rss
twitter
    Ako ay sundan. Follow me, follow me. Falalalala
Ang mga pahina sa blog na ito ay maaaring naglalaman ng mga imahe at katagang di angkop sa mga batang mambabasa. Rated R ito, mga Kaechos! Patnubay ng magulang ay kailangan. Chos! Kung nagtataka kang bakit Echoserita ang pangalan nito, basahin ito.

Si Makoy at ang Balahurang Pageant

Related Stories Widget by LinkWithin

mr. gay world philippines 2010 logoTapos na ang Mr. Gay World Philippines 2010. Tapos na ang balahurang pageant ng baklang Makoy.

Sino si Makoy? Isa lang naman siyang balahurang bakla tulad ng inyong lingkod. Yun lang. Che!

mr. gay world philippines 2010, metrobar quezon city, cherie gil, jean garciaNakahanda na ang lahat ng mga dadalhin ko sa posibleng doon pa ako makapag-overnight sa Manila. Towel. Damit. Medyas. Panyo. Panty. Pantylet. Feminine wash. Napkin. Punyeta may regla! (Ilusyonada!) At siyempre, ang mga "proteksiyon bago aksyon." Pati na rin lube. O ha, di ako prepared.


May ticket na rin ako para sa show. Pinadala ng balahurang Makoy sa akin chru LBC. Nagbiyahe ng apat na oras tungong kauluhan. Pakshet ang trapik. Nakipagkita sa mga kaklase nung high school at kay Harry at sabay na tumungo sa venue.

Pagdating namin sa Metrobar, dagsa na ang mga tao. May mga bilat at mga feeling bilat. Pero karamihan dun ay ang pangalawa. Sina Cherie Gil at Jean Garcia ang hosts, ang mga baklang laging kontrabida. Ang mga hosts na laging nagkamali sa pagbasa ng cues. Mga adik. "Tao lang, pwede ba?" Pero nakakatuwa ang dalawa. Shuper!

Pagdating namin, nagsimula na ang dog show, presenting ang mga asong iba’t iba ang breed. Pero kahit papano ay di pa kami masyadong late for the show. Naghanap ng mauupuan sa baba, pero wa choice. Dun na lang kami sa taas.

Kanya-kanya nang rampa ang mga dogs. National costume ang panimula. Di ko maalala ang tugtog ng pagrampa nila, pero kung ako ang papipiliin, isusuggest ko ang Who Let the Dogs Out by Baha Men tapos yung tipong sabay-sabay sila ng Hoo, Hoo, Hoo, Hoo, Hoo. Bongga! Patok yun for sure.

mr. gay world philippines 2010 finals night, national costume, marc ernest bialaDi ko feel ang costume ng Makoy. Marami pa kasi ang mas maganda. At sa costume ng balahurang Makoy ay di nairepresentang mabuti ang kanyang lupang sinilangan: ang Davao del Norte. Baguio-ish kasi ang costume ng bakla. Natatakpan pa ng mga kung anong walis chorva ang mukha niya. Pero dahil best friend ko ang balahurang bakla, kailangang magcheer para sa kanya. Respeto lang kumbaga. Lalo pa’t walang ibang nagchecheer sa kanya dun kundi kami lang. Kawawa naman.

Nagpatuloy ang dog show. Sinundan ng swimwear ang national costume. Kanya-kanyang pabonggahan ang mga kalahok. Pero di ako natakam sa mga bukol na nasaksihan ko. Wala lang. Di ko feel.


mr. gay world philippines 2010 swimwear competitionSinundan ng formal attire. Barong. Hanga ako sa barong ng balahurang Makoy. Sa lahat sa kanila, for me, sa kanya ang pinakamaganda at kereng-kere pa niya.

Nagkaroon din ng picture interpretation. Ipinamalas ng Makoy ang husay sa pagsasalita, kasinghusay ng sa self-introduction niya sa simula ng dog show. Pinanindigan ang pagiging echosera, ang pagiging Magna Cum Laude. Che! Pak na pak! Napa-ummm ako sa kinaupuan namin.

mr. gay world philippines 2010, mr. photogenic, marc ernest bialaAt sa bawat pag-interpret ng ibang kalahok ay di na din namin napigilan na magreact sa mga sinagot nila, lalo na dun sa mga baluktot mag-Ingles. Di na lang sana nag Ingles kung di din naman pala carry. Inirapan na nga kami ng mga tao sa likod namin, supporter pala sila nung inokray namin. Walang pakialaman! Opinyon lamang. Okrayin niyo din kami kung gusto niyo. Pero peace pa rin ha. Echos-echos lang yun mga kafatid.

Q&A portion na. Pak na pak pa rin ang sagot ng baklang Makoy. Napa-ummm uli kami.

Ibinigay na rin ang minor awards. Nasungkit ng Makoy ang Mr. Photogenic. Pero sabi nila ang mga photogenic daw ay maganda lang sa picture. Troo! Pis, Makoy!

Nagkaroon din ng mga intermisyon. At nandun ang idol ko, ang isa pang balahurang baklang galing sa Davao. Si Lady Gagita, kasama si Haronce. Nag”Telephone” ang mga gaga. Pak uli! Super like ko ang dalawa. Mas idol ko si Gagita, pero mas nagagandahan ako kay Haronce. Natural ang beauty, at di mukhang espasol. Ang sarap tirahin.

Yaks!

mr. gay world philippines 2010, lady gagita, haronce, telephone by lady gagaTop 6 na. Nakapasok ang Makoy. At eto ang naging tanong niya:


Mukhang disoriented ang bakla. Nalito pa ata kung sino si Madam Claudia at sino si Lavinia. Napressure lang siguro. Pero kere pa rin.

Top 3. Nakapasok uli ang Makoy. Hiyawan kami sa kinaupuan namin. Ang mga nang-irap sa amin na nasa likod ko ay nanahimik na, kasi ang manok nila, di nakapasok. Taob. Dinapuan na ata ng avian flu. Di na nakalipad. Nawalan na siguro ng pakpak.

mr. gay world philippines 2010 winners, MARC ERNEST BIALA - 1st Runner Up SHERWIN ABUEL - Mr. Gay World Philippines 2010 MIGUEL DELA SERNA - 2nd Runner Up2nd runner-up na. Yung may pinakamaraming minor awards ang tinawag. Hiyawan uli kami, kasi dalawa na lang sina Makoy ang maglalaban para sa balahurang titulo.

1st runner-up. Tinawag ang Makoy. Gumuho mundo bigla namin, pero nakarecover naman kami agad. "Resiliency" kumbaga. At yan ang bukambibig for the night ng Makoy. Happy pa rin kami at nakuha ng balahurang bakla ang titulong yun.

At ang nanalo? Ay ewan. Di namin type.

“Type pala ng mga judges ang nocturnal being,” sambit ng isa naming kasama.

“Nocturnal ba ang black moore?” dagdag pa ng isa.

“Malay natin baka ang theme sa Mr. Gay World 2011 eh aquatic, eh di pasok na pasok ang Pinas!"

"Baka nga mananalo si "Tugs, Tugs, Tugs" sa international pageant eh kasi exposed na siya sa maraming lugar gawa ng concert tours niya. Sikat naman ang Black Eyed Peas eh. Apl.de.Ap, ikaw ba yan? Bebot, bebot be bebot bebot be..."

O wag magreact. Mga pawang opinion lang ang mga ito. At may kanya-kanya tayong taste. At nirerespeto namin ang taste ng mga hurado.

Well, ganyan talaga pag di yung manok niyo ang nanalo. Bitter.

Pero hindi naman kami bitter. Masaya pa rin kami at may naiuwi ang balahurang best friend ko. At kung sinu-sino man yung mga nag-uwi ng ibang awards, congrachula! At para sa grand winner, we wish you best for the international pageant, kapatid. Make us all in the gay community proud!

Pagkatapos ng pageant, straight to Eastwood. Nagkwentuhan hanggang inumaga. Di na napansin ang oras. Reminisce ng mga nakakatawang alaala nung high school.

mr. gay world philippines 2010 first runner up marc ernest biala
From left to right: Si Zang, ang baklang pedeng pagpritohan ng itlog ang mukha; si Denya, ang baklang buti na lang di nagface powder ng puti, kundi nagmukha na sanang crinkles; si Makoy, suot ang sash ng balahurang pageant, hambugera!; si Mon, ang baklang tomboy at ang opisyal na tsuper ng barkada; at si Gingging, ang echoserang laging idinadahilan ang interkors sa di pagdalo sa iba pang naging meeting namin.

Alas otso ng umaga, kanya-kanyang uwi na. Ako pabalik sa Olongapo. Si Makoy sa Baguio. The rest, sa Manila lang din. Umuwi akong dala ang saya na hindi nasayang ang mga hiyaw ko ng gabing yun. At ang sayang dahil sa hindi nasayang ang isang libo kong pinambili ng ticket ko at para kay Harry, at ang dalawang libong naubos ko sa isang gabing yun. Hay naku, ang hirap magclimb ha! Mag-iipon na naman uli para may pangclimb sa susunod. (Theme song: The Climb by Miley Cyrus).

Kung may pinanghinayangan man ako sa gabing iyon, iyon ay ang hindi man lang ako naikama. Nag-effort pa naman akong magdala ng mga paraphernalia. Pakshet!

Echos lang!

Nag-enjoy naman talaga kami ng gabing yun, sa pageant at sa get-together...

Sa panahon ngayon, malakas na ang pwersa ng mga bakla. Di na paaapi. Di na palulupig sa mga mapanghusga. Ito ang panahon namin. Panahon para maghasik ng kulay sa mundong ibabaw. Halika na, tayo'y magpinta. At isigaw sa mundo na ang pagiging bakla ay maaring hindi kagustuhan ng Diyos, pero ito'y siguradong kagustuhan ng mga diyosa.

Congratula, Makoy! Isa ka ngang balahurang bakla! Che!


Baha Men - Who Let The Dogs Out

(Photo credits: Jory Rivera and Ian Felix Alquiros)

13 comments:

jm said...

;) love it

marie said...

bebot bebot be bebot bebot be bebot bebot be.. alaykeet! congratz, macoy.. pak!

*Pink Spaces* said...

katawa na sad ko ani ba...the best ka gang! :))

Ming Meows said...

teh, ngayon ko lang nakita ang post. at masasabi kong in-love na ako kay makoy! (charot) i-regards mo na lang ako sa kanya.

Echos Erita said...

baka gusto mo number niya? bibigay ko basta bigyan mo din ako boylet. chos! joke

Ming Meows said...

sure!!!!!!!!!

Prince Fau said...

wow ha. e si makoy lang naman pala ang me mukha sa mga kalahok eh. mala JC Tiuseco (pero babaeng version ahahahaha! nang magsalita na)

bongga din yung hosts.

KABOG!

Anonymous said...

ano veh! wala bang straight-acting na sumali?

Echos Erita said...

ming - sige, itext mo ko para bigyan kita ng number niya

prince fau - oo, madaming hipon. ahihihi

anonymous - walang straight-acting, ACTING lang. dahil mga maarte sila. LOL

tyra said...

ai madam echoserita! akels din geblaban mes ng numeraka ni makoy... :D krulamat! hahah!! btw, bet tamayo kez ang blogelya mes!! clap clap clap!! love it!! :X

Echos Erita said...

tyra banks, ikaw ba yan?

ay gusto niyo na ata akong gawing bugaw ng balahurang macoy. o cge, itext mo akez: 0916KIBIL0M. gets? hahaha

salamat sa pagbisita ng blogelya ng nag-iisang echoserita. chos!

tyra said...

trunello gutchelli..akis nga si tyra banks! :)) chos!

photoshoot na madam! =') krulamat ng benggang bengga!! :-*

more power sa blogelya mong itikla!!

Echos Erita said...

you're welcome, Madam! pls come again. chos!

:)) ;)) ;;) :D ;) :p :(( :) :( :X =(( :-o :-/ :-* :| 8-} :)] ~x( :-t b-( :-L x( =))

Post a Comment