rss
twitter
    Ako ay sundan. Follow me, follow me. Falalalala
Ang mga pahina sa blog na ito ay maaaring naglalaman ng mga imahe at katagang di angkop sa mga batang mambabasa. Rated R ito, mga Kaechos! Patnubay ng magulang ay kailangan. Chos! Kung nagtataka kang bakit Echoserita ang pangalan nito, basahin ito.

Si Makoy at ang Balahurang Pageant

mr. gay world philippines 2010 logoTapos na ang Mr. Gay World Philippines 2010. Tapos na ang balahurang pageant ng baklang Makoy.

Sino si Makoy? Isa lang naman siyang balahurang bakla tulad ng inyong lingkod. Yun lang. Che!

mr. gay world philippines 2010, metrobar quezon city, cherie gil, jean garciaNakahanda na ang lahat ng mga dadalhin ko sa posibleng doon pa ako makapag-overnight sa Manila. Towel. Damit. Medyas. Panyo. Panty. Pantylet. Feminine wash. Napkin. Punyeta may regla! (Ilusyonada!) At siyempre, ang mga "proteksiyon bago aksyon." Pati na rin lube. O ha, di ako prepared.

May ticket na rin ako para sa show. Pinadala ng balahurang Makoy sa akin chru LBC. Nagbiyahe ng apat na oras tungong kauluhan. Pakshet ang trapik. Nakipagkita sa mga kaklase nung high school at kay Harry at sabay na tumungo sa venue.

Pagdating namin sa Metrobar, dagsa na ang mga tao. May mga bilat at mga feeling bilat. Pero karamihan dun ay ang pangalawa. Sina Cherie Gil at Jean Garcia ang hosts, ang mga baklang laging kontrabida. Ang mga hosts na laging nagkamali sa pagbasa ng cues. Mga adik. "Tao lang, pwede ba?" Pero nakakatuwa ang dalawa. Shuper!

Pagdating namin, nagsimula na ang dog show, presenting ang mga asong iba’t iba ang breed. Pero kahit papano ay di pa kami masyadong late for the show. Naghanap ng mauupuan sa baba, pero wa choice. Dun na lang kami sa taas.

Kanya-kanya nang rampa ang mga dogs. National costume ang panimula. Di ko maalala ang tugtog ng pagrampa nila, pero kung ako ang papipiliin, isusuggest ko ang Who Let the Dogs Out by Baha Men tapos yung tipong sabay-sabay sila ng Hoo, Hoo, Hoo, Hoo, Hoo. Bongga! Patok yun for sure.

mr. gay world philippines 2010 finals night, national costume, marc ernest bialaDi ko feel ang costume ng Makoy. Marami pa kasi ang mas maganda. At sa costume ng balahurang Makoy ay di nairepresentang mabuti ang kanyang lupang sinilangan: ang Davao del Norte. Baguio-ish kasi ang costume ng bakla. Natatakpan pa ng mga kung anong walis chorva ang mukha niya. Pero dahil best friend ko ang balahurang bakla, kailangang magcheer para sa kanya. Respeto lang kumbaga. Lalo pa’t walang ibang nagchecheer sa kanya dun kundi kami lang. Kawawa naman.

Nagpatuloy ang dog show. Sinundan ng swimwear ang national costume. Kanya-kanyang pabonggahan ang mga kalahok. Pero di ako natakam sa mga bukol na nasaksihan ko. Wala lang. Di ko feel.


mr. gay world philippines 2010 swimwear competitionSinundan ng formal attire. Barong. Hanga ako sa barong ng balahurang Makoy. Sa lahat sa kanila, for me, sa kanya ang pinakamaganda at kereng-kere pa niya.

Nagkaroon din ng picture interpretation. Ipinamalas ng Makoy ang husay sa pagsasalita, kasinghusay ng sa self-introduction niya sa simula ng dog show. Pinanindigan ang pagiging echosera, ang pagiging Magna Cum Laude. Che! Pak na pak! Napa-ummm ako sa kinaupuan namin.

mr. gay world philippines 2010, mr. photogenic, marc ernest bialaAt sa bawat pag-interpret ng ibang kalahok ay di na din namin napigilan na magreact sa mga sinagot nila, lalo na dun sa mga baluktot mag-Ingles. Di na lang sana nag Ingles kung di din naman pala carry. Inirapan na nga kami ng mga tao sa likod namin, supporter pala sila nung inokray namin. Walang pakialaman! Opinyon lamang. Okrayin niyo din kami kung gusto niyo. Pero peace pa rin ha. Echos-echos lang yun mga kafatid.

Q&A portion na. Pak na pak pa rin ang sagot ng baklang Makoy. Napa-ummm uli kami.

Ibinigay na rin ang minor awards. Nasungkit ng Makoy ang Mr. Photogenic. Pero sabi nila ang mga photogenic daw ay maganda lang sa picture. Troo! Pis, Makoy!

Nagkaroon din ng mga intermisyon. At nandun ang idol ko, ang isa pang balahurang baklang galing sa Davao. Si Lady Gagita, kasama si Haronce. Nag”Telephone” ang mga gaga. Pak uli! Super like ko ang dalawa. Mas idol ko si Gagita, pero mas nagagandahan ako kay Haronce. Natural ang beauty, at di mukhang espasol. Ang sarap tirahin.

Yaks!

mr. gay world philippines 2010, lady gagita, haronce, telephone by lady gagaTop 6 na. Nakapasok ang Makoy. At eto ang naging tanong niya:


Mukhang disoriented ang bakla. Nalito pa ata kung sino si Madam Claudia at sino si Lavinia. Napressure lang siguro. Pero kere pa rin.

Top 3. Nakapasok uli ang Makoy. Hiyawan kami sa kinaupuan namin. Ang mga nang-irap sa amin na nasa likod ko ay nanahimik na, kasi ang manok nila, di nakapasok. Taob. Dinapuan na ata ng avian flu. Di na nakalipad. Nawalan na siguro ng pakpak.

mr. gay world philippines 2010 winners, MARC ERNEST BIALA - 1st Runner Up SHERWIN ABUEL - Mr. Gay World Philippines 2010 MIGUEL DELA SERNA - 2nd Runner Up2nd runner-up na. Yung may pinakamaraming minor awards ang tinawag. Hiyawan uli kami, kasi dalawa na lang sina Makoy ang maglalaban para sa balahurang titulo.

1st runner-up. Tinawag ang Makoy. Gumuho mundo bigla namin, pero nakarecover naman kami agad. "Resiliency" kumbaga. At yan ang bukambibig for the night ng Makoy. Happy pa rin kami at nakuha ng balahurang bakla ang titulong yun.

At ang nanalo? Ay ewan. Di namin type.

“Type pala ng mga judges ang nocturnal being,” sambit ng isa naming kasama.

“Nocturnal ba ang black moore?” dagdag pa ng isa.

“Malay natin baka ang theme sa Mr. Gay World 2011 eh aquatic, eh di pasok na pasok ang Pinas!"

"Baka nga mananalo si "Tugs, Tugs, Tugs" sa international pageant eh kasi exposed na siya sa maraming lugar gawa ng concert tours niya. Sikat naman ang Black Eyed Peas eh. Apl.de.Ap, ikaw ba yan? Bebot, bebot be bebot bebot be..."

O wag magreact. Mga pawang opinion lang ang mga ito. At may kanya-kanya tayong taste. At nirerespeto namin ang taste ng mga hurado.

Well, ganyan talaga pag di yung manok niyo ang nanalo. Bitter.

Pero hindi naman kami bitter. Masaya pa rin kami at may naiuwi ang balahurang best friend ko. At kung sinu-sino man yung mga nag-uwi ng ibang awards, congrachula! At para sa grand winner, we wish you best for the international pageant, kapatid. Make us all in the gay community proud!

Pagkatapos ng pageant, straight to Eastwood. Nagkwentuhan hanggang inumaga. Di na napansin ang oras. Reminisce ng mga nakakatawang alaala nung high school.

mr. gay world philippines 2010 first runner up marc ernest biala
From left to right: Si Zang, ang baklang pedeng pagpritohan ng itlog ang mukha; si Denya, ang baklang buti na lang di nagface powder ng puti, kundi nagmukha na sanang crinkles; si Makoy, suot ang sash ng balahurang pageant, hambugera!; si Mon, ang baklang tomboy at ang opisyal na tsuper ng barkada; at si Gingging, ang echoserang laging idinadahilan ang interkors sa di pagdalo sa iba pang naging meeting namin.

Alas otso ng umaga, kanya-kanyang uwi na. Ako pabalik sa Olongapo. Si Makoy sa Baguio. The rest, sa Manila lang din. Umuwi akong dala ang saya na hindi nasayang ang mga hiyaw ko ng gabing yun. At ang sayang dahil sa hindi nasayang ang isang libo kong pinambili ng ticket ko at para kay Harry, at ang dalawang libong naubos ko sa isang gabing yun. Hay naku, ang hirap magclimb ha! Mag-iipon na naman uli para may pangclimb sa susunod. (Theme song: The Climb by Miley Cyrus).

Kung may pinanghinayangan man ako sa gabing iyon, iyon ay ang hindi man lang ako naikama. Nag-effort pa naman akong magdala ng mga paraphernalia. Pakshet!

Echos lang!

Nag-enjoy naman talaga kami ng gabing yun, sa pageant at sa get-together...

Sa panahon ngayon, malakas na ang pwersa ng mga bakla. Di na paaapi. Di na palulupig sa mga mapanghusga. Ito ang panahon namin. Panahon para maghasik ng kulay sa mundong ibabaw. Halika na, tayo'y magpinta. At isigaw sa mundo na ang pagiging bakla ay maaring hindi kagustuhan ng Diyos, pero ito'y siguradong kagustuhan ng mga diyosa.

Congratula, Makoy! Isa ka ngang balahurang bakla! Che!


Baha Men - Who Let The Dogs Out

(Photo credits: Jory Rivera and Ian Felix Alquiros)

Basahin ang kabuuan...

Pitong Taon

seven, 7In English, 7 years.

E ano namang meron sa pitong taon na to?

Si Harry.

Sino si Harry?

Nakilala ko si Harry noong 2003, bago pa ako nakatuntong ng college. Nagkakilala kami sa Yahoo! Chatroom noon. Nakachat ko ang isang Vench noon, isang baklang taga Butuan din katulad ni Harry, at sinabing i-chat ko daw ang pangalawa. Ginawa ko naman. At doon nag-umpisa ang aming malalim na pagkakaibigan.

Hindi ko boypren si Harry. At hindi ko rin siya ex. Hindi naging kami. Kahit pa crush na crush ko siya noon (what about now, ate?) at niligawan ko pa ng ilang beses ay hindi naging kami. Ayaw niya daw. Ayaw niyang masira ang pagkakaibigan namin.

If I know, ayaw lang talaga niya sa akin. Hmp!

Gayunpaman, naging tuloy-tuloy ang aming pagkakaibigan. Kapag ang inyong lingkod ay nagiging heartbroken ay si Harry ang napapagtripang ligawan. Pero di pa rin dumating sa puntong naging kami. Hindi ko naman kasi kinareer na ligawan siya. Masaya din naman ako sa pagkakaibigan namin. At alam kong masaya din siya.

Sa loob ng pitong taon, puro sa text lang kami nagkakausap. Minsan napapatawag ako. Minsan sa internet, kasama na diyan chat, webcam chat, Facebook, Friendster… Ang internet nga naman, nakapamatulungin. Kasi kahit noong nagkakawalaan kami ng numero ng cellphone (kapag manakaw ang cellphone o magpapalit sim) eh nakakausap pa rin naming ang isa’t isa sa internet, at bigayan uli ng numbers.

Mapalad ako at kahapon ay tuluyan ko na talagang nakita at nakasama si Harry sa personal. Mapalad din siya, dahil nakita at nakasama na din niya ang nag-iisang dyosang echosera.

Pagkatapos nating magkita, uuwi din ako agad? Kasi may panonoorin kayo?” natanong ni Harry sa text bago pa kami nagkita.

Samahan mo muna ako bago ako sunduin ng mga kaibigan ko,” ang sagot ko.

Labo mo. Iwan mo lang din pala ako agad. Wag na nga lang, malayo pa naman sa amin sa SM North. Huhu,” pabirong sabi niya.

Hay naku, sige na nga, isasama na lang kita, libre na lang kita ticket. Sa isang kondisyon. Sa inyo na lang ako makikitulog kung wala man kaming gimik pagkatapos ng event. Don’t worry, ‘di naman kita gagalawin no. Haha,” palanding sagot ko.

Ok lang sa akin…” kinabahan ako dun, kala ko ok lang sa kanya na galawin ko siya, “pero ang kasama ko? Wala na ring mahigaan. Ganito na lang, di na lang ako uuwi. Samahan na lang kita, tambay tayo somewhere.

At nagkita kami sa SM North Edsa. Hinintay ko siyang dumating at niyayang magdinner kasama ng aking dalawang kaklase sa high school. Nagutom kami sa kakahintay ha! Pagkatapos ng lapshaang nangyari sa mall eh tumungo na kami sa Metrobar para sa balahurang pageant ng best friend ko.

Apat sana kaming maghihiyawan para sa best friend ko kaya lang si Harry eh timpi. Di din naman kasi sila close ng best friend ko.

Pagkatapos ng pageant, nagpunta kaming Eastwood City. Doon lumapsha uli, nagkape, tawanan, tuksuhan, at naghiyawan ang mga bisaya. Si Harry nakakasabay naman.

Har, samahan mo nga ako CR,” anyaya ng inyong lingkod.

Sinamahan naman niya ako.

Mga ilang minuto ang lumipas...

O ang tagal niyo, nasarapan naman kayo?” tanong ng isa pagkabalik namin sa grupo. Tumawa kami ni Harry.

Engot tong si Makoy, umeksena. Sumunod pa sa rest room. Di tuloy namin nagawa,” pabirong sagot ko naman.

Wag kayong mag-isip ng masama na may binalak akong masamang masarap na gawin. Hindi po malandi ang inyong lingkod.

Nirerespeto ko si Harry, ang pagkakaibigan namin. Pagkakaibigang matagal na matagal na at noong gabi lang nabigyan ng katuparan ang pagkikita. Mahal ko si Harry… bilang kaibigan. Walang labis, walang kulang. Alam ko ang limitasyon ko, at alam din niyang may boypren ang inyong lingkod. In fact, magkakilala din sila.

May mga pagkakataong sinolo ko si Harry sa usapan. May mga maselang paksa kasi na kami lang ang magkakaintindihan, mga sekreto, mga kwento ng buhay namin.

Naabutan kami ng umaga sa kakakwento. Nag-almusal muna kaming lahat bago pa nagsiuwian. Alas otso na ng nakauwi kami. Mga walang tulog…

Akalain mo nga namang ang tagal na pala naming magkaibigan ni Harry. Posible pala yung kahit di kayo nagkikita eh di mawawala ang pagkakaibigan niyo.

Nung gabing yon, natanong ng isang kaklase ko nung high school kung wala ba daw akong pagnanasa kay Harry.

Ang sagot ko:

ANG KAIBIGAN, KAPAG MASARAP, DI PINAGNANASAAN. TALAGANG TINITIKMAN!

mr. gay world philippines 2010 first runner up, marc ernest biala, harrison harry ruiz, zang caesar balatero, eastwood citySi Harry, ang long lost friend ng inyong lingkod; si Makoy, suot-suot ang kanyang Mr. Gay World Philippines 2010 1st-Runner Up sash; at si Zang, ang balahurang baklang walang direksiyon sa buhay.


Katakam-takam ba siya? Tikman ko na ba?

Bomoto na!



At dahil diyan, eto ang Song for this Post natin:

S Club 7 - Bring It All Back


S Club 7, dahil 7 years, at "Bring It All Back" kasi sabi "Don't stop, never give up" daw. Kung may gusto kang tikman, pagsikapan!

Chos!

Basahin ang kabuuan...

Tuli

operation tuli, circumcision with a knife, childKung mababasa mo ang salitang tuli, ano ang pumapasok sa isip mo?

Kung ang inyong lingkod ang tatanungin niyo, ang pumapasok sa malikot niyang isipan ay titi.

O bat ka napangiti? Ano bang meron sa titi?

Pero dahil ang mga tinutuling titi ay kadalasang bata pa at di pa gaanong hinog, marapat na tawagin na lang natin itong “pututoy” alang sa diskusyong ito.

Ano ang tuli? Ito ang pagtatanggal ng sobrang balat sa duluhan ng pututoy. Kung ikaw ay hindi tuli, ikaw ay siguradong matutuksong, “Supot! Supot!”

Dito sa Pinas, malala ang presyur na dulot ng kultura ng pagtutuli. Kasama na diyan ang peer pressure.

“Sa aking anak na lalake, kahit na okay sa akin na di siya matuli ay ipapatuli ko pa rin siya. Bakit? Dahil ayokong maranasan niya ang hagupit ng mga tukso ng kanyang mga kaibigan.” Ito ang nasambit ng aking propesor noon.

Akala ko noong bata pa ako, ang lahat ng may lawit ay kailangang matuli. Kahit di ko tinatanong noon kung bakit, eh sabi nila para daw makabuntis, para mabilis tumangkad, para malinis, at iba pa.

Ngayong medyo matanda na ako (medyo lang naman), at ngayong namulat na ako sa kamundohan, nalaman kong hindi lahat ng lalake ay kinakailangang matuli. Nasa sa kanila na iyon kung magpapatuli sila o hindi. Hindi lahat ng lalake sa mundo ay tuli.

Paano ko ito nalaman?

Hindi ko iniisa-isang tingnan ang titi ng kung sinong may titi. Hindi ako ganun kalaswa at kalandi! Virgin pa nga ako eh…

Nalaman ko ito sa kakapanood ng mga palabas na di pambata. At doon ko napagtanto na parang masarap ding tumikim ng supot. Kung tatanungin mo ako kung nakatikim na ako ng ganun, hindi ko sasagutin yan. Hayaan ko na lang maglaro ang malikot mong isipan. Pero may clue na akong binigay. Kanina pa. (Virgin pa nga ako eh…)

Ang maniwala sa sabi-sabi, walang tiwala sa sarili.

Sa aking kabataan, lagi rin akong natutuksong supot noon. It was not until the summer between elementary and high school have I been circumcised. At kung bakit ako napa-Ingles bigla ay dahil nasapian ako. Pero magpasalamat ka, dahil kung hindi ako biglang nag-Ingles, baka di mo malalamang ang Ingles pala ng tuli ay circumcision. Yan lang naman ay kung bobo ka. Ha ha ha.

Nakakahiyang matukso ng supot. Engot kasi tong kapatid ko, binuking ako noong nasa huling taon ako ng elementary.

Sa pagkakaalam ko, ang pagtutuli ay isang covenant ng Panginoon at ni Abraham. Pero di ako sigurado kung nabanggit pa rin sa New Testament ang pagtutuli ng lalakeng angkan. Hanggang Genesis lang kasi ang nabasa ko sa Bibliya. Sorry po, Lord. Marami ang nagsabi sa akin na wala na daw sa New Testament yon kaya marami na ang lalake ngayon, especially Europeans, ang hindi tuli.

For hygienic purposes din daw ang pagtutuli. Pero bakit kahit hindi tuli ang karamihan ng mga bukol kings sa mga napanood kong kalaswaan eh malinis pa rin naman sila? Come to think of it. (Charing, English na naman!)

Pero tuli man o hindi ang isang pututoy, wala ng pakialam dun ang inyong lingkod. Basta ang pututoy pa rin ay siyang nagbibigay kaligayahan sa inyong lingkod. Tuli man o hindi, nasa performance din yun.

Pero sa tingin mo, alin ang mas masarap? Ang tuli o hindi?

Ang hindi “masarap” ay itong bagong isyu tungkol sa pagtutuli sa Pinas. Basahin mo to. OO, ITO!

Hala kayo! Ito na nga ba ang sinasabi ko eh. Oo, ang inyong lingkod ay isang nars. Pero ni minsan ay hindi ko naisipang sumali sa mga operation tuli na yan. Labag sa kalooban ko yan. Pramis! Halos lahat ng mga pinsan kong may lawit ay ipinatuli sa mga Operation Tuli eklavu. Buti na lang at ako’y pinatuli ng aking butihing ama sa private doctor. Nakakahiya talaga pag sa Operation Tuli. Ang daming nakakakita. May pictorials pa. Ha ha. Labag talaga sa Human Rights. Hala kayo!

Hala uli!

Naku, naku. Dapat maaksiyunan to!

Ang titi, o pututoy, ay hindi ginagawang katatawanan. Ito ay minamahal. Sinasamba. Tinatakam. Sinusub—

Ay, wag na nga!

May mga ilan pa ring Pinoy na lalake na hindi tuli. Maaaring ginusto nilang hindi matuli o maaari ring nakalimutan na silang ipatuli ng kanilang mga kamag-anak. Kung ano man, may mga ilan din sa kanila na nahihiya sa kanilang di pagiging tuli.

At dahil diyan, ito ang Song for this Post natin:

The All-American Rejects - Dirty Little Secrets

Basahin ang kabuuan...