipin ang mga problema. Kaya para di magmukmok sa bahay, tumungo ako sa barangay hall.

Pgadating ko sa venue, di pa nagsisimula ang paligsahan. Kaya tumungo muna ako sa bahay ng kasamahan ko sa trabaho para magpasama sa kanya.

fiesta activities announcementPagkatapos ng pag-uusap namin sa bahay nila, tumungo na kami sa barangay hall.

Dahil committee sa piyesta ang kasamahan ko sa trabaho, naituring rin akong importanteng bisita. Binigyan ng upuan at pinaupo sa lamesa ng mga judges.

Maya-maya, lumapit sa akin ang chairman ng mga judges at binigyan ako nito:

criteria for judging miss gayMagjudge na lang din daw ako.

"Ay, ayoko. Hindi naman talaga ako judge. Bisita lang ako."

Pero di na ako nakatanggi pa.

Nahiya pa ako, kasi nakapambahay lang ako. Nakatsinelas pa. Nakakahiya naman sa ibang mga judges na bihis na bihis at todo make-up pa na para bang napakagrandioso ng kanilang dinaluhan.

Ang plano kong kukuha lang sana ng pics para may maiblog ay nahulog pa sa pagiging hurado.

Pero go na lang ako!

Ang pageant ay para lang daw dapat sa mga bata. Kaya lang, tatatlo lang ang sumali. At dahil marami dawng mga grown-up at full-blown bekis ang nagrequest na isama na lang sila, ay pumayag na lang si kagawad. Para din may kabuluhan ang show.

Presenting ang mga bekis na kalahok, in their introduction.

miss gay
Ito na kaya ang long lost sister ni Wilma Doesnt? Doesn't she look like her ate?

Pasensiya na, di ko gaanong nagets ang sinasabi nila. Ngongo kasi ang mic. Bad trip. Gusto ko sanang ilagay ang lahat ng introduction nila.

miss gay
Ang reinkarnasyon ni Babalu.

miss gay
Siya raw si Anne Curtis... na mirakulong nakasurvive sa sunog together with Black Nazarene.

miss gay
Ito naman daw si Angel Locsin... na nadapa sa isang sako ng arina.

miss gay
Di ko maalala ang katauhang kanyang ginagaya. Sino nga ba ang kamukha niya?

little miss gay
Si Charice Pempengco.

miss gay, dayanara torres
Si Dayanara Torres na nagfile ng bankruptcy. Dalawang linggong walang makain.

little miss gay
Si Jamaica daw siya. Okay. Sige.

Matapos ang introduksiyon, pinakilala na ang mga hurado ng balahurang pageant.

judges of miss gay
From left to right:
Judge #1: Nakaitim. Isang beautician sa barangay.
Judge #2: Nakagreen: Chairman of the board of judges. Dance instructor siya.
Judge #3: Nakapink: Bihis na bihis. With all the make-up pa. Nakapag-aral daw siya sa Maryland University. Chos!
Judge #4: Naka-black tube: Miss Ehra Madrigal daw siya. Sumasali ng Miss Gay.
Judge #5: Nakablue: Anak ng importanteng tao sa barangay. Pero mukha naman siyang di importante.
Judge #6: Umalis. Malay ko kung san pumunta?
Judge #7: Nakayellow: Ang dayong busy-busyhan at may kalandi sa text. Char lang! Camera shy lang ang lola niyo eh.

emcees of the miss gay
Si kagawad, nakagreen, ang main emcee ng event, and his alipores, with naka-peace sign na bilat.

Maya-maya nagagalit si kagawad dahil sa mga batang lumalagpas sa demarcation line. At mas nagagalit pa pag ang mga bulilit ay nasa stage na. Halos iluwa na niya ang kanyang lalamunan pag sinasaway ang mga pasaway.

Magulo, pero masaya.

At talent portion na.

miss gay talent
Sumayaw ng 2NE1. Wiz aketch naimpress. Para lang siyang lobong tinusok na kay kulos kung makagalaw.

miss gay talent portion
Best in Talent sa aking papel. Nag acrobat ang gaga to the tune of Ate Shak's "Waka Waka."

Sumayaw ang bruha. To the tune of Waka Waka uli. Hanova!

Waka Waka one more time. Shet!

Tang-ina! Waka Waka uli. NakakaLOCA ang pagiging fan nila ni Shakira.

Utang na loob! Waka Waka na naman!

My gas! Hindi na sila nagsawa sa kakaWaka Waka!

At long last! Buchikek this time. What a respite from all this Waka Waka craze. Nakakacrazy!

Leche! Waka Waka pa uli!

Evening gown na at Q&A.

evening gown competition, miss gayOn the spot kaming sinabihan na kami na lang pala ang magtatanong at walang nakahandang questions. Si #5 ang mapalad na nakabunot sa akin bilang kanyang tagatanong sa Q&A portion.

At ito ang naging tanong ko sa kanya, inspired by Las Tres Estrellas' baklang princess diaries.

"Marami tayong mga prinsesa sa fairy tales, gaya na lang nina Snow White, Cinderella, Rapunzel, Belle ng Beauty at the Beast, Aurora ng Sleeping Beauty at marami pang iba. Sino ang fairy tale princess na malapit sa iyong katauhan at bakit?"

Si Dwarfina ang sinagot niya. Kasi daw, small but terrible.

Whatever! Hindi prinsesa si Dwarfina.

Isa siyang timawa!

Naalala ko tuloy si Thumbelina.

On to the next candidates in their gown.

Bet ko ang gown ng Dayanara.

Ang mga orihinal na kalahok sa baklang paligsahan.

Ang lahat ng beki at mga nagbebeki-bekihan.

Matapos ang show, may humirit pa. Gusto daw nilang mag-intermisyon. Pero nung nasa stage na sila, nakailang ulit ang pagpapatugtog ng kanilang sayaw kasi nagtitinginan pa kung magsisimula na ba o hindi. Nakakaloka.

Pero mas nakakaloka nang nalaman kong ang tugtog na naman ay WAKA WAKA! Chaka na! Punyeta!

Sa next day na iniannounce ang winner.

At ang nanalo? Si #12 Dayanara Torres with 69.81. Sumunod si Angel Locsin with 68.18. At ang pangatlo si Anne Curtis garnering 67.11 points.

"My gosh! Ang bababa ng scores nila!" sambit ng baklang judge na bihis na bihis.

Pero ang winner sa punchline ng gabing iyon ay ito:

Sa Q&A:

Tanong: "Kung ikaw ay mabigyang pagkakataon na mabuhay uli, ano ang pipiliin mo, ang maging tunay na lalake o bading at bakit?"

Sagot: "Gusto kong maging lalake pa rin. Ayokong maging bading. Dahil ang mga bading, laging nanchuchupa!"

Napuno ng hiyawan ang hall.

Kumalembang ang mga bells sa mga tenga kong birhen.

Tsk tsk.

At ang theme song natin sa post na ito? Hanofavah? E di ang lecheng Waka Waka.

Shakira - Waka Waka (This Time For Africa)

Tang-ina ina eh eh
Waka waka eh eh
Tang-ina ina zangalewa
This time for Africa.


Che!

Basahin ang kabuuan...

Charot Na Tarot

fortune teller, tarot card readingMatagal ko nang gustong magpahula, kahit nung nasa kolehiyo pa aketch.

At nung makidnap si Le Boif, ginusto ko rin sanang magpahula.

Pero di ko tinuloy. Baka kung ano lang ang mabasa ng hula. At napag-isip-isip ko noon na ang hula ay hula lang. Pedeng totoo, pedeng hindi.

At may pananalig ako sa Diyos na siya lang ang tanging may alam sa kung anong mga pwedeng mangyari pa.

Pero ngayong nasa malubhang kalagayan si Le Boif, ay naisip ko lang na patulan na din ang hula. For the sake of trying it.

Kaya kasama ng aking katrabaho, tumungo kami sa manghuhula. Magaling daw siyang manghuhula. Matry nga.

Tumba-lata si Fortune Teller. Tomboy. At nagyoyosi pa. Siguro Fortune tobacco ang sinisigarilyo niya. Sosyal pa ang Celia Rodriguez niya. iPhone. Pero nung ginamit na niya, dun ko lang nalaman imitation pala. China phone.

May mga bakas ng lumipas na taghiyawat ang kanyang fez. May mga bago ding tubong butil. Rocky road din siya.

"Anong ipapahula nito?" tanong niya sa kasama ko.

"May mga problema lang," sagot ng kasama ko.

tarot cards"Pag-ibig?"

Ngumiti lang kaming dalawa ng kasama ko.

Pinabalasa na niya ako ng pitong beses sa tarot cards niya.

Pinapili ako ng pito.

"Hiling o tanong. Sa isip mo lang," sabi niya.

"Ok."

Binasa niya.

Ilang ulit naging ganito ang sistema. Balasa, tas basa. Balasa. Basa. Bunot ng barahang kung ilan kadami ang letra ng buong pangalan ko. Basa.

At ang mga naging basa o hula?

Sa PERA, dahil bagsak ang espada at ibang katauhan sa tarot, bagsak daw ang pera sa akin ngayong taon, lalo na kung di ako magsisipag.

Totoo bagsak ang pera ko. Pero maswerte pa rin ako at may trabaho at may tinatanggap na sahod. Mas marami ang mas bagsak ang aspetong pinansiyal, o wala talagang pera.

Napaisip din ako: kaya naman siguro nasabi nito na bagsak ang pera ko kasi bago pa lang niya ako hinulaan, nagkwentuhan sila ng kasama ko tungkol sa kahihinatnan ng aming trabaho, na baka magsisiwalaan na kami sa pinagtatrabahuan, dahil kokonti na lang ang mga estudyante.

At saka napakageneral ng hula niya. Kahit naman talaga sino kung di magsisipag eh babagsak ang daloy ng income.

Hindi ako gaano kumibo sa kanyang harapan. Ayokong masayadong magbigay sa kanya ng mga detalye, at baka doon lang niya pagbabasehan ang hula niya.

"Sa PAG-IBIG, ang jowa mo ay may iba. Alam mo ba yun?"

Lumingon-lingon ako. Di ako makapaniwala. DI ako NANINIWALA.

tarot cards"San ba siya ngayon?"

"Nasa labas?"

"Labas?"

"Madrid."

"Kala ko nasa labas ng gate... Kelan lang siya dun?"

"October 24."

"Tanggapin na natin, sa lugar na kung san siya ngayon ay liberated. Mas free ang mga tao doon. Meron siyang ibang lalake. Di mo ba un alam?"

Gusto kong matawa. Pero pinigilan ko.

"Ang alam ko hindi naman yun pumapatol sa lalakeng-lalake, lalo na yung mga mas malaki pa ang katawan sa kanya. Babae at bading lang na pagirl ang pinapatulan nun."

"Sa panahon ngayon di mo masasabi. Marami na ngayon na lalakeng-lalake na nagkakagustuhan."

Di na ako nakipagtalo. Natatawa ako sa isip ko.

"May isang lalakeng gustung-gusto ka, at nagpaparamdam siya sayo. Heto o, yung baraha, laging may pumapasok na lalake. Meron ba?"

Sa isip ko, marami naman nagpaparamdam, pero noon yun. At di ko pinapansin gawa nga na may boylet na ako. One-man woman ako eh.

Chos!

"Di ko alam. May mga nagparamdam pero alam kong biro-biro lang yun."

"Kadalasan, dinadaan yan sa biro kasi ang mga lalake."

"Ah oo nga pala, lalake ka rin pala... Sa puso mo," naisip ko.

death card, tarot cardSa ilang balasa at bunot ng baraha, nakadalawang death card ako. Tinanong niya ako kung ipagpatuloy ko ba daw ang pagbasa sa bunot na yun.

"Kung babasahin anong mangyayari?"

"Wag na lang natin ipagpatuloy ang pagbasa. Balasa uli."

Ang ganda naman ng sagot niya.

Sa ilang bunot ko daw, lagi daw lumilitaw ang ibang tao, ang third party daw sa side ni Le Boif. Lagi ko rin daw nabubunot ang lalake na gusto ako na nagpaparamdam sa akin.

Humaba tuloy ang hair ko.

Depensa pa niya, basa lang ang mga ito. Nasa akin na daw kung maniniwala ako o hindi.

"Alagaan mo ang iyong sikmura, kundi magkakasakit ka. Kumain ka sa tamang oras," hula niya matapos ang panibagong balasa at bunot.

Napaisip na naman ako. Dahil lang siguro na payat ako ay iyon ang sinabi niyang hula.

Natapos na ang hula para sa sarili ko. At sa mga hiling na inisip ko kada bago niyang basahin ang baraha, ito ang laging sagot niya:

tarot card reading"Sa hiling o tanong mo, pasensiya na. Walang sagot."

Pagkatapos niyang hulaan ako, pinahulaan ko din si Le Boif. Pwede naman daw yun.

Pareho lang din ang mga basa niya.

Nagpahula din ang kasama ko, courtesy of my pocket.

Natapos ang hulaan na di man ako naimpress. Akala ko marami siyang mahuhulaan, pero ang future predictions niya ay napakageneral naman. Posibleng-posible kahit kanino. Possible, but not so probable.

Inexpect ko na sa buong panghuhula niya sa akin pati sa Le Boif ko ay mahuhulaan niya ang nangyari kay Le Boif at ang mga mangyayari pa sa kanya.

Ang lagi kong hiniling ay maging mas mabilis ang recovery ni Le Boif.

Kung "walang sagot!" ang sinasabi niya sa akin, may isang beses na lumabas si Hangman. Hanging daw ang sagot. Charot!

At dahil frustrated ako sa hula niya, pinakwento niya sa akin ang nangyari kay Le Boif. Sinabi pa niyang pwede daw nilang ipagdasal yun sa templo. Yun nga lang daw malaki ang bayad kasi malayo, nasa Madrid pa. Sa hangin daw yun ipapadala ang positive energy, dahil Chinese daw ang kanilang practice. Chos!

tarot card reading, fortune teller"Magkano?"

"Isang libo."

Gusto kong sumigaw ng HA!? Kahit may pera ako di ko pinatulan yun. Ilang boylets na din pede sa isang libo ah.

Charot lang!

"Nasa sa iyo na yun kung may tiwala ka sa amin o wala."

Umuwi akong nadismaya dahil sa gumastos ako ng 300 sa hula: sa akin, kay Le Boif at sa kasamahan ko. Namasahe pa akong 100 back and forth.

Hindi ko inakalang yun na pala ang magaling na hula.

Ang magaling na manghuhula, para sa akin, ay yung titingnan lang ako ay mararamdaman na niya ang aura ko, kung anong mga problema ko, anong mangyayari sa akin in the future.

Ang baraha, game of probability lang yun.

At kahit medyo nagulat ako sa dalawang death card na nabunot ko, gumaan ang loob ko ng maibahagi sa akin ng kasama ko na nakatatlong death card daw siya last time na nagpahula siya.

Wala namang nangyaring pagkamatay o near-death experience. Tatlo pa nga yun nabunot niya, sa akin dalawa lang.

At sigurado namang darating ang panahon na mayroon talagang mamamatay.

Kaya simula nun, sinabi ko sa aking sarili na ayoko ng magpatarot card reading. Charot lang ang tarot-tarot na yan! Charot na tarot!

At kasi, kahit may death cards, ay baliktad naman ang nangyari. Kasi nagrerecover na si Le Boif.

At dun pumasok sa isip ko na wala yang hula-hula sa lakas ng kapangyarihan ng sinasamba ko.

Dahil sa maniwala man kayo o hindi, kahit veyklush ako at makasalanan, sa mga panahong ito, ito ang sandata ko:

hands praying the rosary
Dasal, panalangin, taimtim na pananampalataya,
pananalig, at tiwala sa Poong Maykapal

man praying the rosaryAt sa mga panahong ito ay hawak-hawak ni Le Boif ang rosary na binigay ko sa kanya bago pa niya linasin si Inang Bayan. Sana maging mas mabilis ang kanyang recovery.

At kahit pa may pinagdadaanan ngayon ang inyong Reyna Echoserita, mas naging matatag lang ako sa mga pangyayaring itey. At kahit pa anong problema ang dumating, kaya ko ng puksain tulong ng aking isa pang sandata.

Ang aking espada! Ching!
queen of swords, tarot cardAt dahil sa mga panahong ito ay super high ang level ng pagkamakaDiyos ng nag-iisang diyosa, ito ang theme song natin ngayon:

Plus One - The Promise

He knows every star in the sky
Every single tear that you cry
His love is here faithful and alive
I know that this world can be cold
In His arms you're never alone
That's His promise to you and I

Basahin ang kabuuan...

Tulong Para Kay Inang Bayan

topless shirtless menDumarami na ang populasyon ng Pilipinas.

Sumisikip na ang espasyo ni Inang Bayan.

Kawangis ng pagsisikip ng aking perlas ng silangan sa bawat araw na ako'y laging nag-iisa.

On my own. All by myself.

Tumataas na rin ang kumpetisyon sa mga lalake dahil mas dumarami na ang sangkabadingan. Mahirap ng kontrolin. Walang pakundangan. Parang mga gremlins lang, dumarami kapag nababasa.

Charut!

poverty in Philippines because of population explosionKonti na lang ang natitirang tunay na lalake.

Dahil sa panahon ngayon, karamihan ng mga lalake, tumitikim na rin ng kapwa lalake.

Yung iba, may boyfriend.

Yung iba, my girlfriend nga, pero cover girl lang. In Tagalog, panakip-butas.

Pero ito marahil ang paraan ni Mother Earth para hindi gaanong lumobo ang populasyon.

Lalake sa lalake.

Walang mabubuntis.

Puro sarap. Walang hirap.

At dahil isa sa resolusyon ko ngayong bagong taon ay ang mas maging good girl pa, gusto kong makibahagi sa pagtulong kay Inang Bayan, sa pamamagitan ng birth control.

Kaya pupunta ako ng city health, magpapascreening.

free tubal ligation, population explosion
Gusto mo bang sumama? Tara!

Ikaw, anong paraan mo ng pagtulong kay Inang Bayan?

At dahil diyan, ito ang theme song natin ngayon:

Geri Halliwell - It's Raining Men

it's raining menGod bless Mother Nature
She's a single woman too
She took over heaven
And she did what she had to do

She taught every Angel
To rearrange the sky
So that each and every woman
Could find the perfect guy


Kaya naman pala. Malandi din kasi si Mother Nature.

Bakla din ba siya?

Basahin ang kabuuan...

Mata, Boses, at Tenga

MATA

eyesMaagang gumising ang inyong lola kaninang umaga. Kelangang iparemit ang GCash ng maaga kasi ang babaylang tagaremit sa isang tindahan ay hanggang alas nuebe lang daw. Sarado ang Globe kasi Linggo.

Alaws na talagang datung ang inyong lingkod, kaya go! Rumampa ng maaga.

rampa bakla, youngs gays walking down the street
Nang makuha na ang sustento galing sa asawa, nag-almusal na lang din ako sa matabang baklang bubuyog. Miss ko na kasi ang pancake nila.

Pagpasok ko pa lang, halos lahat ng mata nakatingin sa akin. Marami-rami ang tao kasi Linggo. Family day. Galing sa simbahan ang mga hombre at babaylan, bata man o matanda.

Well, di na ako nagtakang bakit sa akin ang atensiyon nila.

Sadyang maganda lang ang lola niyo!

Diyosa kaya ako!

Nang nakapila na, pati ang mga crew na andun dapat sa mga niluluto nakaatupag ay sadyang sumilip pa masilayan lang ang aking angking kagandahan at maakit sa aking alindog.

Nakatutok ang kanilang mata sa akin, na para ba akong libro na binabasa.

Binabasa kasi nila itong suot ko:

couple shirt, mahal ako ni jae at mahal ko rin siya
Yan ang kapares ng couple shirt na ginawa ko para sa amin ni Le Boif.

Malandi ba?

At eto ang couple shirt namin, ang pula ay para naman kay Le Boif:

couple shirt, gay, mahal ako ni zang, mahal ako ni jae
Malaki ang print ng sa kanya. Malaki kasi ang etits niya.
At malaki din ang pagmamahal ko sa kanya. Char!

Shh! Wag kayong maingay. Hindi pa niya ito alam. Sorpresa to, te!

BOSES

music notesPagkatapos kong mag-almusal, dali-dali kong tinapos ang mga ipapadala ko sa asawa ko sa Madrid. Isa na dun ang kapares ng couple shirt na suot ko. At nang matapos ko lahat kinahapunan ay sumakay na ng bus at tumungong Bataan.

Isusuko ko na ang Bataan! Charot!

Ang paglalandi nga naman, mapapapunta ka kahit saan man.

Pagkakita namin ng pinsang babaylan ni Le Boif, inabot ko na ang mga kung anong anik-anik na ipapadala ko kay Le Jowa. Kasi magpapadala din sila, at nakisuyo na lang ako. O ha, nakatipid ang lola niyo!

Inabot din sa akin ni pinsan ang CD na pinadala ni Le Boif.

toy story 2 CD
Ang cover ng CD, mahilig kasi siya sa Toy Story. At mahilig
din siyang makipaglaro sa akin. Larong pang-mature content. Charut!

Laman nito ang mga kantang inirecord ng katakam-takam kong asawa.

song list in CD
Sinadya kaya niyang 18 songs? Kasi 18 ang aming monthsary
at 18 din ang birthday niya. Watcha think?

Magaling siyang kumanta. Maganda ang boses niya. May talent. Maraming talent actually.

Naexcite akong pakinggan ang mga ito. At na-touch ako dahil dito:

sexy silhouette of a girl, lady silhouette, CD
Naalala niya ang aking balingkinitang katawan. Ito ang
katawang kanyang sinasamba. Katawan ng nag-iisang Diyosa.
How sweet!

TENGA

hear, earPagdating ko ng bahay, sinalang ko ang CD sa aking laptop.

Pinakinggang isa-isa ang mga kanta.

Ang ganda ng boses!

Kaya lang, di kapani-paniwalang boses yun ni Le Boif.

Parang ang layo sa totoong boses niya.

Kahit di ko pa siya narinig kumanta sa mga bars, eh malabong sa kanya iyon.

At nang napakinggan ko ng buo ang “Teenage Dream,” may biglang nagsalita sa dulo ng kanta:

“Thanks for watching YouTube. I’m Tyler, and I’m Alex Coot…”

Sinearch ko sa YouTube, at ito ang nakita ko:


Nanghina ako. Para lang akong nabiktima ng scam. Gusto kong magwala.

Niloko mo ko, mahal ko! Mapanglinlang ka! Ito ba ang harana mo? Bakit kailangan mo akong lokohin sa paraang ganito? Bakit? Bakit? Bakit?

Charot!

Sa puntong iyon, bigla kong naalala na sinabihan na pala ako ni Le Boif na mali ang naipadala niya at nagpadala siya uli ng bago.

Tinigilan ko na ang aking pag-inarte.

Hahay. Hihintayin ko na lang ang bagong CD.

Sa ngayong nasa malayo pa siya, sa ganitong paraan na lang muna ang kanyang paghaharana, ng pagkanta.

naked boys singingAt sa pag-uwi niya, magrerequest akong kantahan niya ako ng nakahubad siya.

At pag pagod na siya, siya naman ang KAKANTAHIN ko, gamit ang kanyang mikropono…

At dahil diyan, ito ang ating theme song ngayon:

Alicia Keys ft. Beyonce - Put It In A Love Song

Say you love, say love me
And put it in a love song.


Chos!

Basahin ang kabuuan...