rss
twitter
    Ako ay sundan. Follow me, follow me. Falalalala
Ang mga pahina sa blog na ito ay maaaring naglalaman ng mga imahe at katagang di angkop sa mga batang mambabasa. Rated R ito, mga Kaechos! Patnubay ng magulang ay kailangan. Chos! Kung nagtataka kang bakit Echoserita ang pangalan nito, basahin ito.

Tres Marias

Related Stories Widget by LinkWithin

tres mariasNung nasa college pa ako, binansagan kami ng teacher namin sa Psychology na “tres marias”: ako, ang best friend kong si Mckhoii na isa ding bakla, at si Alex na, hmm, ewan, wala pa naman siyang inaamin. May gerlpren din siya ngayon, cover girl, as in panakip butas. Charot!

(Oo kami yang nasa pictures, nung kami'y mga chaka na uod pa lamang. Ngayon ay mga paru-paro na, with beautiful colors!)

Minsan din, ang tawag ng Psycho teacher namin na ito sa amin ay 3B, which means: Bakla, bading, bayot!

Echos lang.

Ang 3B ay dahil sa B nagsisimula mga apelyido naming tatlo, at di naman sa pagmamayabang kaming tatlo din ay kabilang sa mga Bida sa klase.

Yan ay yung nasa kolehiyo pa ako, at noong nasa probinsiya pa ako kung saan unang inangkin ang aking katawan ng diyowa ko noon. But that's another story.

Ngayong andito na ako sa Pampanga, iba na ang takbo ng buhay ko.

Pero di ko akalain dito din pala ay magkakatres marias na naman ako.

Andiyan si Friendship Jeff. Instructor ng HRM. Maganda. Balingkinitan ang katawan. Ang buhok pang Sinukwan Festival, parang walis. Ang damit pangtaas laging fit at pang-girlalu. Nakadoll shoes pag nagkaklase. Malandi talaga!

Minsan na siyang pinatalsik sa trabaho dahil sa pagsusuot niyang ganito, pinatalsik siya ng isang echoserang umechos din sa akin noong nasa kolehiyo pa ako back in our province in the Land of Promise. Itago na lang natin sa pangalang “Black Eyed Peas” ang echoserang yun, na ngayon ay siya na ang nawala sa institusyon, at si Friendship naman ang pinabalik.

Mahabang kwento. Balik kay Friendship.

Sumasali si Friendship sa mga gay contests dito sa Pampanga. Dagdag kita na din daw yun.

Minsan naging 1st runner up siya. Malaki-laki din naibulsa niya, at siyempre medyo galit siya doon sa nanalo. Ganyan naman talaga, inggitan. Bitter sa nanalo. Natural lang yun.

Naikwento din niya ang pagsali niya sa isang gay pageant. Mga damuhan at kung anu-ano pa daw dinaanan niya tas 500 lang daw napanalunan niya.

Eto si Friendship at ang buhok niyang parang walis tambo.

jeffrey malig
Ang kukumpleto naman sa Tres Marias kasama ako at si Friendship ay si Sir Deng. Short for Dennis. Simpleng tao. Macho. Malandi, kasi panay tsansing sa mga estudyanteng nagpapatsansing naman din. Malandi din!

Kaya nga ang tawag ko sa kanya eh “malanDENG baDENG”.

dennis placenteSi Deng at ang kanyang walang-postiso-sa-taas na ngiti.

58 years old na xa sa puntong ito. Karamihan sa mga buhok niya ay puti na at unti-unti nang nalalagas. Wala na din siyang mga ngipin sa taas at ayaw na daw niyang isuot ang postiso niya.

Mahilig siyang magwave-wave ng buhok niya papuntang likod.

“Feel mo namang mahaba ang buhok mo eh paubos na nga yang buhok mo eh!” minsang naibiro ko sa kanya.

“Hindi!” sabat naman ni Friendship Jeff. “Bata pa yan si Deng, tingnan mo nga di pa tinutubuan ng buhok.”

Pag inookray ang matanda tungkol sa kanyang edad, heto naman ang banat niya.

“Sige nga, abutin niyo nga edad ko! Baka mamaya diyan pag-uwi niyo paglalamayan na kayo!” with matching inis yan, pero konti lang.

Ganyan kami kasayang tatlo pag magkasama. At ngayong last day ko nang magbantay sa enrolment, at sa pasukan pa eh hindi ako dito sa San Fernando naitalaga, eh talagang mamimiss ko sila.

At dahil diyan, ito ang Song for this Post natin:

Sister Sledge - We Are Family

We are family
I got all my sisters with me


Charuz!

6 comments:

joanjoyce said...

dahil tres marias kayo jan sa pamp. bakit kaya di kayo gumawa ng single ladies version nyo hahaha viral ito ni im sure papatok ang tres marias from pampanga hihi in fairness (english din) may asim pa si deng ah ;) at i know (english na naman) keri mo din ang babydoll shoes at girly tops like Jeff kasi mas balinkinitan ka naman sa kanya devah? ;)

mckhoii said...

haha! korek ka jan sis... nakaka-miss nga yung mga moments natin nung college days! Hmmm... Oh well, sa paglalakbay mo nga naman sa kung alin mang daan ang tatahasin mo sa iyong buhay eh meron at meron talagang mga tao (kai-bigan man o ka-ibigan)na makikilala mo at magiging parte na rin ng iyong buhay. Isa lang ang masasabi ko kay Jeff... kamukha niya si valerio seno

Echo Serita said...

@ Ate JJ - wala ng pagkakataong gumawa ng single ladies, di na kasi uso. haha.

@ mckhoii - LOL at valerio seno

val seno said...

irooooooooooooo kaau ka makoy......krn pa nako ni nabasa,,,ug wa nako gi google akong name di nako makit an akong picture dre.....char....

Echos Erita said...

haha. kalooy nimo val ui. pasalamat ka gi-google nimo imong name. at least na kay isa pa ka point for fame in the internet. as for me? nah, daghan kaaug results, tungod sa akong pagkablogger.

val seno said...

irooooooooooooo kaau ka makoy......krn pa nako ni nabasa,,,ug wa nako gi google akong name di nako makit an akong picture dre.....char....

:)) ;)) ;;) :D ;) :p :(( :) :( :X =(( :-o :-/ :-* :| 8-} :)] ~x( :-t b-( :-L x( =))

Post a Comment