rss
twitter
    Ako ay sundan. Follow me, follow me. Falalalala
Ang mga pahina sa blog na ito ay maaaring naglalaman ng mga imahe at katagang di angkop sa mga batang mambabasa. Rated R ito, mga Kaechos! Patnubay ng magulang ay kailangan. Chos! Kung nagtataka kang bakit Echoserita ang pangalan nito, basahin ito.

3-in-1 Plus 1, Happy Kaarawan!

Related Stories Widget by LinkWithin

birthday, candles on cupcakes, baby birthday, 24th birthday1. Isang taon na ang blog na ito. Isang taon nang patuloy sa pagbibigay ng panandaliang aliw sa mga mambabasa. Isang taon ng ka-ibig-an, kabaklaan, kaechosan, kalakwatsahan, kalibogan, at katarantadohan. At kahit di man madalas ang paglalathala eh di pa rin nawalan ng buhay ang Echoserita: Ang Mga Akda ng Echoserang Bakla. At patuloy pa rin ito sa pagsasabog ng katuwaan. Makiechos na!

2. Ang kaarawan ng Echoserita ay kaarawan din ng echoserang may ari nito. Ehem. Bente kwatro anyos na ako. In proper Tagalog, dalawampu’t apat. In English, twenty-four. Kung in figures, 24. Sa Roman numerals eh, ay wag na lang! Di ko na kabisa.

XXIV!

Ay mali, dapat walang tandang padamdam.

XXIV

24 na ako. Matanda na ba yun? Di bale, mukha pa rin namang bata.

Ika nga sa Olay commercial:“Are you hiding your real age?”

“No! On the contrary, I’m proud of it! I love it when people tell me I look younger than my age.”

Etch mo te! Di ko alam kung yan ang saktong linya. Wala na din akong paki. Mas maganda ako sa kanya! Che!

3. Nagpasabog ng treat kahapon ang mga echosera kong kaibigan. Pre-Birthday Pool Treat kung tawagin ko. I was so touched. May pablow-blow pa ng candles on cupcakes, eh iba naman ang gusto kong iblow. Ang manhid nila! Haha. Salamat, salamat! I love it!

Ayan na ang 3-in-1.

At ito naman ang Plus 1.

Sa birthday kong ito, masayang-masaya ako at binigyan ako ni Lord ng bagong lovelife. Ayiii! Ang gwapo na, ang bait pa! Kaya lang ang sungit ko lang talaga, lagi ko siya naaaway. Buti na lang pasensyoso pa din siya.

Lord, bigyan niyo po ako ng lakas na bawasan ang kasungitan ko. Ayokong maging Miss Minchin. At ayoko pong mawala ang mahal ko sa akin. Tulungan mo po ako at ang aming relasyon. Amen.

HAPPY KAARAWAN!

Kaya eto ang ating kanta:

3-in-1 + 1 (Happy Kaarawan) - Vhong Navarro