rss
twitter
    Ako ay sundan. Follow me, follow me. Falalalala
Ang mga pahina sa blog na ito ay maaaring naglalaman ng mga imahe at katagang di angkop sa mga batang mambabasa. Rated R ito, mga Kaechos! Patnubay ng magulang ay kailangan. Chos! Kung nagtataka kang bakit Echoserita ang pangalan nito, basahin ito.

Mga Kaartehang Palpak at Ang Sampung Alituntunin

Related Stories Widget by LinkWithin

durian fruit, king of fruitsNgayon ay anibersayo ng pagguho ng Twin Towers sa America, isang trahedyang kinagulantang ng buong mundo, ang trahedyang sumubok sa katatagan ng mga Amerikano, ng mga taong mahal ng mga biktima.

Ngayon din ang araw na napagtanto kong isambulat ang mga trahedyang nangyari sa aking maladiyosang katawan. Mga trahedyang dulot ng sobrang kaartehan...

Hindi ako naging tagasalo ng durian sa aking bayang sinilangan, pero dahil sa kaartehan noong high school na kung may bumps na nakakapa sa mukha ko eh ginagalaw ko yun kaya ngayon ay dala-dala ko ang pagsisising sana’y hindi na nabawasan ang aking angking kagandahan… kung di ko lang sana pinakialaman ang mga kung anong mani na tumubo sa fez ko.

(Rule #1: Ang mukha ay wag galawin at pakialaman, para hindi magmukhang nahulugan ng durian.)

At nang matuto pa uling mag-inarte sa katawan, lalo na sa aking mga binti, hayun, nauwi sa impeksiyon, na ngayo’y nagbunga ng mga di kanais-nais na mga bakas. Kainis!

(Rule #2: Huwag pasobrahan at araw-arawin ang pag-aahit, para sa mga binti walang maiwang bakas na pakshit!)

At as if kulang pa iyan, nagkaroon na naman uli ng insidenteng dulot pa uli ng aking kaartehan. Kaartehang nagresulta sa mapait at madugong karanasan.

Palapit na ang panahong magkikita na kami sa wakas ng shotaers ko nun. Nagpaganda ako, kahit na di ako siguradong may ikakaganda pa talaga. Tumungong salon. Nagpahaircut. Nagpakulay. At pagkatapos ay nagpapedicure.

(Rule #3: Kung hindi tiyak na may ikakaganda pa pagkatapos, huwag nang gumastos.)

Medyo mabigat ang kamay ni ateng buntis na naglinis ng aking mga kuko sa paa. Pabasa-basa lang ako ng magazine habang siya ay abala kakakuskos, kakabrush, kakalagay ng cuticle remover at kung anu-ano pang kalandiang pangkuko.

(Rule #4: Kung kuko sa paa ang ipapalinis, huwag sa pedicuristang buntis.)

Bigla akong napagalaw sa kinauupuan ko. Ang sakit! …

Balik sa pagbabasa ng magazine. Ilang segundo pa ay napaliyad at napaaray uli ako sa sakit nung nasa kabilang paa na si ate. Ang sakit na naman! Pakshet!

“Masakit po ba, sir?”

Kung gago lang ako eh sasagutin ko sana siya ng, “Malamang! Mag-aaray-aray ba ako kung di ako nasasaktan? Ano ako, artista?”

At kung mas gago lang din ako eh di sana ay sinipa at tinadyakan ko na sana si ateng buntis.

Pero dahil mahinhin ang inyong lingkod, tumango lang ako, sabay simangot.

(Rule #5: Huwag sipain o mainis sa babaeng buntis. Ang bata sa sinapupunan ay dapat pinapahalagahan.)

Natapos na rin si ate sa paglinis ng mga kuko ko. Pagkatayo ko ay medyo masakit pa din ang aking dalawang big toes.

Sa takot ko na baka magkaroon ng problema ang mga daliri ko sa paa, uminom na agad ako ng analgesic at anti-inflam na gamot, pati na rin antibiotic.

(Rule #6: Ang nars na ginagamot ng kusa ang sarili, walang bait sa sarili.)

Ilang araw ang lumipas, gumaling ang mga sugat na dulot sa sobrang kutkut ni ate sa mga daliri ko. Pero ang masaklap, ang isang malaking nasugat ay lumala. Namaga. Ingrown! Leche!

Pinagpatuloy ko ang pag-inom ng gamot. Umabot ng dalawang linggo, pero parang ayaw pa rin gumaling. Ilang beses na rin iyong dumudugo ng bigla. Oozing blood. Bloody hell! Heto ang ebidensiya. Ate, magtago ka na! Talk to my lawyer. See you in court!

havaianas, bleeding ingrown

Ang aking madugong ingrown, ang kinahinatnan ng aking kaartehan. Shet!

Pinadoktor ko na paglipas ng dalawang linggo. Pero pucha, kung ano ang ginawa kong pang-inom, eh iyon lang din ang nireseta ng doktora. Ang 60 pesos na nabayaran ko sa pagpapalinis eh naging 900 pa ng mgpacheck-up at gamot. Che!

(Rule #7: Kapag maraming arte, ihanda sa gastos ang sarili.)

Pero salamat naman at gumaling din ang lecheng ingrown, na tatlong linggo akong pinahirapan, sa aking gala, sa aking trabaho, sa aking paglalandi. Leche talaga!

please take care of your footAt dahil natraumang ipaubaya ang kaartehan sa katawan sa ibang tao, napag-isipan ko na lang na ako na lang magfoot-spa. Ang masaklap nga lang, pagkatapos ng spa eh nagkasugat-sugat iba kong daliri, sa sobrang kuskos. Panu naman kasi, kung makakuskos eh parang tatanggalin na ang balat. Hahay, buhay maarte.

(Rule #8: Pag sa foot spa sobra ang kuskos, ang dulot ay iritasyon at galos.)

Bakit nga ba sa bawat arte na gawin ko ay minamalas ako? Sadya nga bang harsh lang ang tadhana at pagkakataon? O sadyang ayaw sa akin ng kaartehan?

(Rule #9: Ang kaartehan ay may pinipili at binabagayan.)

Ipagpapatuloy ko pa rin ba ang mga ito sakaling may mas ikakaganda pa at baka minalas lang ng mga panahong iyon? O talagang tigilan ko na ang kaartehan kasi wala naman na talaga akong ikakaganda? Watchathink?

(Rule #10: Kung wala na talagang ikakaganda, utang na loob huwag nang umasa.)

At dahil diyan, eto ang ating kanta ngayon.

Bleeding Love, dahil naging madugo ang aking ingrown. Che!

12 comments:

Led said...

Haha. Pwede rin naman 'to sa mga lalake diba? lol

Echos Erita said...

pwedeng pwede. kasi ang mga lalake maarte na rin ngayon. banidoso. pero wag lang pasobrahan. ika nga ng Spice Girls, "too much of something is bad enough." chos!

Anonymous said...

ang sobrang kaartihan ay patungo sa sobrang kakagastusan.. waaahahahaha....

Real Men said...

ang sarap ng durian

Real Men said...

ic...

Lasherations said...

So gross that bloody toe pic! Hehe. Di naman cguro lahat na buntit pedicurist ganyan, kasi yung last pedicure ko was by a preggy woman. She was gentle. I was happy. ;-)

Ming Meows said...

teh, nasobrahan ka lang siguro sa pag-iinarte. safety first.

Echos Erita said...

anonymous - magastos magpaganda, lalo na pag di ka kagandahan. tsk tsk

real men - akala ko ang sarap ng dugo. ikaw, masarap ka din ba? chos!

lasherations - baka kabuwanan na ni ate nun kaya pangit na ang performance niya sa mga toes ko. leche niya!

ate ming - yun na nga, nasobrahan. next time, dahan-dahan na, which is not your type, kasi gusto mong mabilisan. di ba mahilig ka sa quickie? charot lang!

Lasherations said...

So gross that bloody toe pic! Hehe. Di naman cguro lahat na buntit pedicurist ganyan, kasi yung last pedicure ko was by a preggy woman. She was gentle. I was happy. ;-)

Echos Erita said...

pwedeng pwede. kasi ang mga lalake maarte na rin ngayon. banidoso. pero wag lang pasobrahan. ika nga ng Spice Girls, "too much of something is bad enough." chos!

Led said...

Haha. Pwede rin naman 'to sa mga lalake diba? lol

Anonymous said...

hahaha!!naaliw aq khit papano,hehe...pampawala ng stress!..

:)) ;)) ;;) :D ;) :p :(( :) :( :X =(( :-o :-/ :-* :| 8-} :)] ~x( :-t b-( :-L x( =))

Post a Comment