rss
twitter
    Ako ay sundan. Follow me, follow me. Falalalala
Ang mga pahina sa blog na ito ay maaaring naglalaman ng mga imahe at katagang di angkop sa mga batang mambabasa. Rated R ito, mga Kaechos! Patnubay ng magulang ay kailangan. Chos! Kung nagtataka kang bakit Echoserita ang pangalan nito, basahin ito.

Titser, Titser

Related Stories Widget by LinkWithin

gay teacher writing on chalkboardIsyu ngayon ang budget para sa chalk ng mga pampublikong guro.

Kawawa naman.

Mapalad naman ako at sa aking pagtuturo ay 'di ko na kailangan ng chalk.

Whiteboard marker ang ginagamit ko simula't sapul sa aking propesyon. Sa awa ng Diyos 'di pa ako napapadpad na magturo sa lugar na gagamit ng chalk. Ang messy lang! Wala naman akong hika; 'di lang talaga ako hiyang sa ganun.

Tsaka sa ganda kong 'to, chalk ang ipapagamit sa akin? No way!

Hindi pala madali ang maging isang guro. Napakahirap, infernez. Bago ka magturo kailangan mo pang magsunog ng kilay, magbasa at mag-aral at maghanda ng mga materyales para sa leksiyon kinabukasan. Kailangan ding gumawa ng mga pasulit, magrekord ng mga exams, magcheck ng mga requirements at projects, at kung anu-ano pang shit.

Oo, minsan nakaka-"shit!" talaga ang magturo.

Kaya dakila talaga ang mga guro. Hindi ito basta-bastang trabaho...

Isang araw, nang napadungaw ako sa bintana sa ofis, aking natanaw ang aking alma mater nung grade school.

"Napakahirap sigurong magturo ng elementary ano?" tanong ko sa kasama ko sa opisina. "Mantakin mo kadami ng mga batang makukulit na wala pang gaanong alam. 'Di katulad 'pag sa kolehiyo, alam na nila ang karamihan na basic."

"Tsaka matutuyo ka lang 'pag elementary pupils tuturuan mo. Wala man lang boys na pagnanasaan mo. Pati high school, mahirap na, underage pa sila," sagot ng kasama ko.

"At puro kalibugan pa talaga ang naisip mo?"

"Huwag mong sabihing sa mga estudyante mo ni isa sa kanila wala kang natikman?"

"Excuse me no! 'Di ako ganun karupok para bumigay. Hindi ako basta-basta natutukso. Malakas yata ang self-control ko."

"Pero may mga naging estudyante kang naglandi sa'yo?"

"Meron din. 'Di ko nga lang alam kung totohanan o dahil may hinihingi lang ding kapalit. Alam mo na, grades! Meron pa ngang iba binagsak ko na, ang kulit-kulit sa text o kaya sa FB. Ibibigay daw ang lahat ng gusto ko, gagawin daw lahat ng gusto ko ipasa ko lang sila. O, 'di ba?"

"Ano ginawa mo sa kanila?"

"Wala. Sinabihan ko lang 'ang grades pinaghihirapan sa klase, hindi binabayaran, at lalong hindi sa kama ang tawaran.'"

"Ikaw na ang pakipot! Grasya na, tinatanggihan mo pa."

my teacher is gay"Oo naman no, tsaka nirerespeto ko kaya ang mga estudyante ko. 'Di ko sila ginagalaw. Sagrado sila sa akin, matalino man o bobo, gwapo man o macho. Magboyfriend na ako ng ibang estudyante ng ibang paaralan, 'wag lang estudyante ko o estudyante ng pinagtatrabahuan ko."

"So wala ka talagang natikman sa kanila?"

"Wala nga! Ang tigas ng utong mo ha! I'm not an easy girl, you know!"

"Ano naman kaya ang nakain mo nun?"

"The usual... etits! Charing lang! Simple lang, nirerespeto ko lang talaga sila at kahit baklita man ako na guro nila eh kahit papano ay rerespetuhin din nila ako na 'di ako yung tipong pagnanasaan ko sila."

"Dahil...?"

"Dahil may pinapangalagaan akong titulo... I am an ambassadress of good will... and I need to fulfill my duties and responsibilities as the reigning..."

miss universe 2011, ukraine, brazil, angola, dionisia, pokwang, kiray

"... Miss Universe, School Principal division."

miss universe 2011, ukraine, brazil, angola, dionisia, pokwang, kiray


Beyonce - Schoolin' Life