rss
twitter
    Ako ay sundan. Follow me, follow me. Falalalala
Ang mga pahina sa blog na ito ay maaaring naglalaman ng mga imahe at katagang di angkop sa mga batang mambabasa. Rated R ito, mga Kaechos! Patnubay ng magulang ay kailangan. Chos! Kung nagtataka kang bakit Echoserita ang pangalan nito, basahin ito.

Salamin. Sumpa. Skinsecurity. Stress. At Kung Anu-ano Pang “S”hit!

Related Stories Widget by LinkWithin

man facing the mirror backwardsSinasabing ang mga mata ay ang salamin ng kaluluwa. Pero ni minsan pag tumititig ako sa mga mata ng ibang tao ay wala naman akong makikitang kaluluwa. Kundi man irap ang mapapala ko ay kindat ng paglalandi. And aylaykeet!

Kung titingnan ko rin ang mga mata ko, gamit ang salamin, di ko rin naman makikita kaluluwa ko ah. Iba ang nakikita ko. Hindi kaluluwa, kundi isang multo.

Nasubukan mo na bang manalamin at dahil sa ayaw mo ang nakikita mo ay parang gusto mo ng basagin ang salamin? At minsan para bang nakakita ka ng multo sa harap mo?

May mga panahong ganun. May bad hair days tayo. May mugtong mata. May dark circles, at iba-iba pang ayaw natin sa ating hitsura sa araw na yun. May ugly face days din.

Sa kasong akin, marami akong araw na masasabi kong ugly face days. Kainis. Bilang isang perpeksiyonista at obsessive-compulsive din eh mabilis akong nadidisappoint pag nakakita ako ng multo sa harap ng salamin.

Multong bakla pa! Ampait ng tadhana.

Marami akong insecurities sa aking pagkatao. Pag nasa labas naman ako sa harap ng mga tao, hindi ko naman talaga yun nararamdaman, pero kung ako na lang isa, dun na nagsisink-in ang frustrations ko over my insecurities.

Skinsecurities ang tawag ko sa aking kaso. Ewan ko ba saan ako noon nung nagsabog ang Diyos at ang mga diyosa ng makinis na balat. Tulog ata ako nun. Tinatamad.

At kung ito man ay isang sumpa, isa lang ang masasabi ko sa nagsumpa. Pakyu!

Pero naniniwala pa rin ako sa tinatawag na balance of nature. Kahit may mga imperpeksiyon ako ay marami pa rin namang pangcompensate. (Isa na dun ay ang magaling ako sa kama. Toot.)

Kung kalinisan naman ang pag-uusapan, malinis naman ako. Sobrang arte pa nga. Banidoso. Pero bakit kelangan ko pang gumastos ng malaki para sa ikakaganda ko? Kulang na lang eh tumira na ako sa derma clinic. Todo effort na to ha!

Ang buhay nga naman. Mapanukso.

Ganunpaman, mas marami pa rin naman ang mas malala sa sitwasyon kong ito. At kahit may mga imperpeksyion ako ay carry pa rin namang maging maganda. Kung ikaw ay di naman kagandahan at feel mong magandang-maganda ka, eh bakit di mo subukang iadopt na lang ang motto kong ito:

echoserita, funny pinoy quotes and sayings, kung hindi madala sa hitsura idaan sa porma
Sobrang stressed na din ata siguro ako sa buhay. Late na ako natutulog. Maaga pang gumigising. Hay naku. STRESS! Kaya feel ko tuloy nababawasan na ang aking angking kagandahan. Feeling ko lang naman.

Stress nga lang ba? O baka kulang lang sa interkors? Ha ha ha. Ang totoo, tuyong-tuyo na talaga ako. Matagal na akong hindi nadidiligan. Kaya siguro ang bulaklak na inyong lingkod ay palanta na. Kaya nga sa araw-araw ang kinakanta ko ay “It’s Raining Men,” baka sakaling dinggin ng mga diyosa ang aking hinaing.

Ay basta, kahit pa may mga imperpeksiyon ako, maganda pa rin ako.

Yan ang sabi ng lola ko. Sumalangit nawa…

At kahit ano pa ang sabihin ng iba, maganda pa rin ako. Kawangis ko ay isang diyosa... At di bale nang maging bakla, wag lang mukhang palaka.

bakla, palaka
Para sa ikakaganda ni Echoserita, may mungkahi ka ba? Alin kaya dito ang mas mainam na gawin ng inyong lingkod para mapanitiling mala-diyosa ang kanyang taglay na kagandahan? Bumoto na. Now na!



At dahil diyan, eto ang Song for the Post natin:

The Youth - Multo Sa Paningin (multong Bakla)

6 comments:

marie said...

ako ang nagsumpa sa iyo, zang.. pakyu din! nyahah! ت

Echos Erita said...

Leche ka, Marie! Foot spa pa ang binoto. Pakyu!

Mac Callister said...

ako din banidoso!

at tama ka if di kagandahan daanin sa porma!wagi na yun!LOL

Xavier Randol said...

ehe! tama ka sis! ;-]

Echos Erita said...

mac callister - tama, para kahit man lang sa porma maaninag ang kagandahan. charot!

xavier - alam ko, tama ako! LOL

Anonymous said...

nakakalerky naman itichiwa sir zang.. hehe =))

:)) ;)) ;;) :D ;) :p :(( :) :( :X =(( :-o :-/ :-* :| 8-} :)] ~x( :-t b-( :-L x( =))

Post a Comment