rss
twitter
    Ako ay sundan. Follow me, follow me. Falalalala
Ang mga pahina sa blog na ito ay maaaring naglalaman ng mga imahe at katagang di angkop sa mga batang mambabasa. Rated R ito, mga Kaechos! Patnubay ng magulang ay kailangan. Chos! Kung nagtataka kang bakit Echoserita ang pangalan nito, basahin ito.

Demonyo, Lubayan Mo Ako!

Related Stories Widget by LinkWithin

sexy male devil, demonDahil sa nangyaring disgrasya kay Le Boif, naging relihiyosa uli ang Lola Echoserita niyo. Kaya for 14 days in a row now, tumungo na naman akong simbahan. This time, maaga akong napapunta dun.

Kung dati ay nakarma ako dahil sa paglalandi ko sa simbahan, this time, it’s the other way around: ako ang nilandi. Oh ha, ang ganda ko!

As usual, nagrosaryo ako, nakiusap sa mga santong rebulto, nagsindi ng kandila, at this time, may novena na to St. Jude.

Oo, kahit diyosa ako pinapaubaya ko pa rin sa nag-iisang Diyos ang mga bagay-bagay.

Chos!

Pagkatapos kong magpaphotocopy ng 81 copies ng novena, naupo ako sa loob ng simbahan. Habang naghihintay sa 5-6 na misa, tinupi ko ang mga novena leaflets.

May biglang umupo sa harapan ko. Hombre. Binatilyo.

Palingon-lingon siya sa akin.

Sinenyasan niya ako na hihingi siya ng leaflet.

Dahil kausap ko si Harry nun habang nagtutupi, sinenyasan ko naman siya na “mamaya na.”

Matapos ang pakikipag-usap ko sa Celia Rodriguez, binigyan ko na ang binatilyo ng isang kopya ng novena.

Pagkaabot ko sa kanya, tinanong niya ako.

El Niño (ang hombre): “How old are you?”

Aba, Englishero ang mokong!

La Niña (ang lola niyo): “18, legal age na, but still never been kissed, never been touched.”

Charot lang. Ito ang sinagot ko: “24. What about you?”

El Niño: “17.”

Tumango lang ako.

El Niño: “Can you be my friend?”

Inabot niya sa akin ang kamay niya. Hinandjob ko naman siya. Este nakipagshake hands pala.

Marami siyang kung anu-anong tinanong. Saan ako nag-aaral o nagtatrabaho. Saan ako nakatira, at marami pa. Pinakilala rin niya kung sino siya, san siya nag-aaral etsetera.

El Niño: “Can you speak Korean?”

La Niña: “I can’t. Can you?”

At nag-Korean nga siya.

La Niña: “Where did you learn Korean?”

El Niño: “Half-Korean ang tatay ko. Ang mama ko purong Pinay. Marunong din akong mag-Japanese.”

Maaring totoo ang sinasabi niya, kasi chinito siya. Maayos ang buhok niya. Nakabackpack siya. Pero sigurado akong di pa siya nabibigyan ni isang beses ng ribbon na Most Neat and Clean. Hindi siya neat. Medyo malaki ng bahagya para sa kanya ang suot niyang plain white shirt. Itim ang pantalon niya at may kalumaan ang suot niyang sapatos.

Sa face value naman, para sa mga malalanding Ylmaz Beyklas, pasado na yun. Pero dahil mataas ang standards ng lola niya, hindi siya pumasa sa akin.

Chos!

Nang nagsimula na ang misa, nililingon pa rin niya ako sa likod at kung anu-ano ang sinasabi. Tango lang ako ng tango.

sexy male devil, demonMaya-maya tumabi na siya sa akin. Nag-ascend like Holy Spirit ang aking angking kagandahan. Humaba ang hair kong bagong kulay.

Napatanong tuloy ako sa diwa ko, “Ganito na ba talaga ako kaganda at pati sa simbahan ay may boylet na di malabanan ang tawag ng aking alindog?”

Kunsabagay, ako ay isang diyosa.

Sinasamba.

Nung nasa tabi ko siya, minsan kinikiskis pa niya ang balikat niya sa balikat ko. Kung anu-ano pa rin ang sinasabi niya. Ang kulit! Ilang beses ko ng sinabihang makinig muna ng misa.

El Niño: “I’m not Catholic. I’m Iglesia.”

La Niña: “Then what did you come here for?”

Ngumiti lang siya.

La Niña: “Did you come here because you saw me?” With matching batting eyelashes yan ha!

Malandi din! Charot!

Ngumiti uli ang hombreng binatilyo.

El Niño: “Do you want a Korean girl?”

Leche siya! Mukha ba akong tumitira ng mga babaylan? Babae kaya ako! Sa puso ko.

La Niña: “No. I already have a boyfriend.”

El Niño: “Do you want me to be your boyfriend?”

Umiling ako.

Katahimikan.

opening zipper in trousersAt bigla akong nagulat sa aking nakita: bukas ang zipper niya! Nang mahalata niyang nakatingin ako sa zipper niya, nilagay niya ang kamay niya doon.

Kinabahan ang lola niyo. Ayokong magskandalo sa loob ng simbahan.

Buti na lang at sinara lang pala niya ang zipper niya. Akala ko ilalabas na niya si junjun niya. Sayang! Chos!

El Niño: “Do you want to come home with me?”

At dun na bumilis pang lalo ang tibok ng puso ko. Diyos ko, anovah to! Bakit may ganito sa loob ng simbahan? Isa ba itong pagsubok?

Tinanong niya ako uli.

El Niño: “Do you want to come home with me and then we can do Kung Fu or Karate?”

Homaygas! Mukha ba akong nangangarate o nagkukung-fu? And did he really mean it?

Umiling uli ang lola niyo. This time, strikta na ang aura ko. Tinaasan ko siya ng kilay.

Pahard to get aketch.

sexy male angel and devil, demonEl Niño: “What do you want to do then in our house? You want to have sex with me?”

Kaboom! Pop goes the weasel! Sabi ko na nga ba at nahalina siya sa aking alindog at gusto niyang maangkin ang aking hiyas, ang aking perlas ng silanganan, hardin ng pasipiko.

Kumalembang ang mga bells sa mga tenga kong birhen. Mas naging mabilis pa ang tibok ng aking pusong mamon. O tukso, layuan mo ako!

Umiling ako. Mas naging masungit ang aura ng lola niyo.

Pahard to get na naman!

La Niña: “May boyfriend na nga ako di ba?” One-man woman ako! Chos!

Gusto ko na sanang maniwala na sa mga panahong ito ay blooming na blooming ang flower ng lola niyo at full blast ang aking alindog sa kabila ng mga pinagdaraanang pagsubok.

Kaya lang, nung offering na…

La Niño: “Can you give me five pesos? Pambili ko lang kendi.”

Imbis na magbibigay ako ng bill sa offering, hindi na ako naglabas ng datung at baka mangungulit lang siyang manghingi.

Umiling uli ako.

La Niño: “You will not give me five pesos? Okay, nice meeting you again.”

Pinahandjob niya uli ako, este handshake. This time matagal niyang hinawakan ang kamay ko. Akala ko di na niya bibitawan.

Bago siya umalis, binigyan niya ako ng souvenir. Isang napakalalim na halik sa pisngi at nag-iwan pa ng chikinini.

Charot lang! Suntukin ko siya kung sinubukan niya yan. I deserve respect.

Chos!

Ito ang binigay niyang souvenir: isang wallet size pic niya.
sexy chinito in underwearBakit di ko pa raw siya pagbigyan. Gwapo naman daw siya, maputi, maganda ang katawan, mabango, at higit sa lahat masarap daw siya at magaling.

Masisisi niyo ba ako kung tinanggihan ko siya, si Jay? Oo, Jay ang pangalan niya. Kapalayaw pa ng asawa ko.

Well, hindi ko siya type! Mataas lang talaga ang standards ko. Maglaway siya!

Chos!

Ok, sige, aaminin ko na. Charot lang ang picture-picture na yan. Wala siyang iniwang souvenir. Basta na lang siya umalis pagkatapos madismaya na hindi nakadelihensiya sa lola niyo.

Akala ko pa naman talaga eh nahalina na siya sa alindog ko.

Yun pala limang piso lang pala ang gusto niya.

Kaya ayoko na!

Ayoko nang maging mukhang mayaman!

Char!

At dahil diyan, ito ang theme song natin sa post na ito:

Eva Eugenio - Tukso

6 comments:

Ming Meows said...

teh, bilib ako sa self-control mo. bongga ka!

c - e - i - b - o - h said...

ikaw na nga ang malakas ang self control.. ahahahah

Echos Erita said...

@ming - oo naman, good girl ako no. one-man woman nga ako di ba? chos!

@ceiboh - siyempre no, nasa simbahan kaya! kaya keber sa hombre.

garampingat said...

dyosang-dyosa ka nga hihihi..

Anonymous said...

nice one..bongga!:))

Echos Erita said...

yes, i know bongga xa. chos!

:)) ;)) ;;) :D ;) :p :(( :) :( :X =(( :-o :-/ :-* :| 8-} :)] ~x( :-t b-( :-L x( =))

Post a Comment