rss
twitter
    Ako ay sundan. Follow me, follow me. Falalalala
Ang mga pahina sa blog na ito ay maaaring naglalaman ng mga imahe at katagang di angkop sa mga batang mambabasa. Rated R ito, mga Kaechos! Patnubay ng magulang ay kailangan. Chos! Kung nagtataka kang bakit Echoserita ang pangalan nito, basahin ito.

Sampung Baklang Idolo ng Nag-iisang Baklang Iniidolo

idol, american idol, idol logoKung bakit ako naging bakla ay di dahil sa mga baklang nakilala, nakita, nabasa o napanuod ko. Kung bakit ako bakla ay wala ka ng paki dun! Dahil ang totoo, di ko rin alam. Wag mo na ring alamin. Please lang. At kung paano akong naging bakla eh mahabang kwento yun, pero napapaikli naman.

Maaring naging MAS bakla ako dahil sa mga baklang iniidolo ko. Mga baklang hinahangaan ko sa marami at iba’t ibang dahilan. Atin silang kilalanin.

you, finger pointing you or me10. IKAW. Oo, ikaw na napadpad at nagbabasa nito. Alam kong bakla ka kahit di kita kilala. Mapahalata ka man o hindi, o totoong babae ka man, alam na alam kong may apoy ng kabaklaan na lumalagablab diyan sa puso mo. Dahil in the first place, bat ka bumabasa nitong post ko o mga posts sa blog ko, eh pambakla to? Bakla ka! Wag mo ng itanggi. Magagalit ang mga diyosa. Sige ka, tutubuan ng limang pigsa yang paligid ng asshole mo. Ikaw ay isa sa aking mga hinahangaan di dahil nagpapasipsip ako sa iyo, aking masugid na tagasubaybay, kundi dahil sa taglay mong katapangan na bumasa ng mga akdang baklang-bakla. Ang paghanga at patuloy na pagtangkilik mo sa blog na ito ay siyang aking lakas upang magpatuloy pa sa aking pagsusulat.

O sige na nga, hindi lahat sa inyo ay bakla. Yung iba curious lang at sadyang humahanga o natutuwa sa kabaklaan ng mundong itey.

vice ganda, petrang kabayo, equine goddess, horsepower9. VICE GANDA. Hindi ako sang-ayon sa pangalawang pangalan niya. Hindi bagay sa kanya. Sa akin lang! At kelan naging maganda ang kabayo ha? Chos! Ang totoo, hanga ako sa diyosa ng mga kabayong ito kasi nalevel-up niya ang imahe ng mga vaklush sa henerasyong ito. Tanggol sa tanggol kapag naapi ang mga sisters niya. Ang tindi pa ng horsepower! At ang pagkapilosopa ng equine goddess na ito ay nakakaloka. Bwesit!

8. LAS TRES ESTRELLAS. Hindi ito isang tao lang. Marami sila. Lima. Mahilig ata sa orgy ang mga gaga. I can only guess. Pero ang mga to ay isa sa mga naging inspirasyon ko sa mga kagagahang naisusulat ko dito, dahil noon pang 2007 ay tagahanga na nila ako simula ng mapadpad ako sa kanilang blog. May monthly Titi Award pang nalalaman ang mga feeling bilat, ang award na hindi ko kelanman nasungkit. Di din kasi ako nag-effort, dahil hindi ko rin kelangan ng pekeng titi. Aanhin ko yun? Mas masarap pa rin ang totoo at original, di ba? lastresestrellas, mama o, ekra, lyka, jezebel, kelly dear migs, national bookstore, gay books, manilagayguy.net7. MIGS. Si Migs ang may akda ng samutsaring kabaklaan na dinadagsa ng mga bakla (siyempre!), pati na rin ng mga babaeng nagdududa na sa pagkalalake ng kanilang mister. Marami kang mapupulot na aral sa blog niya at ang pagiging counsellor niya ay talagang kahanga-hanga. At higit sa lahat, tinatampok niya ang mga larawan ng mga kalalakehang siguradong paglalawayan mo at makakapagpatigas ng clitoris mong 5 inches! O 6, o 7. Aba malay ko gaano kahaba ang clit mo!

bryanboy, gay fashionista6. BRYANBOY. Kung hindi ako nagkakamali, nagsimula ang gagang ito sa simpleng pablog-blog tungkol sa fashion. At nang lumaon ay naging super sikat na ang fashionistang vaklush, with matching gifts at sponsorship galing sa mga bigating pangalan sa mundo ng fashion worldwide, at lagi ding naiimbitahan sa mga bigating fashion shows. Kainggit ka te! Hanga ako sa lakas ng loob ng kapatid nating to, rampa kung rampa ang lola na talagang takaw-pansin ang mga suot. Aylaveet!

5. BEBE GANDANGHARI. Idolo ko ang baklang ito di dahil sa ang bagong pangalan niya ay siya ring bansag sa akin ng mga rustom padilla, gay, bebe gandanghariloka-loka kong friendships nung college, kundi ay dahil sa katapangan niyang ipakita sa mundo ang totoo niyang kulay. Siyempre, color green! Pede ring pink! Either of the two. Or both. Di ko maimagine pano niya nakuhang maging balingkinitan sa kabila ng macho image niya noon. At kung lumiit man na ngayon ang mga muscles niya noon, lumiit na din kaya ang clitoris niya?

mandaya moore orlis, gay in the highlands, ang bayot sa bukid4. MANDAYA-MOORE. Gaya ni Migs, hindi pinapakita ng Ang Bayot sa Bukid ang kanyang hitsura, di rin niya nilalantad ang kanyang identity sa kanyang mga mambabasa. Gayunpaman, hindi ito naging hadlang para mapatawa ka niya. At yan ang dahilan kung bakit ko siya iniidolo. Ang punchlines niya ay talagang nakakaknock-out. Panalo ka te! Tinatampok pa niya ang kagagahan ng kanyang mga baklang alipores na nagpapaligsahan sa palakihan ng katawan.

3. LADY GAGITA. Hindi ko hinango sa pangalan niya ang –ita effect sa pangalan ko (-ita = little). Lady Gaga – Lady Gagita. Echosera – Echoserita, dahil nung ginawa ko ang pangalanlady gagita, telephone ko eh hindi ko pa siya kilala at hindi pa din siya sikat nun. Pangatlong idolo ko ang baklang mukhang espasol na to dahil sa pagiging malikhain at resourceful niya. Kahit gaya-gaya pa siya ni Lady Gaga eh kering-keri naman niya. At talagang nag-eenjoy siya sa paggawa ng kanyang bersyon ng mga music videos ng halimaw na si Gaga. Nakakamangha rin ang galing niya sa video editing at pagguhit. At sa lahat ng mga idolo kong nakalista dito, siya lang din ang nakita ko pa sa personal. At Bisaya din ang tikling na to, sa Davao province din galing. Apir!

bekimon, gay pinoy, bern joseph persia, mudak, junakis2. BEKIMON. Bago ko lang nadiskubre ang isa pang mukhang espasol na to, na sa tingin ko’y ang kanyang substance sa daily pot session ay glutathione. Sa sobrang glow ng skin niya at hugis ng katawan niya ay kawangis na niya si Jollibee na naging alitaptap. Glow in the dark. Gayunpaman, hanga ako sa pagkamalikhain nitong butanding na ito at galing sa pagpapatawa sa pamamagitan ng mga videos niya. Winner ka, Mudak! At bet ko ang boses ni Junakis (yung una) mo ha! Share mo naman siya!

1. ECHOSERITA. Ahem! Siyempre, sino pa ang unang hahanga sa sarili mo kundi ikaw din, di ba? Kung wala ang inyong lingkod, malamang wala ang blog na ito! Oo na, selfish at narci ako, anong paki mo? Blog ko to! Che! At kahit pa konti pa lang ang aking fans, may mangilan-ngilan na iniidolo itong blog ko at nananabik at nag-aabang sa mga bagong ilalathalang akda. Wag ka ng kumontra! Idol mo din naman ako, di ba?

Chos!

Kung ikaw ay bibigyang pagkakataon na bansagan ang inyong lingkod ng pangalang gaya ng kay Bebe Gandanghari, alin sa mga sumusunod ang gusto mo? Kung wala sa mga sumusunod, pwede mo ring icomment. Go, bumoto o magkomento na!




At dahil sa tampok ang ating mga sisters sa post na ito, ito ang ating Song for this Post. "Where's all my soul sisters, let me hear ya flow sisters. Hey sister soul, sister flow, sister go, sister..."

Lady Marmalade - Christina Aguilera, Lil' Kim, Mya & Pink

At dahil din sa kantang ito ay gusto kong ipagsanib pwersa ang mga baklang nabanggit sa itaas (kasama ako) para gumawa ng ganitong kabaklaan. Say mo?


Basahin ang kabuuan...

Bilat

bilat, vagina eyesHindi ko alam kung paano naging bukambibig ng mga estudyante ko ngayon ang salitang “bilat”. Kaliwa’t kanan maririnig mo ang katagang ito. Hindi ko alam kung matatawa ako o maiiinis.

"Bilat!" Maya-maya, may "bilat!" na naman. Nakakagulat. Naging expression na nga mga lintik.

“Alam niyo ba ibig sabihin sa Bisaya ng sinasabi ninyo?” tanong ko pag naiirita ako sa kakabanggit nila ng magic word na yun.

“Eh kayo, Sir, alam niyo ba?”

Ibinalik pa sa akin ang tanong. Wais.

Hindi ko rin maalalang nababanggit ko kapag naglelecture ako o nagduduty ang katagang iyon. Dahil sa totoo lang ang sagwa ng salitang yaon. Di ko keri. Iniimagine ko pa lang nasusuka na ako.

At napag-usapan na rin ang bilat, may isang bilat na naging dahilan ng pagkabadtrip ko sa aking buhay pag-ibig paglalandi.

Bilat: “Ito ba si [Echoserita], gf ni Jae? Si Mira ito.

Si Mira, ang malanding bilat na umaali-aligid sa jowa ko nung kasagsagan ng pagkahiwalay namin noon.

Echoserita: “Yup. Why?”

Englishera ang inyong lola.

Mira: “May pakiusap sana ako.”

Echoserita: “Kanino mo pala nakuha number ko?”

Di ko na kering mag-English. "Yup" at "why" lang ang alam kong English sa puntong yun.

Mira: “Sa pinsan niya. Mahal ko kasi si Jae pero ikaw ang mahal niya. Hindi mo ba siya pwede pakawalan para sa akin? Pakiusap.”

Echoserita: “Si Jae tanungin mo nyan. Naging kayo ba ni Jae? May nangyari na ba sa inyo? Ba’t ka napamahal sa kanya? Bago pa lang naman kayo nagkakilala di ba?”

Mira: “Hindi naging kami. Sige naman oh. Hindi naman kayo magkakaanak eh.”

Echoserita: “Wag ako kausapin mo. Si Jae kausapin mo dahil hindi ko hawak buhay nya. Kung kaw pipiliin niya at sasaya siya sayo, nasa kanya desisyon. Oo nga di kami magkakaanak. Gusto mo palang anak-anak eh di sana nagpabuntis ka nlang sa kanya bago siya umalis. I have no time for this.”

Shet! Nakapag-English uli ako. Galit na ako pag ganun.

Mira: “Tulungan mo ko. Kaya nga ikaw ang kinausap ko. Ang sabi kasi niya di kami pwede gat kayo.”

Nabwesit na ako sa bilat na to, kaya nagtext ako ng “Tigilan mo ko.”

Kaya lang hindi na nasend. Ubos na ang load ko. Buti na lang, kundi napaaway ako.

pikachu vaginaBakit ganitey na ang ibang bilat ngayon? Napakadesperada na. Humaba tuloy ang buhok ko. Ate, tumabi ka! Ako ang mahal niya! Bukas ka na lang niya mamahalin. Malandi ka! Sayang ang kagandahan mo. Walang lalakeng rerespeto sayo. Che!

Ang mga bilat nga naman o. Kumbaga, ayon pa kay Friendship, ang mga bilat daw ay isang sumpa, mortal na karibal ng mga bekimon. Kakumpetensiya.

Pero hindi naman lahat ng bilat ay malandi. Meron pa ring mangilan-ngilan na mabait, friendly, desente, at higit sa lahat, may mga bilat pa ring…

Virgin.

Tulad ko.

Chos!

At dahil diyan, eto ang kanta natin ngayon.

"Puke mo, gotta catch them all!" Dahil ang mga bilat na malandi, dapat dinudukot at PINAPATAY! Che!


Pokemon - Theme Song

Basahin ang kabuuan...