rss
twitter
    Ako ay sundan. Follow me, follow me. Falalalala
Ang mga pahina sa blog na ito ay maaaring naglalaman ng mga imahe at katagang di angkop sa mga batang mambabasa. Rated R ito, mga Kaechos! Patnubay ng magulang ay kailangan. Chos! Kung nagtataka kang bakit Echoserita ang pangalan nito, basahin ito.

Mga Kaartehang Palpak at Ang Sampung Alituntunin

durian fruit, king of fruitsNgayon ay anibersayo ng pagguho ng Twin Towers sa America, isang trahedyang kinagulantang ng buong mundo, ang trahedyang sumubok sa katatagan ng mga Amerikano, ng mga taong mahal ng mga biktima.

Ngayon din ang araw na napagtanto kong isambulat ang mga trahedyang nangyari sa aking maladiyosang katawan. Mga trahedyang dulot ng sobrang kaartehan...

Hindi ako naging tagasalo ng durian sa aking bayang sinilangan, pero dahil sa kaartehan noong high school na kung may bumps na nakakapa sa mukha ko eh ginagalaw ko yun kaya ngayon ay dala-dala ko ang pagsisising sana’y hindi na nabawasan ang aking angking kagandahan… kung di ko lang sana pinakialaman ang mga kung anong mani na tumubo sa fez ko.

(Rule #1: Ang mukha ay wag galawin at pakialaman, para hindi magmukhang nahulugan ng durian.)

At nang matuto pa uling mag-inarte sa katawan, lalo na sa aking mga binti, hayun, nauwi sa impeksiyon, na ngayo’y nagbunga ng mga di kanais-nais na mga bakas. Kainis!

(Rule #2: Huwag pasobrahan at araw-arawin ang pag-aahit, para sa mga binti walang maiwang bakas na pakshit!)

At as if kulang pa iyan, nagkaroon na naman uli ng insidenteng dulot pa uli ng aking kaartehan. Kaartehang nagresulta sa mapait at madugong karanasan.

Palapit na ang panahong magkikita na kami sa wakas ng shotaers ko nun. Nagpaganda ako, kahit na di ako siguradong may ikakaganda pa talaga. Tumungong salon. Nagpahaircut. Nagpakulay. At pagkatapos ay nagpapedicure.

(Rule #3: Kung hindi tiyak na may ikakaganda pa pagkatapos, huwag nang gumastos.)

Medyo mabigat ang kamay ni ateng buntis na naglinis ng aking mga kuko sa paa. Pabasa-basa lang ako ng magazine habang siya ay abala kakakuskos, kakabrush, kakalagay ng cuticle remover at kung anu-ano pang kalandiang pangkuko.

(Rule #4: Kung kuko sa paa ang ipapalinis, huwag sa pedicuristang buntis.)

Bigla akong napagalaw sa kinauupuan ko. Ang sakit! …

Balik sa pagbabasa ng magazine. Ilang segundo pa ay napaliyad at napaaray uli ako sa sakit nung nasa kabilang paa na si ate. Ang sakit na naman! Pakshet!

“Masakit po ba, sir?”

Kung gago lang ako eh sasagutin ko sana siya ng, “Malamang! Mag-aaray-aray ba ako kung di ako nasasaktan? Ano ako, artista?”

At kung mas gago lang din ako eh di sana ay sinipa at tinadyakan ko na sana si ateng buntis.

Pero dahil mahinhin ang inyong lingkod, tumango lang ako, sabay simangot.

(Rule #5: Huwag sipain o mainis sa babaeng buntis. Ang bata sa sinapupunan ay dapat pinapahalagahan.)

Natapos na rin si ate sa paglinis ng mga kuko ko. Pagkatayo ko ay medyo masakit pa din ang aking dalawang big toes.

Sa takot ko na baka magkaroon ng problema ang mga daliri ko sa paa, uminom na agad ako ng analgesic at anti-inflam na gamot, pati na rin antibiotic.

(Rule #6: Ang nars na ginagamot ng kusa ang sarili, walang bait sa sarili.)

Ilang araw ang lumipas, gumaling ang mga sugat na dulot sa sobrang kutkut ni ate sa mga daliri ko. Pero ang masaklap, ang isang malaking nasugat ay lumala. Namaga. Ingrown! Leche!

Pinagpatuloy ko ang pag-inom ng gamot. Umabot ng dalawang linggo, pero parang ayaw pa rin gumaling. Ilang beses na rin iyong dumudugo ng bigla. Oozing blood. Bloody hell! Heto ang ebidensiya. Ate, magtago ka na! Talk to my lawyer. See you in court!

havaianas, bleeding ingrown
Ang aking madugong ingrown, ang kinahinatnan ng aking kaartehan. Shet!

Pinadoktor ko na paglipas ng dalawang linggo. Pero pucha, kung ano ang ginawa kong pang-inom, eh iyon lang din ang nireseta ng doktora. Ang 60 pesos na nabayaran ko sa pagpapalinis eh naging 900 pa ng mgpacheck-up at gamot. Che!

(Rule #7: Kapag maraming arte, ihanda sa gastos ang sarili.)

Pero salamat naman at gumaling din ang lecheng ingrown, na tatlong linggo akong pinahirapan, sa aking gala, sa aking trabaho, sa aking paglalandi. Leche talaga!

please take care of your footAt dahil natraumang ipaubaya ang kaartehan sa katawan sa ibang tao, napag-isipan ko na lang na ako na lang magfoot-spa. Ang masaklap nga lang, pagkatapos ng spa eh nagkasugat-sugat iba kong daliri, sa sobrang kuskos. Panu naman kasi, kung makakuskos eh parang tatanggalin na ang balat. Hahay, buhay maarte.

(Rule #8: Pag sa foot spa sobra ang kuskos, ang dulot ay iritasyon at galos.)

Bakit nga ba sa bawat arte na gawin ko ay minamalas ako? Sadya nga bang harsh lang ang tadhana at pagkakataon? O sadyang ayaw sa akin ng kaartehan?

(Rule #9: Ang kaartehan ay may pinipili at binabagayan.)

Ipagpapatuloy ko pa rin ba ang mga ito sakaling may mas ikakaganda pa at baka minalas lang ng mga panahong iyon? O talagang tigilan ko na ang kaartehan kasi wala naman na talaga akong ikakaganda? Watchathink?

(Rule #10: Kung wala na talagang ikakaganda, utang na loob huwag nang umasa.)

At dahil diyan, eto ang ating kanta ngayon.

Bleeding Love, dahil naging madugo ang aking ingrown. Che!

Basahin ang kabuuan...

Ladlad

gay butterfly(Ito ay tugon sa kilusang kabaklaan ng Theorgy na tinawag na "Coming Out.")

Hindi ito pagsusuporta sa isang party list. Peksman! Wala akong ibang sinusuportohan kundi ang sarili ko lamang. Ganyan ako kaselfish. Anong paki mo?

Ang kwentong ito ay tungkol sa kung paano ako nagkaroon ng pakpak na mala-mariposa: kayumanggi, maalikabok, madetalye, at marupok. Maaring mas maganda ang pakpak ng isang paru-paro pero napaka-ambisyosa ko kung doon ko ihahantulad ang aking pakpak, ang simbolo ng aking pagiging malayang lumipad. At pwede ba, wag niyo na ring isuggest na pakpak ng paniki na lang. Kagimbal-gimbal. Che! Bigyan niyo naman ako ng konting awa.

Ito ang kwento ng aking paglaladlad. Kung paano ako lumabas sa aparador (in English, coming out of the closet).

Pero sa totoo lang, wala naman talaga kaming aparador sa bahay e, kaya hindi applicable ang term. Gaga!

Tinatanong ko noon kay Bro kung bakit ba ako naging ganito. Di naman niya ako sinagot. Ang sumagot ay ang mga diyosa. Takot ko ay! Isipin mo nga yun, yung sasagutin ka ng hangin.

Hindi ako sigurado kung saan nagsimula ang aking pagkabakla. Minsan naiisip ko nun na baka ako ay sinumpa. Minsan din, naiisip kong eh baka resulta ito ng malnutrisyon: nagkulang na sa bitamina at mineral ang utak ko at natuyuan ng sustansiyang magtataguyod ng paglalabas ng mga hormong nakakapagpalalake. Yung tunay na lalake. (Pre, pahiram naman lipstick dyan!) Minsan pa din, napapasabi ako sa sarili kong, “Ah, ito marahil ang epekto ng pagkaoverdose ko ng paracetamol noon.”

Walang malinaw na sanhi. Walang makapagsasabing bakit nagkaganito. Wala. Walang himala!

Ang alam ko lang, bigla ko na lang sinusuot noon ang panty ng kapatid ko. Aba, ang landi nga naman, di ba? Buti kumasya. Feel kong mujer ako. Feeling may vajayjay. Feeling babaylan. Feeling bilat.

At imbis na makipag-agawan ako noon ng trak at matchbox sa kuya ko, eh andun lang ako sa kwarto, tahimik na naglalaro ng paper dolls. Kung di ko man nilalaro mga yun, eh abala ako sa kagagawa ng damit nila. Bongga!

Hindi ko rin maipaliwanag noong inosenta pa lang ako kung bakit kapag nanonood sina kuya at papa, kasama ng ilang mga pinsan ko, ng makamundong palabas eh dun ako sa lalake nabubuhayan ng dugo. Kebs sa mujer! Kinabog siya ng imahinasyon ko, ng pagnanasa ko sa kalaro niya ng apoy sa palabas.

At kung bakit ang mga larawang ito noong kabataan ko ay nagkaganito, ewan ko. Ito ang mga ebidensiya ng pagkakaroon ko ng sayad noong ako’y isang mumunting mariposa pa lamang. Matawa ka na kung tawa, pero yan ang totoo. Eksenadora ang inyong lingkod. Kahit noong kabataan niya ay may mga sintomas na ng pagiging impaktang baklita.

Nang tumuntong ako ng elementary, dun na ako nagsimulang mahulog sa kapwa may lawit. Grade 6. Hanggang sa naitaguyod ang pagkakagusto sa kapwa may talong sa high school. Papalit-palit ng kinahulugan ng loob. Hanggang sa dumating ang araw na unang nagkaboypren sa kolehiyo. At nasundan pa ng kung sinu-sinong bumiyak sa puso ko at sa pagkababae ko, sa pagkabirhen ko. (Coming soon: post na pinamagatang “To All The Boys I Loved Before”).

Sa ngayon, kung alin mang daan ang tinahak ko, wala akong pinagsisihan. Masaya ako. Masaya ang ganito. Masarap. Hindi mapait, di mapakla. Hindi lasang paminta. Walang tinatago. Ladlad kung ladlad.

closet queenMakulay ang mundo ng isang vaklush. Maraming thrills. Maraming adbentyur. Pero hindi ako nanghihikayat na maging katulad ka namin, dahil kung ikaw ay may balak na maging isa sa amin, utang na loob, wag na! Mataas na ang kumpetisyon. Nag-aagawan na ng mga resources. Chos! Di din pedeng talo-talo, pwede ba!

Ang pagiging bukas sa madla kung ano ang totoong ikaw ay isang napakatapang na desisyon. Maaring marami ang hindi agad makakaunawa at makatanggap. Ngunit kapag ikaw mismo ay tanggap mo kung ano ka at hindi mo ito ikinakahiya, ganundin ang magiging pagtanggap sa iyo ng mga tao. Ang paglaladlad ay di nangangahulugang ipagsigawan mo sa mundo ang kung anong sayad meron ka. Maraming anyo ang paglalahad. At ang anyo nito ay natatangi sa iyo.

Kaya sa mga hindi pa alam kung ano at sino talaga sila, isa lang ang payo ko: magpakatotoo. At utang na loob, wag nang magtago sa closeta. Wag maging closet queen, dahil ang totoo walang reynang nakakubli sa aparador. Ang reyna ay ninamnam ang pagkakaupo sa trono. At ang reyna ay…
queen sitting in throne with scepterAKO!

At dahil diyan, ito ang Song for the Post natin ngayon:
coming out of the closet gay
Eminem - Cleaning Out My Closet

“I’m sorry, Mama. I never meant to hurt you. I never meant to make you cry but tonight I’m cleaning out my closet.”

Lisanin na ang aparador! Linisin na ang closeta! Lumabas ka na! Isa kang malaking dumi sa closeta! Niyahaha…

Basahin ang kabuuan...