rss
twitter
    Ako ay sundan. Follow me, follow me. Falalalala
Ang mga pahina sa blog na ito ay maaaring naglalaman ng mga imahe at katagang di angkop sa mga batang mambabasa. Rated R ito, mga Kaechos! Patnubay ng magulang ay kailangan. Chos! Kung nagtataka kang bakit Echoserita ang pangalan nito, basahin ito.

Kung Ako Ay Mawawala

Related Stories Widget by LinkWithin

Ipagpaumanhin niyo ang aking pagkawala ng mahigit dalawang buwan.

Marami lang talaga akong inasikaso. Marami lang ding mga tungkulin sa buhay na kailangang gampanan, mga tungkulin bilang isang housewife, ina, diyosa, mariposa at sirena.

Namiss niyo naman ba ako?

Ako din, namiss ko din ang sarili ko.

Nung ako'y nawala, hinanap niyo ba ako? Kung oo, eh maraming salamat at sa kabila ng aking pagkawala ay hinanap-hanap niyo ang aking kagagahan dito.

Pero kung di niyo naman ako hinanap, eh eto lang masasabi ko sa inyo: F**K YOU!

Kung halimbawa ika'y nawala, may maghahanap din ba sa iyo, gaya na lamang ng pagpapaskil ng ganito?

lost lesbian, tomboy, missing
Oh well, kung ako naman ang mawawala, pakiusap lang, ito naman ang ipaskil niyo sa mga kanto-kanto.
missing gay, echoserita
Pwede na yan! Tingnan lang natin kung mahanap niyo ako!

Habulin niyo ako!

Kung kilala niyo ang nawawalang tomb raider (tomboy) sa taas, maaaring ipagbigay alam sa mga numerong nakapaskil.

At utang na loob, hindi ko siya kaanu-ano no! Nakita ko lang ang bruhildang yan on the streets of New York, concrete jungle where dreams are made of.

Chos!

At dahil diyan, ito ang ating kanta ngayon:

Ogie Alcasid - Kung Mawawala Ka