rss
twitter
    Ako ay sundan. Follow me, follow me. Falalalala
Ang mga pahina sa blog na ito ay maaaring naglalaman ng mga imahe at katagang di angkop sa mga batang mambabasa. Rated R ito, mga Kaechos! Patnubay ng magulang ay kailangan. Chos! Kung nagtataka kang bakit Echoserita ang pangalan nito, basahin ito.

Bakit Echoserita?

Related Stories Widget by LinkWithin

echosera, echoserita, gay blogDati pa akong nagboblog. Nagsimula akong magsulat sa internet noong kasagsagan ng pagrereview ko ng board exam namin. Pagkatapos ng review, diretso agad sa internet café kasi nasa tapat lang ng review center namin. Nakakauwi na ako ng dorm ng mga hatinggabi, halos gabi-gabi.

Pero ang sinusulat ko noon ay English. Sa awa ng Diyos, ‘di naman dumugo ilong ko sa kakaEnglish. Naexcite kasi ako noon kung paano kumita sa pagboblog. Yun, at kumita din naman ang blog ko.

Nagtagal din ako sa pagboblog. Umabot sobra sa isang taon. (Matagal na din yun no!) Natigil lang ako sa pagsusulat ng magkaroon ako ng trabahong may kinalaman talaga sa propesyon ko, nars, at iyon ang pagiging clinical instructor ko ngayon.

Naisipan kong magbalik ng blog noong 23th birthday ko. Este 23rd pala. Dahil na rin sa udyok ng bespren kong bading na magblog, nagblog na ako. Yun nga lang ngayon ay di na Ingles, kundi Tagalog na, at tungkol sa kabadingan ko, kabadingan mo, at kabadingan ng lahat at pati ng buong mundo. Maraming dahilan kung bakit ganito ang naitayo kong blog.

So bakit Echoserita?

Echosera sana ang ipapamagat ko. Kaso nakuha na ng kung sino mang punyeta. Marami ding sumaging ibang pamagat sa isip ko kaya lang mas feel ko talaga ang echosera. At dahil hindi na pwede talaga, ginawa ko na lang Echoserita, smaller version ng Echosera.

Kung may kutsara, may kutsarita. Kung may planggana, may plangganita. Kung may lamesa, may lamesita. Kung may impakta, may impaktita.

Kung may echoserang bakla, may mabubugbog.

Now you know!

At dahil diyan, ito ang kanta natin ngayon:

Panic! At The Disco - I Write Sins Not Tragedies

Dahil dito itatampok ang mga kasalanan ko, kasalanan mo, at kasalanan ng sangkabadingan, at pati na rin ang mga trahedya ng isang buhay bakla.

Chos!

4 comments:

joanjoyce said...

mas ok ang meaning kung yung echoserita e echoserang senyorita, totyalin diba? hahaha

Zang Caesar said...

aba, maganda din. nice idea!

Zang Caesar said...

aba, maganda din. nice idea!

joanjoyce said...

mas ok ang meaning kung yung echoserita e echoserang senyorita, totyalin diba? hahaha

:)) ;)) ;;) :D ;) :p :(( :) :( :X =(( :-o :-/ :-* :| 8-} :)] ~x( :-t b-( :-L x( =))

Post a Comment