rss
twitter
    Ako ay sundan. Follow me, follow me. Falalalala
Ang mga pahina sa blog na ito ay maaaring naglalaman ng mga imahe at katagang di angkop sa mga batang mambabasa. Rated R ito, mga Kaechos! Patnubay ng magulang ay kailangan. Chos! Kung nagtataka kang bakit Echoserita ang pangalan nito, basahin ito.

Ang Purong Pasyon ni Papa P

Related Stories Widget by LinkWithin

SM Mall of AsiaNagpunta kami ng Mall of Asia kahapon. First time ko. First time din ng mga kasama kong C.I. Pero kahit ganun, ‘di namin pinahalata sa mga tao na first time namin. Taas noo lang as if pang-ilang beses na namin na pagpunta yun.

Ang laki ng MOA. Ang sosyal. Bagay sa akin.

Naglakad-lakad kami ni Ma’am Mildred. Siya lang kasi ang kasama ko. Nagmall tour kami. Pero hindi sa loob. Sa labas. Nakalabas kasi kami at lagi kong sinasabing sa unahan may entrance.

Hanggang sa natour talaga namin ang mall—sa labas. NagLuneta na lang sana kami…

drag me to hell, sm mall of asiaAt nang magkita na kami ng isa pang clinical instructor, nanood kami ng sine.

Drag Me To Hell.

Tawa kami ng tawa. ‘Di naman siya comedy.

At nang maghiwalay uli kami, at kami na namang dalawa ni Ma’am Mildred, nagmall tour uli kami. Pero this time sa loob na talaga ng mall. Charged to experience na lang ang nangyaring mall tour sa labas.

Dahil mahirap ang lola niyo sa panahong yun, isa lang talaga ang nakabudget na aking bibilhin.

Pabango.

Sa Oxygen lang talaga ang pabango ko.

Pero nung napadpad kami sa Bench. Naamoy ko ang Pure Passion ni Piolo Pascual.

Ang bango.

piolo pascual sexy pic, bakat“Ayoko kay Piolo,” sambit ko.

Lumabas kami ng Bench. Nagtanong kami sa Information kung saan ang Oxygen.

Pagdating sa Oxygen, tumingin sa ilang damit. At pabango na aking paborito sa store nila.

Pero biglang nagbago ang isip ko.

Bumalik kami sa Bench. Sininghot ko uli si Piolo. Ang bango talaga.

“Mabango sana, kaya lang ayoko talaga si Piolo!” reklamo ko. Nagbago na naman isip ko.

Bumalik uli sa Oxygen.

At kahit na yung 11:55 talaga ang pabango ko, sinubukan ko ang bangong pabango ng Oxygen.

Heto siya.

Oxygen Captivate perfumeMabango din. Mura pa. 499 lang. Heto na lang, kasi ayoko talaga kay Piolo! 'Di kami bagay. Kasi babae ako, pabagu-bago ng isip, at siya ay...

Hindi kami talo!

At dahil diyan, ito ang ating kanta ngayon:

Blakdyak - Modelong Charing

7 comments:

Mac Callister said...

hehehe cute post,natawa ako sa di kayo nagpahalata na first time nyo at nalibot nyo mall paghahanap ng parking LOL

mckhoii said...

Hahaha! Libel na ni Kuya Piolo o

joanjoyce said...

aba parang si Adam Lambert ba ito na naamoy agad si Piolo? I mean yug pabango ni Piolo? ahahaha..

Zang Caesar said...

@ Mac - tama ka kapatid, laging parking lot na tour namin.

@ mckhoii - ay, ganun? cge babaguhin ko ang sulat ko, baka masampahan ako ng kaso, wala akong pangdepensa.

@ joanjoyce - oo, nababaklaan ako sa kanya eh. ahihi

Zang Caesar said...

@ Mac - tama ka kapatid, laging parking lot na tour namin.

@ mckhoii - ay, ganun? cge babaguhin ko ang sulat ko, baka masampahan ako ng kaso, wala akong pangdepensa.

@ joanjoyce - oo, nababaklaan ako sa kanya eh. ahihi

joanjoyce said...

aba parang si Adam Lambert ba ito na naamoy agad si Piolo? I mean yug pabango ni Piolo? ahahaha..

ispluk said...

ahahahaha! okay lang din naman si piolo ahahaha! keri na yun. gwapo naman at macho papasa na hahahaha! isipin mo na lang ham yan.

:)) ;)) ;;) :D ;) :p :(( :) :( :X =(( :-o :-/ :-* :| 8-} :)] ~x( :-t b-( :-L x( =))

Post a Comment