rss
twitter
    Ako ay sundan. Follow me, follow me. Falalalala
Ang mga pahina sa blog na ito ay maaaring naglalaman ng mga imahe at katagang di angkop sa mga batang mambabasa. Rated R ito, mga Kaechos! Patnubay ng magulang ay kailangan. Chos! Kung nagtataka kang bakit Echoserita ang pangalan nito, basahin ito.

Salamat, Salamat

salamat po, thank you capSalamat at natapos din ang pagmamatron ko sa mga batang nagduty ng Philippine Orthopedic Center.

Salamat at babalik na din ako sa apartment namin.

Salamat at ‘di na ako gigising ng alas kuwatro ng umaga para gisingin ko ang mga estudyante ko para maghanda para sa kanilang duty na 6 am to 10 am.

Salamat at ‘di na ako gigising uli para naman sa mga estudyante kong magduduty ng 2 pm – 6 pm.

Salamat sa Metrodorm na siyang tinirhan namin.

Salamat sa aircon ng room namin na pilit kong pinapatay pag di ko na kaya ang lamig, at dahil may mga kasama akong gusto ang malamig, hanggang pahinaan lang ang aircon ang kaya kong gawin.

Salamat sa mga pagkain sa Metrodorm. Salamat din sa juice nilang parang tubig lang. Ika nga “waterade” at di lemonade.

Salamat din sa ilang beses na pagpunta ko ng banyo para maligo na walang tubig. Kung kelan ako natapos sa wisik-wisik na lang at nakapagbihis na ay dun pa bumabalik ang tubig. Pakshet!

Salamat din sa mga multo na bumibisita sa amin doon.

Salamat sa mga “orange boys” doon na nagbibigay kulay sa lugar at buhay matron ko. Lalo na kay Eugene, ang first love ko doon, ang asawa ko. Pero di niya alam na mag-asawa kami. At kay JM, ang kabit ko naman doon. Pero hindi din niya alam na kabit lang siya.

Salamat sa libreng masaheng ibinigay sa amin ng may-ari ng dorm. Hindi siya ang mismong nagmasahe sa amin, gaga! Binigyan niya lang kami ng gift certificates. Bongga!

Salamat din sa ibibigay niyang gift certificate worth 2k sa amin. (Asan na po yun?)

Salamat sa ibang gwapong boys na dormers (estudyante man o hindi) doon. Kahit papano eh nagagawa niyong maglubricate ng kusa ang puke ko kahit hanggang tingin lang at takam ako sa inyo.

Salamat sa mga mababait kong estudyante.

Salamat din sa mga pasaway kong estudyante, lalo na ang mga boys. Kung kelan malapit na kaming uuwi eh dun pa nagloko: uminom at gumawa pa ng eksena sa dorm. Leche!

Salamat kay Mang Cesar na nagpapainit ng ulo namin. Salamat sa iyo at naghintay ng dalawang oras ang mga estudyante ko sa kakahintay sa van. Salamat din at sa huling araw ay pinaalis mo ang tatlong van na wala man lang sakay na C.I.. In short, iniwan niyo kami! San niyo kami papasakayin pauwi, ha?

Salamat sa mga guard ng Metrodorm na puro palusot.

Salamat sa tindahan ng pirated CD/VCD/DVD sa likod ng Metrodorm. Salamat sa mga available niyong Pokemon DVD! (Naka-230 din kayo sa akin ah!)

Salamat at may cheke ako sa kaka-matron ko! First time kong magkacheke! Yahoo!

Salamat sa may-ari ng Metrodorm at ititreat kami sa labas. Yahoo uli!

Salamat sa karanasang maging “matron”. Hindi na ako magrereklamo bakit matron ang tawag dun eh pangbabae lang ang term. Well, babae naman ako so tama lang.

Whatever cadaver!

At dahil, ang kanta natin ngayon ay ito:

One night and one more time
Thanks for the memories
even though they weren't so great

Basahin ang kabuuan...

Tubig, Tawag at Tulog

drop of water, tubigTUBIG

Gumising ako ng alas otso y media kanina, pagkatapos sabihin ng dalawa kong kasamahang C.I. na mag-almusal na kami.

Bumaba na sila ng kwarto para mag-almusal. Magkakape lang daw muna sila habang hihintayin akong matapos maligo.

Sa banyo, handa na akong maligo. Ang balde may lamang tubig, kalahati nga lang.

Binuksan ko ang gripo.

Punyeta! Walang tubig!

Binalalaan kasi kami kahapon na may power outage dito sa Ortigas simula 5 AM hanggang alas nuwebe. Tsaka baka mawalan din daw ng tubig.

Pero alas siyete pa lang ng umaga eh bumalik na ang kuryente.

Ang tubig naman ang nawala.

Pinagkasya ko na lang ang kalahating balde ng tubig sa pagligo ko. Wisik-wisik na lang. Di na nga ako nagsabon. Buti na lang kagabi eh nakapaglinis na din ako ng katawan, ng puke.

Nagbihis na ako pagkatapos. Pero biglang umingay ang banyo.

Bumalik na ang tubig.

Kung kelan pa nakapagbihis na ako.

Malas.

telephone ringingTAWAG

Nanananghalian kami nang biglang tumunog ang Celia Rodriguez ko.

“I got shivers when you touch away…” awit ni Nicole, na siyang ring tone ko. Jai Ho.

7710 ang numero ng caller. Nagdalawang isip ako na sagutin.

“Ay ang SMART na naman,” sabi ko.

“Wag mo na sagutin,” sagot ng kasama ko. “Ba’t nila alam isang number mo?”

“Nailagay ko ata ito doon sa application form,” sagot ko.

Di ko na sinagot. Dalawang beses siyang tumawag.

May utang pa kasi ako sa SMART. Sobra sa 19K. Apat na buwang di nabayaran sa plan ko sa kanila.

Eh bakit kasi di nila pinutol nung hindi ako nakabayad agad.

Dati, ilang araw lang, kung lumagpas ako sa deadline bago ako makabayad, putol agad, at babalik na lang pag nakabayad na uli ako.

Akala ko hindi na nila ako matutunton. Kasi ang address ko sa application form yung sa probinsiya ko pa na address. Tapos di ko na rin ginagamit ang nakalinya ko ngayon.

Smart talaga ang SMART.

Malas.

male office worker sleeping atop a pile of books, sleep, tulogTULOG

Pagkatapos ng pagpapamasahe ko kahapon, naramdaman kong lagi akong inaantok ngayon.

Ang katawan ko gusto laging mahiga.

Pero bawal. Dapat kong gawin ang ipanglelecture ko next week, kasi pasukan na niyan at wala pa akong naihahandang panglecture.

Malas.

Wala pang sahod.

Malas.

Wala ding boylet.

Malas.

Walang katapusang kamalasan.

------------------------

Pansining ang lahat ng salita sa pamagat ng post na to ay nagsisimula ng T at nagtatapos sa G.

Kagaya na lamang ng Titi at Itlog. Nagsisimula sa T, nagtatapos sa G.

Ganundin ang salitang TiganG.

Ako yun!

At dahil dry na ako, ito ang ating kanta ngayon:

TLC - Waterfalls

Don't go chasing waterfalls.
Please stick to the rivers
and the lakes that you're used to.


Naging dry na nga ba ako dahil sa kaartehan ko ng standards ko when it comes to boys, kaya wala akong napapala? Should I keep chasing waterfalls? Or magstick na lang ako sa mga ilog at lawa? Sa mga lalakeng chupipay pero may lasa naman, para lang mapawi ang uhaw na dulot ng aking tuyong-tuyong buhay?

Ano sa tingin mo?

Basahin ang kabuuan...

M2M Masahe sa Happy Wealthy Spa

m2m massage, male to male massage, gay massage, m2m masaheIlang araw pa lang ang nagdaan ng pagkabasa ko ng sulat ni Migs sa blog niya at kanina ay naranasan ko na ang sinasabi niyang “The Need to be Touched by A Man”.

Binigyan kaming tatlo ng kasamahan kong C.I. ng libreng pang-spa ng may-ari ng Metrodorm. Isang daan at dalawampung minuto. Kung magaling ka sa Math mabilis mong maikompyut yun na dalawang oras.

Si Ma’am Mildred, foot scrub ang inavail. 45 minutes. Lugi siya.

Kami ni Ma’am Chat, body massage na good for 120 minutes.

Pinapasok na kami ng babae sa massage area. Nagrequest ako na lalake ang magmasahe. Gusto kong makaexperience na ng lalake this time... in terms of massage ha. Hayun, meron pala sila. Gwapo ata. Hindi ako sigurado. Medyo madilim kasi ang room. Lahat naman kasi gumagwapo sa madilim.

Isang room lang kami ni Ma’am Chat. Magkatabi kaming minasahe. Walang bed. Chaka!

Pangalawang beses ko yung magspa. At unang beses ko yung lalake ang tumira. I mean, nagmasahe. Ewan ko, ‘di ko masyadong ramdam ang sarap. Mas masarap pa ata yung nagpamasahe ako sa Zenbaliscape sa San Fernando. Mas masarap ang diin. Sagad sa laman. Kahit babae siya ang sarap ng hagod niya…

Eh kung sana may extra service din si Lalake eh di sagad din sana sa laman, di ba? Chos!

Sa bawat paglapat ng katawan niya sa akin, sinasadya ko minsang malapit sa nota niya. Pero magaling siyang umilag. Ayaw ata sa akin ng pota! Che niya!

Di ako nasiyahan sa serbisyo niya. Pero pagkatapos ng masahe, nagbigay ako ng tip na 100. 150 na lang kasi ang cash ko.

Hindi ako Happy. Hindi na din ako Wealthy, kasi singkwenta na lang ang pera ko.

Happy Wealthy Spa, OrtigasPara lang sa mga Masaya at Mayaman. Dito ako, bago ako nagpamasahe. Pero pagkatapos ng masahe, naisip kong wala pala akong sasakyang ipampark. Hindi na din ako Happy, o Wealthy.

Ikaw, saan ka paparke?

Dito ba?

Dito ba?

O, dito ba?

Ang dapat mong kalagyan?

At dahil diyan, itinatampok ko ang Lola Kuh ninyo:

Kuh Ledesma - Dito Ba

Basahin ang kabuuan...

Ang Purong Pasyon ni Papa P

SM Mall of AsiaNagpunta kami ng Mall of Asia kahapon. First time ko. First time din ng mga kasama kong C.I. Pero kahit ganun, ‘di namin pinahalata sa mga tao na first time namin. Taas noo lang as if pang-ilang beses na namin na pagpunta yun.

Ang laki ng MOA. Ang sosyal. Bagay sa akin.

Naglakad-lakad kami ni Ma’am Mildred. Siya lang kasi ang kasama ko. Nagmall tour kami. Pero hindi sa loob. Sa labas. Nakalabas kasi kami at lagi kong sinasabing sa unahan may entrance.

Hanggang sa natour talaga namin ang mall—sa labas. NagLuneta na lang sana kami…

drag me to hell, sm mall of asiaAt nang magkita na kami ng isa pang clinical instructor, nanood kami ng sine.

Drag Me To Hell.

Tawa kami ng tawa. ‘Di naman siya comedy.

At nang maghiwalay uli kami, at kami na namang dalawa ni Ma’am Mildred, nagmall tour uli kami. Pero this time sa loob na talaga ng mall. Charged to experience na lang ang nangyaring mall tour sa labas.

Dahil mahirap ang lola niyo sa panahong yun, isa lang talaga ang nakabudget na aking bibilhin.

Pabango.

Sa Oxygen lang talaga ang pabango ko.

Pero nung napadpad kami sa Bench. Naamoy ko ang Pure Passion ni Piolo Pascual.

Ang bango.

piolo pascual sexy pic, bakat“Ayoko kay Piolo,” sambit ko.

Lumabas kami ng Bench. Nagtanong kami sa Information kung saan ang Oxygen.

Pagdating sa Oxygen, tumingin sa ilang damit. At pabango na aking paborito sa store nila.

Pero biglang nagbago ang isip ko.

Bumalik kami sa Bench. Sininghot ko uli si Piolo. Ang bango talaga.

“Mabango sana, kaya lang ayoko talaga si Piolo!” reklamo ko. Nagbago na naman isip ko.

Bumalik uli sa Oxygen.

At kahit na yung 11:55 talaga ang pabango ko, sinubukan ko ang bangong pabango ng Oxygen.

Heto siya.

Oxygen Captivate perfumeMabango din. Mura pa. 499 lang. Heto na lang, kasi ayoko talaga kay Piolo! 'Di kami bagay. Kasi babae ako, pabagu-bago ng isip, at siya ay...

Hindi kami talo!

At dahil diyan, ito ang ating kanta ngayon:

Blakdyak - Modelong Charing

Basahin ang kabuuan...

Bakit Marami Na Ang Mga Bading?

drag queen, effeminate gay, transexualOo, inamin na ni Adam Lambert na siya ay tunay na kadugo. Kahit pa kasi 'di niya aminin, halata naman ‘di ba? Lalo pa tayong mga Pilinong bading, madaling nakakaamoy ng kung sino ang berde din ang dugo. Malakas ang tinatawag na gaydar (gay radar).

Madalang lang akong nakakapanood ng TV ngayon at nang nakita ko si Adam noon, hayun, agad kong nasabi bakla siya.

Ang dami na ng mga bakla sa mundo. Kumokonti na lang ang mga lalake. Mataas na ang kumpetisyon. Andiyan pa ang mga sumpang mga babae, ayon pa kay Friendship.

Bakit nga ba marami na ang bakla ngayon? O bakit nga ba dumarami ang mga bakla?

Isang araw, nag-almusal ako dito sa Metrodorm. Itlog at hotdog ang ulam. Ang laswa. Para na rin akong kumain ng titi at bayag.

Hotdog at itlog – kawangis ang inaasam-asam ng mga bakla.

Napatingin din ako sa kutsara’t tinidor. Pahaba ang hugis nila. Parang titi din, pahaba.

Hinawakan ko ang baso ng juice, para na rin akong humawak ng titi.

May nakita ako bote ng mineral water sa kabilang table, pahaba din, at hinahawakan. Nilalapatan pa ng labi at bibig ang dulo nito.

Sumagi sa isip ko ang mikropono. Ganun din. Pahaba. Hinahawakan.

gays on the road, mga bading sa kalsadaWaffles, ganun din.

Banana cue.

Door knob.

Cellphones, may vibrator.

Batuta.

Talong.

Bolpen.

Lapis.

Ice candy.

And the list goes on...

Kaya pala dumarami na ang mga bading, kasi halos lahat ng mga kagamitan natin at mga kinakain ngayon eh hugis nota. Kawangis ng titi.

Bukod pa sa tanong ko sa na nasa pamagat ng post na ito, ito pa ang isa kong tanong: masarap ba ang titi? Bakit maraming nahuhumaling at naaadik dito?

Charlatan!

girl touching a dick or penisAt dahil diyan, ito ang ating kanta ngayon:


I'm a DICK, I'm ADDICTED to you...

I’m tryin’ to forget
But I’m addicted to you
But I want it
And I need it
I’m addicted to you...

Basahin ang kabuuan...

Trucks, Paper Dolls, Stuffed Toys at si Tarzan

train, doll, teddy bear, sailboat, children's toysNoong bata pa ko, hindi ako nagkaroon ng ni isang stuff toy. Siguro dahil natatakot ang mga magulang ko noon na tuluyan akong maging bakla.

Sa pagkakaalala ko, ang naging laruan ko lang noon na bili ng papa ko ay yung mga maliit na trucks. At isang matchbox. Lahat yun pinag-aagawan pa naming dalawa ng kuya ko kasi share lang kami.

Ewan ko ba bakit ako nakikipag-agawan pa noon sa mga toy trucks. Front ko lang siguro yun para di mahalatang berde na pala ang dugo ko.

Pero nagkaroon din ako ng paper dolls noon. Ang baon kong limang piso noon eh inuubos ko sa paper dolls, kung hindi man teks ang bibilhin ko. Malaki pa ang limang piso noon—sa halaga at pati na sa hitsura.

“Para sa kapatid ko,” lagi kong sambit noon kapag bumibili na ako noon ng paper dolls kahit ‘di naman tinatanong ng tindera. Defense mechanism.

Ang totoo, ako naman talaga ang nakikinabang doon. Mahilig kasi akong gumawa noon ng mga disenyo ng damit na siyang pinapasuot ko sa mga paper dolls.

Ang bakla talaga!

Ilang beses na rin akong nakikita ng papa ko na naglalaro ng mga dolls at gumuguhit at gumugunting ng mga dinesenyong damit, pero kiber lang siya.

Ngayong dalaga na ako, iba namang laro ang nilalaro ko.

Wag ka ngang bastos! Iba iniisip mo eh!

Mga stuff toys naman mga kalaro ko ngayon. At, take note, lahat ng mga stuff toys ko ngayon eh bigay ng mga naging boylets ko.

stuffed toys, kitty, teddy bear, tweety bird, Dell XPS M1330 laptop, bear hugsStuffed toys: ang kuting ni Derek, ang oso ni Franco, at ang ibon ni Paolo.

Si Ken, ang first love ko, binigyan niya ako ng tutang stuffed toy. Pinangalanan niya yun na Rockstarr. (Wala sa picture, naiwan kasi sa probinsiya)

Si Derek, na hiniwalayan ako noong Marso, kuting naman ang stuff toy na binigay niya.

Si Franco, na tinigilan ko nang makipagkoneksiyon noong Abril, oso naman ang binigay na stuff toy.

Si Paolo, na kakabreak lang naming noong Mayo, eh ibon naman ang binigay, si Tweety.

Ano ba tingin nila sa akin?

Gusto ba nilang gumawa ng zoo?

Tell me, mukha ba akong hayop? Ha?

At dahil diyan, ito ang kanta natin ngayon:

Toy Box - Tarzan And Jane


tarzan broadway on swingTarzan and Jane, kasi jungle ata ang gustong theme ng mga boylets ko. Zoolander. Akala siguro nila eh sila si Tarzan at ako si Jane.

tarzan and janeTarzan is handsome
Tarzan is strong.
He's really cute
and his DICK is long...

I am Tarzan from jungle you can BJ me my friend
I am Jane and I love to RIDE AN ELEPHANT
.

Kayanin ko kaya sakaling mala-ilong ng elepante ang sasakyan ko? Well, let's wait and see.

At may pahabol pa ang kanta:

tarzan and monkeyGo PUTAH, get banana
Hey monkey, get funky


So ano ba talaga? Si Jane ba ako o ang unggoy na kakabit-kabit sa saging ni Tarzan?

Kung sabagay, naniniwala ako sa kasabihang ito:

Kung ang lalake ang saging
at ang mga babae ang puso ng saging
at ang mga tomboy ang dahon ng saging
ang mga bakla ang siyang unggoy na kakain sa saging
.

Kaya mga unggoy, go, grab your saging na!

tarzan fucked by gorilla while fucking jane in the forest jungle

Basahin ang kabuuan...

Babyface

babyfaceMaraming nasosorpresa na 23 pa lang ako. Mukhang bata pa daw kasi ako. Mukhang 18, 19 o 20 years old. At lalong nasosorpresa sila pag nalalaman nilang clinical instructor na ako. Mukha daw kasi akong estudyante.

Kahit nga may-ari ng pag-aaralan, noong bago pa lang ako, akala nila estudyante ako.

Sa barber shop, nagulat din ang barbero nang malaman niyang titser na ako.

Sa sari-sari store, nagulat din ng kinenwentuhan ni Deng na C.I. na din ako.

Sa laundry shop, ganun din.

Sa mall, ganun pa rin.

Kahit saan, ganun talaga.

Minsan nga, naiisip kong sana mas matured pa mukha ko. Sa ganito kasi, feeling ko wala pang seseryoso sa akin kasi parang ambata ko pa.

Kainis.

Ang hindi nila alam, kahit bata pa ako, marami na akong karanasang pangmature content!

At dahil diyan, ito ang theme song nating sa post na ito:

Gwyneth Paltrow and Babyface - Just My Imagination

Ito ang ating kanta kasi Babyface, tsaka baka "just my imagination" lang na babyface ako.

Basahin ang kabuuan...

Bakit Echoserita?

echosera, echoserita, gay blogDati pa akong nagboblog. Nagsimula akong magsulat sa internet noong kasagsagan ng pagrereview ko ng board exam namin. Pagkatapos ng review, diretso agad sa internet café kasi nasa tapat lang ng review center namin. Nakakauwi na ako ng dorm ng mga hatinggabi, halos gabi-gabi.

Pero ang sinusulat ko noon ay English. Sa awa ng Diyos, ‘di naman dumugo ilong ko sa kakaEnglish. Naexcite kasi ako noon kung paano kumita sa pagboblog. Yun, at kumita din naman ang blog ko.

Nagtagal din ako sa pagboblog. Umabot sobra sa isang taon. (Matagal na din yun no!) Natigil lang ako sa pagsusulat ng magkaroon ako ng trabahong may kinalaman talaga sa propesyon ko, nars, at iyon ang pagiging clinical instructor ko ngayon.

Naisipan kong magbalik ng blog noong 23th birthday ko. Este 23rd pala. Dahil na rin sa udyok ng bespren kong bading na magblog, nagblog na ako. Yun nga lang ngayon ay di na Ingles, kundi Tagalog na, at tungkol sa kabadingan ko, kabadingan mo, at kabadingan ng lahat at pati ng buong mundo. Maraming dahilan kung bakit ganito ang naitayo kong blog.

So bakit Echoserita?

Echosera sana ang ipapamagat ko. Kaso nakuha na ng kung sino mang punyeta. Marami ding sumaging ibang pamagat sa isip ko kaya lang mas feel ko talaga ang echosera. At dahil hindi na pwede talaga, ginawa ko na lang Echoserita, smaller version ng Echosera.

Kung may kutsara, may kutsarita. Kung may planggana, may plangganita. Kung may lamesa, may lamesita. Kung may impakta, may impaktita.

Kung may echoserang bakla, may mabubugbog.

Now you know!

At dahil diyan, ito ang kanta natin ngayon:

Panic! At The Disco - I Write Sins Not Tragedies

Dahil dito itatampok ang mga kasalanan ko, kasalanan mo, at kasalanan ng sangkabadingan, at pati na rin ang mga trahedya ng isang buhay bakla.

Chos!

Basahin ang kabuuan...

Tres Marias

tres mariasNung nasa college pa ako, binansagan kami ng teacher namin sa Psychology na “tres marias”: ako, ang best friend kong si Mckhoii na isa ding bakla, at si Alex na, hmm, ewan, wala pa naman siyang inaamin. May gerlpren din siya ngayon, cover girl, as in panakip butas. Charot!

(Oo kami yang nasa pictures, nung kami'y mga chaka na uod pa lamang. Ngayon ay mga paru-paro na, with beautiful colors!)

Minsan din, ang tawag ng Psycho teacher namin na ito sa amin ay 3B, which means: Bakla, bading, bayot!

Echos lang.

Ang 3B ay dahil sa B nagsisimula mga apelyido naming tatlo, at di naman sa pagmamayabang kaming tatlo din ay kabilang sa mga Bida sa klase.

Yan ay yung nasa kolehiyo pa ako, at noong nasa probinsiya pa ako kung saan unang inangkin ang aking katawan ng diyowa ko noon. But that's another story.

Ngayong andito na ako sa Pampanga, iba na ang takbo ng buhay ko.

Pero di ko akalain dito din pala ay magkakatres marias na naman ako.

Andiyan si Friendship Jeff. Instructor ng HRM. Maganda. Balingkinitan ang katawan. Ang buhok pang Sinukwan Festival, parang walis. Ang damit pangtaas laging fit at pang-girlalu. Nakadoll shoes pag nagkaklase. Malandi talaga!

Minsan na siyang pinatalsik sa trabaho dahil sa pagsusuot niyang ganito, pinatalsik siya ng isang echoserang umechos din sa akin noong nasa kolehiyo pa ako back in our province in the Land of Promise. Itago na lang natin sa pangalang “Black Eyed Peas” ang echoserang yun, na ngayon ay siya na ang nawala sa institusyon, at si Friendship naman ang pinabalik.

Mahabang kwento. Balik kay Friendship.

Sumasali si Friendship sa mga gay contests dito sa Pampanga. Dagdag kita na din daw yun.

Minsan naging 1st runner up siya. Malaki-laki din naibulsa niya, at siyempre medyo galit siya doon sa nanalo. Ganyan naman talaga, inggitan. Bitter sa nanalo. Natural lang yun.

Naikwento din niya ang pagsali niya sa isang gay pageant. Mga damuhan at kung anu-ano pa daw dinaanan niya tas 500 lang daw napanalunan niya.

Eto si Friendship at ang buhok niyang parang walis tambo.

jeffrey malig
Ang kukumpleto naman sa Tres Marias kasama ako at si Friendship ay si Sir Deng. Short for Dennis. Simpleng tao. Macho. Malandi, kasi panay tsansing sa mga estudyanteng nagpapatsansing naman din. Malandi din!

Kaya nga ang tawag ko sa kanya eh “malanDENG baDENG”.

dennis placenteSi Deng at ang kanyang walang-postiso-sa-taas na ngiti.

58 years old na xa sa puntong ito. Karamihan sa mga buhok niya ay puti na at unti-unti nang nalalagas. Wala na din siyang mga ngipin sa taas at ayaw na daw niyang isuot ang postiso niya.

Mahilig siyang magwave-wave ng buhok niya papuntang likod.

“Feel mo namang mahaba ang buhok mo eh paubos na nga yang buhok mo eh!” minsang naibiro ko sa kanya.

“Hindi!” sabat naman ni Friendship Jeff. “Bata pa yan si Deng, tingnan mo nga di pa tinutubuan ng buhok.”

Pag inookray ang matanda tungkol sa kanyang edad, heto naman ang banat niya.

“Sige nga, abutin niyo nga edad ko! Baka mamaya diyan pag-uwi niyo paglalamayan na kayo!” with matching inis yan, pero konti lang.

Ganyan kami kasayang tatlo pag magkasama. At ngayong last day ko nang magbantay sa enrolment, at sa pasukan pa eh hindi ako dito sa San Fernando naitalaga, eh talagang mamimiss ko sila.

At dahil diyan, ito ang Song for this Post natin:

Sister Sledge - We Are Family

We are family
I got all my sisters with me


Charuz!

Basahin ang kabuuan...