rss
twitter
    Ako ay sundan. Follow me, follow me. Falalalala
Ang mga pahina sa blog na ito ay maaaring naglalaman ng mga imahe at katagang di angkop sa mga batang mambabasa. Rated R ito, mga Kaechos! Patnubay ng magulang ay kailangan. Chos! Kung nagtataka kang bakit Echoserita ang pangalan nito, basahin ito.

Sana'y Maging Virgin Pang Muli

Related Stories Widget by LinkWithin

tawas, alumHindi ko inaakalang may isa pa lang masugid na tagasubaysay ang Echoserita na magpapadala ng liham ng kanyang kwento sa buhay. Kahit ang laman nitong Echoserita ay kwentong buhay ng echoserang may-akda nito, patulan na lang natin ang liham na ito. At tulungan niyo akong magbigay mungkahi sa ating letter sender.

Dear Ate Echoserita,

Una sa lahat, magandang araw. Pero sa tingin ko'y mas maganda ka pa sa araw, kahit di pa kita namimeet, kahit na hindi ako naniniwalang ganyan ka kakinis sa mga larawan mo dito. Mahirap na ang magtiwala lalo na ngayong may Photoshop. Che!

Pangalawa, salamat sa blog mong super nakakaaliw. Nakakarelate ako sa iba mong post. Siyempre magkadugo kasi.

Pangatlo, eto na ang problema ko.

Uhm, medyo may kalaswaan ito pero ok lang. Rated R na din naman na ang blog mo ngayon. Go!

Eto na talaga, Ate, promise!

Galit na galit ako sa taong gumamit sa akin kamakailan lang. Hinding-hindi ko malilimutan ang ginawang katarantadohan niya sa akin. Siya ang unang gumamit ng katawan ko. Kung bakit ko ibinigay ko sarili ko sa kanya ay dahil na rin siguro sa pagmamahal ko sa kanya, pagmamahal na di pala niya kayang suklian ng karampatang pag-aaruga. Samakatuwid, hindi na ako virgin. At ito’y pinagsisisihan ko nang malubha.

Nasa pampublikong beach kami noon, sa Morong, Bataan. Nasa dalampasigan kami noon. Wala na masyadong mga tao. Malakas ang alon, at ang mga salpak ng alon sa dalampasigan ang siyang naging puno’t dulo ng aking di na pagkabirhen.

Nahihirapan na akong isarang muli ang butas na minsan ay kanyang nilapastangan. Hindi na siya ganun magsara gaya ng dati. Hinding-hindi na. Nahihirapan akong ibalik sa dati iyon. Nagsisisi ako ngayon sa mga nangyari. Hindi ko alam anong gagawin ko dito.

May paraan pa ba para maging virgin uli? May pag-asa pa ba ang kaso ko? Gusto ko talagang maging virgin uli. Paano?

Alam ko medyo malaswa ang kwento ko, pagpasiyensyahan niyo na po. At lulubusin ko na lang din ang kalaswaang ito.

Sa liham na ito ay nakalakip ang larawan ng aking pagkababae, kung paano ayaw ng magsarang muli ang pinto ng aking kaluwalhatian. Nasa sa inyo na po kung ilalathala mo ang larawan ko o hindi. Heto po siya:

Kodak MD863
Lubos na gumagalang,
Kodak MD863


Mga ka-echos, ito naman ang tugon ko sa liham ng ating masugid na tagasubaybay.

Mahal Kong Kodak Etch,

Salamat sa pagpapadala mo ng liham. Para hindi humaba ang tugon kong ito, diretsuhin na kita.

Sa pagkakaalam ko, kung ang butas ay gustong ibalik para maging birhen muli, gagamitan daw ito ng tawas. Yun ang sabi ng kaibigan ko. Ewan ko lang kung totoo, hindi ko man yun nasubukan. Virgin pa ang inyong lingkod. Magpahid daw ng tawas sa butas. 3x a day.

virgin coconut oilPero sabi pa din ng iba, ang katapat lang daw niyan ay ang palagiang pag-inom ng virgin coconut oil. Hindi ko pa rin ito nasubukan. Virgin pa nga ako. Pero try mo lang.

Pero sa kaso mong ito, Kodak MD863, hindi tawas o VCO ang kailangan mo. Mas lalo ka lang masisira. Ambisyosa ka! Ang kailangan mo ay service center, hindi para i-serbis ka kundi para ipagawa ka. Gets mo? Wag kang ilusyonada!

Ladies and gentlemen, my Kodak MD863! Umeechos. Umeeksena. Nagdadrama. Natalsikan kasi siya ng buhangin at tubig dulot ng malakas na salpak ng alon sa dalampasigan noon sa Bataan. Kaya ayaw ng magsara ng takip ng lente niya.

Mga ka-echos, kahit na umeeksena lang ang camera ko, pwede din namang irelate sa totoong buhay ang kanyang kwento. Kayo ba di niyo minsan naitatanong sa sarili niyo paano maging virgin uli?

May nasubukan ba kayong mga sure-fire na solusyon? Share niyo naman dito.

Ikaw din ba ay may problema sa buhay na gusto mong ibahagi at nang makakuha ng mga mungkahi sa ibang tao? Ipadala lang ang inyong sulat sa Official Fan Page ng Echoserita.

At dahil sa kwentong ito, ito ang kantang ating ihahandog kay Kodak MD863 at sa mga di na birhen na naghahangad pa ring maging birhen. Sa madaling salita, mga ilusyonada! Mga ambisyosa!

At dahil diyan, ito ang ating theme song ngayon:

Madonna - Like A Virgin

11 comments:

PABLONG PABLING said...

sus di ko na gets yung camerang yun. camera lang pala. .

kapag nawala ang virginity mo hindi mo na ito maibabalik, yung iba eh sa emotion na lang nila pinapaniwala ang sariling virgin pa sila - tama naman kung ano ang iniisip mo e yun ang pananaw mo. kaya kung iisipin mong virgin ka na ulit - edi virgin ka na ulit. pero kahet anong ipahid mo sa sarili mo e hindi na mawawala ang bakas ng nakaraan

Echo Serita said...

Paps, ang pagkabirhen ay nasa isip, salita at gawa lang yun. Pero oo, tama ka na kahit anong pahid, di na mawawala ang bakas ng nkaraan. Pero ang tawas at VCO daw ay pampasikip uli. Wahaha... At least man lang, pede pa tawaging pseudo-virgin. haha

Anonymous said...

ahahahha . kaloka

Anonymous said...

hahaha gusto ko etong topic na to :)
mejo nakakuha aq ng idea para sumikip ult :)

E7 said...

alam nyo, ako naman, ang laki ng problema ko, kung paano ko maibabalik ang pgka virgin ng GF ko,kc hanggang ngyon iyak sya ng iyak, matagal ko na narinig about sa tawas, sabi nila durog na tawas tunawin sa mainit na tubig, pg hindi na masyado mainit ihugas sa **** hjk.. maligamgam ba, pero ang isa pa sa problema ko, may tawas ba dito sa VIET NAM??? =))

E7 said...

sabi nya, em khong muon song nua (**ayaw nya na daw mabuhay**) sabi ko, thoi, minh phai manh hon chu? (**'wag, dapat mas maging matatag tayo**) please, advice naman po, natatakot ako sa mga susunod na mangyayari, bakit kasi??? asarrrr

Anonymous said...

Hehe di na nga yan maibabalik pa..pero sbi nila muscle control daw..kht di na masikip bstat galingan mo lang sa giling solve na ang partner mo jan.

Anonymous said...

para kay miss kodak, kumonsulta ka sa ob gyne mas mkakatulong sau ang mga doktor duon...bka nga kasi my pumasok jan kya di magsara..kc aq nung nadisvirgin aq lumuwang xa ng kunti pero ngsasara prin nman

Anonymous said...

ang taray. . ang sabi qng gusto mo ulit.maging virgin wag ka mag papagalaw ng 9 years. ang tanong kaya mo b hintayin ang 9 years. . hahah. .

Anonymous said...

Magpakulo ng tubig, at pagmainit na ang tubig isalin sa arinola o maliit n timba,(bago dapat) at ilagay yung powder tawas, upuan nyo yung usok, at pag feel nyo di na sya ganon kainit, pede nman sya ihugas, ay talagang medyo sisikip talaga sabayan pa ng muscle control, heaven si mister talaga..

Anonymous said...

panu ba mag muscle control? at panu ba malalaman nah ang page something nyu Ay gusto gusto nya...

:)) ;)) ;;) :D ;) :p :(( :) :( :X =(( :-o :-/ :-* :| 8-} :)] ~x( :-t b-( :-L x( =))

Post a Comment