rss
twitter
    Ako ay sundan. Follow me, follow me. Falalalala
Ang mga pahina sa blog na ito ay maaaring naglalaman ng mga imahe at katagang di angkop sa mga batang mambabasa. Rated R ito, mga Kaechos! Patnubay ng magulang ay kailangan. Chos! Kung nagtataka kang bakit Echoserita ang pangalan nito, basahin ito.

Paalam, Kapitan

Related Stories Widget by LinkWithin

sexy sailor, marine, maritime, male, white uniformMadaling araw kahapon, bandang alas-tres, nagising ako sa ingay sa bahay.

Akala ko anong kaguluhan meron.

Umakyat sa aming kwarto ang isa sa kasama ni Kap sa kwarto nila sa baba. Ipinaalam sa amin na patay na daw si Kap.

Isinugod nila ito sa hospital dahil nanlamig, lupaypay at sumasakit ang puso.

Inatake siya sa puso.

Nang makarating sila sa hospital, declared DOA.

Sa edad na sisenta'y tres pumanaw si kapitan.

Siya ang dekana sa maritime courses sa kolehiyong aking pinagtatrabahuan.

Kasambahay ko si kap, kasama pa ng iba pang matandang instructors ng marine. Magdadalawang taon ko na rin siyang kasama dito sa bahay.

Masayahin si kap. Maingay.

At dahil din sa buhakhak niya, ay naging alarm clock na namin ito sa umaga. Malutong kasi siya kung makatawa. Mga alas kwarto o alas singko pa lang ng umaga, rinig na sa kwarto namin sa ikalawang palapag ng bahay ang kanilang ingay kasama ng iba pang mga jotanders.

Lagi pa siyang nagmumura ng PUTHANG INA. Yes, with H.

At isa pang yes, yan ang trademark niya dito sa bahay. Hindi nakakainis ang kanyang pagmumura. Sa halip, ito'y nakakatawa pa.

Si kapitan din ang tipong pagkapasok mo pa lang ng bahay ay may pambungad na.

"Kumain ka na, Balats?"

"O kumusta na, Balats?"

"San ka galing, Balats?"

At yan ang tawag niya sa akin. Balats. Hindi dahil sa buto't balat ako kundi yan ang pinaikli niyang tawag sa apelyido ko.

Sana "bilats" na lang, para naman kahit papano ay mafeel kong babae ako. Chos!

Si kap ang nagsilbi kong lolo dito dahil wala na rin talaga akong lolo sa father at mother side. Kapag gipit ako, nasasandalan ko din siya.

Kaya ngayong namaalam na si Kap, magiging malungkot na ang bahay.

Wala ng maingay.

Wala ng PUTHANG INA!

Wala na din kaming tagakalkula at tagakolekta ng bayad sa tubig at kuryente.

Alam kong masaya na siya sa piling ngayon ng Poong Maykapal.

Kaya para kay Kap, narito ang maikling mensahe ko para sa kanya.

Dear Kap,

Nawa'y maligaya ka na sa panibagong paglalakbay. Napuntahan mo na halos lahat ng parte ng mundo, at ngayo'y panahon na din siguro para ikaw ay pumalaot tungo sa Kanyang piling.

cruise ship
Salamat po sa ipinakita niyong kabaitan sa akin at sa iba pa nating kasambahay. Naging bibo po ang ating tinitirhan dahil sa'yo.

Ngayong wala ka na, bilang pagkilala at pagtanaw ng utang na loob sa iyong mga kabutihang nagawa, ito lang po ang maipapangako ko.

Ako na lang po ang bahala sa mga naiwan mong marinong mag-aaral.

sexy sailor marine maritimeIingatan ko sila...

male sailors, marine, maritime boysAalagaan ko silang lahat...

marino, pinoy maritime, marine, Filipino sailorsPagsisilbihan ko sila... Kahit 1 versus 100 pa, kakayanin ko silang bigyan ng kaukulang kalinga at pag-aaruga.

sailors, marine, maritimeIn the service of your fellow sailors...

sexy male sailors, marine boys in underwear, sexy male maritime corpsWalang marinong malulungkot. Walang madedepress. Walang magbibigti.

sexy male sailorSilang lahat liligaya sa piling ko bilang kanilang tagapag-alaga, dahil magaling akong mag-alaga ng alaga ng may alaga. Isang haplos ko lang tanggal ang kirot ng kanilang katawan, at mapapalitan ng ligaya at sarap.

gay sailor, doctor check-up, nurse sailorAt para ika'y mapanatag na nasa mabuting lagay ang iyong mga marino at matiyak lamang na they're in good hands (or oral cavity),oras-oras, isa-isa ko silang sisilipin.

sexy male sailor, marine, maritimePara sa mga sailors mong naiwan, lahat ng ito ay aking gagawin.

Peksman, Kapitan!

Lubos na gumagalang,

sexy sailormoon









Echoserita a.k.a. Sailormoon

At dahil diyan, ito ang ating theme song ngayon:

Nsync - Sailing