rss
twitter
    Ako ay sundan. Follow me, follow me. Falalalala
Ang mga pahina sa blog na ito ay maaaring naglalaman ng mga imahe at katagang di angkop sa mga batang mambabasa. Rated R ito, mga Kaechos! Patnubay ng magulang ay kailangan. Chos! Kung nagtataka kang bakit Echoserita ang pangalan nito, basahin ito.

Patay Na Si Zang Caesar, at Iba Pang Kwentong Kamatayan

Related Stories Widget by LinkWithin

coffinNoong gabi ng Biyernes, nagtext sa akin si Pao.

Nasa hospital daw ang nakababata niyang kapatid. Ewan ko kung sino sa dalawa, di na niya binanggit. Siguro alam niyang kahit banggitin niya eh maguguluhan ako, kasi hanggang ngayon nalimutan ko na mga edad nun. 10 at 9 years old ata. O kaya 10 at 8. Hay ewan. Di ko rin kasi nakilala mga yun. Hindi ko alam kung ang mas matanda ba sa dalawa ang nahospital o yung bunso nila.

At kung sino man si Pao, wag ka nang makialam. Bumasa ka na lang.

At kung nagtataka ka bakit ako nagtaTagalog na ngayon, wala ka na ring pakialam doon. Baka ka na lang, pwede?

Dumudugo na kasi ang ilong–pati puwet–ko sa kakaEnglish. Kasi lagi akong nag-eEnglish kahit pa yung sarili ko lang kausap ko. Kaya Tagalog na muna.

Okay, balik na sa going bulilit na nahospital.

Mga alas singko ng madaling araw ng Sabado, nagtext uli sa akin si Pao. Patay na daw yung kapatid niya. Kawawang bata. Bumigat tuloy ang pakiramdam ko.

At napag-usapan na ang patayan, dito ko na lang ipaparating ang mensahe sa lahat na patay na po si Zang Caesar. Kung iniisip niyo bakit pa siya nakapagsusulat ng blog niya dito (na ngayoy Tagalog na!), iyon ay dahil nagmumulto siya sa kadahilanang di siya pinapasok sa langit. Tapos na kasi daw magdecorate doon, at di na kailangan ang tulong niya.

Gago!

Hindi po. Ang ibig ko pong sabihin ay patay na si Zang Caesar. Yung blog/website ko po na www.zangcaesar.com.

Kawawang blog.

Hindi ko na kasi narenew web hosting at domain registration ko. Wala na kasi akong pera.

Kawawang bakla.

At kung di mo alam kung ano ang web hosting at domain registration, ikaw naman ngayon ang kawawa!

Ngayon, balik uli sa tungkol sa pagtaTagalog ko.

Naisip kong isatitik na lang ang aking mga diwa sa ating wikang pambansa dahil sa mga naging inspirasyon ko:

Una, si Bob Ong. Sa pagbabasa lang ng dalawa (Stainless Longganisa at Bakit Baliktad Magbasa ng Libro ang mga Pilipino) sa mga libro niya, eh naturuan niya akong mahalin ang ating bansa, at isang paraan nito ay ang pagmamahal natin sa sariling wika.

Chos!

Pangalawa, si Mandaya-Moore. Oo, tunog Mandy Moore, pero iba ginagamit niya kung kumakanta siya. Kung ano man yun, wag ka na lang makialam! Pakialamera ka talaga! Pero kung mapilit kang makialam, hala, puntahan at basahin mo mga sulat niya, mga sulat na ubod ng katatawanan.

O hala, click mo to para dalhin ka sa blog niya.

Pangatlo, dahil sa mga tao dito sa San Fernando, Pampanga. Dahil di ko pa masyado naiitindihan ang Kapampangan, kailangan kong maging bihasa sa Tagalog lalo pa’t hindi ito ang salitang kinalakihan ko kundi Bisaya/Cebuano, at siyempre yang Tagalog din ang ginagamit ko dito para magkaintindihan kami.

Kung sino ka mang nagbabasa nito, at kung ikaw ay Pilipino, sana mahalin natin ang ating bansa. Walang ibang magiging dahilan ng pagkamatay ng ating kultura at pagiging Pilipino kung tayo mismo ay hindi natin ito mahal. At sino mang Pilipino na hindi marunong magmahal sa sariling wika ay higit pa ang amoy sa PATAY na isda.

Sa mga namatayan, condolence! Sa mga namatay, yahoo!

At dahil diyan, eto ang ating kanta ngayon:

Dead and Gone - T.I. feat. Justin Timberlake

3 comments:

joanjoyce said...

hehehehe mahirap kumita pag nagtagalog weh pero hmmmm pag isipan ko yan mejo nala-lock jaw na din ako kaka ingles eh hahaha..

maligayang pagbabalik zang ang kulit ng post mo kahit may trahedya pa e nakakawindang pa din sa komedya kahit feel ko e siryus ka don ah ;)

Zang Caesar said...

oo nga, ate, mahirap kumita ng pera ang blog pag Tagalog. pero panglibang ko lang to eh. next time na ako gagawa ng English na naman ng blog na mapagkakaperahan. busy din kasi sa trabaho.

salamat sa pagbisita, ate JJ. namimiss na kita.

ano nga pala uli number mo? nagloko kasi cp ko, biglang nag factory settings. kainis

joanjoyce said...

hehehehe mahirap kumita pag nagtagalog weh pero hmmmm pag isipan ko yan mejo nala-lock jaw na din ako kaka ingles eh hahaha..

maligayang pagbabalik zang ang kulit ng post mo kahit may trahedya pa e nakakawindang pa din sa komedya kahit feel ko e siryus ka don ah ;)

:)) ;)) ;;) :D ;) :p :(( :) :( :X =(( :-o :-/ :-* :| 8-} :)] ~x( :-t b-( :-L x( =))

Post a Comment