rss
twitter
    Ako ay sundan. Follow me, follow me. Falalalala
Ang mga pahina sa blog na ito ay maaaring naglalaman ng mga imahe at katagang di angkop sa mga batang mambabasa. Rated R ito, mga Kaechos! Patnubay ng magulang ay kailangan. Chos! Kung nagtataka kang bakit Echoserita ang pangalan nito, basahin ito.

Clark

Hindi ito pangalan ng bago kong boylet, dahil sa totoo lang wala akong boylet ngayon. Dry ang lovelife ko. Mas dry pa sa El NiƱo. Kaya nga nagcrack na ang aking mga labias: ang lips sa taas, at ang lips sa likod.

Pinagpapahinga ko din muna puso ko. Kung baga sa natutunan ko sa Psychiatric Nursing namin noon, ito ang tinatawag na “grieving process”. Etch!

O ha! May natutunan pala ako sa kolehiyo.

Bukod pa sa puso ko, pinagpapahinga ko din muna ang puke ko. Puke sa likod, na kweba ng peanut butter, pangkare-kare.

Si Clark ay lugar dito sa Pampanga, sa Angeles.

Niyaya kasi ako ng mga naging estudyante ko dati na sumama sa outing nila.

Kaya kasama si Friendship, tumungo ako sa Angeles. Bumaba kami ng Main Gate.

Kasi nga gabi ng Biyernes yun, weekend, maraming mga pusang gala, pati aso doon. Buga dito, buga doon ang mga leche. Toma dito, toma doon.

Sinundo kami sa Main Gate ng asawa ni Ma’am Bel, kasamahan ko sa trabao, at ng isang tumba-latang estudyante namin.

May binili muna kami sandali sa 7-11 (ice, at soba) at tumungo kami SM Clark para bumili naman ng cake. Sa kaloob-looban ko ay nakatago ang tuwa at sayang bibilhan nila ako ng cake, kasi birthday ko nung nakaraan. Pero gumuho ang mundo ko kasi ang cake na iyon pala ay para sa birthday ng isang estudyante naming sumama din sa outing. Birthday din kasi niya nung nagdaang araw. Gumuho tuloy bigla ang mundo ko. Hindi sila sweet sa akin. Ampota!

Sa mall ay naging attensiyon ang hita ng baklang Friendship. Ang iksi-iksi kasi ng suot na shorts.

Feel niya ang moment. Feel ko na lang din, kasi kahit papano, nakikita na rin nila ang kagandahan ng kasama ng baklang Friendship. Ehem! Tinodo ko na lang ang pag-feel. "Taas noo, kahit kanino. Ang Pilipino ay ako" ang naging tema ng pagrampa ko sa mall.

Pagkatapos ng halos kalahating oras sa mall, rumatsada na ang kotse papuntang Fontana.

Maganda ang lugar. Malinis. Sosyal. Bagay sa akin. Etch!

May casino. May mga villas. Centralized ang bawat villa. Di bagay sa akin. Mabilis kasing giniginaw ang patpatin kong katawan.

Dahil gabi kaming dumating ng bakla, kinabukasan ko na napasyalan ang mga surroundings.

Maganda talaga ang lugar. Malinis kasi talagang may maintenance. Sosyal ang lugar. Bagay na bagay talaga sa akin!

Fontana Leisure Park, Clark, Angeles, Pampanga, PhilippinesSi Friendship at si Ma'am Bel, mga diwata sa fountain.


Fontana Leisure Park, Clark, Angeles, Pampanga, PhilippinesWalang perang pang-order ang mga bruha, kaya uupo-upo kunwari habang 'di pa bukas ang resto.


swimming pool at Fontana Leisure Park, Clark, Angeles, Pampanga, PhilippinesWalang pambayad sa swimming...


Fontana Leisure Park, Clark, Angeles, Pampanga, PhilippinesPinagpraktisan ang hagdan paano bababa ng hindi matatapilok, isang paghahanda para sa beauty pageants.


inside the villa at Fontana Leisure Park, Clark, Angeles, Pampanga, PhilippinesBoys, mga estudyante namin sa loob ng villa.

Dahil di pa kami nakakapananghalian kinabukasan at kailangan nang magcheck-out, dinala na lang ng mga estudyante namin ang mga pagkain at pumunta ng Nayong Pilipino lulan ng dalawang sasakyan.

Doon na kami lumafang. At nagpapapicture-picture na din kami.

Nayong Pilipino at Clark, Angeles, Pampanga, PhilippinesDahan-dahan lang kasi madulas ang sahig, nilulumot.


a replica of a kalesa or horse carriage at Nayong Pilipino at Clark, Angeles, Pampanga, PhilippinesVice Ganda, ikaw ba yan! Takbo! Takbo! Ay, ba't ayaw mo?


a replica of Barasoain Church at Nayong Pilipino at Clark, Angeles, Pampanga, PhilippinesFeeling artista ang gaga.


Nayong Pilipino at Clark, Angeles, Pampanga, PhilippinesSi Chester at Ken, at ang dalawang titser nilang bakla sa likod, nagtsitsismisan, at ang asawa ni Ma'am Bel, nakaupo, tumatae.


fountain at Nayong Pilipino at Clark, Angeles, Pampanga, PhilippinesSi Chester lumilipad.


Nayong Pilipino at Clark, Angeles, Pampanga, PhilippinesSi Christian, uhaw na uhaw.


Coke Zero, fountain, Nayong Pilipino at Clark, Angeles, Pampanga, PhilippinesSi Christian uli, may dalang Coke na parang lablayp ko lang: ZERO.


Nayong Pilipino at Clark, Angeles, Pampanga, PhilippinesRampa for a cause.

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -
Glossary of Terms:

grieving process – pagdadalamhati

Angeles – ang lugar ng mga anghel na walang langhit, lugar ng mga poka-poka (babae at pati na rin lalake)

tumba-lata – tomboy

soba - sigarilyo

villa – villa, as in, Nova Villa

At dahil diyan, ito ang kanta natin ngayon:

Kuh Ledesma - Ako Ay Pilipino

Ako ay Pilipino
Ang dugo'y maharlika
Likas sa aking puso
Adhikaing KAY GANDA
(katulad ko!)
Sa Pilipinas na aking bayan
Lantay ng Perlas ng Silanganan (kasi alagang-alaga ako sa Perlas ko, virgin pa nga eh!)
Wari'y natipon ang kayamanan ng Maykapal


Ako ay Pilipino, dahil yun ang aking drama sa SM Clark, at dahil na din sa napadpad kami sa Nayong Pilipino. At kahit half-Filipino ako, mahal ko ang aking lahing Pinoy.

At ang isa pang half ko? HALF-FILIPINA!

Laban ka?

Basahin ang kabuuan...

Hubad na Katotohanan

Ilang araw na akong hindi nakapagpaparaos. Kaya kanina pagkatapos kong maligo, nagpaputok na ako ng kwitis dito sa kama ko.

At dahil tinamad nang magbihis at nacurious anong feeling matulog nang hubo't hubad, heto ako ngayon, nakahubad.

First time ko din to. Promise.

Ganito pala ang pakiramdam.

Nakakakabag.

Puno na ng hangin ang tiyan ko dahil sa bentilador dito.

Pero hindi ako susuko. Hanggang umaga na tong paghuhubad ko. Itotodo ko na, kahit bukas sa trabaho eh uutot ako nang uutot. Walang pakialaman. Normal lang naman ang umutot, di ba?

At bago ako matutulog, kumuha muna ako ng litrato ng hubad kong katawan na patpatin. Balak ko sanang magvideo din kasama si Hayden Kho, kaso hindi siya available. Busy ang puta sa mga interviews at kaso niya. Sayang! Willing pa naman akong magpakuha ng video. With consent!

Che!

huba na katawan ng lalakeng pinoy, baklang pinoy, naked, sexy body of a white boy
At dahil diyan, ito ang kanta natin sa post na ito:

Beyonce - Naughty Girl

Tonight, I'll be your naughty girl
I'm calling all my girls
We're gonna turn this party out
I KNOW YOU WANT MY BODY


Chos!

Basahin ang kabuuan...

Tamis: Tweety at Toblerone

Sa kalagitnaan ng pag-uusap namin kanina ni Pao, na siya lang naman talaga ang nagsasalita at may paiyak-iyak pang nalalaman, lumabas siya ng bahay at may kinuha siya sa motor niya.

Pagbalik niya ay binigay niya sa akin to, birthday gift daw niya. Kahit pa nagkakaproblema na kami, eh ang tamis pa din niya.

Tweety at Toblerone. Akala ko talaga si Daisy Duck. Pagkatapos pa ng halos dalawang oras ko pa narealize na Tweety pala. Ano ba kasi kaibahan nila?

tweety, tobleroneAt dahil diyan, eto ang kanta natin ngayon:

U2 - Sweetest Thing

The Sweetest Thing, dahil "You know [s]he wants a dry kind of love" at "I'm losing you, I'm losing you". Kahit magjowa kami eh dry ang pag-ibig niya, di ko naramdaman ng todo. Panay away lang at init ng ulo ang inabot ko sa kanya. Madalang lang na init ng katawan ang binibigay niya. Kailangan ko din ng sarap, anovah! At Tweety Bird? Di ba pedeng ang birdie mo na lang ang gift mo sa akin, one last time?

Charot lang!

Basahin ang kabuuan...

Luha

crying man, crying boy, crying hunk, tearsPumunta kanina dito sa bahay si Pao. Kinausap niya ako tungkol sa nangyayaring pagkakalabuan namin.

Habang nagsasalita siya, umiiyak siya. Sumikip tuloy and dibdib ko, at lunok lang ako nang lunok na para bagang pinipilit kong lunukin ang Adam's apple ko, isang sumpa ng aking pagkabakla.

Hindi ako masyadong umimik. Baka kasi ano pa masabi ko. Baka magtalo na naman kami. Andun lang ako nakaupo sa hapag-kainan. Nilalaro-laro ang cellphone habang nagsasalita siya.

Nakinig naman ako siyempre. May breeding naman ako kahit papano.

Pero ang totoo talaga, nasa mga pagkain na sa lamesa nakatuon ang aking atensiyon. Gutom na din kasi ako nun. Ang bastos naman kung kakain ako habang andun siya malapit sa akin, nagsasalita, nagpapaliwanag, habang panay agos ang luha sa mga pisngi niya.

First time kong iyakan ng lalake sa harap. Pero sa kasong eto, hindi sa harap: sa gilid. Andun kasi siya sa gilid ko.

First time ko talaga. Ang haba ng hair ko ha! Abot tuloy sa aming probinsiya. Pati bigote ko mabilis humaba. Shet!

First time ko talaga.

Ganun pala ang pakiramdam ng iniiyakan ka sa harap?

Nakakagutom?

At dahil diyan, ito ang ating Song for this Post:

Akala ko ikaw ay akin
Totoo sa aking paningin
Ngunit nang ikaw ay yakapin
Ikaw pala'y isang bading...

Hindi ko na kailangan
Umalis ka na sa aking harapan
Damdamin ko sayo ngayon ay naglaho na.
At ito ang yung tandaan, ako masyadong nasaktan...

Basahin ang kabuuan...

Swerte sa Birthday: LBC, Lotto at Lapis?

birthday boy, blowing candle and cakeBirthday ko kahapon, kasabay ng paggawa ko ng blog na ito. Para din pag birthday ko eh birthday din ng blog ko. Para maisabay na lang ang handaan. Para tipid.

Pero hindi naman talaga ako naghahanda kapag birthday.

Tipid.

Kahapon, pinatulan ko na lang ang maliit na lata ng fruit cocktail na bigay pa ng pinagtatrabahoan ko noong Pasko pa. Binilhan ko lang ng cream. May condensed milk naman kasi dito.

Kahapon, marami akong pera dahil noong 26 binigay bonus namin. Kaso kahapon pinadala ko lang sa kapatid ko para pang enroll niya. Hay.

Nang papunta pa lang ako ng mall, naisipan kong sa LBC ipadala ang pera. Para mas mura. Pero ewan ko bakit sa Robinsons ako pumunta kahapon at dumiretso sa suking Western Union (WU). Hayun malaki tuloy nabayaran ko.

Pagkatapos ng transaksyon, pinascratch ako sa kung anong papel. Pwede daw akong manalo ng house and lot. Chos!

18 ang lumabas na numero. Tiningnan niya sa listahan. Eto yung nakuha ko. Hmpf!

western union promo ballpen
"'Di man ako sinuwerte, bertdey ko pa naman," pabirong sagot ko.

Dahil sa katabi ng WU ang lotto outlet sa Robinsons Starmills, naisipan kong pumusta sana sa 6/49. Kasi birthday ko nga. Baka swertehin. Minsan na ring muntik nang manalo mga numbers ko, mga birthdays ng pamilya ko. Nung February ata un. Kaso tatlo lang ang lumusot at yung tatlo pa eh malapit lang sa iba pang tatlo kong number.

Ang problema, wala na sa budget ko ang pagpusta dahil nga sa nabayaran ko sa WU. Sayang din ang humugit-kumulang 180M.

Asa.

---------------------

Hindi po lapis nakuha ko sa WU. Bolpen po siya. Kaya lang lapis nilagay ko sa pamagat ng post na ito para "L" lahat. L as in cooL!

At dahil diyan, eto ang ating kanta ngayon sa post na to:

I'm so lucky, I'm a star.
But I cry, cry, cries in my lonely heart, thinking
If there's nothing missing in my life
then why do these tears come at night?


Charuz!

Basahin ang kabuuan...

Patay Na Si Zang Caesar, at Iba Pang Kwentong Kamatayan

coffinNoong gabi ng Biyernes, nagtext sa akin si Pao.

Nasa hospital daw ang nakababata niyang kapatid. Ewan ko kung sino sa dalawa, di na niya binanggit. Siguro alam niyang kahit banggitin niya eh maguguluhan ako, kasi hanggang ngayon nalimutan ko na mga edad nun. 10 at 9 years old ata. O kaya 10 at 8. Hay ewan. Di ko rin kasi nakilala mga yun. Hindi ko alam kung ang mas matanda ba sa dalawa ang nahospital o yung bunso nila.

At kung sino man si Pao, wag ka nang makialam. Bumasa ka na lang.

At kung nagtataka ka bakit ako nagtaTagalog na ngayon, wala ka na ring pakialam doon. Baka ka na lang, pwede?

Dumudugo na kasi ang ilong–pati puwet–ko sa kakaEnglish. Kasi lagi akong nag-eEnglish kahit pa yung sarili ko lang kausap ko. Kaya Tagalog na muna.

Okay, balik na sa going bulilit na nahospital.

Mga alas singko ng madaling araw ng Sabado, nagtext uli sa akin si Pao. Patay na daw yung kapatid niya. Kawawang bata. Bumigat tuloy ang pakiramdam ko.

At napag-usapan na ang patayan, dito ko na lang ipaparating ang mensahe sa lahat na patay na po si Zang Caesar. Kung iniisip niyo bakit pa siya nakapagsusulat ng blog niya dito (na ngayoy Tagalog na!), iyon ay dahil nagmumulto siya sa kadahilanang di siya pinapasok sa langit. Tapos na kasi daw magdecorate doon, at di na kailangan ang tulong niya.

Gago!

Hindi po. Ang ibig ko pong sabihin ay patay na si Zang Caesar. Yung blog/website ko po na www.zangcaesar.com.

Kawawang blog.

Hindi ko na kasi narenew web hosting at domain registration ko. Wala na kasi akong pera.

Kawawang bakla.

At kung di mo alam kung ano ang web hosting at domain registration, ikaw naman ngayon ang kawawa!

Ngayon, balik uli sa tungkol sa pagtaTagalog ko.

Naisip kong isatitik na lang ang aking mga diwa sa ating wikang pambansa dahil sa mga naging inspirasyon ko:

Una, si Bob Ong. Sa pagbabasa lang ng dalawa (Stainless Longganisa at Bakit Baliktad Magbasa ng Libro ang mga Pilipino) sa mga libro niya, eh naturuan niya akong mahalin ang ating bansa, at isang paraan nito ay ang pagmamahal natin sa sariling wika.

Chos!

Pangalawa, si Mandaya-Moore. Oo, tunog Mandy Moore, pero iba ginagamit niya kung kumakanta siya. Kung ano man yun, wag ka na lang makialam! Pakialamera ka talaga! Pero kung mapilit kang makialam, hala, puntahan at basahin mo mga sulat niya, mga sulat na ubod ng katatawanan.

O hala, click mo to para dalhin ka sa blog niya.

Pangatlo, dahil sa mga tao dito sa San Fernando, Pampanga. Dahil di ko pa masyado naiitindihan ang Kapampangan, kailangan kong maging bihasa sa Tagalog lalo pa’t hindi ito ang salitang kinalakihan ko kundi Bisaya/Cebuano, at siyempre yang Tagalog din ang ginagamit ko dito para magkaintindihan kami.

Kung sino ka mang nagbabasa nito, at kung ikaw ay Pilipino, sana mahalin natin ang ating bansa. Walang ibang magiging dahilan ng pagkamatay ng ating kultura at pagiging Pilipino kung tayo mismo ay hindi natin ito mahal. At sino mang Pilipino na hindi marunong magmahal sa sariling wika ay higit pa ang amoy sa PATAY na isda.

Sa mga namatayan, condolence! Sa mga namatay, yahoo!

At dahil diyan, eto ang ating kanta ngayon:

Dead and Gone - T.I. feat. Justin Timberlake

Basahin ang kabuuan...