rss
twitter
    Ako ay sundan. Follow me, follow me. Falalalala
Ang mga pahina sa blog na ito ay maaaring naglalaman ng mga imahe at katagang di angkop sa mga batang mambabasa. Rated R ito, mga Kaechos! Patnubay ng magulang ay kailangan. Chos! Kung nagtataka kang bakit Echoserita ang pangalan nito, basahin ito.

Ang Kinahinatnan ng Aking Loren Legarda

Related Stories Widget by LinkWithin

Si Loren Legarda ay hindi tao.

Kung si Judy Ann Santos ay “judi” o hindi, si Pilar Pilapil ay “pills,” at Carmi Martin ay “karma”, si Loren Legarda ay “legs.”

Salamat sa baklang Edwin at sa kanya namin ito unang natutunan.

Bakit ba, anong nangyari sa Loren Legarda ko?

Heto ang storya:

Noong 4th year high school, pinainggit ako ng kaklase kong bading sa binti niyang bagong shave. Nainggit naman ako. Ganyan talaga pag inggitera ka.

At dahil sa inggit, pagtungtong ko ng kolehiyo, sinubukan ko na ring mag-ahit ng balahibo sa binti. Bumili ng Veet at pinakinis ang patpating mga binti.

Kuminis. Ang sarap ng feeling.

Ilang linggo ang nagdaan, tumubo na. Veet uli. Shave uli.

Hanggang sa dumating ang panahong kay haba-haba na at sobrang kapal na kung tumubo ang mga balahibo. Kinadismaya ko ito nang malubha. Nakakadepress.

Di ko na inahit pang muli. Sa kadahilanang baka sa susunod na pagtubo ng mga balahibo eh baka para ng sa gorilla. Katakot.

Nang ako’y maidestino sa Pampanga, umandar uli ang topak ko. Shave uli. Para magamit ang shorts na bagong bili. At kada araw ay minaintain ko yun.

Hanggang sa dumating ang araw na naging ganito na siya:

folliculitis, infected leg

Folliculitis

Naimpeksiyon sa sobrang shave, sa araw-araw na shave. Folliculitis. Pamamaga ng hair follicles. Nahirapan akong maglakad ng mga panahong iyon dahil sa sakit. Sa katunayan, di ko muna pinasukan ang mga klase ko isang buong araw.

At dahil sa nars ako at may kaalaman sa mga gamot, bumili ako ng medisina at nagself-medicate. Gumaling. Ang masaklap nga lang, nagkapeklat na ang flawless kong mga binti noon. Oh how I regret! Pakshet!

Di na ako nagshave uli simula noon. Di na rin ako nagsoshorts pag lumalabas ng bahay. Di na ako bumili pa ng mga shorts na pamporma. Ayoko na! Sa dinanas ng aking Loren Legarda, ito na siya pag full grown ang balahibo. Sa haba eh kumukulot na. Pakshet uli!

unwanted leg hairs
Ang gubat sa aking mga binti, bago ginamitan ng wax.


At dahil pati na rin ang kuya ko eh nandiri na sa haba ng mga balahibo, binilhan niya ako nito:

cold wax, aromacology sensi, depilatory hair wax, Dell XPS M1330
Pangtanggal ng balahibo

Sabi pa daw kasi matagal pa tutubo uli ang balahibo at pag tumubo na eh manipis na at di na mahaba.

“Masubukan nga!”

At ginamit ko nga. Masyadong madikit. Mga ilang oras rin akong nagtanggal ng mga di kanais-nais na mga balahibo. Heto na siya nang matapos:

removed hairs
Ang mga natanggal na balahibo. Haha.


shaved legs
Pagkatapos matanggal ang mga di ninais na mga balahibo.
Litaw na tuloy ang mga bakas ng impeksiyon dati.

Hihintayin ko na lang uli na tumubo ang mga balahibo, para naman kahit papano ay di uli litaw ang mga peklat. Pakshet!

Nasira na ang Loren Legarda ko. Sising-sisi na ako.

“Papa Jesus, pwede ba tong papalitan ko ng buntot ng isda na lang?”

“Anak, di bale ng makita ang iyong pangit na legs, wag lang ang dalawa mong eggs.”

“Thank you, Lord!”

At dahil diyan, ito ang songs ko sa araw na ito.

Hot legs, dahil uminit dala ng pamamamaga at impeksiyon. Punyeta!

16 comments:

Anonymous said...

haha

sakpin said...

hahahaha. pakisiyet ka kasi, kaartehan mo yan tuloy. pero naeenjoy ko magbasa ng blog mo.

Echo Serita said...

@ anonymous - ha ha rin. tapos he he. hi hi. ho ho. hu hu

@ sakpin - oo nga ay. dahil sa kaartehan, nasira legs ko.may remedy pa ba to? plastic surgery kaya? ang mahal naman? kaya ba tong remedyohan ng derma clinic? hu hu. sana may magsponsor. haha

creexs said...

i like . . . matry nga ;))

Echo Serita said...

ge ge try mo po. try at your peril. haha

thanks po sa pagbisita

virtualanimosity said...

wahahah! mas maswerte ako sa'yu ng konti. since highschool nagwa-wax na'ko (medyo mahal na nga lang ang veet kaya shave nlang, pareho din naman) buti nlang di tinubuan ng kung ano-ano binti ko. :p

sa susunod kasi wag ka inggitera, gumawa ka nlang ng sarili mong eksena! *peace* :))

nakakatuwa naman posts mo

Echo Serita said...

kaya nga sising-sisi ako, di bale may pag-asa pa rin to

Echo Serita said...

kaya nga sising-sisi ako, di bale may pag-asa pa rin to

virtualanimosity said...

wahahah! mas maswerte ako sa'yu ng konti. since highschool nagwa-wax na'ko (medyo mahal na nga lang ang veet kaya shave nlang, pareho din naman) buti nlang di tinubuan ng kung ano-ano binti ko. :p

sa susunod kasi wag ka inggitera, gumawa ka nlang ng sarili mong eksena! *peace* :))

nakakatuwa naman posts mo

creexs said...

i like . . . matry nga ;))

sakpin said...

hahahaha. pakisiyet ka kasi, kaartehan mo yan tuloy. pero naeenjoy ko magbasa ng blog mo.

Anonymous said...

ang saya mag basa ng blog mo,para akong tanga dito tawa lang ng tawa.:))

ispluk said...

maganda naman pala legs mo pag mabuhok.

Anonymous said...


Anonymous said...

kawawa naman pla legs mo.. buti naging okay na.. nwei, saan niyo po nabili ung cold wax?

Anonymous said...

san po pwede ma getchung ang aromacology cold wax?

:)) ;)) ;;) :D ;) :p :(( :) :( :X =(( :-o :-/ :-* :| 8-} :)] ~x( :-t b-( :-L x( =))

Post a Comment