rss
twitter
    Ako ay sundan. Follow me, follow me. Falalalala
Ang mga pahina sa blog na ito ay maaaring naglalaman ng mga imahe at katagang di angkop sa mga batang mambabasa. Rated R ito, mga Kaechos! Patnubay ng magulang ay kailangan. Chos! Kung nagtataka kang bakit Echoserita ang pangalan nito, basahin ito.

Sampung Kahibangang ‘Di Dapat Ginagawa Sa Fezbuk

Related Stories Widget by LinkWithin

facebook corporate logoMga hijo’t hija, may Fezbuk ka ba? Siyempre, sino ba naman ang walang Fezbuk ‘di ba?

Yez, Fezbuk… with Z talaga. Char!

O siya, pahinga muna ako ang lola niyo sa mga kamunduhan, kaya wala munang landian ngayon.

Ibabahagi ko lang dine, at ililista, ang mga bagay-bagay na pansin kong hindi mo dapat ginagawa sa Fezbuk. Utang na loob, basahing mabuti ang mga alituntuning ito para naman hindi ka magmukhang tanga sa FB.

1. ANG NAG-IISANG IKAW. Susme, mga sir at madam, kung maglalagay ka ng status updates mo, o mag-upload ng bagong pics, utang na loob, ‘wag mo ng i-Like ng kusa, ‘wag na ding ikaw pa ang unang magcomment. Hindi ka nag-iisa; may friends ka ah. Parang tanga lang! Nilagay mo na nga iyon na status o inupload na pic kasi 'yon nga ay GUSTO mo, in English, LIKE. Redundant na! Para lang yang, "Bakla ka na nga nakapink ka pa!" Nakakaawa kaya, na para bang dahil walang pumapansin sa mga updates mo eh ikaw na lang ang nagtitiis sa sarili mo. Sariling sikap? Kung walang magla-Like o magkokomento, kiber lang! Tanggapin mo na lang sa sarili mo na ‘di ka artista! Ganun lang kasimple. Ano ba kasi ang drama mo? “All By Myself” ni Celine Dion? Pwes ito ang kantang mas nararapat sa’yo: “Nag-iisang Ikaw” by Louie Heredia.

2. THE LIKE CAMPAIGN. May mga bruho at bruhang ichachat ka at ipapaLike sa iyo ang status nila o kaya pics. Ano yun, napipilitan lang silang i-Like ang status o pics? Pwede pa siguro kung may contest na ginaganap at kailangan ng paramihan ng Likes, pero kung char-char lang ang mga pagpapa-Like mo ng mga kung anu-anong walang kwentang mga anik-anik sa FB mo, ‘wag ka na mang-istorbo ng iba! The nerve! Hayaan mo silang kusang i-Like yun at yung bukal sa loob nila. Kaya nga LIKE, hindi FORCED LIKE. Kuha mo? Kung ako lang si Mark Zuckerberg eh baka nilagay ko na yung option na yun. Pasalamat kayo at ako lang si Echoserita Zuckernotes. Aw, my mouth!

3. ANG TA-TAG MO, TE! Sadyang may mga boplaks din sa FB na tina-tag nila ang mga taong hindi naman kasama sa picture. Ayos lang sana kung negosyo ang pinag-uusapan (mag-tag ng kape, tsinelas, pampapayat, mani, tocino, longganisa, chicaron, among others) maiintindihan at matatanggap pa ‘yon na balidong dahilan dahil "kumikitang kabuhayan" yun, kailangang makasurvive sa buhay. Kaya lang may mangilan-ngilan talagang ‘di mo alam kung pinagmamayabang lang nila ang pic/s na yaon o sadyang papansin lang. Keep it to yourself na lang mga kapatid.

4. THE COFFEE THAT IS STARBUCKS. Aba, aba, parang artista na din ang Starbucks ngayon. Kung ipagtatabi ang Starbucks at artista baka nga mas pipiliin pa ang magpapicture with anything that is Starbucks. Napansin ko lang na halatang ipinagmamayabang ng iba nating ka-FB ang pagkaka-Starbucks nila, with all the Starbucks logo na pwedeng makuha – snap! Snap! Ang malala, ita-tag ba naman ang friends (refer to number 3) na wala naman sa pic, maipakita lang sa kanila na nakaStarbucks. Kaloka! O sige, ikaw na. Ikaw na ang Star at ang may bucks pang-Starbucks.

5. KONTING ANGLE DIFFERENCE LANG. Kung nag-uupload ka ng pics, lahat ba ang ina-upload mo? Kung oo, ikaw na! Ikaw na ang maderaka ni Draco Malfoy – si Narcissa! Kung mag-uupload ng sangkatutak na pics, pagpilian mo naman. Huwag naman yung halos magkapareha-pareha lang ng pose, konting anggulo lang ang pinagkaiba eh ina-upload mo pa. Saka mo na iupload lahat kapag artista ka na. Chos!

facehooked facebook joke6. I FOUND HER DIARY... UNDERNEATH FB. Huwag mo naman kayang gawing diary ang FB mo, mga ate at kuya! Hindi ka Hollywood star na segu-segundo, o minu-minuto, araw-araw, 24/7 ay update ka ng update na kulang na lang sa'yo na lahat galing ang nasa Most Recent updates. Flooding yan! Bigyan mo naman ng time ang mga fans mo na makapagpahinga sa kaka-Like ng stat mo. O kung wala namang gaanong nagla-Like o nagkokomento, sana ay mapagtanto mo namang ‘di nila type status updates mo. Huwag kang sobrang papansin!

7. ANONG NETWORK MO? ABS-CBN, GMA, ABC? Ito na ata ang second best na nakakairita, next to #8. Kaloka ‘tong mga networkers, invite ng invite, istorbo na minsan. Hindi man lang matutunang maging sensitive sa mga kinukulit nila. If there’s no answer once or twice, it means not interested. Kaya ang dapat sa kanila, mina-magic saying the words “Peskipiksi pesternomi!” Pesky dahil nakakairita, at pesternomi dahil sa kulit nila parang gusto mong magmura ng “PESTE!”

8. ANG ULAM NA SPAM. Dito maraming shoshonga-shonga. May ibinigay lang na link sa kanila, click ng click agad, kaya hayan, naikakalat ang virus. Maging mapagmatyag naman kasi sana, at ‘wag tatanga-tanga. Hay naku! Mga boba at bobo lang ang nabibiktima ng spams na ‘yan. Kaya next time, ‘wag na magpakaboba. Suriin munang mabuti ang link kung lehitimo o kaduda-duda. Tse!

9. POSE NG POSE, POSER PALA. Ngayong lumolobo na ang populasyon ng mga beki, at ng mga lalakeng paminta na etits din naman ang bet eh nagmimistulang pugad ng prostitusyon ang FB. Kadaming mga profile ng mga gwapong lalake, pero magugulat ka na lang karamihan ng friends niya ay mga hombre din. Mag-ingat na lang dahil maraming posers sa FB. Tingnang mabuti ang profile pics, kapag bilang lang ang pics niya, malamang poser iyan. Kapag ganun, ‘wag mo na lang patulan. Sa halip ay isumbong mo kay Tulfo! Chos!

10. 'DI MAPAKALI SA RELATIONSHIP. In love ka ba ngayon? In a relationship? Tapos bukas o bukas makalawa, single? Tapos in a relationship uli? Tapos engaged? Tapos single uli? Tapos married?Divorced? Separated? Widowed? Walang pakundangang status update lang ah. Ang masaklap pa, makikita mong “It’s complicated.” Nakipagrelasyon ka pa kung kumplikado lang din. Magsingle ka na lang, dahil ika nga ni Miss Chuni: “Hindi lahat ng single tigang.

Lagi lang nating tandaan na ang paggamit ng Fezbuk ay may limitasyon. Huwag abusuhin.

At atin pa ding tandaan, "Bato, bato in heaven, ang tamaan umamin."

O in a negative aspect, "Bato, bato sa impyerno, ang tamaan 'wag maimbyerna." Char!

facebook jail joke
At napag-usapan na din ang FB, kung trip niyo ay i-Like niyo na lang ang Fan Page ng inyong lingkod. Hindi ito paglabag sa #2 Rule kasi hindi ko naman kayo pinipilit. Don't you worry, hindi naman kayo magiging electric fan.

facebook joke become a fan
Heto na ang ila-Like niyo kung trip niyo lang naman. Ahihi.


Ikaw kapatid, alin ba sa mga alituntunin sa taas ang sa tingin mo'y pak na pak na bonggang bongga? Boto na, mga echosera! Remember, may premyo tayo sa ating maswerteng botante: isang 14-wheeler truck na puno ng hombre. Kaya go, boto na!




As usual, 'di mawawalan ng theme song ang blog posts ko, kaya ito ang idedicate ko sa mga nasa #1.