rss
twitter
    Ako ay sundan. Follow me, follow me. Falalalala
Ang mga pahina sa blog na ito ay maaaring naglalaman ng mga imahe at katagang di angkop sa mga batang mambabasa. Rated R ito, mga Kaechos! Patnubay ng magulang ay kailangan. Chos! Kung nagtataka kang bakit Echoserita ang pangalan nito, basahin ito.

Ang Iba't Ibang Uri ng mga Tagabati

Related Stories Widget by LinkWithin

happy birthday cake, sexy male stripperNgayong araw na’to, dalawang taon nang nakabalandra sa internet ang “mga akda ng echoserang bakla”: ang Echoserita. Dalawang taong naghasik ng kabaklaan sa blogosphere. Bet mo ba?

Ito rin ang araw ng kaarawan ng inyong lingkod. Kaya double celebration ito. Silver gay na ang inyong lola. 25 na aketch. Pero ayos lang, mukha pa rin naman akong katorse lang. Presko. Sariwa. Never been kissed, never been touched.

Sa isanglibo’t mahigit na Friends ko sa Facebook, iilan lang ang bumati. Maraming salamat!

At sa mga hindi bumati, hetong sa inyo: CREMA DE FUTAH!

Pardon my mouth.

Hindi naman ako nagtatampo. Okay lang, dahil sa totoo ayokong masyadong publicized ang aking birthday. Chos! In fact I made a good move na i-disable ang wall ko para hindi magkalat ang birthday greetings. I don’t want any mess. I’m not a messy girl. Char!

Marami-rami din ang nagcomment. At base sa aking naging obserbasyon, narito ang iba’t ibang anyo ng birthday greeters.

1. CORDIAL GREETERS. Ito yung mga bumati ng Happy Birthday na nilagyan ng “sir” bilang pagrespeto at pagkilala ng katayuan ko, lalo na sa naging trabaho. Playsafe ang mga bruho’t bruha. Charing lang.

2. TOMADORS. Ito naman yung mga mahilig sa alak dahil bumati ng Happy Beerday. Ewan ko sino ang nagpauso ng katontohang yan. Ito marahil ang mga taong alak ang kanilang naging bag of water nung nasa sinapupunan pa sila. Alakera siguro ang nanay nila nung pinagbuntis sila.

3. SWEET GREETERS. Ito yung mga binati ako with my nickname sa dulo. How sweet of you! Nothing is sweeter than be called by your oh so sweet nick.

4. DEDICATED ONES. Ito yung binati ka na with your name, may mga dagdag wishes pa. “Enjoy your day,” “have a good one!” “we miss you,” “take care always,” “God bless you,” “I love you,” etcetera , etcetera. Ito yung mga taong pinaparamdam nila kung gaano ka kaispesyal sa kanila kahit pa sa mata nila ay mukha ka namang abnormal. How touching!

5. COLD GREETERS. Bumati nga pero parang wala namang kaemo-emosyon. Ito yung mga magdodrop-by lang at sasabihing “Happy Birthday!” Parang nanghit-and-run lang ang mga pips. Para bagang napilitan lang kasi nga birthday mo. Respeto lang, kumbaga.

6. LAZY GREETERS. Tang-ina, maggigreet na nga lang tamarin pa. “Hapi bday.” May masaklap pa, “HBD.” Hello? Pagsikapan niyo naman ng konti!

7. DISORIENTED GREETERS. Tol, kumusta? Gusto mo saksakin kita, tol? Ang sura! Tinawag akong “bro.” Hello? Babae po kaya ako! Sa isip, sa salita, at sa gawa. Tse!

8. KISSER TYPE. May mwaah ang greetings. Kaya lang sa lalake lang talaga ako nagpapahalik. Pasensiya na. Masisisi niyo ba ako?

9. RAPIST TYPE. Namiss daw ang aking sexy body. Huwag niyong ibuking na pinakinabangan niyo ang aking murang katawan. In your dreams! Charot!

10. KAFATIDLY. Ito yung mga tipong hindi mo naman gaano kilala pero bumati sayo with your real name (na di mo gustong tinatawag kang ganun) at may “kuya” pa. FYI: Ate po ako. Pwede ding tita o tiyahin. Kahit na lola, tatanggapin ko pa rin. At least, babae!

11. GENDER SENSITIVE GREETERS. May tumawag na ate, dalaga, may tumawag din na madam, meron ding Lady Marmalade. (Humanda ka, Lady Gaga! May katapat ka na, kala mo!) I so love you, guys! Keep it up! Kayo ang nagbibigay ng tunay na sigla sa aking pagkababae.

12 ASAR GREETERS. Ito yung inaasar ka sa edad mo. Kesyo matanda ka na daw, 30 ka na daw. Tse! Numero lang yan!

13. PATAY GUTOM. Ito yung kainan agad ang tinatanong. Talong, gusto niyo? Saksak ko sa bunganga niyo.

14. INVENTOR TYPE. Meron kasing bumati na “Happy Birthmas” at meron ding “Happy Bornday!”. Wow ha! Bago sa aking pandinig. Or am I just not so updated? Come on, tell me, mukha ba akong sira-ulo?

15. DEPENDENT GREETERS. Ito naman yung nagpapalibre. Wag na lang kaya akong magbirthday? Wala nga kayong gift nagpapalibre pa kayo. Kapal ha! Umayos kayo! LOL.

16. SERVICE-ORIENTED. Ito kasi ang pagbati sa akin ng isang aliping sagigilid ko noon: “Aking Reyna, maligayang kaarawan.” Kahit di ko na siya kawal, marunong siyang lumingon sa kanyang pinanggalingan. Eto siya noon, kinunan ko habang abala sa kanyang trabaho.

gay slave in pink
17. MISSPELLERS. Hay naku, hate na hate ko pa naman ang di marunong ng spelling. Lalo pa’t ako ang naging reynang kampiyon sa mga spelling bee’s noon. Ito yung mga bumati na may pangalan na nga ang FB ko, mali pa din ang sfellings ng fangalan ko. Ang daming variations.

18. FERTILITY GREETER. Kaloka ito. I have reached the ideal age of pregnancy na daw. Ang tanong? Sino ang maswerteng magpupunla? Any volunteer?

O siya, hanggang 18 lang ang list ko. Feel ko kasi 18 years old din ako. Presko. Sariwa. Never been kissed. Never been touched.

Paalala: wag masyadong dibdibin ang lathalaing ito. Hindi naman talaga ako inggrata. Salamat sa inyong lahat sa pagbati sa akin sa aking ikadalawampu’t limang kaarawan. I’m not getting any younger, so please, sa susunod wag lang kayo puro greet. Magbigay naman kayo ng cake, any of these will do:

sexy male cake

Para naman at least sa cake man lang may pagnanasaan pa rin ako di ba?


penis cakeAy! Sumilip na! Oh no, my virgin eyes!


penis cakeAy, ayun na tatanggalin na ang pants! Sabi, blow? Uhm, san ba diyan iboblow ko? Seri he, em se vergin kese eh!


penis cakeTo have and to hold. Oo nga naman, di ba? Konting himas pa at...


penis cake... ayan na nilabasan na ng icing... Pagkaabot ko ng 26 next year, pede na yan. Pakipalitan lang ang April because I'm May. Ang "May" hawak ng korona. Char!


sexy male cakeAt kung nasa malayo ka man at di mo maipresenta personally ang regalo mong cake, you can always have someone to send it, gaya nitong si kuya. Ako na bahala sa delivery fee at service fee niya. *winks*


I swear I will cherish those moments na binigyan niyo ako ng mga ganitong klaseng cakes.

At ipinapangako ko ring di ko ito gagayahin.

blowing penis cakeDahil malaswa siya!

Malaswa!

MALASWAAAAHHHH!

(Ingay mo, Aling Dionisia! Manahimik ka!)


Walt Disney - Happy, Happy Birthday To You