rss
twitter
    Ako ay sundan. Follow me, follow me. Falalalala
Ang mga pahina sa blog na ito ay maaaring naglalaman ng mga imahe at katagang di angkop sa mga batang mambabasa. Rated R ito, mga Kaechos! Patnubay ng magulang ay kailangan. Chos! Kung nagtataka kang bakit Echoserita ang pangalan nito, basahin ito.

Diskleymer

Related Stories Widget by LinkWithin

danger signMasasabing isa kang epektibong manunulat kung napapagalaw mo ang iyong mga mambabasa. Kung ang pagsusulat mo ay may naidulot na epekto sa kanila. Epektong maaaring pagpupuri o kaya pagkasuklam.

May nagreact na sa isang akda ko dito sa balahurang blog na ito. At sa isa, ay dumami na ngayon. Sampu ng kanyang lupon. Nagsorry naman na ako. Ilang beses na. Tinanggal ko na rin ang dapat tanggalin. Sorry po uli. Tao lang, bakla pa.

Mali pala ang akala kong matatawa lang din siya kung mababasa man niya kasi nga dahil sa mapagbiro din siya at minsan ay nang-ookray din. At dahil sa nangyari, naisipan kong talagang maglagay na ng disclaimer sa blog na ito.

Ang isa sa kinaiinit ng ulo ko ngayon (ulo lang ha, di kasama ang katawan, ibang usapan na yun) ay itong mga nakakalap kong balita na masyado dawng mahalay ang aking istilo ng pagsusulat. Oo, tama, mahalay nga, pero di ibig sabihin na dahil mahalay ang mga laman dito ay ganun na rin ako kahalay. Baet kong to! Paeffect lang yan, for humor’s sake, pwede ba!

Pero gusto ko rin yung ideyang ang tingin sa akin ng iba eh mahalay at malaswa. Ang sarap ng feeling na ganun. Yung tipong iniisip nila na ganun ka na kasama pero sa totoong buhay pala eh behave na hehave ka at wala kang dapat ipagtanggol pa sa kung ano ka. Char!

Balik sa kahalayan. Kung ikaw ay nahahalayan sa mga sulat dito, aba, eh wag mo nang ituloy ang pagbabasa mo at huwag ka nang dumalaw uli kung labag sa iyong kaibuturan ang istilo ng pagpapatawa dito.

albus dumbledore is gayKung iyong mapapansin, sa headbar nito, sa logo ay naiiba ang R. Kasi nga Rated R. Restricted. With that said (aba, English ah!), di pwede sa minors, sa mga konserbatibo, at sa mga mahihina ang loob. “Not for the faint-hearted” ika nga ni Albus Dumbledore, isa ding matanda. Golden gay.

Pero sa kabila ng lahat, nagpapasalamat ako sa mga tagasubaybay na di minasama ang mga laman ng mga nailathala dito. Sa halip ay patuloy pa nilang tinatangkilik ang mga kaechosan dito. At sa mga natamaan, pasensiya na po uli. Again, tao lang, bakla pa. Ipagpaumanhin niyo.

At dahil sa mga nangyari, ito na ang diskleymer:

Ang blog na ito ay naglalaman ng mga paksang di angkop sa mga bata at konserbatibong mambabasa. Kaya nga Rated R eh! “Not for the faint-hearted,” ika nga ni Albus Dumbledore. Kung ikaw ay isa sa mga nabanggit, maaaring lisan niyo po lamang ang blog na ito. Pero kung ikaw ay isa sa kanila na nagrereklamo pa sa kahalayan nito pero dalaw pa rin ng dalaw, ay, tang-inang shit, para mo na ring sinabing dalaw ka nang dalaw ng mga porno pages kahit may nakalagay nang warning na Rated XXX.

Ang mga laman ng blog na ito ay pawang opinion, kuru-kuro o kathang-isip lamang, at may pang-ookray din para naman may aliw. Dahil kung walang aliw, chaka ang blog na ito. Walang buhay. Walang effect. Walang humor. Kung ang mga naisulat dito ay nakakasakit ng damdamin, maaaring ipag-alam lang sa patnugot. Magkomento sa post o mag-email at ilagay sa subject ng email ang “WALANG HIYA KA!” o kaya kahit na anong mura para alam ko na patungkol sa blog na ito ang email na yun.

Ang mga larawang nakasalang sa mga nailathala sa blog na ito ay di pagmamay-ari ng may akda, unless otherwise stated or made obvious (wow! English!).


Yun lang, tse!

At ito ang kantang inihahandog ng inyong lingkod sa mga nagreact.


Buckcherry - Sorry

I'm sorry I'm bad
I'm sorry I'm blue
I'm sorry 'bout all the things I said to you.


Okay!

5 comments:

Ming Meows said...

sa aling post sya natamaan teh? i wanna know

Ewan said...

si teh chuni ba ang kaaway mo teh? heheheh joke lang

btw, yours is my favorite among the answers to miss chuni's q&a portion

buendiaboy said...

tama ka naman blog mo to

Nishiboy said...

ganyan talaga sa showbiz gurl. madaming mga detractors.

Echos Erita said...

@ ming - tinanggal ko na yung parte na inokray ko siya. past is past na. char!

@ ewan - si chuni? marunong ba yun magalit? ang alam ko lang malandi yun! chos!

@ buendiaboy - i know!

@ nishiboy - oo nga, sinasanay ko na lang sarili ko. i should be thankful I am a celebrity. char!

:)) ;)) ;;) :D ;) :p :(( :) :( :X =(( :-o :-/ :-* :| 8-} :)] ~x( :-t b-( :-L x( =))

Post a Comment