rss
twitter
    Ako ay sundan. Follow me, follow me. Falalalala
Ang mga pahina sa blog na ito ay maaaring naglalaman ng mga imahe at katagang di angkop sa mga batang mambabasa. Rated R ito, mga Kaechos! Patnubay ng magulang ay kailangan. Chos! Kung nagtataka kang bakit Echoserita ang pangalan nito, basahin ito.

Sa Aking Pagtulog

Related Stories Widget by LinkWithin

sleeping beautyPara sa isang taong tamad na tulad ko, wala ng mas sasarap pa sa isang napakahimbing na tulog. Masarap kayang managinip, wag lang bangungot.

Masarap akong matulog, sabi pa nila. Maganda din ako pag tulog. Ika nga ni Ursula, kasambahay ko dati, Sleeping Beauty daw ako.

Naniwala naman ako siyempre. Halata naman kaya!

Pero sabi pa ng iba pa, masarap din daw ako pag tulog.

Masarap gahasain. Chos!

Nakahiligan ko na sa pagtulog ay nakamusic, with the earphones on. Pag ganun kasi, nananaginip akong kasama ang musika. Kaya once again, natulog ako isang gabi with my latest playlist na nakaandar.

At di nga ako nabigo. Nanaginip akong nasama sa panaginip ang kanta.

Ang eksena, may dalawang bading na estudyante namin noon, pero matagal ng gumradweyt. Parang nasa practice ng cheerdance ang lugar. Nakaplay ang kantang ito:



Bakla 1: "Anong title ng kantang ito?"

Bakla 2: "Dreaming."

Bakla 1: "Ay, oo nga pala."

Baklang Me: "Ano? Umayos nga kayo! Eyes Wide Shut ang title niyan ah!"

Bakla 2: "Eh di ba yung chorus eh 'Don't tell me I'm dreaming, 'cause if I've been dreaming...'"

Baklang Me: "Eyes Wide Shut nga! Ayaw pa maniwala! Ako pa! Magaling ko pagdating sa mga kanta!"

Sa panaginip ko hindi naniwala ang dalawang baklita. Sumama ang loob ko. Sa sama ng loob ko, at dahil na rin sa di ako nanalo sa debate, nagising akong bigla sa pagkakahimbing. Nagising with a heavy heart. Pagtingin ko sa relo alas dos pa ng umaga.

Gusto ko sanang balikan ang panaginip na yaon dahil ayokong nagpapatalo. Naiirita kasi ako sa mga taong tanga pagdating sa kanta, tulad na lamang nung nasa ikaanim na baitang pa ako.

Kaklase 1: "Ano nga uli title ng kanta na to. 'Every night in my dreams I see you, I feel you.'"

Kaklase 2: "'Every Night In My Dreams' siyempre!"

Kaloka ang bruha!

Dahil sa nasira ang tulog ko ng gabing iyon, inisip ko na lang ang crush ko sa grupong kumanta ng kantang pinagdebatehan. At least para hindi ganung sumama ang loob. Yes, ganun ako ka-affected ng panaginip na yun...

Kahit matulog ako with "eyes wide shut" at sobrang himbing gaya ni Aurora ng Sleeping Beauty, I swear madali lang akong gisingin...

Basta ba siya ang pupukaw sa aking natutulog na damdamin with only his passionate kiss.

martin humes of jlsGuys, ipinapakilala ko sa inyo ang magiging ama ng aking future babies, si Martin Humes.

Gigil much ang lola niyo!

At ating theme song ngayon? Siyempre, ang kantang pinagdebatehan.


JLS feat. Tinie Tempah - Eyes Wide Shut