rss
twitter
    Ako ay sundan. Follow me, follow me. Falalalala
Ang mga pahina sa blog na ito ay maaaring naglalaman ng mga imahe at katagang di angkop sa mga batang mambabasa. Rated R ito, mga Kaechos! Patnubay ng magulang ay kailangan. Chos! Kung nagtataka kang bakit Echoserita ang pangalan nito, basahin ito.

Pulis Na Si Jay

Related Stories Widget by LinkWithin

sexy policeman, nude gay policemanIsang linggo ng gabi, pagkatapos magsimba, naglakad ako pauwi kasama ng dalawang kaibigang babaylan.

“Daan muna tayo ng plaza. Namimiss ko na kasi ang lugar, pati na rin ang mga ombreng nakatambay lang doon,” paanyaya ko.

“Hindi ka pa rin nagbabago, malandi ka pa rin,” banat naman ng isa.

Ilang hakbang pa ay narating na namin ang plaza.

Tingin dito, tingin doon. Sinuyod ng aking mga mata ang plaza at baka may masilayan na ombreng pwedeng lasingin at gapangin.

Charot lang. Di naman ako malandi. Alam kong hanggang tingin lang ang kaya ng powers ko. I swear!

Napunta kami malapit sa entablado sa gitna ng plaza. May nag-iingay kasi. Yun pala ay may event sa gabing yaon. May mga banda. Marami ding serbesa sa paligid. Yun ata ang sponsor. Pero di ko na sasabihin dito ang brand, ano sila sinuswerte? Wala silang binayad sa akin para mag-endorse no!

Usap-usap. Asaran. Tawanan. Nang biglang may nagsalita sa aming likuran.

“Oist, bawal kayo dito!”

Lumingon kami sa pinanggalingan ng boses at nakita ko ang isang lalakeng minsan ay naging parte ng aking malanding nakaraan: si Jay.

Posturang-postura ang Jay. Nakauniporme ng dark blue. Pulis na pala talaga si Jay.

At gaya ng dati, parang ‘di naman nadagdagan ng konti ang kanyang height. Mas matangkad pa din ang diyosang Echoserita. Kunsabagay, pagdating sa kama walang pandak, walang matangkad. Patas lang.

Ayun usap-usap kaming apat. Asaran. Tawanan.

“Manlibre naman kayo, ang yayaman niyo,” hiling ni Jay.

“Ikaw nga ang may trabaho, ikaw ang mangtreat,” tugon ko. “Ilibre mo naman kami ngayon.”

“Di pwede ngayon, nakaduty ako. Bukas off ko.”

“O de sige, bukas na lang pala. Akin na number mo para walang kawala. Hahuntingin ka namin pag di mo tinupad yan.” At inabot ko ang cellphone ko.

Pagkatapos ng ilang pindot-pindot, ibinalik na ni Jay ang cp ko. “Ayan, isave mo na.”

At umalis ang ungas. Kailangan na daw niyang bumalik.

Si Jay… Si Jay… Ewan ko nga ba at nahumaling ako sa kanya noon. Isa siya sa mga lalakeng nakapagpaiyak na sa lola ninyo.

(Flashback…)

Nasa ikatlong taon ako sa kolehiyo noon ng magkagulo-gulo ang aking sched dahil sa isang bruhang di naman inaassess ng mabuti ang aking subjects. At dahil atrabida ako, I asserted all my rights, left and right. Block sectioning dapat, pero dahil sa assertive ang tiyahin ninyo na makuha ang mga subjects na gusto ko ng sem na yun ay kung sinu-sino na ang naging kaklase ko. All-around ang bruha na ako, lahat ng kalevel ko sa kursong kinuha ko ay naging kaklase ko. Kaya siyempre, sikat ako. Chos!

Pero bago pa naplantsa ang lahat, nakapag-emote muna ako sa bahay noon. Maraming mga bagay ang gumulo sa isip ko. Nandun din ang takot na kung susundin ko ang bruhang nasa mataas na posisyon, na siyang nagsulsol sa akin na huwag na muna kunin ang isang subject, ay baka mahuli akong makapagtapos kung sakaling hindi pala yun maioffer in the second sem. Bruhilda talaga siya!

At dahil medyo may kalandian ang tita Echoserita ninyo (medyo lang naman), siyempre hindi mawawala sa emote-emote ang mga kalalakihan.

Natakot ako noon na kung susundin ko ang bruhang nagbigay ng false reassurance (para naman siyang hindi nurse, ano ba!) ay hindi ko na magiging kaklase si Jay. Sa mga panahong iyon, si Jay ang lalakeng gustong maging kabiyak ng puso kong sawi. Char!

At sa mga sandali na iyon na nag-emote ang lola niyo, nagpatugtog naman ako ng cp ko. Akmang-akma ang naging kanta.

♫ ♪ ♫ ♪ And I don’t know really what it means. All I know is that you love me… in my dreams. ♫ ♪ ♫ ♪

Napatulo bigla ang luha ng bruhang Echoserita. Hindi ko alam bakit. Hanggang sa tuloy-tuloy na ang pagpatak ng mga luha. Ganun nga siguro ‘pag inlab. Mahirap ipaliwanag. Talagang mahirap…

At mas lalong mahirap dahil langit ako (diyosa) at lupa siya (mortal na nilalang)…

Hanggang lihim na pagtingin lang kasi ang nararamdaman kong iyon. Hindi ko sinubukang ideklara kay Jay ang aking tunay na nararamdaman, na sa mga gabing malamig ay pinagpantasyahan ko siya noon.

Charing lang! Hindi ko gawain iyon. Peksman, tamaan ka pa ng kidlat…

(balik sa kasalukuyan)

Ngayong ilang taon na ang nakalipas, masasabi kong nakapagmove on naman na din ako. Hindi ko dapat ituon ang aking atensiyon sa isang lalake, lalo pa’t maraming akong ginagampanang tungkulin kay Inang Bayan, bilang isang diyosang nakatalagang mag-alaga at magbigay kalinga sa hindi lang iisang lalake kundi ng buong sangkalalakihan.

Pero pwede pa rin namang maglandi ng tingi-tingi lang. Why not, di ba? Kaya kinabukasan, sa nakatakdang ilibre kami ng Jay, kinuha ko ang cp ko. So then I was lying alone, with my head on the phone…

“The number you have dialled is incorrect.”

Pindot uli ang green button.

“The number you have dialled is incorrect.”

Mayaman naman ako sa load, hindi pwedeng dahil ito sa naubusan ako ng load. Hindi pwede! HINDEEEHHH!

Sinuri ko ang phonebook entry ni Jay.

09********. Ten digits lang, kulang ng isa.

(O wag mo ng bilangin ang asterisks at numbers, sampu yan lahat, gaga!)

Naisahan ako ng Jay. Tuso pa rin talaga ang mokong. At gaya ng ibang pulis, wais.

At dun tuluyang nagtapos ang Echoserita-Jay love affair. Sadyang hindi para sa isa’t isa ang isang diyosa at isang taong-bayan.

Sana'y magsilbi itong leksiyon sa inyo...

At ang moral lesson?

Huwag na huwag iabot ang Celia Rodriguez ninyo sa lalake. Baka itakbo...

At huwag na huwag magtiwala sa pulis, sapagkat sila ay matulis.

Hahay.. Jay, Jay. Maaaring naisahan mo ako ngayon, pero magkukrus pa rin ang ating landas.

Kahit labag man sa loob ko at sa batas ng langit na pinanggalingan ko, magpapakabadgirl ako, a very very bad, bad girl. Para huhulihin mo ko, papuputukan...

policemen firing squad
Kahit isang putok lang, I swear susuko na ako!

sexy gays arrested by hunk policementPero may isang hiling lang ako, na sana ay huwag mo akong ikulong, lalo pa't hindi naman talaga ako bad girl, not a very very, bad bad girl. Gusto ko lang talaga laging nasa tabi mo, kaya please, pwede bang ako na lang ang muse mo? Siguradong papatok ang tambalang ikaw at ako, gaya na lang nito:

sexy policeman and policewomanSige ka, ikaw din, kung ayaw mo, baka sa iba na lang ako papahuli. I'll be a great catch. Pwes mamili ka na kung sino ang huhuli sa akin, IKAW o si KOYA?

sexy cute handsome pinoy policemen, gwapong pulis, hubad na pulis
Pag-isipan mong mabuti...

BANG!