rss
twitter
    Ako ay sundan. Follow me, follow me. Falalalala
Ang mga pahina sa blog na ito ay maaaring naglalaman ng mga imahe at katagang di angkop sa mga batang mambabasa. Rated R ito, mga Kaechos! Patnubay ng magulang ay kailangan. Chos! Kung nagtataka kang bakit Echoserita ang pangalan nito, basahin ito.

Wishy-washy (Para sa Letsugas, Itlog, at Talong)

Related Stories Widget by LinkWithin

nokia 5110 with camera, funny phone picSa paglipas ng panahon, marami ng kung anu-anong kaartehan nalalaman ang mundo.

Dati nabubuhay naman ang ating mga ninuno na ang iniinom lang na tubig ay galing sa sapa o lawa o bukal. Ngayon maarte na, may mga bottled water na.

Kung dati palampin-lampin lang din, ngayon may diaper-diaper nang nalalaman.

Kung dati ay nagkakakita-kita pa rin sa pinag-usapang lugar on time na kahit walang nadadalang telepono, ngayong may cellphones na eh nalilate pa rin.

At mapag-usapan na ang kaartehan, itong mga kaibigang peks natin ay nagkaroon na din ng nabibiling panghugas sa kanilang peks. Feminine wash daw. Ang arte na talaga! May ganun pang nalalaman. Pero okay na rin yun, para naman din may panghugas ng peks ang inyong lingkod. Imaginary peks nga lang.

Pero nang napadpad ako sa supermarket para bumili ng kung anu-anong kaartehan (siyempre kasama na diyan ang panghugas ng peks), eh bigla akong nalito at napaisip.

Alin dito ang bibilhin ko? I’m wishy-WASHy. Sa Tagalog, di ako makapagdesisyon. Tulungan niyo ako.

Alin? Alin? Alin ang aking bibilhin? Letter A, B, C or D? Nalilito ako...

pH care feminine wash, Biolink, freshman masculine wash, charmee sanitary napkins
Kung ang letrang A ang pipiliin ko, pede. Pedeng sa peks, pede ring sa mukha. Natry mo na ba yun? Kaya nga ang mukha ko kawangis na ng peks. Kaya maraming naghahabol sa aking mga hombre. Ayaw akong tantanan.

Letrang B, as in Biolink. May virgin coconut oil din ba to? Kung ito ba gagamitin ko maibabalik ko ba virginity ko?

C. Bago, presko, FRESH!. (At masarap sumubok ng bago at presko, di ba?) Pero para sa alter-ego ko. Che!

Letter D. Paksyet! Di pa nga ako nireregla eh. Amenorrhea for 24 years! My gahd!

Ilang minuto akong nag-isip. Pero dahil ang bagal niyong makapagsuhestiyon dahil ang SLOW niyo, kailangan kong magdesisyon para sa sarili ko.

Napagtanto kong ang sumpa ay sumpa. At ang sumpang iyon ay ang traydor na ahas at ang mga itlog nito na namamalagi sa pagitan ng aking mga makikinis na hita...

eggplant, talong, itlog, eggs, lettuce, letsugas, penisSa bandang huli, mas pinili ko ang bago. Freshman Masculine Wash. Di ko maikukubli ang katotohanang may letsugas, itlog at talong sa aking pagkatao, mga sumpang kailangan ng panglinis na naaayon sa mga ito. Punyets!

In fairness, sa ilang araw ko ng paggamit nito eh na-achieve ko naman ang desired effechs (yeah, as in effetch!). At kung anu-ano man yung mga effechs na yun, wag ka nang makialam. Pakialamera ka!

Salamat sa Freshman Masculine Wash at ngayon ang mga hombre ay mas katakam-katam na dahil sa linis at bango. Wala ng dahilan para maT.O. ang mga babaylan at vaklitas sa mga lalakeng kinakasama sa sarap at ligaya.

freshman masculine washAt dahil dyan, ito ang Official Soundtrack ng post na ito.


Christina Aguliera feat. Missy Eliott - Car Wash

Car Wash, dahil ang paksa natin ay "wash", at dahil sa ang "caru" ay may kambyo, at higit sa lahat ito'y minamaneho... SINASAKYAN. Joyride sa joystick! Byaheng papuntang langit. Ay!

Happy Car Wash Day!

carwash, boys butt, gay

7 comments:

schadenfreude said...

hahah! favorite ko ang movie na car wash..
hai naku.. persona non grata ka na talaga forever, gurl.. palaswa nang palaswa ang entries natin ah.. may magagalit na naman.. sige kah..

Echos Erita said...

Hija, kaya nga Rated R eh. Hanuvah.

schadenfreude said...

Obscenity is not a quality inherent in a book or picture, but is solely and exclusively a contribution of the reading mind, and hence cannot be defined in terms of the qualities of a book or picture [or a blog for your case]. ~Theodore Schroeder

may isa pa:
The fact is that censorship always defeats its own purpose, for it creates, in the end, the kind of society that is incapable of exercising real discretion. ~Henry Steele Commager [we have brains capable of independent thinking, thank you!]

last na itetch:
“Censorship: the reaction of the ignorant to freedom.” underline ignorant.. bow..

Xavier Randol said...

hehe! naalala ko tuloy yung hygenic soap na panglalake....na....binibenta sa labas ng cathedral! ehehe! ;-]

Xavier Randol said...

hehehe! i love car wash boys! ;-]

Echos Erita said...

xavier - gumagamit ka nun? may pic ka ng pinanggagamitan mo nun? este, may pic ka nun?

Xavier Randol said...

hehe! naalala ko tuloy yung hygenic soap na panglalake....na....binibenta sa labas ng cathedral! ehehe! ;-]

:)) ;)) ;;) :D ;) :p :(( :) :( :X =(( :-o :-/ :-* :| 8-} :)] ~x( :-t b-( :-L x( =))

Post a Comment