rss
twitter
    Ako ay sundan. Follow me, follow me. Falalalala
Ang mga pahina sa blog na ito ay maaaring naglalaman ng mga imahe at katagang di angkop sa mga batang mambabasa. Rated R ito, mga Kaechos! Patnubay ng magulang ay kailangan. Chos! Kung nagtataka kang bakit Echoserita ang pangalan nito, basahin ito.

Pitong Taon

Related Stories Widget by LinkWithin

seven, 7In English, 7 years.

E ano namang meron sa pitong taon na to?

Si Harry.

Sino si Harry?

Nakilala ko si Harry noong 2003, bago pa ako nakatuntong ng college. Nagkakilala kami sa Yahoo! Chatroom noon. Nakachat ko ang isang Vench noon, isang baklang taga Butuan din katulad ni Harry, at sinabing i-chat ko daw ang pangalawa. Ginawa ko naman. At doon nag-umpisa ang aming malalim na pagkakaibigan.

Hindi ko boypren si Harry. At hindi ko rin siya ex. Hindi naging kami. Kahit pa crush na crush ko siya noon (what about now, ate?) at niligawan ko pa ng ilang beses ay hindi naging kami. Ayaw niya daw. Ayaw niyang masira ang pagkakaibigan namin.

If I know, ayaw lang talaga niya sa akin. Hmp!

Gayunpaman, naging tuloy-tuloy ang aming pagkakaibigan. Kapag ang inyong lingkod ay nagiging heartbroken ay si Harry ang napapagtripang ligawan. Pero di pa rin dumating sa puntong naging kami. Hindi ko naman kasi kinareer na ligawan siya. Masaya din naman ako sa pagkakaibigan namin. At alam kong masaya din siya.

Sa loob ng pitong taon, puro sa text lang kami nagkakausap. Minsan napapatawag ako. Minsan sa internet, kasama na diyan chat, webcam chat, Facebook, Friendster… Ang internet nga naman, nakapamatulungin. Kasi kahit noong nagkakawalaan kami ng numero ng cellphone (kapag manakaw ang cellphone o magpapalit sim) eh nakakausap pa rin naming ang isa’t isa sa internet, at bigayan uli ng numbers.

Mapalad ako at kahapon ay tuluyan ko na talagang nakita at nakasama si Harry sa personal. Mapalad din siya, dahil nakita at nakasama na din niya ang nag-iisang dyosang echosera.

Pagkatapos nating magkita, uuwi din ako agad? Kasi may panonoorin kayo?” natanong ni Harry sa text bago pa kami nagkita.

Samahan mo muna ako bago ako sunduin ng mga kaibigan ko,” ang sagot ko.

Labo mo. Iwan mo lang din pala ako agad. Wag na nga lang, malayo pa naman sa amin sa SM North. Huhu,” pabirong sabi niya.

Hay naku, sige na nga, isasama na lang kita, libre na lang kita ticket. Sa isang kondisyon. Sa inyo na lang ako makikitulog kung wala man kaming gimik pagkatapos ng event. Don’t worry, ‘di naman kita gagalawin no. Haha,” palanding sagot ko.

Ok lang sa akin…” kinabahan ako dun, kala ko ok lang sa kanya na galawin ko siya, “pero ang kasama ko? Wala na ring mahigaan. Ganito na lang, di na lang ako uuwi. Samahan na lang kita, tambay tayo somewhere.

At nagkita kami sa SM North Edsa. Hinintay ko siyang dumating at niyayang magdinner kasama ng aking dalawang kaklase sa high school. Nagutom kami sa kakahintay ha! Pagkatapos ng lapshaang nangyari sa mall eh tumungo na kami sa Metrobar para sa balahurang pageant ng best friend ko.

Apat sana kaming maghihiyawan para sa best friend ko kaya lang si Harry eh timpi. Di din naman kasi sila close ng best friend ko.

Pagkatapos ng pageant, nagpunta kaming Eastwood City. Doon lumapsha uli, nagkape, tawanan, tuksuhan, at naghiyawan ang mga bisaya. Si Harry nakakasabay naman.

Har, samahan mo nga ako CR,” anyaya ng inyong lingkod.

Sinamahan naman niya ako.

Mga ilang minuto ang lumipas...

O ang tagal niyo, nasarapan naman kayo?” tanong ng isa pagkabalik namin sa grupo. Tumawa kami ni Harry.

Engot tong si Makoy, umeksena. Sumunod pa sa rest room. Di tuloy namin nagawa,” pabirong sagot ko naman.

Wag kayong mag-isip ng masama na may binalak akong masamang masarap na gawin. Hindi po malandi ang inyong lingkod.

Nirerespeto ko si Harry, ang pagkakaibigan namin. Pagkakaibigang matagal na matagal na at noong gabi lang nabigyan ng katuparan ang pagkikita. Mahal ko si Harry… bilang kaibigan. Walang labis, walang kulang. Alam ko ang limitasyon ko, at alam din niyang may boypren ang inyong lingkod. In fact, magkakilala din sila.

May mga pagkakataong sinolo ko si Harry sa usapan. May mga maselang paksa kasi na kami lang ang magkakaintindihan, mga sekreto, mga kwento ng buhay namin.

Naabutan kami ng umaga sa kakakwento. Nag-almusal muna kaming lahat bago pa nagsiuwian. Alas otso na ng nakauwi kami. Mga walang tulog…

Akalain mo nga namang ang tagal na pala naming magkaibigan ni Harry. Posible pala yung kahit di kayo nagkikita eh di mawawala ang pagkakaibigan niyo.

Nung gabing yon, natanong ng isang kaklase ko nung high school kung wala ba daw akong pagnanasa kay Harry.

Ang sagot ko:

ANG KAIBIGAN, KAPAG MASARAP, DI PINAGNANASAAN. TALAGANG TINITIKMAN!

mr. gay world philippines 2010 first runner up, marc ernest biala, harrison harry ruiz, zang caesar balatero, eastwood citySi Harry, ang long lost friend ng inyong lingkod; si Makoy, suot-suot ang kanyang Mr. Gay World Philippines 2010 1st-Runner Up sash; at si Zang, ang balahurang baklang walang direksiyon sa buhay.


Katakam-takam ba siya? Tikman ko na ba?

Bomoto na!



At dahil diyan, eto ang Song for this Post natin:

S Club 7 - Bring It All Back


S Club 7, dahil 7 years, at "Bring It All Back" kasi sabi "Don't stop, never give up" daw. Kung may gusto kang tikman, pagsikapan!

Chos!

4 comments:

Lasherations said...

kyut nga si Harry. Ang ganda naman ng storya ng friendship nyo. Pero if 7 years na pagkakaibigan nyo, behave ka na lang. Ikaw rin! Baka tuluyan ng aalis si Harry sa buhay mo pag biga ra ka pirmi! Haha.

Echos Erita said...

opo, miss minchin. behave naman ako talaga no. di ma ko gabiga ra.

shannen said...

Huwag! Ibigay mo na lang siya sa akin.

Echos Erita said...

o cge, shannen, kung maganda ka sayo na siya! hahaha

:)) ;)) ;;) :D ;) :p :(( :) :( :X =(( :-o :-/ :-* :| 8-} :)] ~x( :-t b-( :-L x( =))

Post a Comment