rss
twitter
    Ako ay sundan. Follow me, follow me. Falalalala
Ang mga pahina sa blog na ito ay maaaring naglalaman ng mga imahe at katagang di angkop sa mga batang mambabasa. Rated R ito, mga Kaechos! Patnubay ng magulang ay kailangan. Chos! Kung nagtataka kang bakit Echoserita ang pangalan nito, basahin ito.

Himatay

Related Stories Widget by LinkWithin

fainting girlHinimatay ka na ba?

Ako oo, dalawang beses na. Dalawang beses pa lang! At sana'y wag nang masundan.

Di ko lubos akalain na makakaranas pala ako ng pagkahimatay. Tingin ko kasi sa mga nakikita kong nahimatay noon ay OA. Kulang sa pansin. Kasi pagkahimatay eh maya-maya tatayo din naman agad. Isip ko nga umeeksena lang. Eksenadora!

Nung nasa hayskul pa ako, kasama akong nagtraining sa Citizens Army Training (CAT) ng summer para maging officer. Kinaya ko naman ang init, pati na ang uhaw at ang dehaydreysyon (oh ha! Sosyal ang spelling!). Sige na nga, “pagkatuyo” na lang.

Ilan-ilan na rin ang nakita ko noong nahimatay. Mga OA. Papansin. Eksenadora.

Di ko alam na magiginng OA din pala ako. Papansin. Eksenadora.

PANGALAWANG HIMATAY

Unahin ko na ang pangalawa at huli kong eksena. (Sana po, Lord, di na masundan.) Nangyari ito sa health center sa Olongapo na pinagdudutyhan namin ng mga estudyante ko.

Napakainit ng panahong yon. Ang dami ko pang estudyante, sobra-sobra sa dapat na bilang. Madaming tao sa health center. At dahil first time ko din doon, kinailangan kong makibagay sa pamamaraan nila habang ginagabayan ko ang mga estudyante ko.

Tinulungan ko ang mga estudyante sa pagtawag ng mga pangalan ng magpapacheck-up, para bumilis ang usad. Medyo nahilo na ako noon sa paglabas-masok sa health center. At siguro dahil na rin sa mga pasyenteng may putok sa kili-kili, o mabahong ginhawa. Pede rin ang umaalingasaw na amoy ng "pooks" nila, lalo pa't mga buntis.

Patuloy pa rin ang pagtawag ko ng mga apelyido: “Adorna!”

At di ko na alam ang sumunod na nangyari. Pagkagising ko na lang, ako na ang nakahiga sa hinihigaan ng mga buntis na magpapacheck-up. Pakshet!

“Bat ako nandito?” painosenteng tanong ko.

“Nahimatay po kayo, Sir.”

At simula noon, Adorna na ang tukso sa akin ng mga estudyante ko. Para lang “Darna!”

Buti na lang pala at di lang ako ang umeksena nun. May sinugod ding hinimatay. Lalaki pa. At least may nakisimpatya sa akin. At at least di gaanong nakakahiya kasi dalawa kami.

Lesson #1: Wag magpabuntis! Nakakababa ng stamina.

PANGALAWANG HIMATAY

Unang gabi ng simbang gabi. Taong 2007. First time ko ring magsimbang gabi nun. Alas 3 gumising na kami ng kapatid ko. Kumain ng malamig na kanin at ulam. Naglakad papuntang simbahan, di inalintana ang lamig.

Nang makarating at makaupo na sa loob ng simbahan, may lalaking gwapo sa aking harapan, na kahit nakatalikod pa siya ay namnam ko naman na talaga ang sarap niya. Naka North Face jacket pa. Di ko alam kung orig ba o peke. Ang alam ko lang sa panahong yun ay masarap dilaan ang leeg niya, lalo pa nung lumuhod akong di man siya lumuhod para magdasal. Kaya ang lapit na talaga ng leeg niya sa dila ko. Slurp! Kung wala lang ako sa simbahan...

Our Father na. Nakatayo. Kanta, habang ang dalawang kamay ay nakataas sa hangin, ang mga palad nakabukas, nakaharap sa taas.

"O tukso, layuan mo ako!" ang umikot-ikot sa ulo ko nun.

Unti-unting nagdilim ang paningin ko.

“Parang gusto kong matulog ah,” sabi ko sa isip ko.

Pagkagising ko na lang, ang matandang katabi ni pogi eh hinilot-hilot na ang mga palad ko habang ako’y nakaupo na. Si pogi nakatayo sa may gilid ko. Caring si koya, ah!

Nahimatay ako! Pakshet! Umeksena ang lola niyo! Nakakahiya. Takaw-pansin yun!

Tinulungan din kaya ako ni koya? Sana nakita ko! Ang sarap niya kasi. Slurp uli!

Hindi na ako uli nagsimbang gabi. Never ever… Sorry po, Lord sa aking kalandian.

Lesson #2: Kung maglandi, wag sa loob ng simbahan. Napakabilis ng karma!

Ikaw, nahimatay ka na ba? Naging OA? Papansin? Umeksena? Ilang beses na? Anong kwento nun?

At dahil diyan, ito ang ating kanta ngayon:

Fall Out Boy - Sugar We're Going Down

I'm going down, down in an earlier round
And sugar I'm going down, swing it
I'll be your number one with a bullet
A loaded god complex, COCK it and pull it.


Down, kasi natumba, hinimatay ang gaga. At ayan, kasi ang landi, kahit nasa loob ng simbahan COCKroach pa rin ang iniisip. Beh, buti nga!

Che!