Zang Caesar
salamat, thank you, gratitudeSalamat at natapos din ang pagmamatron ko sa mga batang nagduty ng Philippine Orthopedic Center.

Salamat at babalik na din ako sa apartment namin.

Salamat at ‘di na ako gigising ng alas kuwatro ng umaga para gisingin ko ang mga estudyante ko para maghanda sa kanilang duty na 6 am to 10 am.

Salamat at ‘di na ako gigising uli para naman sa mga estudyante kong magduduty ng 2 pm – 6 pm.

Salamat sa Metrodorm na siyang tinirhan namin.

Salamat sa aircon ng room namin na pilit kong pinapatay pag di ko na kaya ang lamig, at dahil may mga kasama akong gusto ang malamig, hanggang pahinaan lang ang aircon ang kaya kong gawin.

Salamat sa mga pagkain sa Metrodorm. Salamat din sa juice nilang parang tubig lang. Ika nga “waterade” at di lemonade.

Salamat din sa ilang beses na pagpunta ko ng banyo para maligo na walang tubig. Kung kelan ako natapos sa wisik-wisik na lang at nakapagbihis na ay dun pa bumabalik ang tubig. Pakshet!

Salamat din sa mga multo na bumibisita sa amin doon.

Salamat sa mga “orange boys” doon na nagbibigay kulay sa lugar at buhay matron ko. Lalo na kay Eugene, ang first love ko doon, ang asawa ko. Pero di niya alam na mag-asawa kami. At kay JM, ang kabit ko naman doon. Pero hindi din niya alam na kabit lang siya. (Ang haba ng hair ko, teh!)

Salamat sa libreng masaheng ibinigay sa amin ng may-ari ng dorm. Hindi siya mismo ang nagmasahe sa amin! Gaga! Binigyan niya kami ng gift certificate. Bongga!

Salamat din sa ibibigay niyang gift certificate worth 2k sa amin. (Asan na po yun?)

Salamat sa ibang gwapong boys na dormers (estudyante man o hindi) doon. Kahit papano eh nagagawa niyong maglubricate ng kusa ang puke ko kahit hanggang tingin lang ako sa inyo.

Salamat sa mga mababait kong estudyante.

Salamat din sa mga pasaway kong estudyante, lalo na ang mga boys. Kung kelan malapit na kaming uuwi eh dun pa nagloko: uminom at gumawa pa ng eksena sa dorm. Eksenadoro!

Salamat kay Mang Cesar na nagpapainit ng ulo namin. Salamat sa iyo at naghintay ng dalawang oras ang mga estudyante ko kakahintay ng van. Salamat din at sa huling araw ay pinaalis mo ang tatlong van na wala man lang sakay na C.I.. In short, iniwan niyo kami! San niyo kami papasakayin pauwi? Grr…

Salamat sa mga guard ng Metrodorm na puro palusot.

Salamat sa tindahan ng pirated CD/VCD/DVD sa likod ng Metrodorm. Salamat sa mga available niyong Pokemon DVD! (Naka-230 din kayo sa akin!)

Salamat at may cheke ako sa kaka-matron ko! First time kong magkacheke! Yahoo!

Salamat sa may-ari ng Metrodorm at ititreat kami sa labas. Yahoo uli!

Salamat sa karanasang maging “matron”. Hindi na ako magrereklamo bakit matron ang tawag dun eh pangbabae lang ang term. Well, babae naman ako so tama lang. (Pero pano kina Sir Zes at Sir Pot?) Pwede bang “patrong” itawag dun?

Whatever cadaver!
Zang Caesar
Hay naku, naloka ako sa mga ito!

funny signs

funny signsNakita ni Zang sa Philippine Orthopedic Center
Zang Caesar
drop of waterTubig

Gumising ako ng alas otso y media kanina, pagkatapos sabihin ng dalawa kong kasamahang C.I. na mag-almusal na kami.

Bumaba na sila ng kwarto para mag-almusal. Magkakape lang daw muna sila habang hihintayin akong matapos maligo.

Sa banyo, handa na akong maligo. Ang balde may lamang tubig, kalahati nga lang.

Binuksan ko ang gripo.

Pucha, walang tubig.

Binalalaan kasi kami kahapon na may power outage dito sa Ortigas simula 5 AM hanggang alas nuwebe. Tsaka baka mawalan din daw ng tubig.

Pero alas siyete pa lang ng umaga eh bumalik na ang kuryente.

Ang tubig naman ang nawala.

Pinagkasya ko na lang ang kalahating balde ng tubig sa pagligo ko. Wisik-wisik na lang. Di na nga ako nagsabon. Buti na lang kagabi eh nakapaglinis na din ako ng katawan, ng puke.

Nagbihis na ako pagkatapos. Pero biglang umingay ang banyo.

Bumalik na ang tubig.

Kung kelan pa nakapagbihis na ako.

Malas.

telephone callTawag

Nanananghalian kami nang biglang tumunog cellphone ko.

“I got shivers when you touch away…” awit ni Nicole, na siyang ring tone ko. Jai Ho.

7710 ang numero ng caller.
Nagdalawang isip ako na sagutin.

“Ay ang SMART na naman,” sabi ko.

“Wag mo na sagutin,” sagot ng kasama ko. “Ba’t nila alam isang number mo?”

“Nailagay ko ata ito doon sa application form,” sagot ko.

Di ko na sinagot. Dalawang beses siyang tumawag.

May utang pa kasi ako sa SMART. Sobra sa 19K. Apat na buwang di nabayaran sa plan ko sa kanila.

Eh bakit kasi di nila pinutol nung hindi ako nakabayad agad.

Dati, ilang araw lang, kung lumagpas ako sa deadline bago ako makabayad, putol agad, at babalik na lang pag nakabayad na uli ako.

Akala ko hindi na nila ako matutunton. Kasi ang address ko sa application form yung sa probinsiya ko pa na address. Tapos di ko na rin ginagamit ang nakalinya ko ngayon.

Smart talaga ang SMART.

Malas.

sleeping studentTulog

Pagkatapos ng pagpapamasahe ko kahapon, naramdaman kong lagi akong inaantok ngayon.

Ang katawan ko gusto laging mahiga.

Pero bawal. Dapat kong gawin ang ipangklase ko next week, kasi pasukan na niyan at wala pa akong naihahandang panglecture.

Malas.

Wala pang sahod.

Malas.

Wala ding boylet.

Malas.

Walang katapusang kamalasan.

------------------------

Pansining ang lahat ng salita sa pamagat ng post na to ay nagsisimula ng T at nagtatapos sa G.

Kagaya na lamang ng Titi at Itlog. Nagsisimula sa T, nagtatapos sa G.

Ganundin ang salitang TiganG.

Ako yun!
Zang Caesar
Ilang araw pa lang ang nagdaan ng pagkabasa ko ng sulat ni Migs sa blog niya at kanina ay naranasan ko na ang sinasabi niyang “The Need to be Touched by A Man”.

Binigyan kaming tatlo ng kasamahan kong C.I. ng libreng pang-spa ng may-ari ng Metrodorm. Isang oras at dalawampung minuto. Kung magaling ka sa Math mabilis mong maikompyut yun na 120 minuto.

Si Ma’am Mildred, foot scrub ang inavail. 45 minutes. Lugi siya.

Kami ni Ma’am Chat, body massage na good for 120 minutes.

Pinapasok na kami ng babae sa massage area. Nagrequest ako na lalake ang magmasahe. Hayun, meron pala sila. Gwapo ata. Medyo madilim kasi. Lahat naman kasi gumagwapo sa madilim.

Isang room lang kami ni Ma’am Chat. Magkatabi kaming minasahe. Walang bed. Pangit.

Pangalawang beses ko yung magspa. At unang beses ko yung lalake ang tumira. I mean, nagmasahe. Ewan ko, ‘di ko masyadong damdam ang sarap. Mas masarap pa ata yung nagpamasahe ako sa Zenbaliscape sa San Fernando. Mas masarap ang diin. Sagad sa laman. Kahit babae siya ang sarap ng hagod niya…

E kung sana may extra service din si Lalake eh di sagad din sana sa laman, di ba?

Sa bawat paglapat ng katawan niya sa akin, sinasadya ko minsang malapit sa nota niya. Pero magaling siyang umilag.

‘Di ako nasiyahan sa serbisyo niya. Pero pagkatapos ng masahe, nagbigay ako ng tip na 100. 150 na lang kasi pera ko.

Hindi ako Happy. Hindi na din ako Wealthy, kasi singkwenta na lang ang pera ko.

Happy Wealthy Spa, OrtigasPara lang sa mga Masaya at Mayaman. Dito ako, bago ako nagpamasahe. Pero pagkatapos ng masahe, naisip kong wala pa la akong sasakyang ipampark. Hindi na din ako Happy, o Wealthy.

Ikaw, saan ka paparke?

Dito ba?

Dito ba?

O, dito ba?

Ang dapat mong kalagyan?

Etch!
Zang Caesar
SM Mall of AsiaNagpunta kami ng Mall of Asia kahapon. First time ko. First time din ng mga kasama kong C.I. Pero kahit ganun, ‘di namin pinahalata sa mga tao na first time namin.

Ang laki ng MOA. Ang sosyal. Bagay sa akin.

Naglakad-lakad kami ni Ma’am Mildred. Siya lang kasi kasama ko noon. Nagmall tour kami. Pero hindi sa loob. Sa labas. Nakalabas kasi kami at lagi kong sinasabing sa unahan may entrance.

Hanggang sa natour talaga namin ang mall—sa labas. NagLuneta na lang sana kami…

At nang magkita na kami ng isa pang clinical instructor, nanood kami ng sine.

Drag Me To Hell.

Tawa kami ng tawa. ‘Di naman siya comedy.

At nang maghiwalay uli kami, at kami na namang dalawa ni Ma’am Mildred, nagmall tour uli kami. Pero sa loob na talaga ng mall.

Dahil ang pera ko konti lang, isa lang talaga ang balak kong bilhin.

Pabango.

Sa Oxygen talaga ang pabango ko.

Pero nung napadpad kami sa Bench. Naamoy ko ang Pure Passion ni Piolo Pascual.

Ang bango.

“Ayoko kay Piolo,” sambit ko.

Lumabas kami ng Bench. Nagtanong kami sa Information kung saan ang Oxygen.

Pagdating sa Oxygen, tumingin sa ilang damit. At pabango.

Nagbago isip ko.

Bumalik kami sa Bench. Sininghot ko uli si Piolo. Ang bango.

“Mabango sana, kaya lang ayoko talaga si Piolo,” reklamo ko. Nagbago na naman isip ko.

Balik uli sa Oxygen.

Kahit na yung 11:55 talaga ang pabango ko, sinubukan ko ang bangong pabango ng Oxygen.

Heto siya.

Oxygen Captivate perfumeMabango din. Mura pa. 499 lang. Heto na lang, kasi ayoko talaga kay Piolo! 'Di kami bagay. Kasi babae ako, pabagu-bago ng isip, at siya ay...

Hindi kami talo!
Zang Caesar
drag queen, effeminate gay
Oo, inamin na ni Adam Lambert na siya ay tunay na kadugo. Kahit ‘di pa niya aminin, halata naman ‘di ba? Lalo pa tayong mga Pilinong bading, madaling nakakaamoy ng kung sino ang berde din ang dugo.

Madalang lang akong nakakapanood ng TV at noong nakita ko si Adam noon, hayun agad, nasabi kong bakla siya.

Ang dami ng bakla sa mundo. Kumokonti na lang ang mga lalake. Mataas na ang kumpetisyon. Andiyan pa ang mga sumpang mga babae, ayon pa kay Friendship.

Bakit nga ba marami na ang bakla ngayon? O bakit nga ba dumadami ang mga bakla?

Isang araw, nag-almusal ako dito sa Metrodorm. Itlog at hotdog ang ulam. Ang laswa. Para na rin akong kumain ng titi at bayag.

Hotdog at itlog – kawangis ang inaasam-asam ng mga bakla.

Napatingin din ako sa kutsara’t tinidor. Pahaba ang hugis nila. Parang titi din, pahaba.

Hinawakan ko ang baso ng juice, para na rin akong humawak ng titi.

May nakita ako bote ng mineral water sa kabilang table, pahaba din, at hinahawakan. Nilalapatan pa ng labi at bibig ang dulo nito.

Sumagi sa isip ko ang mikropono. Ganun din. Pahaba. Hinahawakan.

Waffles, ganun din.

Banana cue.

Door knob.

Cellphones, may vibrator.

Batuta.

Talong.

Bolpen.

Lapis.

Ice candy.

At marami pang iba.

Kaya pala dumarami ang mga bading, kasi halos lahat ng mga kagamitan natin, at mga kinakain, ngayon eh hugis nota. Kawangis ng titi.

Masarap ba ang titi?
Zang Caesar
Noong kabataan ko, ni hindi man ako nagkaroon ng ni isang stuff toy. Siguro dahil natatakot ang mga magulang ko noon na tuluyan akong maging bakla.

Sa pagkakaalala ko, ang naging laruan ko lang noon na bili ng papa ko ay yung mga maliit na trucks. At isang matchbox. Lahat yun pinag-aagawan pa naming dalawa ng kuya ko kasi share lang kami.

Ewan ko ba bakit ako nakikipag-agawan pa noon sa mga toy trucks. Front ko lang siguro yun para kunwari lalaki talaga ako.

Pero nagkaroon din ako ng paper dolls noon. Yung baon kong limang piso eh inuubos ko sa paper dolls kung hindi man teks ang bibilhin ko. Malaki pa ang limang piso noon—sa halaga at pati na sa hitsura.

“Para sa kapatid ko,” lagi kong sambit noon kapag bumibili na ako noon ng paper dolls kahit ‘di naman tinatanong ng tindera. Defense mechanism.

Ang totoo, ako talaga ang nakikinabang doon. Mahilig kasi ako noon gumawa ng mga disenyo ng damit na siyang pinapasuot ko sa mga paper dolls.

Ang bakla talaga!

Ilang beses na rin akong nakikita ng papa ko na naglalaro ng mga ganun at gumuguhit at gumugunting ng mga dinesenyo kong damit, pero kiber lang siya.

Ngayong dalaga na ako, iba namang laro ang nilalaro ko.

Wag ka ngang bastos! Iba iniisip mo eh!

Mga stuff toys naman mga kalaro ko ngayon. At, take note, lahat ng mga stuff toys ko ngayon eh bigay ng mga naging boylets ko.

stuffed toys, kitty, teddy bear, tweety bird, Dell XPS M1330 laptop, bear hugsStuffed toys: ang kuting ni Derek, ang oso ni Franco, at ang ibon ni Paolo.

Si Ken, ang first love ko, binigyan niya ako ng tutang stuffed toy.

Si Derek, na hiniwalayan ako noong Marso, kuting naman ang stuff toy na binigay niya.

Si Franco, na tinigilan ko nang makipagkoneksiyon noong Abril, oso naman ang binigay na stuff toy.

Si Paolo, na kakabreak lang naming noong Mayo, eh ibon naman ang binigay, si Tweety.

Ano ba tingin nila sa akin?

Gusto ba nilang gumawa ng zoo?

Mukha ba akong hayop?