rss
twitter
    Ako ay sundan. Follow me, follow me. Falalalala
Ang mga pahina sa blog na ito ay maaaring naglalaman ng mga imahe at katagang di angkop sa mga batang mambabasa. Rated R ito, mga Kaechos! Patnubay ng magulang ay kailangan. Chos! Kung nagtataka kang bakit Echoserita ang pangalan nito, basahin ito.

Charot Na Tarot

Related Stories Widget by LinkWithin

fortune teller, tarot card readingMatagal ko nang gustong magpahula, kahit nung nasa kolehiyo pa aketch.

At nung makidnap si Le Boif, ginusto ko rin sanang magpahula.

Pero di ko tinuloy. Baka kung ano lang ang mabasa ng hula. At napag-isip-isip ko noon na ang hula ay hula lang. Pedeng totoo, pedeng hindi.

At may pananalig ako sa Diyos na siya lang ang tanging may alam sa kung anong mga pwedeng mangyari pa.

Pero ngayong nasa malubhang kalagayan si Le Boif, ay naisip ko lang na patulan na din ang hula. For the sake of trying it.

Kaya kasama ng aking katrabaho, tumungo kami sa manghuhula. Magaling daw siyang manghuhula. Matry nga.

Tumba-lata si Fortune Teller. Tomboy. At nagyoyosi pa. Siguro Fortune tobacco ang sinisigarilyo niya. Sosyal pa ang Celia Rodriguez niya. iPhone. Pero nung ginamit na niya, dun ko lang nalaman imitation pala. China phone.

May mga bakas ng lumipas na taghiyawat ang kanyang fez. May mga bago ding tubong butil. Rocky road din siya.

"Anong ipapahula nito?" tanong niya sa kasama ko.

"May mga problema lang," sagot ng kasama ko.

tarot cards"Pag-ibig?"

Ngumiti lang kaming dalawa ng kasama ko.

Pinabalasa na niya ako ng pitong beses sa tarot cards niya.

Pinapili ako ng pito.

"Hiling o tanong. Sa isip mo lang," sabi niya.

"Ok."

Binasa niya.

Ilang ulit naging ganito ang sistema. Balasa, tas basa. Balasa. Basa. Bunot ng barahang kung ilan kadami ang letra ng buong pangalan ko. Basa.

At ang mga naging basa o hula?

Sa PERA, dahil bagsak ang espada at ibang katauhan sa tarot, bagsak daw ang pera sa akin ngayong taon, lalo na kung di ako magsisipag.

Totoo bagsak ang pera ko. Pero maswerte pa rin ako at may trabaho at may tinatanggap na sahod. Mas marami ang mas bagsak ang aspetong pinansiyal, o wala talagang pera.

Napaisip din ako: kaya naman siguro nasabi nito na bagsak ang pera ko kasi bago pa lang niya ako hinulaan, nagkwentuhan sila ng kasama ko tungkol sa kahihinatnan ng aming trabaho, na baka magsisiwalaan na kami sa pinagtatrabahuan, dahil kokonti na lang ang mga estudyante.

At saka napakageneral ng hula niya. Kahit naman talaga sino kung di magsisipag eh babagsak ang daloy ng income.

Hindi ako gaano kumibo sa kanyang harapan. Ayokong masayadong magbigay sa kanya ng mga detalye, at baka doon lang niya pagbabasehan ang hula niya.

"Sa PAG-IBIG, ang jowa mo ay may iba. Alam mo ba yun?"

Lumingon-lingon ako. Di ako makapaniwala. DI ako NANINIWALA.

tarot cards"San ba siya ngayon?"

"Nasa labas?"

"Labas?"

"Madrid."

"Kala ko nasa labas ng gate... Kelan lang siya dun?"

"October 24."

"Tanggapin na natin, sa lugar na kung san siya ngayon ay liberated. Mas free ang mga tao doon. Meron siyang ibang lalake. Di mo ba un alam?"

Gusto kong matawa. Pero pinigilan ko.

"Ang alam ko hindi naman yun pumapatol sa lalakeng-lalake, lalo na yung mga mas malaki pa ang katawan sa kanya. Babae at bading lang na pagirl ang pinapatulan nun."

"Sa panahon ngayon di mo masasabi. Marami na ngayon na lalakeng-lalake na nagkakagustuhan."

Di na ako nakipagtalo. Natatawa ako sa isip ko.

"May isang lalakeng gustung-gusto ka, at nagpaparamdam siya sayo. Heto o, yung baraha, laging may pumapasok na lalake. Meron ba?"

Sa isip ko, marami naman nagpaparamdam, pero noon yun. At di ko pinapansin gawa nga na may boylet na ako. One-man woman ako eh.

Chos!

"Di ko alam. May mga nagparamdam pero alam kong biro-biro lang yun."

"Kadalasan, dinadaan yan sa biro kasi ang mga lalake."

"Ah oo nga pala, lalake ka rin pala... Sa puso mo," naisip ko.

death card, tarot cardSa ilang balasa at bunot ng baraha, nakadalawang death card ako. Tinanong niya ako kung ipagpatuloy ko ba daw ang pagbasa sa bunot na yun.

"Kung babasahin anong mangyayari?"

"Wag na lang natin ipagpatuloy ang pagbasa. Balasa uli."

Ang ganda naman ng sagot niya.

Sa ilang bunot ko daw, lagi daw lumilitaw ang ibang tao, ang third party daw sa side ni Le Boif. Lagi ko rin daw nabubunot ang lalake na gusto ako na nagpaparamdam sa akin.

Humaba tuloy ang hair ko.

Depensa pa niya, basa lang ang mga ito. Nasa akin na daw kung maniniwala ako o hindi.

"Alagaan mo ang iyong sikmura, kundi magkakasakit ka. Kumain ka sa tamang oras," hula niya matapos ang panibagong balasa at bunot.

Napaisip na naman ako. Dahil lang siguro na payat ako ay iyon ang sinabi niyang hula.

Natapos na ang hula para sa sarili ko. At sa mga hiling na inisip ko kada bago niyang basahin ang baraha, ito ang laging sagot niya:

tarot card reading"Sa hiling o tanong mo, pasensiya na. Walang sagot."

Pagkatapos niyang hulaan ako, pinahulaan ko din si Le Boif. Pwede naman daw yun.

Pareho lang din ang mga basa niya.

Nagpahula din ang kasama ko, courtesy of my pocket.

Natapos ang hulaan na di man ako naimpress. Akala ko marami siyang mahuhulaan, pero ang future predictions niya ay napakageneral naman. Posibleng-posible kahit kanino. Possible, but not so probable.

Inexpect ko na sa buong panghuhula niya sa akin pati sa Le Boif ko ay mahuhulaan niya ang nangyari kay Le Boif at ang mga mangyayari pa sa kanya.

Ang lagi kong hiniling ay maging mas mabilis ang recovery ni Le Boif.

Kung "walang sagot!" ang sinasabi niya sa akin, may isang beses na lumabas si Hangman. Hanging daw ang sagot. Charot!

At dahil frustrated ako sa hula niya, pinakwento niya sa akin ang nangyari kay Le Boif. Sinabi pa niyang pwede daw nilang ipagdasal yun sa templo. Yun nga lang daw malaki ang bayad kasi malayo, nasa Madrid pa. Sa hangin daw yun ipapadala ang positive energy, dahil Chinese daw ang kanilang practice. Chos!

tarot card reading, fortune teller"Magkano?"

"Isang libo."

Gusto kong sumigaw ng HA!? Kahit may pera ako di ko pinatulan yun. Ilang boylets na din pede sa isang libo ah.

Charot lang!

"Nasa sa iyo na yun kung may tiwala ka sa amin o wala."

Umuwi akong nadismaya dahil sa gumastos ako ng 300 sa hula: sa akin, kay Le Boif at sa kasamahan ko. Namasahe pa akong 100 back and forth.

Hindi ko inakalang yun na pala ang magaling na hula.

Ang magaling na manghuhula, para sa akin, ay yung titingnan lang ako ay mararamdaman na niya ang aura ko, kung anong mga problema ko, anong mangyayari sa akin in the future.

Ang baraha, game of probability lang yun.

At kahit medyo nagulat ako sa dalawang death card na nabunot ko, gumaan ang loob ko ng maibahagi sa akin ng kasama ko na nakatatlong death card daw siya last time na nagpahula siya.

Wala namang nangyaring pagkamatay o near-death experience. Tatlo pa nga yun nabunot niya, sa akin dalawa lang.

At sigurado namang darating ang panahon na mayroon talagang mamamatay.

Kaya simula nun, sinabi ko sa aking sarili na ayoko ng magpatarot card reading. Charot lang ang tarot-tarot na yan! Charot na tarot!

At kasi, kahit may death cards, ay baliktad naman ang nangyari. Kasi nagrerecover na si Le Boif.

At dun pumasok sa isip ko na wala yang hula-hula sa lakas ng kapangyarihan ng sinasamba ko.

Dahil sa maniwala man kayo o hindi, kahit veyklush ako at makasalanan, sa mga panahong ito, ito ang sandata ko:

hands praying the rosary

Dasal, panalangin, taimtim na pananampalataya,
pananalig, at tiwala sa Poong Maykapal

man praying the rosaryAt sa mga panahong ito ay hawak-hawak ni Le Boif ang rosary na binigay ko sa kanya bago pa niya linasin si Inang Bayan. Sana maging mas mabilis ang kanyang recovery.

At kahit pa may pinagdadaanan ngayon ang inyong Reyna Echoserita, mas naging matatag lang ako sa mga pangyayaring itey. At kahit pa anong problema ang dumating, kaya ko ng puksain tulong ng aking isa pang sandata.

Ang aking espada! Ching!
queen of swords, tarot cardAt dahil sa mga panahong ito ay super high ang level ng pagkamakaDiyos ng nag-iisang diyosa, ito ang theme song natin ngayon:

Plus One - The Promise

He knows every star in the sky
Every single tear that you cry
His love is here faithful and alive
I know that this world can be cold
In His arms you're never alone
That's His promise to you and I

5 comments:

Ming Meows said...

surprising ang background song; ngayon ko lang nalaman ito. ako rin, di naniniwala sa hula; lalo na kung may bayad.

Echos Erita said...

ambilis mo talaga makacomment, Ate Ming! Para kang si The Flash. ay naku, paminsan-minsan kasi makinig ka din ng mga praise songs. para naman kahit papano ay pwede ka pang papasukin sa langit, kahit na sabihin nating dito pa lang sa lupa ay narating mo na ang langit ilang beses na.

auko na ding maniwala sa hula na may bayad. it should be free. kaya mas gusto ko ung matanda na tiningnan lang ang mga palad ko at binasa niya katauhan ko. for free!

c - e - i - b - o - h said...

natawa naman ako dun sa charot na tarot..
ako din kasi, ndi ako naniniwala sa mga hula, hula lang sila na pwede totoo at pwedeng hindi, lahat naman e pwede mangyari, lahat posible, nagkakataon lang na hindi yun ang nangyayari.. hehehe

Echos Erita said...

ceiboh - basta, tama na ang isang beses na nagpaluha ako! that's it! pwera na lang kung basa lang ng aura ko at walang tarot-tarot. charot lang talaga yan! che!

Echos Erita said...

ambilis mo talaga makacomment, Ate Ming! Para kang si The Flash. ay naku, paminsan-minsan kasi makinig ka din ng mga praise songs. para naman kahit papano ay pwede ka pang papasukin sa langit, kahit na sabihin nating dito pa lang sa lupa ay narating mo na ang langit ilang beses na.

auko na ding maniwala sa hula na may bayad. it should be free. kaya mas gusto ko ung matanda na tiningnan lang ang mga palad ko at binasa niya katauhan ko. for free!

:)) ;)) ;;) :D ;) :p :(( :) :( :X =(( :-o :-/ :-* :| 8-} :)] ~x( :-t b-( :-L x( =))

Post a Comment