rss
twitter
    Ako ay sundan. Follow me, follow me. Falalalala
Ang mga pahina sa blog na ito ay maaaring naglalaman ng mga imahe at katagang di angkop sa mga batang mambabasa. Rated R ito, mga Kaechos! Patnubay ng magulang ay kailangan. Chos! Kung nagtataka kang bakit Echoserita ang pangalan nito, basahin ito.

Top Ten Posts ni Echoserita sa Taong 2010

Related Stories Widget by LinkWithin

2010Patapos na ang taong 2010, ang aking taon, taon ng tigre na nakalawang ikot na sa buhay ko.

Ikaw na bahalang magkalkula kung ilang taon na ako. Yan ay kung matalino ka. Wish mo lang!

FYI: Tigre din ako pagdating sa kama. Wanna try? Nagro-ROAR ako. Roar, roar, roar your boat, gently down the stream...

Maraming magagandang bagay na nangyari sa taong ito sa buhay ko. At may mangilan-ngilan ding mga moments na gaya mo: CHAKA.

Sa kaso ni Echoserita, ang inyong minamahal na blog, naging masigla uli ang pagdaloy ng trapiko, at nagkaroon pa uli ng mga nakakatawa at nakakatuwang mga kabaklaan.

Narito ang sampung mga nailathalang akda na naging patok sa ating mga masugid na tagasubaybay, napasadya man ang kanilang pagparito o napaligaw.

10. MGA KAARTEHANG PALPAK AT ANG SAMPUNG ALITUNTUNIN. Dito ko itinampok kung ano ang napala ng aking sobra-sobrang pag-iinarte. Ito yung mga panahong nahirapan akong maglakad, di dahil sa masakit ang puwet kundi dahil sa lecheng ingrown ko noon. Pumatok kahit panu.

9. M2M MASAHE SA HAPPY WEALTHY SPA. Napasok ito sa Top Ten sa kadahilanang maraming naliligaw na bisita dito sa blog dahil sa post na ito. Laganap naman na kasi ang M2M ngayon. Isang patunay nito ay ang mga nagsusulputang gay indie films. Kaya't di nakapagtatakang maraming mga kalalakehan at kabadingang nagsesearch sa Google at napapadpad dito. Tamu nga, may manyak pang nagplug ng number niya sa post na ito. Go itext niyo siya at baka makalibre pa kayo ng masahe at... alam mo na. Tanggapin na lang kasi nating sa panahon ngayon, maraming mga lalake ang tumitikim na din ng kapwa lalake. Slurp!

8. SAMPUNG BAKLANG IDOLO NG NAG-IISANG BAKLANG INIIDOLO. Dito ko inilantad ang sangkabadingang nagkaroon ng malaking impluwensiya sa aking buhay kabaklaan. Mapa-artista man sa TV, sa internet, o kahit ordinaryong taong lang, basta bakla at naging dahilan ng akin pang kabaklaan. Ating kilalanin ang ating mga ateng charotera!

7. BAKLA KA BA? Ito na ata ang pinakaunang post na pumatok sa mambabasa simula nang magbalik sigla ang Echoserita. Sinubukan ko ditong ipaliwanag kung bakit nagiging bakla ang isang lalake. At dito naitampok ang famosong linya na "Ang pagiging bakla ay maaaring di kagustuhan ng Diyos. Pero tiyak na ito'y kagustuhan ng mga Diyosa."

Chos!

6. SALAMIN. SUMPA. SKINSECURITIES. STRESS. AT KUNG ANU-ANO PANG "S"HIT! Dito ko inilabas ang aking inis sa aking di pagkaperpektong bakla. Eh kasi nakakafrustrate kaya pag diyosa ka tapos may imperpeksyon ka no! Dapat perfect ang lahat!

O siya, ilusyonada na ako. Sige. Ikaw na ang diyosa! 1st-runner up na lang ako. Pwede na ba yun?

5. SANA'Y MAGING VIRGIN PANG MULI. Isa pa to, karamihan ng mga bisita nito ay galing sa mga search engines with the keyword "tawas pampasikip". At kung nakakapagsikip man ngang talaga ang tawas sa mga butas na minsan nay nilapastangan ng kung sinong titi, daliri, o dildo, at kung anu-ano pang pwedeng ibaon, pakibasa na lang. Malay mo, mabisa pala at maging mala-virgin uli ang sikip?

Wish mo lang! Basta ako, di ko na kailangan niyan! Virgin pa rin ako noh! Malandi lang ako sa isip at sa salita, pero wala sa gawa.

Charuz!

4. BATA, BATA, PAANO KA NAGING BAKLA. Sa ganang akin, ito na marahil ang pinakanakakatawang posts ni Echoserita. Lantaran pang ipinakita sa mundo ang mga kiddie pics na nagpapakita ng sintomas ng kabadingan kahit nung isang "V" pa lamang. Vata.

3. SI MAKOY AT ANG BALAHURANG PAGEANT. Nanalo ang Makoy bilang 1st-Runner ng dogshow na contest. Kung bakit ito'y naging number 3 eh marahil sa mga trapikong nakukuha nito sa search engine din, lalo pa't matunog ang Mr. Gay World.

Mga bakla nga naman o...

Ito na rin ang naging pinakakontrobersyal na blog post ng inyong lingkod. Pero tinanggal ko na ang mga linyang nagdulot ng kontrobersiya, dahil may mga taong tinamaan.

Plang!

2. HUBAD NA KATOTOHANAN. Masasabi ko ng marami na talagang malaswang Pilipino ngayon. Pagsinisilip ko ang statistika ng blog na ito, marami ang napapadpad dito dahil sa pagsearch nila sa Google ng "katawan ng hubad na lalake", "hubad na katawan pinoy", at kung anu-ano pang may kinalaman sa hubad-hubad.

Ganun na lang ba kabenta ang larawan kong ito sa internet? Ang galing ha!

Kung marami man sa kanila ang may hitsura, maganda ang katawan, at malaki ang batuta, ito lang ang masasabi ko sa kanila: "HUBAD!"

Manyak!

At ang nangungunang post sa taong ito, ang post na patok na patok sa mga bisita:

1. TULI. Hindi ko alam bakit. Wala namang kakome-komento, konti lang din ang Like. Pero marami ang napapadpad dito mula sa search engines pa rin. Natatawa akong mabasang sinisearch nila ang mga katagang ito: "titing di tuli," "titi na tuli," "masarap ba ang di tuling titi?"

Ang tanong ko: masarap nga ba?

No comment ako diyan! Tikom lang ako. Virgin pa nga kasi ako, di ba?

HAPPY NEW YEAR mga Kaechos! Mahal na mahal ko kayo! Salamat sa pagtangkilik sa nag-iisang...

ECHOSERITA!

At dahil diyan, ito ang ating theme song for this post:

Pink - Funhouse

Funhouse, dahil sa mga tuwang naidulot ng Echoserita blog di lang sa mga mambabasa kundi pati na rin sa akin, na habang nagsusulat ako eh natutuwa at nasisiyahan din ako.

It's time to start the countdown, sabi pa sa lyrics.

Yun lang! Che!