rss
twitter
    Ako ay sundan. Follow me, follow me. Falalalala
Ang mga pahina sa blog na ito ay maaaring naglalaman ng mga imahe at katagang di angkop sa mga batang mambabasa. Rated R ito, mga Kaechos! Patnubay ng magulang ay kailangan. Chos! Kung nagtataka kang bakit Echoserita ang pangalan nito, basahin ito.

Luha

Related Stories Widget by LinkWithin

crying man, crying boy, crying hunk, tearsPumunta kanina dito sa bahay si Pao. Kinausap niya ako tungkol sa nangyayaring pagkakalabuan namin.

Habang nagsasalita siya, umiiyak siya. Sumikip tuloy and dibdib ko, at lunok lang ako nang lunok na para bagang pinipilit kong lunukin ang Adam's apple ko, isang sumpa ng aking pagkabakla.

Hindi ako masyadong umimik. Baka kasi ano pa masabi ko. Baka magtalo na naman kami. Andun lang ako nakaupo sa hapag-kainan. Nilalaro-laro ang cellphone habang nagsasalita siya.

Nakinig naman ako siyempre. May breeding naman ako kahit papano.

Pero ang totoo talaga, nasa mga pagkain na sa lamesa nakatuon ang aking atensiyon. Gutom na din kasi ako nun. Ang bastos naman kung kakain ako habang andun siya malapit sa akin, nagsasalita, nagpapaliwanag, habang panay agos ang luha sa mga pisngi niya.

First time kong iyakan ng lalake sa harap. Pero sa kasong eto, hindi sa harap: sa gilid. Andun kasi siya sa gilid ko.

First time ko talaga. Ang haba ng hair ko ha! Abot tuloy sa aming probinsiya. Pati bigote ko mabilis humaba. Shet!

First time ko talaga.

Ganun pala ang pakiramdam ng iniiyakan ka sa harap?

Nakakagutom?

At dahil diyan, ito ang ating Song for this Post:

Akala ko ikaw ay akin
Totoo sa aking paningin
Ngunit nang ikaw ay yakapin
Ikaw pala'y isang bading...

Hindi ko na kailangan
Umalis ka na sa aking harapan
Damdamin ko sayo ngayon ay naglaho na.
At ito ang yung tandaan, ako masyadong nasaktan...

13 comments:

joanjoyce said...

hehehe di ko pa naexperience yan ah, winner ka jan shofatid ;) weh bati na ba kayo? o rest na talaga ang "heart at pu.........k......e" mo? ahehehe go girl! ;)

Zang Caesar said...

bati na kami, pero friends na lang. kelangan ng putulin ang aming relasyon. charing!

Diwata said...

malandiiii!!! hahaha... gurl, keri ko rin iyakan ng boys... parang Dyosa... sinasamba... ahihihih...

Zang Caesar said...

madami na sigurong umiyak na boys sa iyo, te no?

Diwata said...

panu ba yan teh, ako ang pinapaiyak ng boys.. mga leche

Zang Caesar said...

kahit ako naman eh, iyak ng iyak noon. pero ngayon, di na masyado. cguro tumigas na puso ko. :(

Diwata said...

big gurl ka na teh! ahihihihi

Zang Caesar said...

ay oo nga teh, yun na nga. Fergie na aketch

ladyphantom said...

haba ng hair mo talaga te:)

Echos Erita said...

naman! gusto mo ibigay ko sa iyo ibang length ng buhok ko?

ladyphantom said...

haba ng hair mo talaga te:)

Diwata said...

big gurl ka na teh! ahihihihi

Zang Caesar said...

madami na sigurong umiyak na boys sa iyo, te no?

:)) ;)) ;;) :D ;) :p :(( :) :( :X =(( :-o :-/ :-* :| 8-} :)] ~x( :-t b-( :-L x( =))

Post a Comment