rss
twitter
    Ako ay sundan. Follow me, follow me. Falalalala
Ang mga pahina sa blog na ito ay maaaring naglalaman ng mga imahe at katagang di angkop sa mga batang mambabasa. Rated R ito, mga Kaechos! Patnubay ng magulang ay kailangan. Chos! Kung nagtataka kang bakit Echoserita ang pangalan nito, basahin ito.

Bata, Bata, Paano Ka Naging Bakla?

May maraming anyo ang mga bakla. May baklang halata, may patago. May mukhang aswang, may mukhang diyosa. May balingkinitan, may macho-machohan. Mayroong may utak, mayroon ding di gumagamit ng utak. Mayroong sobrang kapal ang make-up, mayroon ding walang pambili ng make-up.

May mga bakla din na sa kanilang kabataan pa lang ay kinakitaan na ng sintomas ng pagiging bading.

Eto ang kwento ng kabataan ng inyong lingkod, Echoserita.


two children riding a big bike, gay
Bata pa lang ako, nagkacrush na ako sa kapwa may lawit: o nasaan ka na, pinsan ko?

Pinsan: "Pre, paakbay naman ha?"
Echoserita: "Sure, pare, kahit higpitan mo pa."


cousins, gay
Mapapansing bata pa lang ay kinahiligan ng magpose a la
beauty pageant contestant ang inyong lingkod. Kinabog ang mga babae.


ring bearer, gay child
Ang ring bearer na ang talagang gusto naman ay maging
flower girl na lang. Nakarubber shoes pa!


curtsy, salakot folk dance, gay childAt kahit sa Salakot Folk Dance na ito ay ang babae lang dapat ang
magcurtsy, ginawa pa rin ng echoserang bata. Ilusyonada talaga!


first holy communion, gay childDahil first holy communion ko ito, kailangang itikom ang bibig nang pavirgin effect.


elementary graduationSa graduation ng kuya ko, eto ang suot ko: si Kimberly: Pink Power Ranger! Bongga!


Flores de Mayo, Reyna RosarioEchoserita: "Tusukin kita ng pin diyan, dapat sa akin
itong sash na to, dahil ako'y isang reyna!"


Ito ay mga larawan noong ako ay isang munting baklita pa lamang, noong ako ay di pa nag-aaral hanggang sa aking pagtungtong sa elementarya, noong ako ay isang uod pa lamang (ngayon ay isa ng napakagandang paru-paro).

Noong ako'y nasa ganitong mga edad pa, lagi akong tinutuksong babae ba daw ako.

Kung sa kabataan ko ay kumakanta na si Britney, malamang ito sana ang itinugon ko:



I’m Not a Girl Not Yet a Woman – Britney Spears

Basahin ang kabuuan...

Lipad, Bakla, Lipad

flying gay, gay flagAraw ng Kasarinlan.

Araw ng Kalayaan.

Araw ng paglipad. Paglipad na katulad ng ibong malayang-malaya. Hindi nakakulong. Walang tali sa paa. Buong-buong naibabagwis ang mga pakpak.

Ganundin ang mga bakla. Malayang-malaya na ngayon ang mga bakla, di katulad ng dati. Marami ang tutol. Marami ang ayaw. Marami ang kumukondena. Pero iba na ngayon. Nagbago na ang takbo ng panahon.

Ganundin ako. Malayang-malaya na naman. At sa Araw ng Kasarinlan ay ang muling pagsasarili ko. Sariling buhay. Sariling sikap. Sariling kayod. Sariling diskarte.

Malayo na naman ako sa comfort zone ko. Pero mas malapit naman ako ngayon sa sinisinta ko. Pero sa pagdating kong muli dito sa isla ng Luzon ay damdam ko naman ang kalungkutan, ang pagiging mag-isa, ang mga walang malapit na kaibigan o kamag-anak. Ang hirap.

Pero ganyan ang buhay. No pain no glory ika nga.

Araw ng Kasarinlan.

Araw ng Kalayaan.

Araw ng paglipad.

Ang paglipad ay isang napakasarap na karanasan. Pero dahan-dahan lang dapat, kasi tayo minsan ay babagsak.

Sa lahat ng posts dito, ito ang naiiba. Malungkot. Madrama.

Nag-eemote si Echoserita.

Ikaw ba ay naranasan mo nang lumipad at bumagsak?

Ganyan talaga ang buhay, mga kadugo.

Life is like a wheel ika nga. Sometimes you’re up. Sometimes you’re down. Sometimes it’s flat.


“Every time I try to fly I fall without my wings I feel so small. I guess I need you baby…”

Basahin ang kabuuan...

Sana'y Maging Virgin Pang Muli

tawas, alumHindi ko inaakalang may isa pa lang masugid na tagasubaysay ang Echoserita na magpapadala ng liham ng kanyang kwento sa buhay. Kahit ang laman nitong Echoserita ay kwentong buhay ng echoserang may-akda nito, patulan na lang natin ang liham na ito. At tulungan niyo akong magbigay mungkahi sa ating letter sender.

Dear Ate Echoserita,

Una sa lahat, magandang araw. Pero sa tingin ko'y mas maganda ka pa sa araw, kahit di pa kita namimeet, kahit na hindi ako naniniwalang ganyan ka kakinis sa mga larawan mo dito. Mahirap na ang magtiwala lalo na ngayong may Photoshop. Che!

Pangalawa, salamat sa blog mong super nakakaaliw. Nakakarelate ako sa iba mong post. Siyempre magkadugo kasi.

Pangatlo, eto na ang problema ko.

Uhm, medyo may kalaswaan ito pero ok lang. Rated R na din naman na ang blog mo ngayon. Go!

Eto na talaga, Ate, promise!

Galit na galit ako sa taong gumamit sa akin kamakailan lang. Hinding-hindi ko malilimutan ang ginawang katarantadohan niya sa akin. Siya ang unang gumamit ng katawan ko. Kung bakit ko ibinigay ko sarili ko sa kanya ay dahil na rin siguro sa pagmamahal ko sa kanya, pagmamahal na di pala niya kayang suklian ng karampatang pag-aaruga. Samakatuwid, hindi na ako virgin. At ito’y pinagsisisihan ko nang malubha.

Nasa pampublikong beach kami noon, sa Morong, Bataan. Nasa dalampasigan kami noon. Wala na masyadong mga tao. Malakas ang alon, at ang mga salpak ng alon sa dalampasigan ang siyang naging puno’t dulo ng aking di na pagkabirhen.

Nahihirapan na akong isarang muli ang butas na minsan ay kanyang nilapastangan. Hindi na siya ganun magsara gaya ng dati. Hinding-hindi na. Nahihirapan akong ibalik sa dati iyon. Nagsisisi ako ngayon sa mga nangyari. Hindi ko alam anong gagawin ko dito.

May paraan pa ba para maging virgin uli? May pag-asa pa ba ang kaso ko? Gusto ko talagang maging virgin uli. Paano?

Alam ko medyo malaswa ang kwento ko, pagpasiyensyahan niyo na po. At lulubusin ko na lang din ang kalaswaang ito.

Sa liham na ito ay nakalakip ang larawan ng aking pagkababae, kung paano ayaw ng magsarang muli ang pinto ng aking kaluwalhatian. Nasa sa inyo na po kung ilalathala mo ang larawan ko o hindi. Heto po siya:

Kodak MD863
Lubos na gumagalang,
Kodak MD863


Mga ka-echos, ito naman ang tugon ko sa liham ng ating masugid na tagasubaybay.

Mahal Kong Kodak Etch,

Salamat sa pagpapadala mo ng liham. Para hindi humaba ang tugon kong ito, diretsuhin na kita.

Sa pagkakaalam ko, kung ang butas ay gustong ibalik para maging birhen muli, gagamitan daw ito ng tawas. Yun ang sabi ng kaibigan ko. Ewan ko lang kung totoo, hindi ko man yun nasubukan. Virgin pa ang inyong lingkod. Magpahid daw ng tawas sa butas. 3x a day.

virgin coconut oilPero sabi pa din ng iba, ang katapat lang daw niyan ay ang palagiang pag-inom ng virgin coconut oil. Hindi ko pa rin ito nasubukan. Virgin pa nga ako. Pero try mo lang.

Pero sa kaso mong ito, Kodak MD863, hindi tawas o VCO ang kailangan mo. Mas lalo ka lang masisira. Ambisyosa ka! Ang kailangan mo ay service center, hindi para i-serbis ka kundi para ipagawa ka. Gets mo? Wag kang ilusyonada!

Ladies and gentlemen, my Kodak MD863! Umeechos. Umeeksena. Nagdadrama. Natalsikan kasi siya ng buhangin at tubig dulot ng malakas na salpak ng alon sa dalampasigan noon sa Bataan. Kaya ayaw ng magsara ng takip ng lente niya.

Mga ka-echos, kahit na umeeksena lang ang camera ko, pwede din namang irelate sa totoong buhay ang kanyang kwento. Kayo ba di niyo minsan naitatanong sa sarili niyo paano maging virgin uli?

May nasubukan ba kayong mga sure-fire na solusyon? Share niyo naman dito.

Ikaw din ba ay may problema sa buhay na gusto mong ibahagi at nang makakuha ng mga mungkahi sa ibang tao? Ipadala lang ang inyong sulat sa Official Fan Page ng Echoserita.

At dahil sa kwentong ito, ito ang kantang ating ihahandog kay Kodak MD863 at sa mga di na birhen na naghahangad pa ring maging birhen. Sa madaling salita, mga ilusyonada! Mga ambisyosa!

At dahil diyan, ito ang ating theme song ngayon:

Madonna - Like A Virgin

Basahin ang kabuuan...

Rated R

rated r logo, restrictedKung ikaw ay laging napapadpad o naliligaw sa blog na ito, at kung mapagmasid ka ay mapapansin mong may nagbago sa logo ng blog na ito. Tingnan mo sa taas, sa headbar. Tanga!

Mapapansin mong ang R sa Echoserita ay naiiba.

Ayon sa pagsusuri ng Mother Tranny’s Rating for Celebrated Blogs (MTRCB) committee, dahil sa mga nilalaman ng mga blog na ito, ito ay binigyan ng R na rating. Rated R na ang Echoserita. Restricted. Ibig sabihin, bawal na ang minors.

Kung may minors, dapat silang patnubayan ng kanilang mga magulang. Kung ikaw ay napadpad sa blog na ito at ikaw ay menor de edad, maaari po lamang na lisanin mo ang blog na ito. Pero kung gusto mo talagang bumasa, tawagin si papa o mama, para imbis na ikaw lang ang mag-Like sa post na ito, eh magla-Like na din si Papa at Mama. Siguraduhin lang na maglog-in din si papa a mama mo sa Facebook nila. Oh ha, 3-in-1 na iyon. It’s like hitting 3 birds in one stone. Pwede mo ring i-retweet ang post na ito, pakisabi din kay mama at papa mo. 3-in-1 uli.

rated r logoMaswerte ang inyong lingkod at nabigyan tayo ng rating ng MTRCB. Nagbibigay lang ito ng rating sa mga blogs na talaga namang takaw-pansin at binabasa ng marami. Kaya nga “for Celebrated Blogs”. Let’s celebrate mga ka-echos!

Frequently Asked Questions (FAQ). As in FAQ YOU!

Sino nga ba si Mother Tranny?

Si Mother Tranny ay isang baklang transekswal, kaya nga Tranny. Mother kasi “mama”. Siya ay baklang namumuhay lang sa diwa ng mga bumubuo ng MTRCB. Imaginary mama. May pagkapsychotic kasi ang mga bumubuo nito.

Paano mabigyan ng rating ng MTRCB?

Ito ang mga kinakailangan.

1. Ang blog mo ay dapat may kinalaman sa pagiging bakla. Ang pangit naman kung ang blog mo eh tulad ng Tunay na Lalake tapos bibigyan ng MTRCB ng rating. Mawawala pogi points nun.
2. Dapat may followers na di bababa sa lima.
3. Dapat may fans at least dalawampu’t lima.
4. Dapat lagpas na sa dalawang libo ang nakabisita ng blog mo, o kaya lagpas na sa doble nito (4,000) ang pageviews. Marapat na maglagay ka ng statistics sa blog mo, gaya ng nasa pinakadulo sa baba sa sidebar ng blog na ito.
5. Dapat may posts na di bababa sa sampu ang bilang.
6. Dapat may mga nagkomento sa blog mo na di bababa sa sampu. Hindi kasama ang mga tugon mo sa mga nagkomento.
7. Dapat ang blog mo ay at least 3 months old, at:
8. Ang huli, depende pa sa ibang mga kondisyon na itinalaga ng Mother Tranny committee maliban sa mga nabanggit. Ibig sabihin, kahit pa nakumpleto mo ang mga rikisito, kung di naman feel ng MTRCB na irate blog mo, eh wag ka nang mamilit. Wala ka ring magagawa! Chaka ang blog mo! Try harder!

echoserita logo
Kung feel mo ay pauunlakan ng MTRCB ang paanyaya mong i-rate ang blog mo, wag mag-atubiling i-email ang MTRCB sa mtrcb_bakla[at]gmail.com at magkomento sa pahinang ito. Kasi ang totoo wala kang ibang choice kundi magkomento, kasi charing lang ang email na yan. Made-DAEMON MAILER ka lang.

Sinu-sino ang mga psychotic na bumubuo ng MTRCB?

Isa lang.

Ako lang din.

At dahil diyan, ito ang Song for this Post natin:

Gnarls Barkley - Crazy

Basahin ang kabuuan...

High na High sa High School

Pasukan na naman. Ilang hakbang lang mula dito sa aming tinitirhan ay dagsa na naman ang mga mag-aaral. At sa kabilang dako pa ng kalsada ay mayroon ding isang mataas na paaralan. Dagsa din ang mga estudyante. Balik paaralan na naman.

Bilang isang guro sa kolehiyo, nararamdaman ko na rin ang simoy ng pag-aaral, sa aking kaso, ang pagtuturo. Makikita ko na uli ang mga estudyante ko. Magiging abala na naman ako sa kakagawa ng leksyon, mga pasulit, at exams, at pati na ang pagcheck ng mga requirements, homeworks, projects, at iba pa.

Napag-usapan na rin ang high school, eto na ang ikalawang instalment ng nilathala kong “Pasok!”.

Sinasabing ang hayskul daw ang pinakadi-malilimutang panahon ng isang mag-aaral. Sa ganang akin, pwede. Ibig kong sabihin, oo. Kasi marami talagang mga karanasan nung hayskul na nakakatawa balik-balikan.

Unang Taon: Dito ko natutunan na kahit pang-43 lang ako sa isang daan na nakapasok sa DOST (Department of Science and Technology) SSC (Special Science Curriculum) na pangkat (dalawang seksiyon, tigsisingkwenta kada isa), ay kaya ko rin palang umakyat papuntang taas pagkatapos ng taon. (Yabang!)

Dito ko natutunan na mayaman ka pala pag maputi ka at nakadamit Grizzly Bear ka, kahit pa ang sapatos mo ay halatang sira-sira at di pa napapalitan ng bago. Ang babaw mo, Kit! At noong binisita niya pala ako sa bahay, eh walang hiyang sinabi pa niya na “Akala ko talaga mayaman kayo.” Ang sama!

Sa unang taon ko rin naranasang maabot ang langit nang sariling sikap. Pramis! Doon ko lamang naintindihan ang sinasabi ng P.E. teacher ko noon na “may puting lumalabas.” Kung paano ko narasanan yun ay aksidente pa: basta ba lang may nadama akong kakaibang kati at kinamot ko nang kinamot hanggang pumutok ang bulkan at lumuwa ng puting lava. Itong-ito ang pinakaunang pagpapaputok ko ng kwitis.

Dito rin ako nabigo na di dahil sa sikat ka sa paaralan noong nasa elementary ka ay sisikat ka rin sa bagong tahanan mo. Hindi ako nanalo sa Student Government Organization (SGO). Ang taas pa naman ng tinakbuhan ko. Senator agad. Kapal muks! Simula noon di na ako muling tumakbo: gumapang na lang sa hiya.

Dito ako super tanga sa tag questions. “This is your notebook, isn’t it?” “You are Jeremy, isn’t it?” “It is not my pencil, isn’t it?” Hay naku, “isn’t it” lang ang laging sagot ko. Dinamay ko pa katabi ko na akala niya siguro magaling ako doon. Hala, kopya pa!

Pangalawang Taon: Dito ko natutunang magprove ng triangle. Hindi pala natutunan, kundi nalito. Kung bakit ako pumasa ng Math noon, hindi ko alam. Hindi rin naman ako “ginamit” ni sir para ipasa niya ako.

Dito rin ako nabansagang Rosa Rosal, di lang dahil sa namali kong recite na "Rosa Rosal!" nung tinanong ng guro, kundi dahil na rin sa hairdo ko noon. Ganito:

high school friends
Si Rosa Rosal with friends and animal friends, "Kapwa Ko, Mahal Ko."

Dito naging maarte ang spelling ng palayaw ko. Imbis na Sisang, ginawang Czixang. At Zang kung short lang. Salamat Elwaz/Wazxy sa paghawa mo sa akin ng mga X at Z!

Dito ko rin naranasan na habang kumakain ng tanghalian sa classroom, dala ang baon kong kanin at ulam, ay inututan kami ng baklang Ian. Talagang nagpaalam pa, tumayo sa kinaupuan, nagsquat sa sahig at umutot na may tunog pa. Ambaho! Bastos na bakla!

helping hand braDito ko rin nalaman na kahit bakla ka pala ay kayang-kaya mong patumbahin ang isang lalake sa isang suntok, at kaya mo ring masuntok ang isang suso ng teacher na umaawat sa inyo, susong may cancer pa. Pero hindi ako ang gumawa nito. Baklang nasa huling taon niya noon ang gumawa. Nasaksihan lang namin.

Dito sa pangalawang taon ko rin natutunan kung paano gumawa ng tuba. Yung alak na gawa sa buko juice. Fermented. “Can you make tuba (pronounced by her as chu-ba)?” sambit ng science teacher ko noon with matching forefinger sa ilalim ng nguso niya.

christmas costume partyPangatlong Taon: Dito ko naman maranasang mapasok sa Top Ten ng buong third years. Top 9 ako noon sa isang grading. Pero dito rin nadawit ang pangalan ko sa tinaguriang Bermuda Triangle: grupo ng tatlong cheaters. Dito ko rin nakita ang laganap na cheating, halos lahat sa klase naming ay cheaters na. May ibang nagbubukas ng libro, may ibang pinunit pa ang pahina sa aklat na may comparison ng meiosis sa mitosis, may ibang nilalagay sa ilalim ng desk ang kopya ng Periodic Table of Elements, may ibang nilalagay ang kodigo sa bulsa ng polo, at mayroon ibang nilalagay sa medyas ang kodigo. At ang huling dalawang nabanggit ay ginawa ko.

Dito ko rin naranasan ang mag pangkatang aral kuno. Group study. Magtitipon-tipon sa isang bahay ng kaklase, pero hindi para mag-aral kundi gagawa ng buod ng aralin, ieencode sa computer, ipiprint, at gawing kodigo na parang listahan ni Santa Claus, itutupi-tupi ng mabuti, na may tabs pa sa gilid: Chapter 13, Chapter 14, Chapter 15...

Dito rin ako nadismaya at nawalan na ng gana sa pag-aaral. Dahil binagsak ako ng teacher ko sa isang subject. Dahil di kami nakapag-exam. Di kami pinaexam. Naubusan ng test papers. At 84 naging marka ko sa kanya. Dapat walang markang bababa sa 85 para maging honor. Pakyu, mam!

Sa pangatlong taon ako natutong manahi. Mga seam finish. Pati na rin ang pag-apply ng mga ito sa paggawa ng damit sa mga manika. Ano ba yun, kaming lahat ata ginawang bading ng guro namin. Dito din kami natutong magdecorate ng mga bote.

Dito sa taong ito din ay nagkaroon kami ng negosyo ng mga tropa ko. Gumawa kami ng tindahan at tinawag naming ACCOT ang samahang yun. Acacia Circle of Trust. Acacia kasi seksyon namin. Pronounced as a-key-siya, bawal a-ka-sya, magagalit kami. Walang class o style pag ganun! Pero ang tindahan naming ito ay di lumalago, kasi mismong miyembro ay nagnanakaw ng pagkain. Di nililista.

junior high school ball, tagum national high school, section acacia
Ball, ang chaka pa ng sense of fashion.

Huling Taon: Marami-rami rin ang nangyari sa huling taon namin sa high school. Siyempre pa, andiyan pa rin ang inggitan, ang inggit ng mga nasa lower section, na kami raw sa DOST ay mayayabang, feeling matatalino.

Dito rin mas lalong lumakas ang samahan n gaming tropa. Dito rin mas lalong naging bakla ang aming samahan. Pati nga mga astang tomboy noon naging babae na dahil sa kabaklaan ng grupo.

Dito rin namin natutunan na ang paglalaro ng Counter Strike sa gabi bago mag-exam ay nakakatulong, lalo pa kung ang mga pangalan ng tropa mo sa laro ay pangalan ng mga kontrabida sa teleserye: may Red Butterfly, Madam Claudia, at Adora Evangelista sa inyong lingkod. Si Pilar Pilapil yun sa teleseryeng Sa Dulo ng Walang Hanggan.

tropang hudaz a.k.a. the beautiful ones
Tropang Hudaz, a.k.a The Beautiful Ones (walang kokontra!)

Dito rin kami nagkaroon ng sariling hide-out. Ginawa naming pugad ng kabaklaan ang bahay ng isa naming tropa. Para na rin naming tahanan ang bahay nila. Doon na kami nagluluto, kumakain, minsan doon din matutulog, kanya-kanyang hanap ng sofa kung di man sa kwarto matutulog. Doon din mag-aagawan sa TV at Playstation para maglaro ng Tony Hawk. Pataasan ng score. Payabangan ng mga moves. At kung di man Tony Hawk ay mag-aagawan pa rin sa PC para maglaro ng Sims. Magulo, pero masayang-masaya.

tagum national high school, fourth year del pilar, class picture
Class picture noong 4th year. Hanapin ako. (Di mo mahahanap, absent ako!)

Ngayong ilang taon na ang nakalipas, kaysarap pa rin balikan mga alaala sa high school. Nakakatuwa.

Ngayon ko lang din napagtanto na kapag ikaw ang nasa high school ay utu-uto ka, kasi kahit anong kababoyan at kawalang-kabuluhan ng pinapagawa ng mga naging guro mo noon ay ginagawa mo pa rin, para lamang pumasa.

At pag high school ka, nahihirapan ka pang magpaganda, magpaaayos. At dahil sa mga “raging hormones” ay minsan nalilito ka pa. At nabanggit na ang kalitohan, dito rin sa high school ang panahong tinatanong mo ang sarili mo kung ano ka ba talaga.

Girl… Boy… Bakla… Tomboy…



Sharon Cuneta - High School Life

Basahin ang kabuuan...

Ang Kinahinatnan ng Aking Loren Legarda

Si Loren Legarda ay hindi tao.

Kung si Judy Ann Santos ay “judi” o hindi, si Pilar Pilapil ay “pills,” at Carmi Martin ay “karma”, si Loren Legarda ay “legs.”

Salamat sa baklang Edwin at sa kanya namin ito unang natutunan.

Bakit ba, anong nangyari sa Loren Legarda ko?

Heto ang storya:

Noong 4th year high school, pinainggit ako ng kaklase kong bading sa binti niyang bagong shave. Nainggit naman ako. Ganyan talaga pag inggitera ka.

At dahil sa inggit, pagtungtong ko ng kolehiyo, sinubukan ko na ring mag-ahit ng balahibo sa binti. Bumili ng Veet at pinakinis ang patpating mga binti.

Kuminis. Ang sarap ng feeling.

Ilang linggo ang nagdaan, tumubo na. Veet uli. Shave uli.

Hanggang sa dumating ang panahong kay haba-haba na at sobrang kapal na kung tumubo ang mga balahibo. Kinadismaya ko ito nang malubha. Nakakadepress.

Di ko na inahit pang muli. Sa kadahilanang baka sa susunod na pagtubo ng mga balahibo eh baka para ng sa gorilla. Katakot.

Nang ako’y maidestino sa Pampanga, umandar uli ang topak ko. Shave uli. Para magamit ang shorts na bagong bili. At kada araw ay minaintain ko yun.

Hanggang sa dumating ang araw na naging ganito na siya:

folliculitis, infected leg
Folliculitis

Naimpeksiyon sa sobrang shave, sa araw-araw na shave. Folliculitis. Pamamaga ng hair follicles. Nahirapan akong maglakad ng mga panahong iyon dahil sa sakit. Sa katunayan, di ko muna pinasukan ang mga klase ko isang buong araw.

At dahil sa nars ako at may kaalaman sa mga gamot, bumili ako ng medisina at nagself-medicate. Gumaling. Ang masaklap nga lang, nagkapeklat na ang flawless kong mga binti noon. Oh how I regret! Pakshet!

Di na ako nagshave uli simula noon. Di na rin ako nagsoshorts pag lumalabas ng bahay. Di na ako bumili pa ng mga shorts na pamporma. Ayoko na! Sa dinanas ng aking Loren Legarda, ito na siya pag full grown ang balahibo. Sa haba eh kumukulot na. Pakshet uli!

unwanted leg hairs
Ang gubat sa aking mga binti, bago ginamitan ng wax.


At dahil pati na rin ang kuya ko eh nandiri na sa haba ng mga balahibo, binilhan niya ako nito:

cold wax, aromacology sensi, depilatory hair wax, Dell XPS M1330
Pangtanggal ng balahibo

Sabi pa daw kasi matagal pa tutubo uli ang balahibo at pag tumubo na eh manipis na at di na mahaba.

“Masubukan nga!”

At ginamit ko nga. Masyadong madikit. Mga ilang oras rin akong nagtanggal ng mga di kanais-nais na mga balahibo. Heto na siya nang matapos:

removed hairs
Ang mga natanggal na balahibo. Haha.


shaved legs
Pagkatapos matanggal ang mga di ninais na mga balahibo.
Litaw na tuloy ang mga bakas ng impeksiyon dati.

Hihintayin ko na lang uli na tumubo ang mga balahibo, para naman kahit papano ay di uli litaw ang mga peklat. Pakshet!

Nasira na ang Loren Legarda ko. Sising-sisi na ako.

“Papa Jesus, pwede ba tong papalitan ko ng buntot ng isda na lang?”

“Anak, di bale ng makita ang iyong pangit na legs, wag lang ang dalawa mong eggs.”

“Thank you, Lord!”

At dahil diyan, ito ang songs ko sa araw na ito.

Hot legs, dahil uminit dala ng pamamamaga at impeksiyon. Punyeta!

Basahin ang kabuuan...

Bakla Ka Ba?

kiss me i'm gay, gay canvas bagKung ikaw ay baklang halata at “out”, sasagutin mo ang tanong sa taas nang buong tapang at nakataas-noo pa, o pede ring taas kilay na ahit 2000: “Yes I am!”

Sosyal na bakla, Englishera!

Kung ikaw ay baklang ampalaya, na kahit halata na ay pilit mo pa ring kinukubli, wag mo lang din sanang itaas ang kilay kapag tinanong ka ng kaparehong tanong. Baka ma-confirm, Te!

Kung ikaw naman ang baklang babae, lalo pa’t marami na ngayong baklang babae, sasagutin mo din ito nang proud na proud pa.

gay soccer players with ladies bagAt kung ito ay itatanong din sa mga baklang pa-macho effect, sasagutin ka nila ng “Gago! Pahampas ka ba ng bag ko?” Ha ha ha. May ganun? Huwag lang din sanang marinig na madulas at masabing, “Pre, pahiram naman ng lipstick.”

Dumarami na nga ang mga bakla. Ayon sa statistika, bawat taon ay tumataas ang bilang ng mga bakla sa bansa ng labing-isa at kalahating porsyento (11.5%). Average na yan. Yan ay base sa mga survey na kinapanayam ang mga baklang aminado, mapahalata man o hindi.

Pero ang statistikang ito ay kathang-isip lamang. Ang naniniwala sa sabi-sabi ay walang tiwala sa sarili.

Kung ikaw nga ay tunay na kadugo, hindi mo ba minsang naitanong bakit ka ba bakla? O kung ikaw ay may kamag-anak o kaibigan, o kahit na kakilala lang, na bakla eh hindi mo ba naiisip anong sanhi nito?

Ang pagiging bakla ba ay nakatadhana o sadyang kagustuhan ng tao na maging ganun siya? Is it a destiny or a choice? (Pengeng bulak, may tumulong dugo sa ilong ko.)

gay kids, batang badingAng lalake simula pagkabata ay may dalawang daan na pinagpipilian: ang daang matuwid, at ang daang liko-liko. (Noy, ikaw ba yan?)

Ang daang matuwid ay ang daan ng kaluwalhatian. Kapag ang lalake ay ito ang pinili, siya yung tipong “the good son.” Tuwid. Straight.

Ang daang liko-liko naman ay ang daan na tinatahak ng mga lalakeng naguguluhan sa buhay. Hindi mawari kung ano ang katuturan ng sekswalidad nila. Dito dumadaan ang mga silahis. Paliko-liko. To the left, to the left = babae ang titirahin (gaya ni Beyonce) To the right, to the right = kapwa may lawit ang titirahin (gaya ni Jay-Z. Yaks!).

Eh san ang daang pinili ng mga bakla?

Wala sa dalawa.

Eh san nga?

Isipin mo ang patalastas ni Noynoy noon. Sa gitna ng dalawang daan, may daang madamo. Maberde.

Digs?

Ang laging tukso sa mga bakla ay kulay berde daw ang dugo. Kaya ang mga bakla ay mas pinipili yung daan sa pagitan ng tuwid at liko-liko. Ang daang madamo. Maberde.

Ang mga damo ay makati. Ang mga bakla din naman kasi ay makati, kawangis ng kating naidudulot ng madamong daan na tatahakin.

Kapag may damo, maraming ahas. At ang ahas ay kawangis ng pinakaasam-asam ng mga bakla. Ewan ko ba. Lagi akong napapaisip bakit gustung-gusto ng mga bakla ang “ahas” eh may sarili naman sila. Bakit nga ba? (Painosente effect. Inocente de Ti.)

Sa daang masukal din ay maraming adbentyur. At ang mga bakla din ay sadyang napakaadbentyurus. Iniisip nilang sa dulo ng masukal na gubat ay may dreamland. Yung tipong may falls na pede silang tumalon at habang nasa ere ay damdam nila ang pagiging diyosa, at pagkahulog sa tubig sa baba ay feeling nila sirena sila. Tapos sa di kalayuan nito, ay may paso ng ginto, na siyang isang dulo ng rainbow, at dito ang akyatan nila. Magpaparada na sila sa bahaghari. “Follow me, follow me, fa la la la la” ang drama nila, with matching tugtog ng 3OH!3 featuring Neon Hitch. O kung makaluma at di updated ang mga bakla, ang OST nila ay “I will follow you. Follow you wherever you may go”, yung sa Sister Act.

3OH!3 feat. Neon Hitch - Follow Me Down

Sa katunayan, sa sobrang pagkaadbentyurus din ng mga bakla, may iba nabubugbog, may iba nasasaksak to death, may iba nakukulong, may iba nasasabunutan, at may ibang natatanggalan ng ilang piraso ng ngipin. Pero kahit ganun, go pa rin ng go ang mga bakla. For the win, ika nga!

Ganyan ang buhay ng mga bakla, baklita, baklitita. Ng mga bading, badingita, badingitita. Ng mga bayot, bayota, bayotita. Ironic ang buhay nila. Paradoxical. (Ilabas ang dictionary!)

Sa bandang huli, hinding-hindi mo masisisi ang mga bakla sa daang tinahak nila. At hinding-hindi mo rin sila masisisi kung bakit sila nagkaganyan. Kung bakit kami nagkaganito. Kung bakit mas pinili namin ang daang madamo. Maberde. Maahas.

Sa mga taong makitid ang pag-iisip at kinokondena pa rin ang mga bakla, oo tama kayo na ang pagiging bakla ay hindi kagustuhan ng Diyos.

Pero ito'y kagustuhan ng mga diyosa!

ang pagiging bakla ay hindi kagustuhan ng Diyos, ito ay kagustuhan ng mga diyosa

Basahin ang kabuuan...

Pasok! (Bersyong Grade School)

boy studying lots of booksBuwan na naman ng Hunyo. Buwan ng ulan. Buwan ng bagyo. At higit sa lahat buwan ng pasukan.

Bilang mag-aaral, hinding-hindi mo malilimutan ang iyong unang “pasok.”

Bilang guro, hinding-hindi mo malilimutan noong una kang “pinasukan.”

Kung may iba kang iniisip na kahulugan sa mga katagang binigyang-diin, bastos ka!

Masaya pag pasukan. Bagong kwaderno. Bagong lapis. Pantasa. Pambura. Pencil case. Bag. Halos lahat bago…

Nagsimula akong pumasok ng paaralan noong ako’y Grade 1. Sa wari ng mga magulang ko hindi ko na raw kinailangang dumaan ng Kinder kasi matalino na daw. Ehem. Ayaw nilang amining wala talagang budget pangkinder.


Grade 1: Dito ko unang natutunan paano magbasa ng relong project namin na pinagawa pa ng papa ko sa art & sign. Siyempre ako ang bida. Dinisplay ang project ko. Dito ako naadik sa mumunting teks na hinango pa sa mga pelikula. Dito ko naranasang umiyak habang nagbabasa sa pisara, hindi dahil sa kurot ng titser kundi dahil sa may naiwang tinik ng isda sa aking lalamunan. Dito ako unang naging tomboy: ang mainlab sa kapwa babae.

Grade 2: Napagtanto kong tama ang mga magulang ko na di na ako pinag-aral ng kinder: matalino ako! Ang kokontra magiging baog! Nabilang na ako sa 1st section. Doon ko natutunan ang gumawa ng tuyong aquarium gamit ang karton ng sapatos. Doon ko napagtantong pede pala akong maging katulad ng isang karakter na nasa loob nito: ang sirena.

Grade 3: Dito ako natutong mainis sa sinumang naiboboto na Secretary ng class, dahil lagi akong nalilista na noisy. Dito ay naging silahis naman ako: naging tomboy dahil may nakaMU na babae, at bakla dahil may grupo kaming Starla.

“Sa kapangyarihan ng buwan! Sa kapangyarihan ng araw! Sa kapangyarihan ng mga bituin! STARLAAA!”

Gara!

Grade 4: Dito ko nalamang sikat pala ako: naging officer ako ng government organization. Dito ko rin natutunan na kapag ihi daw ng kaklase mong lalake eh sa isang direksyon lang eh tuli daw yun, at pag dalawa o marami mang direksyon eh supot pa daw. Kung ako ang inyong tatanungin, wala akong titi!

Grade 5: Dito ko nalamang magaling pala akong magsulat: sa haba-haba ng pinapasa kong artikulo para sa lathalaan namin eh ibubuod na lang pala. Dito ako natutong paano dumalo ng libing ng isang sisiw na natapakan ng higante kong kamag-aral. Dito rin kami naloko ng isang kaklase na yung pinamimigay pala niyang premyo sa amin pag nagpapaligsahan kami ng takbo eh nakaw pala niya sa isang grocery store, na nilalagay niya pala sa panty ang Kitkat na nakaw niya.

Grade 6: Dito ako natutong mainlab sa kapwa may lawit. Dito ako laging bida sa mga drawing na pinapaskil ng guro namin. Dito ako binuking ng kapatid ko sa mga kaklase ko na ako ay supot pa. Pakshet!

Masarap balikan ang mga alaala ng nakaraan. Lalo pa nung nag-aaral ka pa.

Masarap maging bata, masarap maglaro. Pero mas masarap pa rin ang tumanda, mas masarap ang laro.

bata at matanda, tagalog adult joke, rated 18
At dahil diyan, ito ang kanta ng ating post ngayon:

The Dawn - Bawat Bata

Basahin ang kabuuan...