rss
twitter
    Ako ay sundan. Follow me, follow me. Falalalala
Ang mga pahina sa blog na ito ay maaaring naglalaman ng mga imahe at katagang di angkop sa mga batang mambabasa. Rated R ito, mga Kaechos! Patnubay ng magulang ay kailangan. Chos! Kung nagtataka kang bakit Echoserita ang pangalan nito, basahin ito.

Hanggang Sa Muli, Kapatid!

Related Stories Widget by LinkWithin

mike francis mendozaMatagal ko na dapat naipost ang lathalaing ito. Kaso hindi ko na mahanap sa YouTube ang video na dapat ay i-embed sa post na ito.

Buti na nga lang at meron akong nadownload na copy nun, at ako na lang mismo ang nag-upload. Yung nga lang nung inupload ko sa YouTube, walang sound. Tinanggal nila. Copyrighted daw kasi.

Ilang beses kong inupload sa YouTube. Ganun pa rin. Malas.

Isa yun sa dahilan bakit natagalan ang paglathala ko nito...

Nang biglang umilaw ang bumbilya ng aking utak. Tsing!

Meron palang Vimeo. At dun ko na naiupload ang video...

-------------------------------------------------------

mike francis mendozaNung nakaraang isang buwan, nagtext sa akin ang Makoy.

Makoy: "I'm here at Mike Francis's wake."

Me: "Oh really? What caused him his death?"

Makoy: "As of press release, colon cancer daw."

Me: "That fast? That young?"

Marami pa ang naging palitan namin ng text ng baklang Makoy. Pero di na kailangang isambulat pa dito.

Una kong nasilayan si Mike Francis noong 2007 nang mapanuod ko ang talagang nakakainggit na video nila ng boyfriend niya noon. Hindi ko pa alam ang pangalan niya noon. Ito ang videong kinainggitan ko, at ang videong nagpaalala sa akin ng may ganito palang kanta, kaya ora mismo napadownload din ako ng kanta.

mike francis mendoza

At dahil inggitera ang lola niyo, shinare ko ang videong ito sa aking mga kapwa inggitera.

At siyempre, nainggit sila. Pati ang mga babaylan napahiling na sana'y naging bading na lang din daw sila. Akalain mo yun?

mike francis mendozaDi ko din akalain na makita ko sa personal si Mike. Nangyari iyon nung dumalo ako sa pageant ng baklang Makoy. Isa kasi siya sa mga kalahok ng balahurang pageant na yun.

Dun ko din nasilayan ang kanyang boypren sa video, at sila pa din nun. Namangha ako sa kanilang relasyon, dahil tumagal din yun.

Hindi ko man nakilalang lubos si Mike, isa siya sa mga taong nagbigay pag-asa sa akin, na ang aking pusong mamon na inapak-apakan na ng mga lalakeng dumaan sa aking buhay, ng mga lalakeng lumapastangan sa aking pagkababae, ng mga lalakeng nagtake advantage sa aking kahinaan, sa aking murang katawan, ay maaari pa ring makahanap ng hombreng igagalang ako, pagsisilbihan ako, at tatratuhin at sasambihing bilang kanyang diyosa.

Pero gaya ng ibang mga bagay, may hangganan ang lahat.

Tanong pa nga ni Nelly Furtado, "why do all good things come to an end?"

Charot!

At ika nga din ni Papa Brad Pitt sa kanyang isang pelikula, "You can be mad as a mad dog at the way things went. You can swear and curse the Fates. But when it comes to the end, you have to let go."

Char! Pasensiya na kung dumugo ang ilong ninyo. Mas mabuti ng ilong ang dumugo kesa sa pwet no!

O siya, ang theme song natin ngayon ay Never Gonna Let You Go ng baklang Faith Evans. (Yung sa video na kanta, tanga!)

At sa'yo kapatid, hanggang sa muli! Salamat sa pagiging isang inspirasyon, Mike. You will be missed, Mike Francis Mendoza (November 13, 1987 - May 26, 2011). Rest in peace, homie...