rss
twitter
    Ako ay sundan. Follow me, follow me. Falalalala
Ang mga pahina sa blog na ito ay maaaring naglalaman ng mga imahe at katagang di angkop sa mga batang mambabasa. Rated R ito, mga Kaechos! Patnubay ng magulang ay kailangan. Chos! Kung nagtataka kang bakit Echoserita ang pangalan nito, basahin ito.

Maria Echoserita Putakelya

Related Stories Widget by LinkWithin

Shamcey Supsup Miss Universe 2011 bikini, swimsuit, swim wear, Filipina, pinay"Madam, iremind daw natin uli ang mga estudyante na magbayad na," balita ko sa aking kasamang beki sa opis matapos kong basahin ang text ng aming balahurang boss.

"Dalas naman eh," sagot niya.

"Nga pala, 'nu na balita sa Miss Universe? Nanalo ba si Shamcey?"

Ilang araw na kasi niyang inaabang-abangan ang Miss Universe pageant. Halos araw-araw, oras-oras nakatutok sa YouTube noon at araw-araw boto ng boto sa website ng Miss U.

Oo, ganyan siya kalulong sa Miss U. Kinalimutan nga niya muna ang bisyo niyang manlalake. From bisyo to Miss U...

"Yes, madam. Pero 3rd runner-up," sabi niya.

"Ay? Sino ang nakoronahan?"

"Si Miss Angola. Negrita ang lola. Pero maganda," sagot niya.

"Ganun ba? 3rd runner-up? Pwede na yan! At least from 4th runner-up ng nakaraang taon eh umangat ngayon," paliwanag ko.

"Kaya nga. Ok na din yun..." aniya. "Magdidiet na talaga ako, in preparation for next year."

"Sa 2013 ka sumali, te!"

"Bakit?"

"Next year baka 2nd runner-up lang tayo. Then sa 2013, 1st runner-up. Paangat ng paangat. By 2014, sa atin na ang korona."

"Eh 'di sa 2014 na lang ako sasali."

Herjee Funesto Tanda, All-Star Review Center"Gaga, eh dun ako sasali! Kaya sa 2013 ka na lang, kawawa ka lang. Kabugin ka ng kagandahan ko... Tamang-tama, two years to prepare papayat ka na nun, mawawala na yang mga bilbil mo at makakapagpalagay ka na ng implant para madagdagan din ang height mo," payo ko sa kanya.

"Eh ikaw anong mga preparations mo for 2014 Miss U?"

"Lilikom pa ako ng pera para maipapatag ko fez ko. Kailangang flawless na flawless. Hihingi ako ng donasyon sa DPWH for road cementation."

"O sige, sa 2013 na lang ako. Teka, paano ang mga documents natin? Dapat 'di tayo mabuking," paalala ng baklang nasobrahan sa rice.

"Pagawa natin sa Recto eh! Ano ba ang ipapangalan mo kung sakali?"

"Maria Theresa Leonora y Disgrasyada."

At habang nakaharap ako sa laptop ko biglang tumayo ang bakla, rumampa sandali, huminto sa harap ng bentilador, yumukong konti at nagsalita. "Good afternoon, everyone! Before I introduce myself..." At nahinto ang baklita. "Umm, ano kaya ang magandang sasabihin 'te?"

Bago pa makapag-isip ang bakla, tumayo na ako, rumampa papunta sa kanya, huminto sa harap ng bentilador, tinulak siya paalis sa tabi ko, yumuko ng konti at sinabing:

"Good afternoon, everyone! Before I introduce myself, let me just remind you to please settle your financial obligations now, because I believe in the saying 'Pay now, and pass the board exam later.' This is Maria Echoserita Putakelya, 25, PHILIPPINES!"

Shamcey Supsup Miss Universe 2011 bikini, swimsuit, swim wear, Filipina, pinay