rss
twitter
    Ako ay sundan. Follow me, follow me. Falalalala
Ang mga pahina sa blog na ito ay maaaring naglalaman ng mga imahe at katagang di angkop sa mga batang mambabasa. Rated R ito, mga Kaechos! Patnubay ng magulang ay kailangan. Chos! Kung nagtataka kang bakit Echoserita ang pangalan nito, basahin ito.

Salamat, Salamat

Related Stories Widget by LinkWithin

salamat po, thank you capSalamat at natapos din ang pagmamatron ko sa mga batang nagduty ng Philippine Orthopedic Center.

Salamat at babalik na din ako sa apartment namin.

Salamat at ‘di na ako gigising ng alas kuwatro ng umaga para gisingin ko ang mga estudyante ko para maghanda para sa kanilang duty na 6 am to 10 am.

Salamat at ‘di na ako gigising uli para naman sa mga estudyante kong magduduty ng 2 pm – 6 pm.

Salamat sa Metrodorm na siyang tinirhan namin.

Salamat sa aircon ng room namin na pilit kong pinapatay pag di ko na kaya ang lamig, at dahil may mga kasama akong gusto ang malamig, hanggang pahinaan lang ang aircon ang kaya kong gawin.

Salamat sa mga pagkain sa Metrodorm. Salamat din sa juice nilang parang tubig lang. Ika nga “waterade” at di lemonade.

Salamat din sa ilang beses na pagpunta ko ng banyo para maligo na walang tubig. Kung kelan ako natapos sa wisik-wisik na lang at nakapagbihis na ay dun pa bumabalik ang tubig. Pakshet!

Salamat din sa mga multo na bumibisita sa amin doon.

Salamat sa mga “orange boys” doon na nagbibigay kulay sa lugar at buhay matron ko. Lalo na kay Eugene, ang first love ko doon, ang asawa ko. Pero di niya alam na mag-asawa kami. At kay JM, ang kabit ko naman doon. Pero hindi din niya alam na kabit lang siya.

Salamat sa libreng masaheng ibinigay sa amin ng may-ari ng dorm. Hindi siya ang mismong nagmasahe sa amin, gaga! Binigyan niya lang kami ng gift certificates. Bongga!

Salamat din sa ibibigay niyang gift certificate worth 2k sa amin. (Asan na po yun?)

Salamat sa ibang gwapong boys na dormers (estudyante man o hindi) doon. Kahit papano eh nagagawa niyong maglubricate ng kusa ang puke ko kahit hanggang tingin lang at takam ako sa inyo.

Salamat sa mga mababait kong estudyante.

Salamat din sa mga pasaway kong estudyante, lalo na ang mga boys. Kung kelan malapit na kaming uuwi eh dun pa nagloko: uminom at gumawa pa ng eksena sa dorm. Leche!

Salamat kay Mang Cesar na nagpapainit ng ulo namin. Salamat sa iyo at naghintay ng dalawang oras ang mga estudyante ko sa kakahintay sa van. Salamat din at sa huling araw ay pinaalis mo ang tatlong van na wala man lang sakay na C.I.. In short, iniwan niyo kami! San niyo kami papasakayin pauwi, ha?

Salamat sa mga guard ng Metrodorm na puro palusot.

Salamat sa tindahan ng pirated CD/VCD/DVD sa likod ng Metrodorm. Salamat sa mga available niyong Pokemon DVD! (Naka-230 din kayo sa akin ah!)

Salamat at may cheke ako sa kaka-matron ko! First time kong magkacheke! Yahoo!

Salamat sa may-ari ng Metrodorm at ititreat kami sa labas. Yahoo uli!

Salamat sa karanasang maging “matron”. Hindi na ako magrereklamo bakit matron ang tawag dun eh pangbabae lang ang term. Well, babae naman ako so tama lang.

Whatever cadaver!

At dahil, ang kanta natin ngayon ay ito:

One night and one more time
Thanks for the memories
even though they weren't so great

5 comments:

jgsmart said...

hi zhang! miss ur blog na po!

Kosa said...

happy Thanks Giving po!

Echos Erita said...

jgsmart - miss ur blog na din. what happened to it? tinatamad ka na atang magblog?

Kosa - ang tagal kong nakareply. sobrang isang taon na. hahaha.

Kosa said...

happy Thanks Giving po!

jgsmart said...

hi zhang! miss ur blog na po!

:)) ;)) ;;) :D ;) :p :(( :) :( :X =(( :-o :-/ :-* :| 8-} :)] ~x( :-t b-( :-L x( =))

Post a Comment