rss
twitter
    Ako ay sundan. Follow me, follow me. Falalalala
Ang mga pahina sa blog na ito ay maaaring naglalaman ng mga imahe at katagang di angkop sa mga batang mambabasa. Rated R ito, mga Kaechos! Patnubay ng magulang ay kailangan. Chos! Kung nagtataka kang bakit Echoserita ang pangalan nito, basahin ito.

Ang Dakilang Tula

Related Stories Widget by LinkWithin

poet's corner, poem, pencil and paperMonthsary namin kahapon ni Le Boif. Oo, umabot kami ng 9 months sa awa ng Diyos at ng iba pang mga diyosa. Siyempre kasama ako dun.

At kahit pa nagkahiwalay uli ng ilang araw ng mga nagdaang araw, na siya ring naging dahilan na brokenhearted ang lola niyo nung Valentine's Day (bitter much), eh naibalik naman din ang tamis ng pag-ibig.

Chos!

Pers taym daw ni Le Boif na gumawa ng tula para sa siyota. Alam niya kasing linguistic type and intelligence ng lola niyo eh sinubukan na rin niyang tapatan ang dalawang nagawa kong poems sa kanya noon. English nga lang yun. At itong gawa niya ay Tagalog.

Nag-effort pa siyang may 13 syllables kada linya. At dahil daw sa kakabilang niya gamit ang mga daliri ay napagkamalan pa siya ng mga kaklase niyang Kastila na may kinukompyut. May labingwalong taludtud ang tula. Marahil dahil sa 18 ang monthsary namin.

Charot!

Kaya heto na ang nakakaloka at nakakatawa ngunit napakasweet na tula niya. Kilig much ang lola niyo!

Aking Sisang

facebook logoNabighani ka sa angkin kong kakisigan,
Facebook ang tulay upang ako’y masilayan,
Ikaw pala ay may taglay na kalandian,
Ako’y nabigla, pambihira nga naman!

Mensahe natin ay patuloy ang palitan,
Kaya naman di nagwakas ating ugnayan,
Di nakakasawa taglay mong kagandahan,
Napagtanto ko iyon pala’y kalokohan.

Nang lumaon numero ko’y iyong hiningi,
Ako’y may mahal pa kaya ako’y humindi,
Di ko inakala sa huli’y ako’y magsisisi,
Kaya naman at binigay ko rin sa huli.

Subalit di rin nagtagal ating koneksyon,
Tila pinaglaruan tayo ng panahon,
Kasalanan ito ng inibig ko noon,
Baliw lang talaga 'ko sa panget na ‘yon.

locked heart with keyIkaw ang susi sa nakandado kong puso,
Kaya ako’y muling bumalik para sa’yo,
Iibigin ka habang buhay to’y pangako,
Kahit ako’y ipahabol mo pa sa aso.

Dumating ang dise-otso at naging tayo,
Simula no’n mundo ko’y biglang nagbago,
Tila ako’y hibang na naloloko sa’yo,
Wari ang ulo ko’y nabagsakan ng buko.

Minsa’y nadenong at ika’y hiniwalayan,
Ako’y sinuyo mo sa maraming paraan,
Subalit ikaw lang aking kasiyahan,
Kaya pinagbigyan rin hiling na balikan.

Tayo’y nagtalaga ng mga pagkikita,
Ngunit ni minsa’y di tayo nagkasama,
Basta ang mahalaga tayo ay masaya,
Humanda ka na lang sa alaga kong sawa.

Pinipigil lahat ng angking kalibugan,
Sapagkat ika’y aking pinaghahandaan,
Si junjun lang talaga aking kayamanan,
Para sa iyo ito’y pinag-iingatan.

Pag-ibig ko sa’yo ay hindi magwawagas,
Kahit pa ang brief ko’y magkaroon ng butas,
Magulat ka at may sipsipin ka pang gatas,
To’y ubod ng linamnam may sobra pang katas.

Kagandahan mo’y talagang nakakaloko,
Siguro naiisip mo ako’y bolero,
Ngunit napapangiti ka sa sinabi ko,
Sapagkat sa palagay mo yun ay totoo.

Iniwan ka at tumungo ng ibang bansa,
Ika’y nanghina at nawalan ng tiwala,
Di na naniniwala kahit anong sumpa,
Iyan tuloy nagkasakit iyong shota.

Selos at inggit laging dahilan ng away,
Pero ang totoo ikaw ang aking buhay,
Gaano man kahaba ang aking sanaysay,
Maaari na kitang ibaon sa hukay.

Lalong lumalim ang ating pag-iibigan,
Ngunit maniwala ka ikaw lang, sumpa man,
Away lagi pero magbabati rin naman,
To’y normal kaya huwag nang pakialamanan.

Ako'y magsisiryoso na, handa ka na ba?
Malayo man, ika’y na sa’king ala-ala,
Kahit anong araw, gabi man o umaga,
Tibok lang ng puso ang aking nadarama.

gay marriage cartoonSalamat sa iyong wagas na pagmamahal,
Ako’y hindi na takot pang muling masakal,
Pagkat puso ko’y kulong sa rehas na bakal,
Ako’y sigurado ng sa’yo pakakasal.

Ngayo’y araw natin dapat tayong magsaya,
Huwag ng isipin pa ang maraming problema,
Tayo’y makakasama na, 'to’y malapit na,
Kaya naman ako ay sabik na sabik na.


At dahil diyan, ito ang theme song ng post na ito:

Ellie Goulding - The Writer

4 comments:

Ming Meows said...

kesahodang baduy, basta galing sa bf...sweet!

Echos Erita said...

hahaha, hayaan mo na! wag ka ng kumontra! tse!

buendiaboy said...

Pag-ibig ko sa’yo ay hindi magwawagas,
Kahit pa ang brief ko’y magkaroon ng butas,
Magulat ka at may sipsipin ka pang gatas,
To’y ubod ng linamnam may sobra pang katas

kaloka na tula,di ko alam kung kikiligin ako o malilibugan ako

char

Echos Erita said...

@ buendiaboy - loko-loko un eh. hahaha

:)) ;)) ;;) :D ;) :p :(( :) :( :X =(( :-o :-/ :-* :| 8-} :)] ~x( :-t b-( :-L x( =))

Post a Comment