rss
twitter
    Ako ay sundan. Follow me, follow me. Falalalala
Ang mga pahina sa blog na ito ay maaaring naglalaman ng mga imahe at katagang di angkop sa mga batang mambabasa. Rated R ito, mga Kaechos! Patnubay ng magulang ay kailangan. Chos! Kung nagtataka kang bakit Echoserita ang pangalan nito, basahin ito.

Le Boif and His Echoserang Nephew

Related Stories Widget by LinkWithin

happy new year 2011JANUARY 1 – Bagong taon, may bago akong nakilalang echosera, though not personally. Bata nga lang. Mga 5-6 years old. At my gas, hindi ako pedophile ha!

This echoserang bata happens to be my jowa’s pamangkin.

At tinalo na niya ata ang pagkaechosera ng inyong lingkod nung kabataan niya.

Bagong taon. Nag-inuman si Le Boif (short for Le Boifren) kasama ng pinsan niyang lalake at tito niya. Nang makaramdam na tigilan muna for a while ang kakagulp ng Carlo Rossi, ay pumasok muna sa bahay ng pinag-inuman nila.

Sa loob ng bahay, andun si pamangkin. At ito ang naging dayalogo nila, as recounted to me by my Robert JOWArski, originally more in Spanish (kasi nasa España ang Le Boif ng lola niyo), some English, at less Tagalog.

Nephew: “Where’s your gf?”
Le Boif: “Nasa bahay, naghahanda ng matutulugan ko.”
Nephew: “Wow, sweet! So you’re happy?”
Le Boif: “Hindi, kasi ngayon di ko siya kasama.”
Nephew: “Aaah. So sad.”

Mas malungkot pa daw ang mukha ng bata kesa kay Le Jowa.

At lagi pa dawng nangungulit.

Nephew: “I want to see her!”

At dahil nakulitan na si Le Boif, pinakita na niya ang picture ng lola niyo kay nephew.

sexy paris hiltonCharot lang. Si Ate Paris yan. Ang totoo, pinakita ni Le Boif ang pic ko sa kanyang pamangkin.

At ano ang naging reaksiyon ng musmos?

Nephew: “Oh!” Nagulat sa nakita, napatakip siya ng bibig, at biglang sabi, “It’s him... not her.” At nanlaki ang mga mata.

Nagtumbling ang lola niyo dito sa Pinas. Natawa ako sa reaction ng bata. Hindi ko alam kung alin ang mas matimbang na naramdaman ko noon: kung matawa, mabahala, o maawa.

Nabahala at naawa akong sa murang edad niya ay namulat na sa ganitong mundo ng kabaklaan. At dahil nurse ang lola niyo at may natutunan sa growth and development, nabahala akong baka makaapekto ito sa sekswalidad niya pagdating ng panahon.

Masikip na kasi ang mundo ng mga bakla. Mataas na rin ang kumpetisyon. Mahirap na.

Tama lang bang nabahala ako? O keber lang, at may karapatang malaman ang bata ng katotohanan?

Siyempre kasi, umiral ang moralidad ng lola niyo. Akala niyo 100% imoral ako? Hindi no! Slight lang!

Akala ko dun na magtatapos ang dayalogo, ngunit humirit pa din ang bata, na natuwa pa daw nung nalaman ang pangalan ng lola niyo as told to him by Le Boif. Ginagaya pa nga daw ang pagkanta sa pangalan kong ginawang kanta to the tune of one of Mozart’s composition (yung Tan-dan-dan-dan… yung ganun), with matching kumpas pa!

Nagtanong pa daw si nephew kung paano ako nakilala ni Le Boif.

Le Boif: “Nagwish ako sa star tapos bigla bumagsak siya.”

At ang tugon ng echoserang bata?

Nephew: “Wonderful creature!”

Tumambling uli ang lola niyo. Wonderful creature daw! Feeling ko tuloy para lang akong sea creature na ginawa ng Diyos on the 5th Day of Creation, o kaya isang beast sa 6th day. Ganun na ba kalala ang hitsura ko? Mukha ba akong hayop? Kalokang bata ito!

Akala ko hanggang dun na lang ang dayalogo. Hindi pa pala.

JANUARY 3 – Bumisita ang echoserang bata sa tinitirhan ng jowa ko.

preschooler boyNephew: “Where’s Auntie Zang?. I want to see her.”
Le Boif: “Ay, nasa trabaho. Bat ba gusto mo siya makausap? Ako na lang magsabi.”

Tinanong ko si Le Boif bakit “her”, akala ko ba “him” na ang alam niya?

Le Boif: “Pinagsabihan ko kasi, dapat her.”

Balik sa dalawa.

Nephew: “You’re not her so I will not tell you.”

Parang galit pa daw.

Le Boif: “Gusto mo ba chocolate?”
Nephew: “Nope! I will just wait your girl. Oh, boy! Oh no, your gf!” At napatakip na naman daw uli sa bibig tapos hawak sa baba habang nag-isip.

Nang tinanong ko si Le Boif kung ano ba talaga ang ipinunta ng echoserang bata sa kanila, eto ang sagot niya:

Le Boif: “Tinanong ko mama niya bat punta sila dito. Bisitahin lang daw Auntie Zang nya.”

At nang walang mapala ang kawawang bata, sumisigaw na lang daw ng “BORING!” At kumakanta-kanta pa ng One Time ni Justin Bieber with the lyrics: “Three + Zang, I’m a tell you I love you too,” with matching hagikgik sa tawa ang bruhang bata. (Three kasi palayaw ni Le Boif).

Kinagabihan nang makauwi na ang bata sa kanila, tumawag pa daw sa bahay ni Le Boif. Chineck daw kung andun na daw ba sa bahay si Auntie Zang.

Si tito ni Le Boif ang nakasagot, at sinabihan ang batang caller na pinalayas na daw ako ni Le Boif.

Nalungkot ang bata sa narinig na balita. At nagalit pa daw kay Le Boif. Bakit daw ako pinaalis, bad daw si tito Le Boif niya. Di daw pala ako love, at di na daw niya bati ang tito niya.

Simula nun, di na nagparamdam ang bata. Nagalit nga daw.

boy preschooler cartoonJANUARY 4 – At dahil sa tampo ng echoserang bata, tinawagan siya ni tito niya, ni Le Boif, at sinabing pinabalik na ako sa bahay. Nagkabati na ang magtito.

Le Boif: “Ikakasal na kami, imbitado ka.”
Nephew: “That’s the way aha aha I like it. Good job, uncle!”

Kaechoserang bata talaga!

“Where do you want to spend your honeymoon? May I come?” dagdag pa ni nephew.

Di ko na tinanong kay Le Boif kung ano ang isinagot niya. Sinabi ko na lang na sana ang sinagot niya eh “Sa Antarctica," malaman ko lang kung ano ang reaksiyon ng batang echosera. Pero huli na, dahil tapos na ang pag-uusap nila sa telepono.

Hindi ko inakalang may makilala pa akong batang mas echosera pa sa bunsong kapatid ng tropa ko. Nakakaloka ang curiosity at eagerness niyang makilala ang lola niyo.

curiosity, preschooler, peeping tomDi niya lang alam… ang layo ko.

Kawawang bata.

Pero mas nakakaawa ito, dahil caught in the act at piniktyuran pa ng lola niyo habang nagtatanggal siya ng monggo. Nakita ito ng inyong lingkod sa Metrowalk sa Ortigas.

boy preschooler picking his nose in public

At dahil diyan, ito ang ating kanta ngayon:

Apo Hiking Society - Batang-bata Ka Pa

3 comments:

Ming Meows said...

echoserang bata

Echos Erita said...

Sinabi mo pa! Mana ata sa Auntie niya. Chos!

Echos Erita said...

Sinabi mo pa! Mana ata sa Auntie niya. Chos!

:)) ;)) ;;) :D ;) :p :(( :) :( :X =(( :-o :-/ :-* :| 8-} :)] ~x( :-t b-( :-L x( =))

Post a Comment