rss
twitter
    Ako ay sundan. Follow me, follow me. Falalalala
Ang mga pahina sa blog na ito ay maaaring naglalaman ng mga imahe at katagang di angkop sa mga batang mambabasa. Rated R ito, mga Kaechos! Patnubay ng magulang ay kailangan. Chos! Kung nagtataka kang bakit Echoserita ang pangalan nito, basahin ito.

Mata, Boses, at Tenga

Related Stories Widget by LinkWithin

MATA

eyesMaagang gumising ang inyong lola kaninang umaga. Kelangang iparemit ang GCash ng maaga kasi ang babaylang tagaremit sa isang tindahan ay hanggang alas nuebe lang daw. Sarado ang Globe kasi Linggo.

Alaws na talagang datung ang inyong lingkod, kaya go! Rumampa ng maaga.

rampa bakla, youngs gays walking down the street
Nang makuha na ang sustento galing sa asawa, nag-almusal na lang din ako sa matabang baklang bubuyog. Miss ko na kasi ang pancake nila.

Pagpasok ko pa lang, halos lahat ng mata nakatingin sa akin. Marami-rami ang tao kasi Linggo. Family day. Galing sa simbahan ang mga hombre at babaylan, bata man o matanda.

Well, di na ako nagtakang bakit sa akin ang atensiyon nila.

Sadyang maganda lang ang lola niyo!

Diyosa kaya ako!

Nang nakapila na, pati ang mga crew na andun dapat sa mga niluluto nakaatupag ay sadyang sumilip pa masilayan lang ang aking angking kagandahan at maakit sa aking alindog.

Nakatutok ang kanilang mata sa akin, na para ba akong libro na binabasa.

Binabasa kasi nila itong suot ko:

couple shirt, mahal ako ni jae at mahal ko rin siya
Yan ang kapares ng couple shirt na ginawa ko para sa amin ni Le Boif.

Malandi ba?

At eto ang couple shirt namin, ang pula ay para naman kay Le Boif:

couple shirt, gay, mahal ako ni zang, mahal ako ni jae

Malaki ang print ng sa kanya. Malaki kasi ang etits niya.
At malaki din ang pagmamahal ko sa kanya. Char!

Shh! Wag kayong maingay. Hindi pa niya ito alam. Sorpresa to, te!

BOSES

music notesPagkatapos kong mag-almusal, dali-dali kong tinapos ang mga ipapadala ko sa asawa ko sa Madrid. Isa na dun ang kapares ng couple shirt na suot ko. At nang matapos ko lahat kinahapunan ay sumakay na ng bus at tumungong Bataan.

Isusuko ko na ang Bataan! Charot!

Ang paglalandi nga naman, mapapapunta ka kahit saan man.

Pagkakita namin ng pinsang babaylan ni Le Boif, inabot ko na ang mga kung anong anik-anik na ipapadala ko kay Le Jowa. Kasi magpapadala din sila, at nakisuyo na lang ako. O ha, nakatipid ang lola niyo!

Inabot din sa akin ni pinsan ang CD na pinadala ni Le Boif.

toy story 2 CD
Ang cover ng CD, mahilig kasi siya sa Toy Story. At mahilig
din siyang makipaglaro sa akin. Larong pang-mature content. Charut!

Laman nito ang mga kantang inirecord ng katakam-takam kong asawa.

song list in CD
Sinadya kaya niyang 18 songs? Kasi 18 ang aming monthsary
at 18 din ang birthday niya. Watcha think?

Magaling siyang kumanta. Maganda ang boses niya. May talent. Maraming talent actually.

Naexcite akong pakinggan ang mga ito. At na-touch ako dahil dito:

sexy silhouette of a girl, lady silhouette, CD
Naalala niya ang aking balingkinitang katawan. Ito ang
katawang kanyang sinasamba. Katawan ng nag-iisang Diyosa.
How sweet!

TENGA

hear, earPagdating ko ng bahay, sinalang ko ang CD sa aking laptop.

Pinakinggang isa-isa ang mga kanta.

Ang ganda ng boses!

Kaya lang, di kapani-paniwalang boses yun ni Le Boif.

Parang ang layo sa totoong boses niya.

Kahit di ko pa siya narinig kumanta sa mga bars, eh malabong sa kanya iyon.

At nang napakinggan ko ng buo ang “Teenage Dream,” may biglang nagsalita sa dulo ng kanta:

“Thanks for watching YouTube. I’m Tyler, and I’m Alex Coot…”

Sinearch ko sa YouTube, at ito ang nakita ko:


Nanghina ako. Para lang akong nabiktima ng scam. Gusto kong magwala.

Niloko mo ko, mahal ko! Mapanglinlang ka! Ito ba ang harana mo? Bakit kailangan mo akong lokohin sa paraang ganito? Bakit? Bakit? Bakit?

Charot!

Sa puntong iyon, bigla kong naalala na sinabihan na pala ako ni Le Boif na mali ang naipadala niya at nagpadala siya uli ng bago.

Tinigilan ko na ang aking pag-inarte.

Hahay. Hihintayin ko na lang ang bagong CD.

Sa ngayong nasa malayo pa siya, sa ganitong paraan na lang muna ang kanyang paghaharana, ng pagkanta.

naked boys singingAt sa pag-uwi niya, magrerequest akong kantahan niya ako ng nakahubad siya.

At pag pagod na siya, siya naman ang KAKANTAHIN ko, gamit ang kanyang mikropono…

At dahil diyan, ito ang ating theme song ngayon:

Alicia Keys ft. Beyonce - Put It In A Love Song

Say you love, say love me
And put it in a love song.


Chos!

8 comments:

c - e - i - b - o - h said...

aaawww... bagong dalaw sa iyong kaharian..
eeeeeeeeeeeeeehhh... kinilig much naman ako sa pinadala sayo ni boyps... hehehe

love love love

Echos Erita said...

Welcome to Echostadia! Chos!

Naku, CD pa lang yan kinilig ka na. Panu pa kaya kung makita mo yung ibang mga bigay niya na pinaghirapan pang gawin. Kun todo effort.

Makikita mo rin mga un. Chos!

c - e - i - b - o - h said...

haaay naku,,
ewan ko ba, kasi siguro, theoretically sweet ako pero ndi ko ma-exert ung effort ko kay boyps kaya kilig kilig na lang ako.. hehehe

thanks for welCUMing me!! choz!

Ming Meows said...

nakakalokwa ang pda mo teng! and salamat sa pagbackground mo ng kantang to. dis is my favorite pangkembot song pa naman,.

Echos Erita said...

@ ceiboh - i guess ung effort mo sa bed mo lang naeexert? =))

@ ming meows - so feel mo si beyonce ka? or si alicia?

Ming Meows said...

nakakalokwa ang pda mo teng! and salamat sa pagbackground mo ng kantang to. dis is my favorite pangkembot song pa naman,.

c - e - i - b - o - h said...

aaawww... bagong dalaw sa iyong kaharian..
eeeeeeeeeeeeeehhh... kinilig much naman ako sa pinadala sayo ni boyps... hehehe

love love love

anthony said...

teng lande mo...ahaha..luv it..ako kya kelan mgkkajowa?hehe hirap eh d pde amglantad s kabahayan..tegi aketch teng..wahaha..pro in real name teng typical guy lang aketch..wlang my knowing bout d real me..cguro un iba nkkaramdam bcoz of gaydar..what ever ahaha..luv ur blog..sna mgkaron ako ng fwenship n super discrit..thanks! more power sau!! pakkkk

:)) ;)) ;;) :D ;) :p :(( :) :( :X =(( :-o :-/ :-* :| 8-} :)] ~x( :-t b-( :-L x( =))

Post a Comment