rss
twitter
    Ako ay sundan. Follow me, follow me. Falalalala
Ang mga pahina sa blog na ito ay maaaring naglalaman ng mga imahe at katagang di angkop sa mga batang mambabasa. Rated R ito, mga Kaechos! Patnubay ng magulang ay kailangan. Chos! Kung nagtataka kang bakit Echoserita ang pangalan nito, basahin ito.

Tubig, Tawag at Tulog

Related Stories Widget by LinkWithin

drop of water, tubigTUBIG

Gumising ako ng alas otso y media kanina, pagkatapos sabihin ng dalawa kong kasamahang C.I. na mag-almusal na kami.

Bumaba na sila ng kwarto para mag-almusal. Magkakape lang daw muna sila habang hihintayin akong matapos maligo.

Sa banyo, handa na akong maligo. Ang balde may lamang tubig, kalahati nga lang.

Binuksan ko ang gripo.

Punyeta! Walang tubig!

Binalalaan kasi kami kahapon na may power outage dito sa Ortigas simula 5 AM hanggang alas nuwebe. Tsaka baka mawalan din daw ng tubig.

Pero alas siyete pa lang ng umaga eh bumalik na ang kuryente.

Ang tubig naman ang nawala.

Pinagkasya ko na lang ang kalahating balde ng tubig sa pagligo ko. Wisik-wisik na lang. Di na nga ako nagsabon. Buti na lang kagabi eh nakapaglinis na din ako ng katawan, ng puke.

Nagbihis na ako pagkatapos. Pero biglang umingay ang banyo.

Bumalik na ang tubig.

Kung kelan pa nakapagbihis na ako.

Malas.

telephone ringingTAWAG

Nanananghalian kami nang biglang tumunog ang Celia Rodriguez ko.

“I got shivers when you touch away…” awit ni Nicole, na siyang ring tone ko. Jai Ho.

7710 ang numero ng caller. Nagdalawang isip ako na sagutin.

“Ay ang SMART na naman,” sabi ko.

“Wag mo na sagutin,” sagot ng kasama ko. “Ba’t nila alam isang number mo?”

“Nailagay ko ata ito doon sa application form,” sagot ko.

Di ko na sinagot. Dalawang beses siyang tumawag.

May utang pa kasi ako sa SMART. Sobra sa 19K. Apat na buwang di nabayaran sa plan ko sa kanila.

Eh bakit kasi di nila pinutol nung hindi ako nakabayad agad.

Dati, ilang araw lang, kung lumagpas ako sa deadline bago ako makabayad, putol agad, at babalik na lang pag nakabayad na uli ako.

Akala ko hindi na nila ako matutunton. Kasi ang address ko sa application form yung sa probinsiya ko pa na address. Tapos di ko na rin ginagamit ang nakalinya ko ngayon.

Smart talaga ang SMART.

Malas.

male office worker sleeping atop a pile of books, sleep, tulogTULOG

Pagkatapos ng pagpapamasahe ko kahapon, naramdaman kong lagi akong inaantok ngayon.

Ang katawan ko gusto laging mahiga.

Pero bawal. Dapat kong gawin ang ipanglelecture ko next week, kasi pasukan na niyan at wala pa akong naihahandang panglecture.

Malas.

Wala pang sahod.

Malas.

Wala ding boylet.

Malas.

Walang katapusang kamalasan.

------------------------

Pansining ang lahat ng salita sa pamagat ng post na to ay nagsisimula ng T at nagtatapos sa G.

Kagaya na lamang ng Titi at Itlog. Nagsisimula sa T, nagtatapos sa G.

Ganundin ang salitang TiganG.

Ako yun!

At dahil dry na ako, ito ang ating kanta ngayon:

TLC - Waterfalls

Don't go chasing waterfalls.
Please stick to the rivers
and the lakes that you're used to.


Naging dry na nga ba ako dahil sa kaartehan ko ng standards ko when it comes to boys, kaya wala akong napapala? Should I keep chasing waterfalls? Or magstick na lang ako sa mga ilog at lawa? Sa mga lalakeng chupipay pero may lasa naman, para lang mapawi ang uhaw na dulot ng aking tuyong-tuyong buhay?

Ano sa tingin mo?

5 comments:

Mac Callister said...

hahaha buti nahugasan mo puke mo nung gabi!

iamloved said...

hahaha. kabog :) kanya kanyang kamalasan lng yan. at ang pinaka ayaw ntin pag walang awra. haha.

* pa vote nmn po sana sa CHORVA BLOG AWARDS for week 7. salamat po.

Echos Erita said...

mac callister - araw-araw naman un kapatid. not just once, but twice, or thrice, or more times a day. depende kung amoy anghit na. yak!

iamloved - malas nga. pero ayos lang. maraming matutunan sa mga lecheng kamalasan

iamloved said...

hahaha. kabog :) kanya kanyang kamalasan lng yan. at ang pinaka ayaw ntin pag walang awra. haha.

* pa vote nmn po sana sa CHORVA BLOG AWARDS for week 7. salamat po.

Mac Callister said...

hahaha buti nahugasan mo puke mo nung gabi!

:)) ;)) ;;) :D ;) :p :(( :) :( :X =(( :-o :-/ :-* :| 8-} :)] ~x( :-t b-( :-L x( =))

Post a Comment