rss
twitter
    Ako ay sundan. Follow me, follow me. Falalalala
Ang mga pahina sa blog na ito ay maaaring naglalaman ng mga imahe at katagang di angkop sa mga batang mambabasa. Rated R ito, mga Kaechos! Patnubay ng magulang ay kailangan. Chos! Kung nagtataka kang bakit Echoserita ang pangalan nito, basahin ito.

Clark

Related Stories Widget by LinkWithin

Hindi ito pangalan ng bago kong boylet, dahil sa totoo lang wala akong boylet ngayon. Dry ang lovelife ko. Mas dry pa sa El Niño. Kaya nga nagcrack na ang aking mga labias: ang lips sa taas, at ang lips sa likod.

Pinagpapahinga ko din muna puso ko. Kung baga sa natutunan ko sa Psychiatric Nursing namin noon, ito ang tinatawag na “grieving process”. Etch!

O ha! May natutunan pala ako sa kolehiyo.

Bukod pa sa puso ko, pinagpapahinga ko din muna ang puke ko. Puke sa likod, na kweba ng peanut butter, pangkare-kare.

Si Clark ay lugar dito sa Pampanga, sa Angeles.

Niyaya kasi ako ng mga naging estudyante ko dati na sumama sa outing nila.

Kaya kasama si Friendship, tumungo ako sa Angeles. Bumaba kami ng Main Gate.

Kasi nga gabi ng Biyernes yun, weekend, maraming mga pusang gala, pati aso doon. Buga dito, buga doon ang mga leche. Toma dito, toma doon.

Sinundo kami sa Main Gate ng asawa ni Ma’am Bel, kasamahan ko sa trabao, at ng isang tumba-latang estudyante namin.

May binili muna kami sandali sa 7-11 (ice, at soba) at tumungo kami SM Clark para bumili naman ng cake. Sa kaloob-looban ko ay nakatago ang tuwa at sayang bibilhan nila ako ng cake, kasi birthday ko nung nakaraan. Pero gumuho ang mundo ko kasi ang cake na iyon pala ay para sa birthday ng isang estudyante naming sumama din sa outing. Birthday din kasi niya nung nagdaang araw. Gumuho tuloy bigla ang mundo ko. Hindi sila sweet sa akin. Ampota!

Sa mall ay naging attensiyon ang hita ng baklang Friendship. Ang iksi-iksi kasi ng suot na shorts.

Feel niya ang moment. Feel ko na lang din, kasi kahit papano, nakikita na rin nila ang kagandahan ng kasama ng baklang Friendship. Ehem! Tinodo ko na lang ang pag-feel. "Taas noo, kahit kanino. Ang Pilipino ay ako" ang naging tema ng pagrampa ko sa mall.

Pagkatapos ng halos kalahating oras sa mall, rumatsada na ang kotse papuntang Fontana.

Maganda ang lugar. Malinis. Sosyal. Bagay sa akin. Etch!

May casino. May mga villas. Centralized ang bawat villa. Di bagay sa akin. Mabilis kasing giniginaw ang patpatin kong katawan.

Dahil gabi kaming dumating ng bakla, kinabukasan ko na napasyalan ang mga surroundings.

Maganda talaga ang lugar. Malinis kasi talagang may maintenance. Sosyal ang lugar. Bagay na bagay talaga sa akin!

Fontana Leisure Park, Clark, Angeles, Pampanga, PhilippinesSi Friendship at si Ma'am Bel, mga diwata sa fountain.


Fontana Leisure Park, Clark, Angeles, Pampanga, PhilippinesWalang perang pang-order ang mga bruha, kaya uupo-upo kunwari habang 'di pa bukas ang resto.


swimming pool at Fontana Leisure Park, Clark, Angeles, Pampanga, PhilippinesWalang pambayad sa swimming...


Fontana Leisure Park, Clark, Angeles, Pampanga, PhilippinesPinagpraktisan ang hagdan paano bababa ng hindi matatapilok, isang paghahanda para sa beauty pageants.


inside the villa at Fontana Leisure Park, Clark, Angeles, Pampanga, PhilippinesBoys, mga estudyante namin sa loob ng villa.

Dahil di pa kami nakakapananghalian kinabukasan at kailangan nang magcheck-out, dinala na lang ng mga estudyante namin ang mga pagkain at pumunta ng Nayong Pilipino lulan ng dalawang sasakyan.

Doon na kami lumafang. At nagpapapicture-picture na din kami.

Nayong Pilipino at Clark, Angeles, Pampanga, PhilippinesDahan-dahan lang kasi madulas ang sahig, nilulumot.


a replica of a kalesa or horse carriage at Nayong Pilipino at Clark, Angeles, Pampanga, PhilippinesVice Ganda, ikaw ba yan! Takbo! Takbo! Ay, ba't ayaw mo?


a replica of Barasoain Church at Nayong Pilipino at Clark, Angeles, Pampanga, PhilippinesFeeling artista ang gaga.


Nayong Pilipino at Clark, Angeles, Pampanga, PhilippinesSi Chester at Ken, at ang dalawang titser nilang bakla sa likod, nagtsitsismisan, at ang asawa ni Ma'am Bel, nakaupo, tumatae.


fountain at Nayong Pilipino at Clark, Angeles, Pampanga, PhilippinesSi Chester lumilipad.


Nayong Pilipino at Clark, Angeles, Pampanga, PhilippinesSi Christian, uhaw na uhaw.


Coke Zero, fountain, Nayong Pilipino at Clark, Angeles, Pampanga, PhilippinesSi Christian uli, may dalang Coke na parang lablayp ko lang: ZERO.


Nayong Pilipino at Clark, Angeles, Pampanga, PhilippinesRampa for a cause.

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -
Glossary of Terms:

grieving process – pagdadalamhati

Angeles – ang lugar ng mga anghel na walang langhit, lugar ng mga poka-poka (babae at pati na rin lalake)

tumba-lata – tomboy

soba - sigarilyo

villa – villa, as in, Nova Villa

At dahil diyan, ito ang kanta natin ngayon:

Kuh Ledesma - Ako Ay Pilipino

Ako ay Pilipino
Ang dugo'y maharlika
Likas sa aking puso
Adhikaing KAY GANDA
(katulad ko!)
Sa Pilipinas na aking bayan
Lantay ng Perlas ng Silanganan (kasi alagang-alaga ako sa Perlas ko, virgin pa nga eh!)
Wari'y natipon ang kayamanan ng Maykapal


Ako ay Pilipino, dahil yun ang aking drama sa SM Clark, at dahil na din sa napadpad kami sa Nayong Pilipino. At kahit half-Filipino ako, mahal ko ang aking lahing Pinoy.

At ang isa pang half ko? HALF-FILIPINA!

Laban ka?

7 comments:

joanjoyce said...

ang ganda ng pics anong cam nyo hihi.. fashionista ang dating ah dapat talaga mag fashion blog ka din eh ;) cutie ng mga boylet mong students ah ingat ingat ahehehe..

mckhoii said...

kamukha ni chester si michael jackson. ANyway, enjoy na enjoy ako sa mga post mo sis. Ipagpatuloy mo ang kabadingan!

Zang Caesar said...

@ ate jj - Kodak MD168 ata model ng cam ko. nakalimutan ko na. basta Kodak. oo nga, maganda nga kuha niya. may sony cybershot yung kasama ko sa trabaho pero mas maganda kuha ng Kodak. trust me.

next time, cguro, magpafashion blog ako. hehe..

oo nga cutie, kaso hanggang tingin ka lang. bawal ang galawin.

@ mckhoii - thanks sa suporta ate. ikaw pa naman ang nad udyok sa akin na magblog uli. tankyu at pakyu!

@

athenee said...

maganda nga legs ng friendship mo at maganda rin siya....mukhang mas bumata ka nga ngayon...hindi naman ibig sabihin na mukha kang matanda o mature dati nung nasa kolehiyo pa tayo...siguro kasi stress lang tayo lagi noon dahil sa sobrang daming requirements sa duty at kung anu ano pa...napaka aktibo mo pa naman sa skwelahan natin dati...nga pala ung mga nasimulan niyong mga activities sa mga clubs ay pinagpatuloy parin at hit na hit ang mga ito...enjoy nga naman kasi! enjoy din ako sa pagbabasa ng mga blog mo...susubaybayan ko na ito..jejeje

Zang Caesar said...

@ athenee - salamat sa pagsubaybay. naway kahit sa kabaklaang sinusulat ko eh napapasaya ko kayo.

oo nga, baka dahil lang sa stress nung college... stress sa school at love life. ahem.

Zang Caesar said...

@ athenee - salamat sa pagsubaybay. naway kahit sa kabaklaang sinusulat ko eh napapasaya ko kayo.

oo nga, baka dahil lang sa stress nung college... stress sa school at love life. ahem.

joanjoyce said...

ang ganda ng pics anong cam nyo hihi.. fashionista ang dating ah dapat talaga mag fashion blog ka din eh ;) cutie ng mga boylet mong students ah ingat ingat ahehehe..

:)) ;)) ;;) :D ;) :p :(( :) :( :X =(( :-o :-/ :-* :| 8-} :)] ~x( :-t b-( :-L x( =))

Post a Comment