rss
twitter
    Ako ay sundan. Follow me, follow me. Falalalala
Ang mga pahina sa blog na ito ay maaaring naglalaman ng mga imahe at katagang di angkop sa mga batang mambabasa. Rated R ito, mga Kaechos! Patnubay ng magulang ay kailangan. Chos! Kung nagtataka kang bakit Echoserita ang pangalan nito, basahin ito.

Nasaan Ka, Ursula?

Related Stories Widget by LinkWithin

ursulaAkmang-akma nga sigurong tawagin akong Ariel sa kadahilanang ako ay isang sirena, isang Little Mermaid.

Isang malaking CHOS!

At siyempre pa, gaya ng lahat ng mga palabas at kwentong napapanood sa telebisyon at nababasa sa mga nobela, kung may bida (ehem), ‘di kumpleto ang rekado ‘pag walang kontrabida.

Sa totoong buhay, meron ding Ursula sa kwento ng inyong lingkod, Echoserita.

Ngunit si Ursula sa buhay ko ay ‘di naman kontrabida.

Minsan lang naman.

Katrabaho ko siya dati. Hindi niya tunay na pangalan ang Ursula. Ito’y naging bansag lamang sa kanya dahil sa mga sumusunod na dahilan:

Una, pinangalanan siyang Ursula ng kapatid na bakla ng isa sa mga naging estudyante namin.

Pangalawa, ganundin ang tawag sa kanya ng ex-boylet ko. Opo, single ako ngayon, and I accept even indecent proposals.

Isa pang CHOS!

At panghuli, dahil ang Ursula na din ang pangalang tumatak sa mga kaibigan ko sa probinsiya kung patungkol sa kanya o kung siya ang pinag-uusapan.

Bukod sa pagiging katrabaho ko, kasama ko din minsan sa kwarto si Ursula noon kapag hindi siya umuuwi ng probinsiya nila. Doon niya naibabahagi sa akin ang kanyang kagagahan at buhay pag-ibig, pati na ang buhay kalandian niya.

Isang araw, matapos siyang maligo…

“Punyeta naman, bakla, napaso ata puki ko,” nababahalang bungad niya pagpasok sa kwarto na may nakatapis na tuwalya.

“Ano ba nangyari?” tanong ko.

“Yung tubig ang init pala, eh diretso kong ibinuhos sa pekpek ko. Hu hu hu.”

Sa lakas ng tawa ko at ng isa pang kasama sa bahay at sa pagnamnam ko ng nakakatawang pinagdaanan niya kasama ng kanyang facial expression, matagal-matagal ko pa siyang nasagot. “Panu naman kasi para kang hindi nurse, kulang ka sa assessment, diretso ka lang ng buhos. ‘Di mo muna tsinek.”

“Eh malay ko ba na pag tinanghali ka na ng ligo eh mainit na pala ang tubig dito na galing sa gripo!”

Nakakatawa ang katangahan ng bruha. Poor unfortunate soul!

Pero madalas siya ang clown sa bahay.

At pati na rin sa aming pinagtrabahuan noon… lalo na pag may gatherings.

Ang huli naming gathering kung saan present siya ay sa night out namin bago magpasko, kung saan videoke ang naging trip namin. Bago siya kumanta, pinasayaw muna namin siya.

Sumayaw naman siya. Parang Neneng lang (sayaw, Neneng, sayaw).

ursula
Walang arte-arte ang lola niyo. 'Pag sinabing sayaw, sasayaw siya. 'Pag sinabing kanta, kakanta siya. Kahit 'di mo pa siya sasabihang sumayaw siya o kumanta, kusa niyang gagawin yun, dahil yun ang hilig niya. At mala-wolf ang boses niya. She wolf.


At dahil hilig nga niya ang kumanta, 'di na talaga niya napigilang umeksena minsan noong nagbar kami.

Inagaw na niya ang floor at mic, at siya na ang kumanta. In behalf of our team, pasensiya na po, kuyang "got tequila?"

At bago pa kami napadpad sa bar na ito, dumalo muna kami ng graduation ng aming mga mahal na estudyante.

O 'di ba, sino ang hindi best in make-up sa lagay na yan?

Sino na ang kenkoy, 'di ba?

Nagulat ata ang Ursula sa flash eh. Camera flash versus flashlight itetch!

Ang nganga pose ng Ursula. O di ba, winner? Parang si Quasimodo lang sa posisyon niya.

Ang sabi naman kasi "wacky pose," hindi horror pose. Ahihi. (Click mo ang pic para mapalaki.)

Sa dami ng tawa ko 'pag kasama ko ang Ursula, madalas napupuno lang ng hangin ang tiyan ko.

Sa isang pagtitipon pa, dahil maga ang mata niya dahil sa conjunctivitis, ganito siyang dumalo sa aming Capping at Pinning noon.


Infernez, bumagay sa suot niya! Akala mo Lady Gaga lang eh.

Ang totoo, namimiss ko na siya. Hindi ko na alam saan na siya ngayon nilagay ng mga diyosa, nga mga anito at anita. Hindi na kasi kami nag-uusap. Busy kami sa kanya-kanyang landi.

Char!

Sa tagal din ng naging pagsasama namin noon parang stepmom ko na siya. Stepmom na 'di nagkulang ng payo tungkol sa kalandian. Da best talaga siyang kasama!

Pero ang "pinaka da best" na experience ko with Ursula ay nung Christmas Party namin ng taong 2009.

Panu ba naman kasi, sa bahay pa lang kami tumira na ng Emperador, kaya sa venue ng party namin, nagsisimula pa lang kaming magcelebrate, e siya tulog na!

At dahil mga ugags kaming katrabaho niya, pinagtripan namin siya. Pinahawak na namin ng beer, pati pa nga lalagyan ng ketchup...

Pero wiz pa rin nagising ang lola niyo. Ang himbing pa din ng tulog ng bruha.

Kaya naman tinodo na namin ang aming trip.

At 'di pa rin siya nagising... Poor, unfortunate soul.

(Note: Emperador ang laman ng mineral water bottle na hawak niya, ang tira sa kanyang tinira sa bahay pa lang. Wais din ang bruha, para daw 'di halata.)

At dahil diyan, ito ang theme song natin ngayon: